CHAPTER 4

1657 Words
NAPA-KAMOT na lang uli ako sa sariling buhok na'ng dahil sa walang ganang sagot ng lalakeng 'to. "Siguro, mag-kapatid kayo ni Mister Huston 'no? Parehas kasi kayong masungit," sabi ko. "No," maikling sagot n'ya sabay kumuha ng magazine na naka-lapag lang sa mesa at mabilis na binuksan. "Kung hindi kayo mag-kapatid... 'e di, kaibigan?" saad ko pa habang naka-pako na ang kan'yang mga mata sa magazine. "No," tugon n'ya ulit sa walang ganang boses kaya napa-tingala ako saglit sa kisame para mag-isip pa ng itatanong sa lalakeng 'to. "Kung ayaw n'yong sabihin... sabihin n'yo na lang po ang pangalan n'yo," pangungilit ko pa sabay binalingan s'ya ng titig na ang atens'yon ay sa magazine pa rin. "Vlad," mahinang sagot n'ya na tila tinitipid ang pag-tugon. "Blood? Ang weird naman ng pangalan n'yo pero ano ang apelido n'yo?" tanong ko pa at bahagya n'yang binaba ang hawak n'yang magazine sabay inangat ako ng malamig na tingin. Nilabas ko naman ang ngipin ko para ngisihan s'ya. "Your pronunciation is wrong, Vlad not Blood. V not B, there's a difference," iretableng paliwanag n'ya sa 'kin kaya tumango naman ako ng dalawang beses. "Vlad, ano po? Ano ang apelido n'yo?" "Huston," mabilis n'yang sagot kaya kumunot kagaad ang noo ko na'ng binaling n'ya uli ang atens'yon sa tinitignan n'ya. "Huston? So it means magkapatid nga kayo pero hindi kayo mag-kamukha, p'wede ba 'yon?" k'westionableng sambit ko at marahas n'yang binaba ang magazine sabay binalingan ako ng titig. "I'm his cousin, Vlad Huston. Happy now?" magaspang n'yang saad sa naiiritang boses kaya nginitian ko ulit s'ya. Pinsan n'ya pala 'tong masungit na lalakeng 'to, may pinagmanahan yata sila. "So, Sir Vlad... p'wede bang malaman kung saan ang pinsan mo? Si... Mister Huston? Nakita n'yo ba s'ya?" sunod-sunod na tanong ko na'ng kinapitan n'ya uli ang baso. "No idea," maikling sabot n'ya sabay ininom ang juice. Napa-sulyap tuloy ako sa Adam's apple n'yang bumaba taas dahil sa pag-lagok, ang sarap tuloy sakalin. "Hindi ko kayo nakita kanina, bago lang kasi ako rito," sabi ko naman. "Then?" Nilapag n'ya uli ang baso at kinapitan ang magazine. "Who are you?" Ngumiti nanaman ako sa tanong n'ya. "Melen, Melendice Reeva Sir Vlad. May asawa na ba kayo?" tanong ko nanaman at narinig kong natawa s'ya ng pagak sabay napa-iling habang naka-tutok lang s'ya sa magazine. "Why? Do you want to apply?" maka-hulugang sambit n'ya kaya kumunot naman ang noo ko do'. "Apply po saan? May trabaho na ako at hindi ako p'wedeng mag-resign dahil baka maunahan ako-" Pinutol ko agad ang susunod na sasabihin ko at tinikom ang bibig. Hindi naman p'wedeng ibulgar ko sa kan'ya kung bakit ako nandito 'no. "No, I mean... you're asking me if I am single or not, right? It means, you are interested to flirt with me, that's common," prangka n'ya kaya napa-kamot naman ako sa ulo sa sagot n'ya. "For your information, tinatanong ko lang kayo kung may asawa na. Hindi naman ibigsabihin na makipag landian na agad," depensa ko kaya natawa uli s'ya ng mahina ngunit pilit. Kahit may landi akong taglay, para sa isang tao lang 'yon. "Is that so? Then good since you're rejected." Kahit hindi ko naintindihan ang nais iparating ng lalakeng 'to, tumawa lang din ako. Magsasalita pa sana ako pero may narinig akong ring ng cellphone. Doon ko nakita na naka-lapag iyon sa mesa at kaagad na dinampot ni Sir Vlad sabay sinagot ang tawag. Ni-loud speak n'ya yata dahil may pinindot lang s'ya sa screen at hinayaan lang sa mesa tapos ay binalik na ang atens'yon sa binabasa. "Yes?" tanong n'ya. "It's me, Huston. I just received the text message of the butler that you're there again, what happened Vlad?" A'yun! Narinig ko na sa wakas ang boses ni Mister Huston sa kabilang linya kaya awtomatiko akong napa-ngiti. Ang ganda sa tainga pakinggan ang malalim n'yang boses. "My Dad fired me while ago but I don't care. Just let me spend my days here, Ryker, if you let me," walang ganang tugon n'ya at narinig kong bumuntong hininga si Mister Huston. "No worries, you can stay but you have to settle the problem about your business." "Yea, I know. I don't want to get frustrated for now, let me hide for a while and don't call my Dad," paalala ni Sir Vlad. "Fine," maikling tugon ni Mister Huston at namatay na ang tawag. Mas lalo tuloy akong na-e-excite na makita s'ya~ "May problema po ba kayo? Ano ang business n'yo?" tanong ko nanaman. "Huston's Perfume Industry and I am a CEO but not anymore. We had 207 branches word wide," sagot n'ya sa 'kin kaya tumango-tango naman ako. "Ganu'n ba? Ang yaman n'yo rin pala-" Napa-hinto ako sa pagsasalita dahil naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng apron ko. "Sandali lang po ah, may tumatawag kasi." Tumalikod muna ako sandali sabay kinapa 'yon sa bulsa ko sabay dinampot. Pumakawala agad ako ng malalim na hininga ng makita ko ang pangalan sa screen kung sino 'yong tumatawag. Pinindot ko ng paulit-ulit ang screen dahil hard touch 'tong cellphone na binigay pa sa 'kin ni Eren na isa sa mga kaibigan ko do'n sa mans'yon ni Mister Damion. Nasira kasi 'yong keypad ginagamit ko kaya gumawa na lang ako ng paraan. Na'ng mapindot ko na, dinikit ko agad sa tenga 'yong screen. "Hello po, 'Nay—" "ANO BA MELEN! NAKAKAILANG RING NA ANG CELLPHONE MO PERO ANG TAGAL TAGAL PO PANG SAGUTIN! KANINA PA AKO TAWAG NG TAWAG NA MUKHANG TANGA!" Kinagat ko ng bahagya ang ibabang parte ng labi ko sa nakaka-binging sigaw ng nanay ko. Halos luluwa ang natirang tutuli ko sa tainga eh. "Pasens'ya na po, 'nay may ginagawa kasi ako kaya hindi ko nasagot agad. Abala kasi ako 'nay alam mo naman po 'yon," sagot ko. "Sinilent mo nanaman ang cp mo 'no?! Hindi ba't ang sabi ko, mag ringtone ka para pag tumawag ako, masasagot mo! Sinasadya mo yata para paghintayin ako 'e!" bulyaw pa n'ya sa 'kin sa matinis na boses pero sanay na ako kahit minsan, nakakasawa na pakinggan at gusto ko na lang p*****n ng tawag. Pero 'pag ginawa ko naman 'yon, baka bitayin ako pag uwi. "Naka-vibrate po ang cp ko 'nay, bawal kasi sa trabaho. Mapapagalitan ako 'pag may kausap ako sa tawag," paliwanag ko naman. "Wala akong pake. Oh ano, ilang araw na lang suweldo mo na. Isang libo ang kukunin mo r'yan ha? Libre naman kasi ang pagkain mo kaya hindi ka naman magugutom. Ang dami kong babayarin ngayon lalo na't wala pang trabaho sina Armin at Ferlyn, naiintihan mo ba? Padala mo agad ha? Naintindihan mo?" dire-diretsong saad n'ya. S'ya nga pala, ang sabi ni Miss Anicah, dito na raw ibibigay ang suweldo ko at sinabihan n'ya na si Mister Huston. Para raw hindi kulang ang ibibigay sa 'kin kaya pumayag naman ako. Bale, dito ko makukuha ang pera na pinagpaguran ko sa mansyon ni Mister Damion. Anim na Araw na lang yata, pay day na. "Oo 'nay, ipapadala ko agad. Kamusta na pala si Kaleb d'yan? Sana wala na s'yang ubo at sipon ngayon," tanong ko. "Ayos naman ang batang 'yon, pinainom ko na s'ya ng katas ng calamansi dahil walang pambili ng gamot." Pero may pang-sugal ka, ayos 'di ba? "Si tatay po?" tanong ko na lang. Kung isisingit ko pa 'yong gusto kong sabihin talaga sa kan'ya, baka hindi na ako makaka-apak ng bahay. "Kakatapos lang mamitas ng gulay para sa pwesto natin. Sige na, 'wag na tayo mag-usap dahil ang dami ko pang gagawin. 'Wag mong kalimutan ang sinabi ko ha? Dapat bago mag alas otso napadala mo na ang pera sa pangalan ko. 'Wag na 'wag kang lalampas sa oras na 'yan," paalala n'ya ulit. "O-Opo 'nay." Pag-katapos no'n ay pinatay n'ya na ang tawag kaya kumawala nanaman ako ng marahas na buntong hininga sabay isinilid na ang cellphone sa bulsa ng apron ko. Ang totoo, hindi ko naman talaga totong nanay 'yon. Hindi ko alam kung saan ang totoo kong mga magulang dahil sa basurahan lang ako galing at malapit ng matigok. Baka, hindi ako kayang buhayin kaya tinapon lang nila ako. Ewan ko pero hindi naman ako galit at magpasalamat na lang dahil humihinga ako hanggang ngayon. Ang hirap-hirap ng sitwas'yon sa pamilya ko dahil ako lang at si tatay ang may trabaho. Kahit hindi n'ya ako totoong anak ay s'ya lang yata ang mabait sa 'kin. Ang dami pa namin sa bahay. May tatlo silang anak, lalake ang panganay at 21 years old na. Ang sunod naman, 20 years old na babae pero maagang nabuntis at kasama n'ya ang kan'yang anak na isang taong gulang sa bahay. Tapos, may anak sa labas si tatay dahil nangibang k'weba. 7 years old na batang lalake na nasa puder namin pero 'yon 'yung batang inaalagaan ko dahil ang masiyahin tapos bibo pa. Oo, ang gulo ng pamilya ko at ako lang yata talaga ang inaasahan. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil pinapakain nila ako dati nu'ng hindi pa nila ako napapakinabangan. Inaamin kong ang sama-sama ng ugali ng ina-inahan ko at minana ng dalawa n'yang anak pero kaya ko pang tiisin. Ako pa, malakas kaya ako kahit minsan, gusto ko na'ng sumuko. Hindi ko pinapakita na nahihirapan ako, kahit hindi ako okay, ngiti pa rin. "MISS MELENDICE REEVA! WHAT ARE YOU DOING?! GO BACK TO WORK! NOW!" Napa-igtad ako sa gulat na'ng umalingawngaw ang malalim na sigaw ni Mister Hugo at kaagad ko s'yang natanaw sa dinaanan ko kanina. Mula rito, kitang-kita kong magkasalubong na ang mga kilay n'ya. Parang angry bird. "Pasens'ya na! Nakipag-usap lang ako rito kay Sir Vlad kaya natagalan!" naka-ngising saad ko pero hindi n'ya ako sinagot at tumalikod na. "You're too honest." Kunot noo kong nilingon si Sir Vlad na cellphone naman ang hawak-hawak n'ya ngayon. "Masama kaya ang magsinungaling, kahit papagalitan ka dapat sabihin mo pa rin ang totoo," sagot ko. "I don't care, just go away."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD