bc

AKIN KA SIMULA PA NOONG UNA

book_age18+
1.9K
FOLLOW
15.9K
READ
one-night stand
HE
kickass heroine
drama
office/work place
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

WARNING SPG/ R-18+

SERIES 2 OF EAGLE EYE

Dahil sa pagbagsak ng export garment factory ng ama, kinailangan ng magulang ni Eulyn Kris, ang tulong ng pinakamayan angkan sa bayan nila. Pero bago 'yon kailangan n'yang magpakasal sa panganay na anak, upang manatili ang kompanya sa kanila. Labis ang pagtutol dito ni Eulyn Kris, dahil wala siyang pag-ibig sa lalaking gustong ipakasal sa kaniya at bali-balita pa na sangkot sa illegal na gawain ang pamilya ng pakakasalan.Nahahati ang isip at puso ni Eulyn Kris, kung sunsundin ba ang magulang? O, ang sinasabi ng kaniyang puso't isipan?Ngunit talaga nga mangyayari ang kagustuhan ng ama, dahil nga sobrang gipit na nila. Naitakda ang kasal kahit labag sa kalooban niya pero bisperas ng kasal gusto ni Eulyn Kris pansamantalang makalaya sa nalalapit niyang pagpapakasal. Napadpad ang paa ni Eulyn Kris sa isang luxury bar at hindi niya inaasahan paggising kinabukasan maykatabing hindi kilalang lalaki at naibigay niya rito ang sarili.Shock at takot sa dibdib ang naramdaman ni Eulyn Kris, paggising ng umaga. Mali ang nagawa n'ya dahil ikakasal na siya.Sa labis na pagkataranta hindi na n'ya inalam ang hitsura ng lalaking nakasiping niya. Dali-dalli siyang umalis sa kinaroroonang kwarto bitbit ang kaba sa susunod na mangyayari.Fate is playful, isn't it? You will never imagine what will happen next in a single moment.After three years nag kita silang muli ngunit bilang isang agent si Eulyn Kris, at hindi nila kilala ang isa't-isa. Let's find out how the two of them will discover about their past at sino nga ba sa kanila ang makakaalala nang "Akin ka simula pa noong una."

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
EULYN KRIS Naramdaman ko ng umagang 'yon tila bang may-isang mabigat na bagay ang nakadagan sa akin. Gusto kong alisin ‘yon at nahihirapan akong kumilos. Unti-unti kong 'dinilat ang mata ko para lang magulat na may katabi akong lalaki sa kama. Sh*t! Nasaan ako?! tarantang wika ko. Gusto kong silipin ang lalaking katabi ko ngunit nakadapa naman ito at nakatalikod ang mukha niya sa akin. Kaya pala tila ako nakagapos dahil nakapatong ang kanang kamay nito sa ilalim ng dibdib ko. Maingat kong inalis ang malaking kamay nito na nakapatong sa akin upang hindi ko magambala ang mahimbing na tulog ng hindi ko kilalang lalaki. Nang maalis ko iyon napa sabunot ako sa sariling buhok ko sa nagawa kong kahangalan. "Fvcking sh-t ano itong nagawa ko? Ouch," halos magmura ako sa sobrang sakit ng gitna ko ng babangon na sana ako sa kama. Hindi nga ipagkakailang binigay ko rito ang virginity ko. Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko upang hindi magambala ang natutulog na katabing lalaki nang lumakas ang paghiyaw ko. "Fvck! May nangyari sa amin ng nakatalikod na lalaki. Oh my God paano na ito?" sinalakay ng matinding kaba ang dibdib ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid ko ng nahagip ng mata ko ang orasan nakasabit sa pader. Shit. Kasal ko pala mamayang alas-kwatro ng hapon kailangan kong magmadali habang hindi pa nagigising ang lalaking nakasiping ko. Mabilis ang kilos na bumaba ako ng kama. Muling akong sumilip sa relong nasa dingding. Maaga pa naman ala-sais pa lamang ng umaga. Kahit kumikirot at masakit pa ang pagitan ng hita ko, pinilit kong kumilos ng normal. Namula ang mukha ko ng mahanap ang mga damit kong nagkalat malapit lang sa bungad ng pinto. Gano'n ba ako ka wild kagabi at sa pinto palang nakipag laplapan na ako? Nang maisuot ko ang lahat ng saplot ko sa katawan pinihit ko ang pinto ng hindi na pinagkakaabalahan gisingin at alamin kung sinong lalaki ang umararo kagabi sa akin. Paglabas ng kwarto namagha pa ako at humanga sa laki at ganda ng hotel. Bongga. Presidential suite pala ang pinagdalhan ng lalaki sa akin. Ngunit wala rin silbi iyon dahil wala naman ng pag-asa na muling magkru-krus ang landas namin ng lalaki. Isa na lang alaala na kailangan kong ibaon sa limot at ilang oras na lamang ay ikakasal na ako, matatali na ako, kaya marapat lang kalimutan ko na ito ng tuluyan. Malalim akong huminga pagkatapos ay nag-umpisa lumakad palabas ng hotel. Kailangan kong makauwi sa pinag stay-han kong hotel bago pa may makaalam na wala ako roon simula pa kagabi. Kasal ko ngayon pero dammit nauna ang honeymoon ko, hindi nga lang sa lalaking pakakasalan ko. Paglabas ko ng hotel saktong may dumaan na taxi. Pinara ko iyon mabuti na lang at walang sakay kaya hindi ako natagalan mag-antay ng susunod na darating na walang sakay. "Kuya sa Milton hotel Casino po tayo," utos ko sa driver. Nang tumakbo na ang taxi sinakyan ko ay napatampal ako sa noo ko dahil naalala kong wala ang wallet ko. Dammit! Ang shunga ko talaga sa dami ng maiiwanan wallet ko pa talaga. s**t paano ako nito magbabayad sa taxi. Sa pag-iisip ko ng kapalpakan nagawa, nakarating kami ng Milton hotel Casino na hindi ko namamalayan. "Ma'am narito na po tayo," boses ng taxi driver. Bayolente akong napalunok nahihiya akong sabihin dito na wala akong pera. Baka rin hindi ito maniwala na naiwan ko ang wallet sa pinanggalingan hotel. Shitty baka isipin nito scam pa ako. “Ma'am, hindi pa ba kayo baba?” aniya. Gusto ko na nga bumaba hindi ko lang masabi wala akong pamasahe baka magalit ito sa akin. Bahala na nga susubukan ko na lang kung papayag ito ibayad ko sa earrings ko. "Uhm Kuya, p'wede po ba itong hikaw ko na lang ang ibayad ko sa 'yo? Naiwan ko po kasi sa hotel ang wallet ko dahil sa pagmamadaling makauwi.” pakiusap ko rito. Aba naman hindi siya lugi sa hikaw ko halos thirty thousand ang bili ko sa alahas kong ito. Isa itong loops earrings wala naman akong choice na maaring ibayad, kahit ang relo sana at necklace ko kaya nga lang wala na iyon sa katawan ko. Sa sobra ko siguro kalasingan natanggal iyon sa katawan ko. Mabuti naiwan pa ang hikaw ko. Napakamot ito sa ulo at umiling-iling. "Marami ho ganyan na modus ma'am, kaya hindi n'yo ako maloloko," ani ng taxi driver sa akin. Umirap ako dahil sa maangas nitong asta. Sa ganda kong ‘to? Ito bang mukha ang manloloko? Bulong ko na lang. Ayaw kong patulan ang taxi driver na ito at masakit pa talaga ang gitna ko. "Naku hindi po Kuya, totoo po itong hikaw ko. Kung gusto n'yo po, kunin n'yo ang number namin sa bahay. At excuse me Kuya ha? Hindi ho peke ang hikaw ko. Mahal ‘yan tunay pong gold. Sobra pa nga kung isasangla n'yo sa bayarin ko ngayon sa metro ng taxi mo!” wika ko sa kanya. Hindi ko maiwasan na magtaray dito at hindi marunong kumilatis ng legit gold. Kamot- kamot na lang ito sa ulo niya at napilitan tanggapin ang binayad kong earrings. "Salamat Kuya, pahingi po ng ballpen at papel isusulat ko ang number namin sa bahay," "Huwag na konsensya n'yo na ho iyan Ma'am, kung hindi tunay ang binayad n'yo sa akin,” "Aba't duda pa kayo bahala po kayo d'yan!" tuloy-tuloy kong lakad patungo sa entrance ng hotel. Pagpasok ko sa entrance ng hotel sobra ang kabang dala-dala sa puso ko habang palinga-linga ako sa lobby ng hotel at baka mayroon makakita sa pagpasok ko. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang masigurong walang tao sa paligid. Dahil din siguro sobrang maaga pa. Kaya mga tulog pa ang lahat ng guests ng hotel. Hingal kahit hindi naman ako tumakbo pagpasok ko ng pinto. Ang lakas kasi nang kaba sa dibdib ko dahil iniisip ang nagawa ko. Napahilot ako sa noo ko tila ba nagkaroon ako ng panibago stress na pasanin. Dahil hapon pa naman ang kasal may oras pa ako para matulog. Panigurado naman na gigisingin ako ng ina ko kapag na late ako ng gising lalo pa narito na ang hire na mag make-up sa akin at sa mga bridesmaid. Padapa akong nag-dive sa kama upang humiga matagal akong nakatingin lang sa kawalan. Sa walang maisip binalikan ko ang nangyari bago ako napadpad sa Luxury disco bar. "Bakit tahimik ka anak?" nasa likod ko pala si Mama. Nakaharap ako sa body mirror sa loob ng hotel, tulalang nakatitig sa sarili ko. Buntong-hininga ako at malungkot ang ngiti sa Mama ko. Humarap ako rito at ngumiti. Sa kanila ni Papa, mas malapit ako sa Mama ko. Ito pa kadalasan ang konsintidor sa kalokohan ko dahil ang Papa ko ay masyadong mahigpit simula ng lumago ang garment factory namin. Parang napakayaman namin may driver bodyguard pa ako na palaging taga sumbong sa tuwing gigimik ako. Ang ending papagalitan ako ni Papa dahil nga hindi pa nga daw ako nakakatulong sa pag-manage ng factory. Gimik na ang inaatupag ko. Malamang e, kakatapos ko lang mag-college. Palagi naman to the rescue ang mama ko hanggang sa magtalo ang dalawa at iiwanan ko sila dahil naririndi ako sa ingay ni Papa. Hindi ko masisi ang Papa ko pagod at stress sa pag-manage ng garment factory pressure nga naman at lalo na noong pandemic halos tatlong taon itong walang production at ang mga employee ay may natatanggap na half salary dahil iyan ang kagustuhan ng mama ko. "Pasensya ka na 'nak ha? Kung hindi nalugi ang negosyo wala ka ngayon sa sitwasyong 'yan," malungkot na wika sa akin ni Mama. Tipid na ngiti lang ang sagot ko kay Mama. Ngunit sumagot pa rin ako. "Ayos lang po, Mama, magiging okay din ako. Wala naman sigurong magulang na gusto mapahamak ang anak nila,” "Salamat, Kris.” nakangiti itong hinaplos ang buhok ko. "Paano po Mama, gusto kong maagang matulog upang fresh look ang beauty ko bukas,” biro ko sa kaniya. Hinaplos nito ang buhok ko. Tumingin sa salamin nakatitig sa akin. "Kahit hindi ka na mag-ayos maganda ka na, dahil anak kita," biro ng Mama ko. Humaba ang nguso ko. “Dahil lang sa anak mo po ako kaya maganda ako sa paningin mo Mama?” Bumungisngis ito pagkatapos ay kinurot ako sa magkabila ko pisngi. "Just kidding. Maganda ka talaga, anak inside and out," nakangiti nitong sabi sa akin. Sandali lang kaming nagkwentuhan lumabas din agad si Mama, sa suite ko. Idlip daw muna si Mama at sobra siyang inaantok. Paanong hindi? Bago pa lang dumilim nagtungo na kami rito. Iwas daw aberya at makapahinga rin sabi ng papa ko. Dito rin sa pavilion ng hotel gaganapin ang kasal. Hindi ko alam kung totoo ang narinig ko. May-ari raw nitong Milton hotel ay ang mapapangasawa ko. Hindi naman ako interesado roon kahit anong balita tungkol sa mapapangasawa ko. Kanina pa ako hindi mapakali sa kinahihigaan ko. Hindi ako dalawin ng antok. Argh! Maktol ko sa inis. Ayaw ko naman papuntahin ang mga kaibigan dito at maabala pa sa pag-swimming nila sa rooftop. Pinayagan daw ng may-ari. Mga abay ko sa kasal maaga mga nagpunta dahil nga sa balak muna mag swimming. Hanggang sumapit ang alas-diyes ng gabi hindi pa rin ako dalawin ng antok. Makalabas na nga lang kahit bawal akong lumabas ay lihim akong pupuslit. Nakakatiyak naman ako na wala pa akong bantay ngayon. Dala ko ang wallet at nagbihis ng damit, dinim dress na sleeveless kalahati sa hita ang haba. Hindi ko na pinagkakaabalahan dalhin ang cellphone hinayaan kong maiwan sa suite ko. Sa restaurant ako ng hotel napadpad. Dulong bahagi ang hinanap ko na upuan 'yong hindi ako mapapansin ng mga tao narito. Tinawag ko ang waiter at nag-order ng San Mig light at isang order na pork sisig. Nakakadalawa na ako ng bote ng may dalawang babae sa kabilang upuan sa tagiliran ang ang nag-uusap. Pabulong ba ang usapan nila? Dahil dinig ko rito sa kinauupuan ko. "Girl sa Luxury disco bar tayo after this naro'n daw ang mailap na may-ari," ani ng isang talandi tila may nag-send ng info kaya sinabi sa kasama nitong babae. "Talaga...Omg kahit mailap iyon pipilitin kong masungkit ang atensyon noon. Grabe makasama ko lang iyon isang gabi solve na ako. Mga tipo noon tahimik mabagsik daw iyon sa kama, girl. Sobrang hottie tila ba hinihigup ka sa tingin pa lang," tila kinikilig ang tinggil na sagot nito sa kausap. "Tasked talipandas..." bulong ko. Nag-apir pa ang dalawang babae pagkatapos ay nagbayad na. Naiwan ako na nakataas pa ang kilay habang nakasunod ang tingin ko sa papalabas na dalawang babae. 'Hmp..bakit kaya hindi ko sulitin ang pamamaalam sa single life ko. Bad girl muna ako ngayon,' Pagkaubos ko sa dalawang boteng order. Naisipan kong puntahan ang disco bar na sinasabi ng dalawang haliparot na babae. Masaya rin naman mag disco na miss ko rin ‘yon. Matagal ko na rin hindi magawa. Sinabi ko ang lugar sa sinakyan kong taxi. Kabado ako noong una pagdating ng entrance. Hindi ko pa napigilan ang tumaas ang kilay ko dahil mahigpit ang mga duty g'wardiya. Need pa ng id? Ang galing. Mabuti may id ako sa wallet na palaging dala kaya malaya akong nakapasok sa loob ng disco han. Pagpasok ko hindi ko akalain puno ng tao sa loob ng buong dance floor. Nagpalinga-linga ako sa paligid at naghanap ng mauupuan. May nakita akong dalawahan upuan nilapitan ko iyon upang doon puwesto. Inilibot ko muna ang mata sa paligid. Maganda at may class kaya siguro tinawag ito. ‘Luxury disco bar.’ Tumawag ako ng waiter, umorder din ng drinks. Habang inaantay ko ang order umindak-indak ang ulo ko sumasabay sa tugtugin. Nasaan kaya ang may-ari rito ang sinasabi na ubod daw ng hottie? Wala naman akong makitang gwapo para sa akin. Di kaya baka naman g'wapo dahil mayaman ang bulsa. Dumating ang order kong tequila. Nag-umpisa akong uminom hanggang ito ay naparami at kalaunan ay naglakas loob na akong sumayaw. Pansamantala kong iwinaglit sa isip ang kasal ko bukas. Lasing na ako hindi ko na iniisip ang mangyayari bukas. Basta nasa isip ko lang na magsaya lang ngayong gabi. Malaya at walang iniisip kun'di ang sarili ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.2K
bc

The Sex Web

read
134.2K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook