CHAPTER 3

1513 Words
“You are 2 minutes late again, Miss Reeva! I’m telling you that I hate tardiness, you must comply the work in given time!” BUNGANGA agad ang bumungad sa‘kin dito sa malawak na kusina ng ikalawang palapag. Yumuko naman ako ng 90 degree angle sa harapan ng supladong lalakeng ‘to at baka magrereklamo nanaman pag kulang sa anggulo ang yuko ko. “Pasens’ya na po agad, Mister Hugo. Hinanger ko pa kasi ang mga panlakad kong damit kaya med’yo natagalan at isa pa, ilang hagdan kaya ang binabaan ko—“ “No more excuses and prepare an orange juice with ice. Deliver that to the pool within 5 minutes,” madiing utos n’ya kaya inayos ko naman ang tayo ko para maharap s’ya. “Aye-aye Sir!” Sigaw ko sabay salute sabay ngiti at nakita ko s’yang napailing bago n’ya ako nilagpasan sa paglalakad. Nawala naman agad ang ngiti ko dahil binangga n’ya pa talaga ang braso ko. Kumawala ako ng malalim na hininga dahil hindi ko naman ugaling nakikipagaway sa katrabaho ko, pero depende sa mood. “Hoy, ‘di ba bago ka rin dito?” Napakunot ang noo ko nang may narinig akong magaspang na boses babae sa likuran ko. Nilingon ko naman kaagad iyon at doon ko nakita ang isang babaeng papalapit sa kinaroroonan ko. “O-OO?” sagot ko na may pagalinlangan dahil maka-hoy naman ‘to. “Ah, sanayin mo na lang ang sarili mo na pagalitan ni Thiago dahil ayaw na ayaw n’ya talaga ang late,” tugon n’ya sa ‘kin na’ng huminto s’ya sa harapan ko. Mas lalo pang kumunot ang noo ko dahil parang may kakaiba yata sa babaeng ‘to? Tomboy kaya ‘to? Kahit nakasuot din s’ya ng uniporme, ang angas n’yang pagmasdan. Tapos, mas sabog pa ang buhok n’ya kaysa sa‘kin kahit naka-boy cut s’ya. ‘Yon ‘yung parang buhok ng mga binatilyong koreano at hapon. Halata rin sa awra na parang hindi ata ‘to normal na babae lang? “A-Ayos lang, sis mukhang mabait naman ‘yon eh,” sagot ko. Ngumisi s’ya ng bahagya bago n’ya pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa lababo nitong kusina. “Ano pa ang tinatayo-tayo mo riyan, kumilos kana at baka masigawan ka nanaman,” tugon n’ya sa boses siga sa kalye. Tinungo ko na lang ang malaking refrigerator dito sa loob na nasa tabi malapad na cabinet. Nang tinignan ko ay naglalaman ‘yon ng mga grocery dahil kitang-kita sa transparent glass ang mga display sa loob. Lumuhod naman ako para buksan ang lower part banda ng ref para kumuha ng prutas dahil dito naman banda nilalagay ‘yon. “Sa loob ng isang linggong pamamalagi ko rito, parang dalawa pa lang tayo ang pinagalitan.” Um-echo sa loob ang maangas n’yang boses at narinig kong binuksan n’ya ang gripo. Ilang sandali pa, naririnig ko na ang mga bubog na plato kaya naghuhugas siguro s’ya. “Kasi nga may mali tayo sis,” sabi ko naman sabay tumawa ng mahina at dinampot ko ang dalawang oranges sabay inamoy-amoy. “Sino ka nga pala?” tanong n’ya ulit. Tumayo naman ako sabay tinungo ang worktop counter sa kinaroroonan rin n’ya pero may distansya. Doon ko nilapag ang kapit-kapit kong oranges sabay dinampot ang kutsilyo na naka-lagay sa knife block. “Melendice Reeva, Melen for short sis,” marahang tugon ko. “’San banda sa mga hanging cabinet nakalagay ang baso?” tanong ko. “Sa cupboards na nasa noo mo na banda,” sagot n’ya kaya agad ako namang binuksan ‘yon at nakita ko ang mga nakahilerang mga bubog na baso. Kumuha naman ako ng isa at nilapag sa harap ko. “Ikaw ano name mo sis?” “Lailah, pero p’wede mo akong tawaging Lai kung tinatamad ka,” dire-diretsong sambit n’ya. “Bilisan mo na, ilang minuto na lang ang natitira para gawin ang pinapagawa sa ‘yo,” paalala n’ya kaya agad ko namang billisan ang kilos ko. Hinugasan ko muna ang mga kamay ko at dalawang oranges sa kinaroroonan n’ya sabay bumalik sa p’westo ko para hiwain na. “Bakit ka nga pala pinapagalitan? Na-late ka na rin ba sis?” sabi ko habang maingat na pinipiga ang orange na hiniwa ko at senisentro sa baso. “Hindi naman, maaga akong nagigising at nagagawa ko ang trabaho sa binigay na oras pero sa sobrang pagmamadali, may nababasag at may nasisira akong gamit na hindi ko sinasadya,” mabilis na paliwanag n’ya at napa tango-tango naman ako. “Magkaiba pala tayo sis,” tugon ko naman. “Pero ang astig ang buhok mo ha, para kang koreana,” komento ko at narinig ko ang maangas n’yang mahinang tawa. “Sa mukha kong ‘to? Mukhang koreana?” sarkastikong tanong n’ya. “Bahala ka kung ayaw mo maniwala. Sige, dadalhin ko muna ‘to sa pool at baka mapapagalitan nanaman ako sis,” sabi ko sabay tinungo ang kinaroroonan n’ya para mahugasan uli ng kamay. “Ge,” maikling tugon n’ya. Nang okay na, nilisan ko na ang kusina para makababa sa ground floor at alam ko naman kung saan banda ang swimming pool dito. Iniingatan ko ang bawat pagbaba sa hagdan dahil baka madulas ako at may kapit-kapit pa naman akong baso. Nang tuluyan na akong makababa, tinatahak ko naman ngayon ang daan na nasa gitna ng naglalakihang hagdan. Napansin ko agad ang tunog ng tubig na halatang may naliligo at hanggang sa natanaw ko na ng malinaw ang pool area nila. Huminto muna ako sa paglalakad sabay pinagmasdan ang nakikita ko ngayon. Rectangular ang shape ng swimming pool at asul na asul ang kulay ng tubig tapos pinapalibutan pa ng bermura grass ang paligid. Kapansin-pansin din ang mga hindi kataasang tigtatatlong punong nakatanim sa magkabilang gilid at sa dulo naman ay cottage na roon naman ang destinas’yon ko para ilapag ‘tong juice. Umagaw naman sa atens’yon ko ang lumalangoy sa tubing pool at sumingkit pa ang mga mata ko para matitigan pa ng maigi. Parang lalake yata ang lumalangoy na naka-swimming trunks dahil halata naman sa maskuladong pangangatawan. Napalunok na lang ako at bigla itong umahon sa tubig. Nakatalikod s’ya sa‘kin at nag-stretch pa kaya kitang-kita kung paano bumuklod ang back muscles n’ya. Ilang sandali pa, hindi ko talaga maalis ang mga mata ko at bigla na lang itong humarap kaya bago pa ako umiwas ay nakita na n’ya ako. “Hey, that’s my juice right? Come here!” Isang masiglang baritong boses ang narinig ko sa lalake kaya tumikhim ako sabay hinakbang na ang mga paa para makapunta sa kinaroroonan n’ya. “Sandali lang po,” magalang na tugon ko sabay pasimple kong sinulyapan at nakita ko siyang naglakad papuntang cottage. Umupo s’ya agad at hinila ang isang puting tuwalya na nakasablay sa katabi n’yang upuan. Sino kaya ‘tong lalakeng ‘to? Not bad ha, makisig din s’ya katulad ng kakilala ko. “Thank you,” kaswal n’yang saad nang nilapag ko sa harapan n’ya ang basong kapit-kapit ko. “Magkaano-ano ho kayo ni Mister Huston?” tanong ko bigla kaya inangat n’ya ako ng titig sabay bumaba-taas ang kan’yang mga mata. “Okay lang pag hindi n’yo sasabihin pero mas magandang sabihin n’yo na lang,” dagdag ko pa sabay ngumiti. Kinunutan n’ya ako ng noo. Pero pansin ko lang, mas g’wapo pala s’ya sa malapitan. Kung ikukumpara ko naman, mas maputi pa s’ya kaysa kay Mister Huston tapos wala s’yang balbas sa pisngi na halatang inaahit. Hindi naman ganoon kakapal ang kilay tapos napansin kong may dalawang guhit na ahit sa kanan banda at okay lang dahil ang astig naman tignan. May itim din na hikaw akong nakita sa kanan n’yang tainga. “Are you asking me?” kunot-noong tanong n’ya sabay tinuro pa ang sarili gamit ang kaliwang hintuturo. Napakamot naman ako sa buhok dahil anong klaseng tanong naman 'tong binanggit n’ya. “Ay hindi po, ‘yong mesa ang tinatanong ko,” sarkastikong tugon ko. “Malamang ikaw ho, tinatanong ko kayo kung kaano-ano n’yo si Mister Huston, dahil sa pag-kakaalam ko, dalawa lang ang kaibigan n’ya eh. Si Mister Freed na pasaway at si Mister Damion na chismoso, pero may mga asawa na ang mga 'yon at s’ya na lang ang wala,” mahabang paliwanag ko. Napansin kong napaawang bahagya ang mga labi n’ya sabay inayos ang pagkakaupo. “Are we close?” Napa-tikom naman ang bibig sa narinig ko. “Masama po ba magtanong?” nakangiting sambit ko pa. “No, but I don’t talk to strangers,” mabilis n’yang sagot sabay dinampot ang baso at ininom ang laman. Grabe naman ang mga tao rito, mga anti-social. Ba’t ang susungit, nu’ng pumasok naman ako sa mansyon ni Mister Damion hindi naman ganito kasungit ang mga tao ‘ron, mga wild nga lang. “Ganito na lang, huhulaan ko kung magkaano-ano kayong dalawa,” offer ko na’ng nilapag n’ya ulit ang baso na may bawas. Inangat n’ya uli ako ng titig habang nakasalpok na ang mga kilay. “No thanks.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD