CHAPTER 2

1346 Words
NAPA-TULALA na lang ako nang biglang nag-transform ang barito n’yang boses sa impit ngunit malalim na tinig. “A-A-Anong—“ “Yeah, don’t be surprised. I am a mermaid but I’ve been using my real gender in professional purposes only. Mister Ryker Huston doesn’t know about this so a gentle advise, just keep your mouth shut, okay?” paliwanag n’ya sa impit at malumanay na tinig pero hindi pa rin ako nakurap. Pinagmasdan ko ulit ang postura n’yang parang lalakeng-lalake. Bumaba ang titig ko sa mauugat n’yang kamay. Kahit naka-formal jacket ay mahahalata ko pa rin ang muscles n’ya sa braso. Inagat ko ang tingin ko sa panga n’yang matikas, mas maputi pa s’ya sa ‘kin kaya napapansin ko ang manipis n’yang bigote sa ilalim ng ilong banda. Makakapal rin ang mga kilay at hindi ko ipagkakailang mas mapula ang kan’yang mga labi kaysa kay Mister Huston. Ang pangalan n’ya ay tunog maangas na lalake, ngunit sa kabila ng lahat.... “Would you stop staring at me like that? Gross.” Parang bumagsak ang balikat ko dahil mas maarte pa yata boses sa ‘kin. Hindi naman sa na love-and-first-sight ako sa lalakeng ‘to pero... nasasayangan ako sa lahi n’ya. “S-Sure ka Mister Hugo? B-Bakla ka? Sa katawan at hitsura mong ‘yan? Hindi ka nagbibiro?” sunod-sunod na tanong ko sa kan’ya at narinig kong natawa s’ya ng mahinhin. “It’s too obvious that I wasn’t joking, sis. This is the real me, I am a type of gay who doesn’t usually dressed like a girl but I am acting like one, gets?” maarte n’yang tugon habang naka-cross arms pa rin. Napa buntong hininga ako. “At... gusto mo si Mister Huston?” sambit ko pa at nakita kong tumango-tango s’ya. Napailing naman ako at napahawak sa noo. Hindi ako makapaniwalang may karibal kaagad akong nasagupa rito at ang mas masaklap pa, isang sirenang nagbabalatkayong lalake? “Her father hired me here few weeks ago and I didn’t expect that he has a son. Well, I have my standards when it comes to guys and Mister Ryker got it perfectly... with no flaws... in short, I like him,” sabi n’ya pa sa malumanay na boses habang tinititigan ang mga kuko ng kanan n’yang kamay. “Mas nauna ako sa‘yo Mister Hugo—I mean, sis. Ilang linggo mo pa lang pala nakita si Mister Huston, eh ako? Halos magiisang taon na yata, subukan mong agawin s’ya sa‘kin at kakalbuhin kita,” pagbabanta ko sabay sinamaan s’ya ng tingin. Inagat n’ya ako ng titig sabay nginisihan ako. “I do test violence but I don’t tolerate it, a woman should be graceful and demure,” pormal n’yang tugon sa‘kin. “How could he like a girl like you? You couldn’t even fix yourself properly.” Sabay titig sa‘kin pababa-pataas habang nakataas ang kanan n’yang kilay. “At least, may mukha at sigurado ka bang papatulan ka ni Mister Huston? Wala ka kayang matres!” sagot ko naman at narinig ko bigla ang tawa n’yang halatang pilit. “It’s not a problem but I am sure, he will fall in love with me,” mariin n’yang tugon kaya siningkitan ko s’ya ng mata. Aba, kahit sirena ‘to, kayang-kaya ko ‘tong patulan pag sinubukan n’ya akong unahan kay Mister Huston. “Follow me, I have no time for useless argument.” Umiba nanaman ang boses n’ya at naging malalim na ito. Kasunod no’n ay tinalikuran na n’ya ako sabay hinakbang ang mga paa. Marahas akong napakamot sa ulo at sinundan ko na lang s’ya. Binaling ko naman ang atens’yon ko sa malaking nagiisang pintuan dito sa hallway ng ikaapat na palapag. Nakabukas lang iyon at parang may pasilyo na daraanan. “Your room will be... R-02. You must take good care all of the appliances there and if I find out that your room is messy, you’ll sleep outside,” malamig n’yang saad nang pinasok na namin ang malaking pinto. Doon bumungad sa‘kin ang pasilyong may mga diamond shaped light bulbs na nakahilerang nakadikit sa magkabilang gilid. Yellowish ang ilaw kaya ang galanteng tignan at natanaw ko naman sa dulo ang magkasunod-sunod na k’warto na may mga number sa gitna banda ng pinto. Ang sabi nitong ni Mister Hugo, R-02 raw ako. “Uuwi ba si Mister Huston dito mamaya?” tanong ko nanaman. “Who knows?” Walang ganang sagot n’ya kaya tinikom ko na lang ang bibig ko dahil baka may masabunot ako na wala sa oras. Lumipas pa ang ilang sandali, huminto na kami sa paghakbang sa tapat ng isang pinto na may nakaukit na letra at numero sa gitna banda na ‘R-02’ kaya ito na siguro ‘yong magiging silid ko. “Here’s the duplicate key.” Ginalaw ko agad ang kabila kong kamay nang may biglang hinagis si Mister Hugo at sinalo ko iyon. Napatitig ako sa kapit-kapit ko at susi nga na may hugis bilog na keychain na naka-attach sa dulo. “Totoong silver ba ‘to sis?” tanong ko nanaman sabay inangat uli ang tingin ko habang sinususian na n’ya ang pinto gamit ang isa pang susi. “No, palatandaan lang ‘yan. Look closely,” tugon n’ya kaya tinignan ko uli ang keychain at doon ko nakita na meron ngang nakasulat na R-02 back-to-back. “So, here we are, free to check your comfy room.” Tinuon ko naman ang aking atens’yon nang narinig kong bumukas na ang pinto. Naglakad na kami papasok at agad kaming sinalubong nng lamig na nanggagaling sa air conditioner. Inikot ko na rin ang aking paningin para pagmasdan kung ano ang nasa loob. Bumungad sa ‘kin ang maaliwalas na kulay asul dahil ‘yon yata ang motif ang k’wartong ‘to. Hindi naman malawak ang space pero pinagkasya ang mga muwebles at pati na rin ang banyo. Sa tingin ko, mas malaki ang silid ko sa mansyon ni Mister Damion pero parang maraming gamit yata ang nilagay dito sa loob kasi may nakita akong automatic water dispenser at mini ref sa left side banda ng kulay asul na pader. Umagaw sa aking atens’yon ang light blue na kama na isang tao lang ang kakasya pero may tatlong unan at makapal na kumot na maayos naka-arrange. Sa kaliwang gilid no’n ay doon naka-setup ang closet habang sa kanan naman ay isang cabinet at napansin ko naman ang maliit na vase na naka-patong sa ibabaw na may lamang tatlong pirasong maroon tulips. Tumango-tango ako. “Satisfied,” maikling komento ko habang patuloy na pinagmamasdan ang ibang sulok ng k’warto. “You must be, Miss Reeva and if you have additional request, don’t ask me,” tugon ni Mister Hugo dito sa gilid ko kaya binalingan ko s’ya ng titig. “Ano nga sis, umuuwi ba rito si Mister Huston?” tanong ko ulit sa kan’ya at narinig ko s’yang marahas na bumunga ng hininga kaya tinikom ko nanaman ang bibig ko. Bigla n’ya akong hinarap sabay pamewang habang tinaasan pa ako ng makapal n’yang kilay. “I have no idea but he usually spent his night here, in short he’s busy every morning,” mataray n’yang sagot kaya ngumuso na lang ako. “’Wag mo nga akong tarayan, hindi kaya bagay sa ‘yo. Ang lalakeng-lalake mo tignan pero mas suplada ka pa pala sa‘kin,” prangka ko at ngumisi s’ya ng peke. “I don’t care.” Bigla n’ya akong tinalikuran sabay tinungo uli ang pinto. Pero bago s’ya makalabas, hinarap n’ya uli ako sabay sinulyapan ang wristwatch n’ya. “You have... 19 minutes to fix your things here and after that, get down and you had work to do,” pormal n’yang utos sa boses lalake. “Sige sis, kahit kulang ang oras bibilisan ko na lang—“ Gusto kong patapusin ang sasabihin ko pero sinara n’ya ng pabagsak ang pinto. Napakamot na lang ako ng marahas sa sarili kong buhok dahil parang ang hirap pakisamahan ‘tong lalakeng ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD