C1- WE

1575 Words
ONE MONTH LATER… "Ate, Mariel! Gising! May nasusunog! Ate! Ate, gising may nasusunog!" Napabalikwas ng bangon si Mariel dahil sa narinig niyang malakas na pagtawag sa kanyang pangalan. Kaya agad siyang tumayo para pumunta sa closet at mabilis niyang dinampot ang kanyang bag pati envelope na mayroong requirements niya bago tumakbo palabas ng kwarto. Ni hindi na siya lumingon pa at dire-diretso na siyang lumabas ng bahay na halos matumba pa siya sa hilo, dahil sa nanghihina niyang katawan. Nakalabas siya ng bahay na sabog-sabog pa ang kanyang buhok at walang tsinelas na suot. Ngunit, bigla rin siyang napatigil nang makitang tahimik ang buong kapaligiran at walang nakikitang mga taong nagtatakbuhan na may kanya-kanyang dalang gamit para lang may maisalba ang mga ito. Walang maitim na usok na nagmumula sa bahay na nasusunog. Mga sumisigaw na mga kababaihan at mga batang nagmamadaling makalayo sa lugar para iligtas ang kanilang mga sarili. At ang pinakahuli, ay ang bumbero na maingay na rumiresponde tuwing may nasusunog. Agad siyang napasimangot nang ma-realize niyang pinag-trip-an lang pala siya nina Rachel at Irene. Kaibigan at kasama niya ito sa inuupahang bahay kung saan sila nakatira ngayon. Lumingon siya sa paligid para tingnan kung may mga taong nakatingin sa kanya pero wala siyang makita kaya naisip niyang pumasok na agad para komprontahin ang dalawa. Letse talaga 'tong mga babaeng ito. Minsan na nga lang akong makatulog nang mahaba pinag-trip-an pa! asar na asar niyang sabi sa sarili. Papasok na sana siya nang mapansin siya ng kapitbahay nilang si Ate Bebe. "Oh, Mariel! Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit ganyan ang itsura mo? Okey, ka lang ba?" sunod-sunod na tanong sa kanya ni Ate Bebe kaya napahinto siya at nilingon ito. Lumapit ito sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Ah, opo, Ate Bebe. May hinahanap lang po kasi akong hikaw dito na kagabi pa nawawala," pagsisinungaling niya rito habang hawak niya ang kanyang kanang tainga para kapani-kapaniwala naman ang kanyang naisip na alibi. "Ah, gano'n ba? Saan mo banda naiwala?" tanong nito sa kanya na ikinalaki ng mata niya. Dahil mukhang tutulungan pa yata siyang maghanap nito nang umupo ito ng bahagyang at tumingin sa semento. Nanlaki ang mata niya nang makitang sineryoso talaga nito ang kasinungalingan niya. Kaya naisipan niya muling magsinungaling para awatin ito sa paghahanap at baka mabuko pa siya nito ng wala sa oras. "Ay, Ate Bebe, okey lang po at baka hindi po rito iyon nahulog. Baka nasa loob lang! O, kaya nasa higaan ko lang," muling pagsisinungaling niya para awatin ito sa paghahanap. Tumayo naman ito at ngumiti sa kanya. Ngunit nakita niyang tumingin na naman ito sa hawak niyang bag at envelope. At sa tingin niya ay magtatanong na naman ito kung bakit bitbit niya pa ang mga iyon. Kaya bago pa mangyari iyon ay mabilis na siyang nagpaalam rito. "Sige po, Ate. Papasok na po ako," paalam niya rito bago tumalikod at nagmamadaling bumalik sa loob ng bahay para hanapin ang dalawang bruhang malakas mang-trip sa kanya Habang naglalakad ay nag-iisip siya kung paano makaganti sa dalawa. Pinagkakaisahan siya ng mga ito para i-prank mabuti na lang at wala siyang pasok ngayon dahil araw ngayon ng linggo. "Humanda kayo sa akin! Malilintikan ko talaga kayong dalawa. Pipitikin ko 'yang mga tinggil niyo!" mariing bulong niya at padabog na pumasok sa loob ng bahay. "Rachel! Irene! Letse kayo! Minsan na nga lang akong makatulog ng mahaba pero pinag-ti-trip-an niyo pa ako?! Lumabas na kayo bago pa ako magalit!" asar niyang sigaw sa dalawa nang hindi niya na ito makita at sa tingin niya ay pinagtataguan na siya ng mga ito. "Lumabas na kayo! Bibilang ako!" Patuloy pa rin siya sa pagsigaw sa dalawa ngunit mukhang wala itong balak na lumabas kung saan man ito nagtatago. "Isa! Dalawa! Tat--" "Sorry na, Ate! Namimiss ka lang naman namin ka-bonding!" tatawa-tawang sabay bigkas ng dalawa nang lumabas na ito sa pinagtataguan. Pinaningkitan niya ito ng kanyang mga mata. "Ano ba ang problema niyong dalawa? Siguro, nakipag-break na naman kayo sa mga boyfriend niyo, no? At dinamay niyo pa talaga ako?!" kunwari ay galit niyang sabi sa mga ito. "Nope! Faithful sa akin si Dave, Ate. Baliw na baliw sa akin 'yon, e!" mayabang na sagot ni Irene. Si Dave ay matinong boyfriend ni Irene at kung tama siya ng iniisip ay mag-isang taon na ang mga ito na magkasintahan. "E, ikaw, Rachel? Kumusta na kayo ni Jerome?" Baling niya kay Rachel at ang tinutukoy naman niya ay ang boyfriend nitong Jerome na babaero, feelingero pero hindi naman gwapo ngunit mahal na mahal ng babaeng 'to! Bigla na lang itong umiyak sa tanong niyang iyon. Napapikit na lang siya at nilapitan ito. Niyakap niya ito nang mahigpit. "Shhh. Tahan na, Rachel. It's okay. Ano ba ang problema niyo? Sabihin mo sa amin para matulungan ka namin, hhmm?" malambing niyang tanong dito habang hinahaplos ang likod nito. "A-ate, Mariel," ganting yakap nito sa kanya at humahagulgol ng malakas. "Sige, kung hindi ka pa ready. Saka mo na lang sabihin, okay? Basta, narito lang kami palagi ni Irene. Tandaan mo yan," mahinahon niyang wika rito. Wala siyang ideya kung ano ang nangyari kina Rachel at Jerome. Pero napapansin niya nitong mga nakaraang araw ay palagi na lang nagtatalo ang dalawa. Kabaligtaran naman kina Irene at Dave na animo nilalanggam na sa ka-sweetan. Siya na lang ang nahihiya kapag nag-papalitan ito ng I love you sa isa't-isa at sa mismong harapan niya pa. Pakiramdam niya ay sinasadya talaga ng dalawa kapag nasa paligid lang siya. Dahil nilalakasan pa ng mga ito habang ang tingin ay nasa kanya at pagkatapos ay sabay na nag-tatawanan kapag nakitang nakasimangot na siyang nakatingin sa mga ito. Bigla niyang naalala ang Adonis na naka-one night stand niya noong nakaraang buwan. Magmula nang mangyari iyon, ay hindi na muli siyang sumama kina Rachel at Irene na pumunta pa sa Club na 'yon. Dahil baka muli silang magkita ng Adonis at iyon ang ayaw niyang mangyari. Ni isa ay walang nakakaalam sa mainit na gabing iyon dahil hindi niya kinukwento sa iba ang nangyari sa kanila ng Adonis. Maging kina Rachel at Irene ay hindi niya rin sinabi na nakipag-one night stand siya no'ng gabing iyon. Dahil ayaw niyang may maka-alam na iba. Mabuti na lang at tulog na ang mga ito no'ng makauwi siya sa bahay. Minsan sumagi sa isip niya na paano kung isang araw ay magtagpo muli sila ng Adonis? Mamumukhaan pa kaya siya nito? Maalala pa kaya nito ang nangyari sa kanilang dalawa? Dahil siya ay halos gabi-gabi niya itong napapanaginipan. Tandang-tanda niya pa ang mukha nito. Ang katawan nitong may mayroong tattoo na umabot pa sa braso. Lalong-lalo na ang nangyari sa kanilang dalawa. Kung paano nito ipinaranas sa kanya ang tinatawag nilang bawal dahil hindi naman sila mag-asawa. Lalong-lalo na hindi rin sila mag-boyfriend pero nagawa nila ang isang bagay na pareho nilang ginusto. Tama ito sa sinabing most unforgettable moment ang gabing iyon dahil ni isa ay wala siyang makalimutan. Kung paano siya nito tinuruang humalik hanggang sa nauwi sila sa mainit na pagniniig. Kailanman ay hindi niya pinagsisihan na ipinagkaloob niya ang sarili sa Adonis na iyon. Ang gusto lang naman niya ay may maganda siyang maalala hanggang sa pagtanda niya. Na minsan may isang gabing naging masaya siya. NBSB siya kung tawagin pero ni minsan ay hindi siya napipikon dahil pinili niya ang maging gano'n. Simula nang akuin niya ang responsibilidad ng kanyang ama ay hindi na siya umaasa na maging makulay ang lovelife niya lalo pa ang magkaroon ng boyfriend. Kaya nga hindi na niya pinagkaabalahan pa na alamin ang pangalan ng Adonis at baka maging stalker lang siya nito sa social media kapag nalaman niya pa ito. Panigurado iyon, kaya siya na rin ang kusang umiiwas dito dahil hindi niya maipapangako sa sarili ang maging marupok muli kapag magkita ulit sila nito. Iyon din ang dahilan kung bakit todo tanggi siya kapag niyaya siya nina Rachel at Irene na pumunta ulit sa Club na 'yon dahil ayaw na niyang maulit ang gabing iyon. Tama na sa kanya ang isang beses na nangyari sa kanilang dalawa at baka hindi niya na kayang tuparin ang binitiwang pangako niya sa kanyang pamilya na i-aahon niya ito sa kahirapan at lahat ay gagawin niya para matupad iyon. Maya-maya lang ay napatigil siya sa pag-iisip nang marinig niya ang sunod-sunod na pagkatok sa may pintuan nila. "Ako na, Ate," suhestiyon ni Irene at agad nitong tinungo ang pintuan para alamin kung sino ang taong kumakatok sa pintuan. "Yes? Ano ang kailangan nila?" tila nahihiyang tanong ni Irene sa taong nasa labas na siyang kumakatok sa pintuan. "Hi! Pwede ba akong makahiram ng walis? Kung okay lang sana. Pasensya na kakalipat ko lang kasi ngayon." Gano'n na lang ang pagtahip ng kanyang dibdib nang marinig niya ang pamilyar na boses na siyang kausap ngayon ni Irene sa labas. Hinding-hindi siya pwedeng magkamali. Isang buwan man ang lumipas ngunit hindi niya makalimutan ang boses na 'yon. Ang boses na 'yon na lagi niyang naririnig tuwing maaalala ang mainit na gabing iyon. Pero gusto niyang makasiguro kung ito nga ang lalaking iyon. Kaya sandali siyang bumitaw kay Rachel at dahan-dahang lumingon sa may pintuan. Para lang mapako sa kinatatayuan niya nang makita at makompirma niya ito. Hindi nga siya nagkamali dahil ito nga ang Adonis na 'yon. Ang Adonis na naka-one night stand niya noong gabing kaarawan niya na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD