C2- WE

2090 Words
"Teka! Ikaw iyong DJ sa Club III, hindi ba?" manghang tanong ni Irene rito. "Siya nga, Irene," sabad naman ni Rachel. "Ahmm, oo. Ako nga," amin naman nito ngunit sa kanya nakatutok ang mga mata nito. "Hi! Kumusta ka na?" walang kurap na bati nito sa kanya na labis niyang ikinagulat. Nahigit niya ang kanyang paghinga sa diretsong pagbati nito. Kasabay nito ang pag-atake ng kaba sa kanyang dibdib na halos dinaig niya pa ang tumakbo ng ilang kilometro sa mga sandaling iyon. Maging sina Rachel at Irene ay ganoon din. Dahilan na lumingon ang mga ito sa kinaroroonan niya nang marinig ng mga ito ang pagbati kanya. "K-Kilala mo siya, Ate?" takang tanong sa kanya ni Irene. Sunod-sunod ang naging paglunok niya ng laway nang marinig niya ang tanong na iyon sa kanya ni Irene. Pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang dibdib dahil lalo pa itong domoble sa bilis. Nakilala ba talaga siya nito? Imposible naman yata. Nataranta siya bigla at hindi alam kung ano ang gagawin niya. Aamin ba siya? O, magpanggap na lang na hindi niya ito kilala. Lalo pa't kinakabahan pa rin siya at parang hindi na yata ito humuhumapa sa bilis. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya kay Irene, gayung nakatingin rin sa kanya ang lalaki. Na tila ba hinihintay ang kanyang pag-amin. 'Bwisit naman kasi. Sa dinami-dami manghihiram, bakit ang lalakeng 'to pa?! Kainis!' sa isip-isip niya. "Paano naman siya makilala ni Ate Mariel, kung isang beses lang naman siya sumama sa atin, 'di ba? At last month pa iyon, Irene," biglang singit na sagot ni Rachel kaya nabunutan siya ng tinik sa kanyang dibdib. Nakahinga siya bigla ng maluwag nang si Rachel ang sumagot sa nakaka-tense na tanong na iyon ni Irene. Tumingin ulit siya sa lalakeng nasa labas. Nag-init kaagad ang pisngi niya nang nakatingin pa rin ito sa kanya na hindi man lang yata kumurap. "Tama. Hindi nga kami magkakilala," sa halip ay sabi rin nito kay Irene pero nanatili pa rin ang tingin nito sa kanya na para bang alam nito ang nasa isip niya. "Mukhang napagkamalan ko lang siya. Kamukha niya kasi...iyon.." pasuspense pang dugtong nito. Nakipagtitigan rin siya dito. At gano'n na lamang ang pamimilog ng mga mata niya nang mapagtantong, hindi naman pala ito sa mukha niya nakatingin. Kundi sa dibdib niyang bakat na bakat sa suot niyang sando. 'Ay, yawa!' hiyaw niya sa kanyang isipan at mabilis na kinuha ang unan na nasa sofa at agad itong itinakip sa kanyang dibdib. Tiningnan niya ito nang masama. Ngunit ang manyakis na ito ay nginisihan lang siya na halatang natutuwa pa sa mabilis niyang reaksyon. Pakiramdam niya ay konti na lang at puputok na ang mukha niya sa sobrang init nito. "Bastos!" sigaw niya sabay talikod at nagmamadaling pumunta sa kanyang kwarto. Pabalya niya pang isinara ang pinto para malaman ng lalakeng 'yon, na hindi siya natutuwa sa ginawa nito. Pakiramdam niya ay dumoble pa yata ang kaba sa kanyang dibdib nang dahil sa lalakeng iyon. At sobrang init pa rin ng kanyang mukha dahil sa pasimpleng ginawa nitong pang-eye raping sa dibdib niya. s**t! Naisahan na naman yata siya ng Adonis na 'yon. "Ah! Nakakainis talaga!" Mahinang hiyaw niya at pabagsak na ibinaba ang mga hawak niya. Napaisp siya bigla dahil sa dami ng kapitbahay nila, ay sa kanila pa talaga nito naisipang manghiram? 'Kainis!' nanggigil niyang sabi sa isip. Humugot siya ng hangin at tumingin sa mga dinampot niyang wallet at envelope kanina. Kaagad niya itong kinuha at binalik sa closet pagkatapos ay humiga ulit sa kama dahil gusto pa talagang niyang matulog. Gusto niyang sulitin ang buong araw niya sa pagtulog dahil bukas, ay sasabak na naman siya sa walang tigil na pagtatrabaho sa opisina. Pero okay lang, kasi malaki naman ang pa-sweldo ng kumpanyang pinapasukan niya. Hindi na siya lugi sa isang taon niyang pagtatrabaho sa MONTREAL COMPANY. Dahil malaki rin naman ito kung mag-pasahod at hindi kagaya ng dating kumpanya na pinapasukan niya, na sobrang pagod na siya tapos maliit pa ang kanyang sweldo. Ilang minuto na siyang nakahiga pero hindi pa rin siya nakatulog. Paiba-iba na rin siya ng pwesto sa higaan pero mukang hindi na talaga siya makatulog pa. Sa tingin niya, ay malabo na talaga siyang makatulog pa. Dahil ang isip niya, ay nasa labas pa rin. Nasa lalakeng iyon. Sa Adonis na naka-one night stand niya. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Pero iba ang kutob niya sa pagpapakita ng Adonis sa kanya ngayon. Alam niyang namukhaan siya nito dahil malugod itong bumati sa kanya. Lalo pa't wagas ito kung makatingin sa kanya. Para bang lulunukin na lang siya nito at hindi na kailangan pang nguyain pa. Mukhang kailangan niyang maghanda sa susunod na mga araw dahil baka maulit na naman ang nangyari sa kanila noong nakaraang buwan. At iyon ang ayaw niya nang mangyari pa at baka mabigo niya ang kanyang pamilya. Maya-maya ay biglang sumagi sa kanyang isipan na baka sinabi nina Rachel at Irene dito na magkasama sila sa isang bahay at kung saan sila nakatira? "Umayos talaga kayo, Rachel at Irene. Dahil sinasabi ko sa inyo...kakalbuhin ko talaga kayo!" inis niyang bulong at muling nag-isip. Pero bigla siyang napadilat nang maalala niya ang sagot ni Rachel kanina kay Irene. Na ang ibig sabihin lang ay safe pa rin ang isang gabing namagitan sa kanila ng Adonis. Dahil nga, inakala talaga nitong hindi niya ito nakita. At isa pa, mukhang hindi pa magkakilala ang mga ito kahit laging pumupunta ang dalawa sa Club kung saan DJ pala ang Adonis doon. Kaya impossible ang nasa isip niya. Masyado lang siyang praning at advance mag-isip. Naalala rin niyang sumagot din ang Adonis kanina kay Irene na hindi nga sila magkakilala. Kaya safe na safe talaga ang namagitan sa kanilang dalawa. Walang nakakaalam bukod sa kanilang dalawa. At nang maisip iyon, napanatag ang kanyang loob. Dahil sa maling hinala niya. "Ano, Mariel, kaya pa? I-kain mo na lang 'yan at baka nalipasan ka lang ng gutom." sermon niya sa kanyang sarili nang makaramdam ng gutom. Kaya naisip niyang tumayo na at maligo na lang para kumain na ng almusal. Dahil mag-tatanghalian na at wala pang laman ang kanyang tiyan. Kaya kung anu-ano na lang ang naiisip niyang kapraningan nang makita ang Adonis na iyon. Kaagad niyang kinuha ang tuwalya at lumabas muli sa kwarto para maligo sa banyo. Nag-iisa lang ang banyo sa bahay na inuupahan nila kaya naman nasa labas ito ng mga kwarto nila para pare-pareho nila itong magamit. Naisip niyang sumilip muna sa may pintuan para siguraduhing wala na roon ang Adonis. Nang hindi niya ito makita roon ay naging kalmado na rin ang dibdib niya. Ngunit napansin niyang medyo tumahimik ang buong kabahayan at pati sina Rachel at Irene ay hindi niya nakikita sa sala kung saan niya iniwan ang mga ito. Kaya naman mabilis niyang tiningnan ang mga kwarto nito at silipin kung naroon lang ito. Ngunit ganoon na lamang ang pagtataka dahil wala ang mga ito sa kwarto. "Nasaan na naman ang mga 'yon?" Napasimangot siya bigla dahil iniwan na lang siya ng mga ito basta-basta at hindi man lang nagsasabi kung saan ang mga ito pupunta. "Hay naku! Mga laboy talaga! Sarap itali at ibitin patiwarik!" nanggigil niyang saad. Naisipan niyang i-lock muna ang pinto dahil maliligo siya at baka may pumasok na magnanakaw sa bahay nila. Uso pa naman sa kanilang lugar ang nakawan, lalo na at maraming adik sa lugar nila. Isasara na sana niya ang pinto nang makarinig siya ng malalakas na tawanan sa kabilang bahay. At kilalang-kilala niya kung sinu-sino ang nagtatawanan. "Lintik talaga ang dalawang 'to! Kay aga-aga, chismis agad!" asar niyang sabi nang mabosesan niyang sina Rachel at Irene ang mga ito. Kaya imbes na maligo, lumabas muna siya at pumunta sa kabilang bahay. Itinakip niya muna ang tuwalya sa kanyang harapan para takpan ang mayabang niyang dibdib. Habang papalapit na siya sa bahay, ay napakunot ang kanyang noo nang marinig niyang hindi lang sina Rachel at Irene ang nagtatawanan dahil may mga boses lalaki rin siyang mga naririnig. "Malandi talaga 'tong dalawang 'to! May boyfriend na lahat-lahat ay nakuha pa talaga ang mang-lalaki!" gigil niyang bulong sa sarili at malalaking hakbang na pinuntahan ang bahay kung saan naroon ang mga ito. Kakatok na sana siya sa may pintuan nang matigilan at mapakunot ang noo nang marinig niya ang maganda niyang pangalan na binanggit ng Adonis. "Mariel ba ang totoong pangalan niya?" Tumaas ang kilay niya nang marinig niya ang tanong nito. 'Teka! Dito siya nakatira?' tanong niya sa isip at nakikinig pa sa usapan. Naisipan niyang hindi na muna kakatok at pakinggan muna kung ano pa ang susunod na itanong ng Adonis tungkol sa kanya. Idinikit niya ang kanyang sarili sa may pinto para malinaw niya itong marinig. "Mariel Samonte ang totoong pangalan ni Ate," sagot naman ng bruhang si Rachel kay Adonis. Lalo siyang napasimangot nang sinabi pa talaga nito ang pangalan niya. "Ilang taon na siya?" muling tanong nito na ikinataas lalo ng kilay niya. "Ano 'to interview lang?" mahinang usal niya sa sarili at patuloy pa rin sa pakikinig. Daig niya pa ang pinaka-tsismosang kapitbahay nilang si Ate Bebe na pumansin sa kanya kani-kanina lang sa ginagawa niya ngayon. "Thirty-five na siya noong nakaraang buwan." Narinig niyang si Irene naman ang sumagot sa tanong na iyon. "Talaga naman, oh!" aniya at nakasimangot na sa kadaldalan ng dalawang nasa loob. "Hay naku! Malandi na, mga tsismosa pa! Humanda talaga kayong dalawa sa akin mamaya. Kakalbuhin ko talaga iyang ibaba niyo, pag-uwi niyo mamaya," galit niyang sabi sa sarili at halos mag-isang linya na ang mga kilay niya sa mga naririnig. Babalik na sana siya sa bahay at doon na lang hintayin ang dalawa para gagantihan ito. Pero muli siyang natigilan sa hindi inaasahang pangatlong tanong ng Adonis tungkol sa kanya. "May boyfriend na ba siya?" tanong nito na halos tumigil siya sa paghinga dahil na-curious siya kung ano ang isasagot ng dalawa rito. Pakiramdam niya ay mabibingi na siya sa sobrang lakas ng t***k ng puso niya na dinaig pa yata ang tambol sa sobrang lakas nito. At halos maubusan na siya ng hangin sa baga dahil ang tagal pang sumagot ng dalawa. Parang nang-aasar lang! "Sino? Si Ate Mariel?" narinig niyang balik tanong ni Irene dito. "Y-yeah.." tugon naman nito sa malalim na boses. 'Wow! Ang hot ng boses! Char.' Manghang komento niya sa isip. Muli siyang nakinig at halos sasabog na ang dibdib niya sa pagpipigil ng kanyang hininga. Para lang malinaw niyang marinig kung sino ang sasagot kina Rachel at Irene sa tanong na 'yon ng Adonis. "Ahm, never mind! Sige, maiwan ko muna kayo rito at bibili lang ako ng makakain natin," biglang sabi nito na ipinagtataka niya. Nang marinig ito, nakahinga siya ng maluwag. Pero agad din siyang nataranta bigla nang maalala niyang lalabas nga pala ito para bumili ng pagkain. Kaya bago pa siya makita roon na nakikinig sa usapan, mabilis siyang kumaripas ng takbo pabalik sa kanilang bahay at agad na pumasok sa loob saka malakas na sinarado ang pinto. Hingal na hingal pa siyang napasandal sa likod ng pinto at napahawak sa kanyang dibdib. "Hoo! Muntik na ako doon, ah!" hiyaw niya at bumuga ng hangin. Pupunta na sana siya sa banyo nang makarinig ng mahinang pangangatok sa pinto. Napaisip siya at natigilan. "Sino 'yan?" tanong niya ngunit hindi ito kumibo at patuloy lang ito sa pagkatok. "Rachel? Irene?" tawag niyang patanong sa dalawa. Ngunit ganoon pa rin kaya nainis na siya at binuksan na lang ito. At gano'n na lamang ang paglaki ng mga mata niya kung sino ang kanyang napagbuksan. "Hi!" bati sa kanya ng Adonis na siyang kumakatok sa pintuan nila. Hindi siya kumibo at nakatingin lamang dito. Pero ramdam na naman niya ang mga alaga niya sa kanyang dibdib. "Mariel, right?" muling tanong nito na siyang ikinataas ng kilay niya. "Bakit? Ano na naman ba ang hiramin mo? Dustpan?! Wala kami no'n!" mataray niyang sabi na dahilan na ngumisi ito. 'Ay, baliw yata 'to! Tinarayan ko na, ngumisi lang!' Ngunit maya-maya ay nagsalubong ang mga kilay nito. "Bakit mo 'ko iniwan? Ang sabi ko, mag-usap tayo, 'di ba?" may bahid na inis na tanong nito. "Hindi kita kilala!" suplada niyang pagsisinungaling at isasara na sana niya ang pinto ngunit mabilis nitong hinarang ang kamay. "Ano ba! Sinabi nang hindi kita kilala!" patuloy niya sa pagsisinungaling. "Gusto mo bang ulitin natin, para makilala mo 'ko?" nakangising sabi nito na siyang dahilan na magiging abnormal lalo ang dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD