bc

Seducing The Elusive Billionaire (TAGALOG R-18+)

book_age18+
32.0K
FOLLOW
275.5K
READ
billionaire
possessive
sex
CEO
maid
drama
bxg
humorous
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

DAILY UPDATE | BSERIES #3 (Ryker Huston)| R-18+ Mature Content |

PAANO mo maaakit ang isang matinong lalake?

Handang gawin ni Melendice ang lahat para kay Ryker Huston sa kadahilanang gusto itong maging kabiyak. Matagal niya na itong sinubok na akitin pero laging bigo dahil hindi ito kagandahan ngunit may magandang pangangatawan. Subalit dumating pagkakataong magsasama sila sa isang bubong para manilbihang katulong. Ngunit hindi siya binibigyang pansin dahil mas'yadong mailap ang binata.

Maaakit kaya n'ya ang lalakeng walang interes kahit sino ka pang babae? Paano na lang pag nagising ang kaniyang mapusok na pagnanasa? Mauuwi ba sa pagmamahalan o sa pampainit lang ng katawan?

Melendice Reeva, The Seducer.

Ryker Huston, Her Target.

©cherryypinks

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
TAHIMIK kong tinatahak ang daan patungo sa mansyon habang pinagmamasdan ang nakakaakit na paligid. May nakita akong dalawang naglalakihang fountain sa kaliwa't kanan at may nakapalibot pa na pink roses pero halatang galing ibang bansa dahil hindi pa ako nakakita ng rosas na malalaki ng mga petal. Parang alagang-alaga pa dahil naka-pulverized ang lupa. Wala rin akong makitang kahit isang dahon o kalat sa Bermuda grass at ang kalayuan ay pinapalibutan ng mga puno kaya fresh na fresh ang lugar na 'to. Hila-hila ko ang maleta ko na naglalamang personal na gamit dahil ang araw na 'to ang isa sa pinakamagandang mangyayari sa buhay ko. Lumipat na ako ng pagtatrabahuhan at s'yempre hindi naman ako basta umalis na walang dahilan. Napatitig ako sa malaking mansyon na pamamayari ng pamilya ni Mister Huston. Hindi ko naiwasang mapangiti sabay binilisan ang mga hakbang para makapasok na sa malaking bulwagan. HUMINTO ako sa bungad ng main door sabay sumilip sa ground floor. Doon ko nakita ang mga maids na abala sa paglilinis at nakasuot na sila ng uniporme. Kung titignan ng maigi, parang mas pormal yata ang attire rito kaysa sa mansyon ni Mister Damion at pang-gothic style ang outfit ng maids. Naka mahabang itim na palda na hanggang binti tapos white long sleeve ang pangitaas at napansin ko ring parehas sila ng ayos ng buhok. Naka-pony tail rin silang lahat at may malaking puting ribbon na nakabigkis sa gitna ng buhok banda. Hawa-hawak nila ang feather duster at mahinhing inaalisan ng alikabok ang mga gothic paintings sa kaliwang bahagi ng pader. Mukhang mahilig yata sila sa makalumang disenyo ah, hindi katulad sa mansyon ni Mister Damion na pang moderno ang lahat ng bagay na nakikita ko. May dalawa rin akong natanaw na naglalakihang hagdan sa kaliwa't kanan tapos nasilip ko pa sa gitna na parang daan 'yon papunta sa swimming pool dahil mula rito sa kinatatayuan ko, natatanaw ko ang kulay asul na tubig. "Who are you?" "Anak ng kabayo!" Napahawak ako sa sarili kong dibdib nang may sumulpot bigla sa harapan ko. "Do I look like a horse to you?" Isang barito ngunit pormal na boses ang narinig ko. Agad ko namang inangat ang titig sa lalakeng sumulpot at bahagyang umawang ang mga labi ko nang masilayan ko ang mukha n'ya. Napalunok na lang ako dahil bumulagta sa'kin ang isang maputi at matangkad na lalake. Nakasuot s'ya ng black tuxedo at white gloves, parang natulala ako habang pinagmamasdan s'ya dahil ang tangos din ng ilong n'ya at ang mga labi, parang hinalikan ng isang daang anghel. Ang katawan naman, parang kay Mister Freed dahil slim na malaman. "Hey, are you listening to me?" Umiling agad ako ng sunod-sunod dahil pananaksil 'to kay Mister Huston! "O-OO naman 'no! Sino ka ba at para kang kabuteng sumusulpot sa harapan ko!" singhal ko sabay tinaasan s'ya ng kilay. Nakita kong bumaba taas ang mga mata n'ya na parang kinikilatis ang buong katawan ko habang nakasalpok ang makakapal n'yang kilay. "It seems you're not a visitor here, so let me guess..." Pinako n'ya ang atensyon sa mukha ko. "You're late, Miss Reeva," madiin n'yang saad sa malalim na boses. "This is your first day but you're 11 minutes late!" bulyaw n’ya pa sa'kin. "Aba't sino ka para sigawan ako ha?!" sigaw ko rin at nasilayan ko agad ang kakaibang ngisi n'ya sa labi. "I'm Hugo Thiago, the butler of this mansion," taas noo n'yang sagot kaya napa-tikom kaagad ang bibig ko. "And you, you're the new maid here. I hate when someone destroyed my time management and how brave of you to raise your voice in front of me?" mariin n'yang tanong kaya nilabas ko agad ang ngipin ko para ngisihan s'ya. "He... he... mas'yado naman kayong seryoso, Mister Hugo sorry na po agad," mahinang saad ko sabay napakamot sa batok. "Apology unaccepted. When you're apologizing, bow your head and the tone must be low. You are lack of personality, Miss Reeva.” Agad akong yumuko sa harapan n'ya. "No, it must be 90 degree angle!" Mas lalo ko pang niyuko ang ulo ko dahil sa singhal n'ya. Napapikit naman ako ng mariin dahil napakastrikto naman dito. "Sorry I am late, Mister Hugo," pormal kong saad sabay inayos na ang tayo ko. "And..." Sinalpok ko naman ang kilay ko dahil may idadagdag pa ang supladong butler na 'to! Napansin kong parang kinilatis n’ya pa ang buong katawan ko na para bang may hinahanap s'yang mali tapos... "What an awful dress! Don't show your melon—no, watermelons in front of me." Kinagat ko agad ang ibabang parte ng labi ko dahil ang sarap hambalusin ang guwapong lalakeng 'to. Naka-dress lang naman ako pero tama s'ya, nakabulagta sa kan'ya ang b0obs ko. "Papalitan ko ho ito mamaya, Mister Hugo," mahinang tugon ko. "You should be, now... follow me and I'll take you in your room," maawtoridad n'yang utos sabay tinalikuran ako kaya sinundan ko na s'ya. "This mansion has many responsibilities, you should wake up early in the morning exact 6 am. Don't be late, that's important. Your works will depend on the work sheet and I'll transmit that every morning. That's why you need get up early before I arrive, wear the uniform regularly and you have 7 pairs in your closet and the payment will be given at the end of month," dire-diretsong saad n'ya habang tinatahak na namin ang malawak na hagdan patungong ikalawang palapag. Napatitig ako sa bawat andana at may red carpet pa talaga. Binitbit ko naman ang maleta ko dahil ang ingay ng kalabog pag hila-hila ko. "The second floor has 3 doors with different purpose, first door is dining room, second is private living room exclusively for Huston's Family only, third is main living room. We can use that for our relaxation.” Binaling ko agad ang aking atens'yon sa magkalayong mga pinto sa hallway nitong ikalawang palapag. Sa bawat pintuan ay may nakalapag na maragang vase sa side table at naka-setup sa magkabilang gilid na naglalamang purple at white tulips. Napaangat naman ang titig ko sa mga nature paintings na dikit sa pader. Hanggang sa tuluyan na naming marating ang ikalawang palapag at doon ko naman nilapag ang maleta sa sahig para mahila ko ulit. "By the way, every Thursday 7 in the morning, there will be flower delivery. Kinakailangang palitan ang lahat ng flower vase sa mans'yon," pormal n'yang saad habang nakabuntot lang ako sa kan'ya. "Saan tayo pupunta, Mister Hugo?" tanong ko bigla. "The Maid's quarters is located at 4th floor, there are 15 of you so the rooms has been prepared. While the other personnel here, their rooms are separated outside of the mansion since they're men," seryoso n'yang tugon kaya napatango naman ako habang patuloy lang s'yang sinusundan. "And the 3rd floors has 5 guestrooms and 5 VIP rooms exclusively for Huston's family members only," pagpatuloy pa n’ya. "Ikaw, saan po ang k'warto n'yo?" tanong ko naman nang umakyat uli kami ng hagdan patungong ikatlong palapag. "I am not belong to the VIP's but I used one of the guestroom here," mabilis n'yang tugon. "Why are you asking me?" "Wala lang, masama ba mag-tanong?" "Stop asking unnecessary questions," seryosong sambit n’ya. "Ilang taon na kayo, Mister Hugo?" hirit ko pa. "Twenty five," maikli n'yang tugon. "Ah, akala ko 45 na kayo," pagbibiro ko sabay tawa ng mahina nang marating na namin ang ikatlong palapag. "I hate rude jokes, it's better to zipper your mouth." Nawala agad ang ngiti ko sa sinabi ng butler na 'to. Mukhang maboboring yata ako dito pero 'di bale na dahil ang importante, makakasama at makikita ko naman si Mister Huston ko~ Tinahak uli namin ang hagdan patungong ikaapat na palapag pero nakita kong may dalawang naglalakihang pinto sa ikatlong palapag at parang 'yon ang sinasabi kanina ng butler na 'to na k'warto ng mga bisita at pamilya Huston. "P'wede po ulit mag tanong?" Binasag ko ulit ang katahimikan maliban sa mga tunog ng takong ng sapatos namin. "You're already asking me." Palihim naman akong bumunga ng hininga dahil parang magkamag-anak sila ni Mister Huston at ang sungit din. "So, p'wede nga po ba ako magtanong?" pangungulit ko pa. Narinig ko bigla ang marahas niyang buntong hininga na tila naiirita. "No," mariin n'yang tugon. "Okay sabi n'yo eh, pero saan si Mister Huston? Umuuwi ba s'ya rito? Palagi ba s'yang namamalagi rito? Saan banda ang k'warto n'ya?" sunod-sunod na tanong ko. "I don't know," malamig n'yang saad kaya gumusot naman kaagad ang mukha ko. "It seems you're interested to him, but it's better for you back off.” Kumunot bigla ang noo ko habang pinagmamasdan ang likod n'ya. "At bakit? Kaya nga ako andito para sa kan'ya tapos... back off?" saad ko nang marating na namin ang ikaapat na palapag. Napahinto agad ako sa paghakbang nang napatigil s'ya sabay hinarap ako at nag-cross arms pa. Inagat ko s’ya ng titig at mas lalong kumunot ang noo ko nang tinaasan pa ako ng kilay. "A-Anong klaseng tingin 'yan, Mister Hugo?" Hindi ko alam kung bakit ako nautal. "Do you like him?" seryosong tanong n'ya at umiba pa yata ang porma ng kilay n'ya dahil sumalpok na ang mga ito. "O-Oo, bakit may problema ba?" Tinaasan ko s'ya ng kilay pero, umagaw sa atens'yon ko ang ngising unti-unting gumuguhit sa gilid ng kan'yang labi. "The feeling is mutual, sis."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
571.9K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.0K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
56.1K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
235.9K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
248.3K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook