bc

Crestview Academy

book_age16+
96
FOLLOW
1K
READ
drama
twisted
mystery
like
intro-logo
Blurb

SHE WAS LIVING IN JODENT (A NAME OF ALCHEMYST WORLD) CAME FROM AVERAGE FAMILY, SHE WAS DREAMING TO STUDY IN CRESTVIEW ACADEMY, IT WAS SCHOOL DESIGNATED FROM ELITE FAMILY. ONLY RICH PEOPLE CAN AFFORD THE PAYMENT AND TUITION THERE, THAT'S WHY SHE WAS SAVING MONEY FOR HER TO GO ON THAT SCHOOL. ARE YOU READY TO ENROLL HERE?

chap-preview
Free preview
Chapter I: SIMULA
S.I.M.U.L.A Magkadaop ang mga palad habang sila ay nakikipaglaban, nakikipaglaban na handang ibuwis ang buhay hanggang kamatayan, pakikipaglaban kung saan sumisigaw ng hustisya, dalawang kamay na magkahawak ang nanatiling nasa gitna ng isang malawak na kagubatan. Kagubatan na kung saan wala ng buhay na halamang makikita. Mga ulap na ka'y dilim, na bumabalot sa buong paligid. Mga matang may nakaukit na sakit at paghihinagpis, pagtulo ng pawis na humahalo sa malapot na kulay ng dugo. Nagkatinginan ang binata at ang dalaga, kapwa sila ngayo'y nanghihina at tanging mga palad nilang magkahawak ang nagsisilbing lakas nila sa isa't isa. Nagkatitigan sila ng mariin, mga matang nangugusap na para bang may sarili silang lengwahe. "Huwag kang bibitiw." ani ng Binata sa dalaga, habang mas hinihigpitan ang pagkakahawak dito. Tumango ang dalaga at pilit ngumiti. "Hindi ako bibitiw--" agad nanlaki ang mata ng dalaga sa nakita mula sa likuran, hinigit ng dalaga ang lalaki upang... "Upang ano? mauto mo nanaman ako? ayoko nga," sambit ko at inirapan ang kaptid kong nanghihingi nanaman ng kenya (pera o salapi). "Arwe! (Ate!) ang damot mo naman!" "Wala talaga akong kenya, Vincent. Umalis ka nga dito, marami akong ginagawa," naiinis na sambit ko sakanya. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang umalis sa kinaroroonan ko. Si Vincent ang bunso sa aming dalawa. Dalawa lamang kaming magkapatid na naninirahan dito sa siorsoro, ang bayang kinalakihan na namin ni Vincent. Dito sa mundo ng jodent ay isang makasaysayang mundo na kung saan mga alchemyst na katulad namin ang naninirahan. Mga taong may kakayahang kontrolin ang mga halaman, ang hangin, ang lupa, ang tubig at ang apoy. Marami pang iba't ibang kapangyarihan ang mayroon dito sa jodent, kaya naman ang henerasyon dito ay agresibo at makabago na kaysa sa mundo ng mga tao. Madalas napapasama sa kasaysayan ang mundo ng mga tao noong nag aaral pa lamang ako, maging sa curiculum ay iba kaming mga alchemyst. Marami ring pagkakaparehas dahil namuno na sa amin noon ang prinsesa na galing sa mundo ng mga tao, at naibahagi nito ang mga kaalaman sa lengguahe, teknolohiya, kultura, pananamit at iba pa. Ngunit sadyang madamot sa aming mga hindi mayayaman ang edukasyon sa pagamit ng talino, talento, at ng mahika. "Ashanti? hindi ka pa nagpapahinga, magpahinga ka muna, kahit magipon kapa ng maraming kenya, mahihirapan kaparin na pumasok sa crestview," dinig kong ani ni teshni (Tita) Evelyn mula sa likuran. "Teshni Evelyn! hindi naman masamang mangarap hindi po ba? kaunting kenya (pera o salapi) nalamang ang kailangan ko at mabubuo ko na ang kenya na kailangan ko," sagot ko. Naglakad siya papalapit sa akin at sinamahan akong mag ayos ng mga pagkaing ititinda ko mamaya sa kalapit bayan. "Supportado naman kita, ngunit pakiusap lamang sana, huwang mong pabayaan ang katawan mo, napapabayaan mo na ang sarili mo dahil sa pangarap mong iyan," ani ni teshni. Bumuntong hininga ako at saka niyakap ito. "Opo teshni, hindi ko naman po pinapabayaan ang sarili ko," sambit ko at saka na kinuha ang mga nabalot ko na payen (tinapay). "Aalis na po ako teshni! nepwe! (kapatid!)," dali dali akong lumabas habang hawak hawak ang panede (Basket). Iniayos ko ang paghawak sa panede at inilagay iyon sa aking ulo upang hindi ako ganoon mabigatan, masayang bumati sa akin ang mga katulad namin na alchemyst, sa totoo lang maraming ibat ibang lengwahe dito sa mundo namin ang mga kakaibang lenggwahe na nagamit ko ay keshey. Huminto ang isang sasakyan, ito ang sasakyang ginagamit namin dito, ito ay ang nudena. Kakaiba rin ang itsura nito gaya sa naipakita sa amin noong kami ay nag aaral palang sa ikatlong baitang, ito ay hugis bilog, kinakailang rin ng Identification card upang makapasok sa loob, at walang nagmamaneho doon kusa iyon na umaandar. Itinapat ko ang Identification card ko sa isang scanner, agad namang nag bukas ang pintuan ng nudena. "Goodmorning, kindly sign the holograph form for me to bring to your destination. Thank you and keep safe, fasten your seatbelt." Sinunod ko ang iwinika ng AI, umupo ako sa bakanteng upuan na naroroon at napaka swerte ko naman dahil malapit iyon sa bintana, mula rito ay natatanaw ko ang kabuuan ng siorsoro. Nagtitinda ako sa bayan ng siorsoro tuwing umaga upang makadagdag sa pag iipon ko, bata pa lamang ako ay natatanaw ko na ang may pinaka malaking gusali Crestview Academy. "Siorsoro Market." Dinig kong ani ng AI nudena (sasakyan.) Pagbaba ay iniscan ang card ko upang makapagbayad. "THANK YOU HAVE FUN, KEEP SAFE." Inayos ko ang hawak hawak kong panede (Basket) at saka kumaway sa kaibigan kong kasama kong nagtitinda sa pwestong iyon. "Gumawa ako ng ibang frenori (flavor)," sambit ko at ipinakita sa kanya ang mga halimbang ginawa ko. "Tikman mo, kung ayos sa panlasa mo isasama natin siya sa mga tinapay na naririto," dugtong ko pa. "Mukang masarap!" masayang sambit niya at binuksan naman niya agad iyon at tinikman. Nakatingin lamang ako sakanya habang ito ay ngumunguya, tinitignan niya ako na para bang gusto niya nang magsalita ngunit kailangan niya munang ubusin ang nasa bibig niya para masabi ang gusto niyang sabihin, at hinayaan ko naman siya na gawin iyon. "Sobrang sarap! Napakagaling mo talagang maghurno!" "Syempre, ako pa ba?" tumawa ako, hinampas naman niya ako sa braso naramdaman ko kaagad ang bigat ng kamay niya dahil sa pagkakahampas nito. "Ang bigat ng kamay mo! ang sakit mo namang manghampas," sambit ko. Inayos ko na ang ibang tinapay upang mabili na ng mga gustong bumili. "Sesya! (pasensya o sorry) Di ko naman kasalanan na mabigat ang kamay ko," aniya at tinulungan ako sa pag aayos. Natapos naming dalawa ang pag aayos, naupo kami at nagtingin sa hologram ng mga nakaka enganyong mga tugtugin. "Marami ka na bang naipon? tuloy na ba ang pag enroll natin para sa susunod na taon?" tanong ko sakanya. Nakita ko ang paghaba ng mga labi niya at saka napasabunot sa ulo niya at mabilis na pinaikot ang kanyang upuan. "Hindi pa nga! kinuha nanaman ni deda (Ama) ang aking ipon, buti nga at nag tira pa," sambit niya at nakabahid sa boses niya ang pagkainis. "Gustong gusto kong makapasok sa crestview, alam mo 'yan Ashanti." "Dessa, alam ko naman iyon nakakalungkot lamang na tuloy na tuloy na ako sa pag e-enrol gusto ko sana na kasama ka ngunit, hindi na ako pwedeng mag aksaya pa ng isang taon, sana naiitindihan mo ako Dessa," sambit ko. Ngumiti naman siya, at muling nagsalita. "Ayos lang Ashanti, siguro hindi talaga para sa akin ang academy na iyon, hanggang dito nalang talaga ako sa bayan ng siorsoro." "Matagal tagal pa naman ang susunod na taon, makakapag ipon ka pa, ngunit mas maganda itago mo doon sa lugar na hindi makikita ng iyong deda (ama) hindi naman sa nagdadamot ka Dessa, ngunit kailangan mo iyon para sa pag aaral mo, kapag nakatapos tayong dalawa sa crestview matutulungan mo na ang iyong Deda," sambit ko at bumuntong hinga siya at ngumiti. "Maari bang saiyo ko nalamang ipatago ang mga natitirang kenya (pera o salapi) na naipon ko?" naningkit ang mga mata ko. "Bakit sa akin?" nagtatakang tanong ko. "Dahil pinagkakatiwalaan kita." -- Natapos ang pag uusap namin ni Dessa, at napag pasyahan ko na ring pagbigyan ang hiling niya na itago ang kenya, o ang bawat kenya na maiipon niya. "Avelos ascendo! (Magandang umaga!)" bati sa amin ni Jayvee, nakangiti pa ito ng malawak. "Avelos Ascendoni," pagbalik bati namin sakanya ni Dessa. "May bago kaming tinapay na naririto baka gusto mong tikman?" pag aalok ko sakanya. Tinignan naman niya iyon at saka tumingin sa akin. "Masarap kaya ito?" tanong niya. "Oo naman! si Ashanti ang gumawa niyan! hindi ba't kaya nga gusto mo si Ashanti dahil masarap siyang maghurno?" singit naman ni Dessa, siniko ko naman si Dessa dahil nakakaramdam ako ng hiya. Jayvee Night, nag aaral ito sa Crestview Academy, sa pagkaka alam ko kasama niya ang kanyang dedan (ina) kaya dito siya naninirahan sa bayan ng siorsoro, hindi naman ganon kalayuan ang Crestview mula dito, siguro mga isang oras at kalahati lamang ang tatahakin. Ang kanyang ama ay isang hemetenes (Nagta-trabaho sa supply ng kuryente) may kalakihan rin ang kita ng kanyang Deda (Ama) na nasa himofilton kung saan naroon ang Crestview Academy. Matagal na kaming magkakilala ni Jayvee, hanggang sa nagtapat ito sa akin na may gusto siya sa akin, hindi ko alam ang isasagot ko doon, mabuti nalamang at sinabi niyang maaring hindi muna ako sumagot sa sinabi niyang nararamdaman niya para sa akin, at naging magkaibigan parin kami hanggang ngayon. Gwapo si Jayvee, matalino, maalalahain at mabait, hindi malabong magkagusto sakanya ang sino mang babae, ngunit sadyang mas gusto kong unahin ang pangarap kong makapagtapos kesa unahin ang pag ibig, gusto kong makapagtapos upang kumita ng maraming kenya (salapi). "Oo naman, alam ko namang masarap ito, sige pabili jan," sambit ni Jayvee. Ngumiti ako sakanya at ngumiti rin naman ito pabalik, ibinalot ko na ang binili niyang payen (tinapay) at saka iniabot iyon sakanya. "Malapit na ba ang pag neduca (enrollment) sa Crestview?" tanong ko sakanya. "Sa susunod na taon pa, may ilang buwan pa mga January pa." sambit niya. "Uh? Juarde (Enero)? tama ba?" tanong ko sakanya. "Ah oo, mga Juarde pa." "Mahirap bang matutunan ang lengwaheng ingles? may mga nauunawaan naman ako kahit papaano, minsan lamang ay nakakalimutan ko, mahalaga parin bang matutunan iyon upang makapasok sa Crestview?" tanong ko sakanya. "Oo kailangan parin iyon, basahin mo lamang ng basahin ang aklat na ibinigay ko saiyo at matutunan mo rin ang wikang iyon," sambit niya. Napanguso naman ako. Dahil sa totoo lang kaya ko naman na talagang mag salita gamit ang wikang Ingles. "Kapag may oras ka, at wala akong ginagawa, tawagan mo lang ako at tuturuan kita," alok niya sa akin. "Sige, kainin mo na yang tinapay at ibahagi mo na sa iyong dedan (ina)" sambit ko at tinulak na siya upang maka alis na, kumaway naman ako sakanya habang umaalis na siya. "Kahit ba kaunti? wala kang gusto kay Jayvee?" tanong sa akin ni Dessa agad akong umiling. "Kaibigan lang talaga ang tingin ko sakanya Dessa," sagot ko. "Pero hindi ko rin naman maitatanggi na magaan ang loob ko sakanya tuwing kausap ko siya, hindi ko alam kung gusto ko na ba siya non?" dugtong ko. "Wala ka talagang alam sa pag ibig! pumunta ka na sa susunod na raket mo, ako na ang bahala dito," aniya. Tumayo ako saka kinuha ang mga gamit ko, agad akong lumabas at nilingon siya at kumaway. "Salamat! babalik ako jan mamaya tutulungan kitang isarado!" sigaw ko at saka na naglakad paalis narinig ko pa ang sigaw niya. "Mag iingat ka!" Muli akong sumakay sa nudena (sasakyan) gaya kanina ay may mga nilagdaan at kinailangan pa ng Identification card upang muling makapasok ganito ang araw araw na ginagawa ko, upang mas maraming maipon na kenya, minsan hindi ko maiwasang mainggit sa mga taong may kaya, mayayaman at nakakapag aral at may mga magulang pa, pero kahit kailan ay hindi naman ako nagreklamo sa sitwasyon ng buhay ko, dahil alam ko darating din ang araw na makaka ahon din ako sa hirap. Papunta ako ngayon sa kalapit bayan rin ng siorsoro upang maghatid ng mga payen (tinapay), naghahatid ako ng tinapay sa mga tindahan na nakikita ko rito, mahirap pero kinakaya ko itong gawin sa araw araw. Bumaba ako mula sa nudena (sasakyan) inihatid ko ang mga tinapay kay Manong Efen, ang pinakamatagal ko ng naging suki sa bayang ito. "Ashanti! naririto ka na pala, nahuli ka na ng dating," bati niya sa akin. Yumuko ako at humalik sa palad niya upang magbigay galang. "Natagalan po akong mag ayos ng mga paninda sa pwesto sa siorsoro," sagot ko, at ipinakita ang dala kong payen (tinapay). "May mga bago po ako hurno, inilagay ko na rin po dito kung gusto niyo pong bilhin." "Oo naman Ashanti, akin na yan magkano ba lahat?" tanong niya. "60 ermno (equivalent of 240 pesos in Phillipine Money)." Agad naman niyang ibingay sa akin ang kenyang kailangan niya ipang-bayad sa akin, ngumiti ako at muling yumuko. "Maraming salamat." Nagpaalam na ako kay Manong Efen, dahil marami pa akong pagdadalhan ng mga payen (tinapay). Habang naglalakad ay kanina pa ako nakakaramdam na may sumusunod sa akin, ngunit kapag titignan ko naman ay mag ordinaryong katulad namin ang nakikita ko at wala namang kahina hinalang sumusunod sa akin, o baka naman lumalawak lamang ang imahanisyon ko kaya't iba iba ang naiisip ko? Hinayaan ko nalamang ang kakaibang pakiramdam na iyon at muling nag hatid ng mga payen (tinapay) sa mga kakilala ko rito, at mga matagal ng kumukuha sa akin na naging suki ko na. Jayvee P.O.V Mariin akong sumusunod kay Ashanti, upang makasigurado akong magiging ayos lamang siya, huminto ako sa pagsunod sa kanya dahil nararamdaman na niya ang presensya ko, ayoko namang matakot ito. Tumunog ang hologram ko at nakita ko mula sa screen si Alvea Stanfeel ang babaeng nanguguna sa klase namin, agad ko namang sinagot ang tawag niya. "Hey! where are you?! We need you here!" galit na galit na sambit niya, nakakakuyom narin ang mga kamao niya na handa na akong sugurin kung malapit lamang ako sakanya, ngumisi ako. "Calm down Alvea, Pupunta narin ako jan, ascendi! (Goodbye)" "Crop that ascendi! you know that we can't use keshey language here!" "I don't have one do I?" "Don't make fun to me! Faster! Go here within 5 minutes or else your dead!" sambit niya at pinatay na ang hologram. Napabuntong hininga ako nagulat ako sa nasa harapan ko ngayon, ngumiti siya sa akin. "Kaklase mo?" tanong sa akin ni Ashanti, naningkit ang mga mata niya sa akin at muli siyang nagsalita. "Kanina ko pa nararamdaman na may sumusunod sa akin, ikaw yon diba?" "Napa--daan lang ako dito--- " tumawa naman siya at saka umiling iling. "Ayos lang, sino siya? Kaklase mo nga? Pupunta ka na ng Crestview? Pwede ba akong sumama ulit gaya ng dati?" tanong niya na nagpabuntong hininga lalo sa akin. "Wala naman na akong magagawa," sambit ko at muli kong nakita ang ang saya sa kanyang mga mata. "Salamat Jayvee!" natutuwang sambit niya. Sumakay kami sa sakayan papuntang crestview, isang oras at kalahati rin ang naging biyahe namin, tahimik lamang na nagmamasid sa paligid si Ashanti na nasa tabi ko, habang ako ay minsan minsang napapalingon sakanya na tahimik lamang, bata palamang kami ni Ashanti ay nagkakasundo na kami sa mga iba't ibang bagay, minsan mahirap din pakisamahan ang ugali niya pero yun ang isa sa nagustuhan ko sakanya, ang pagiging determinado niya sa buhay. Pagiging maalaga sa kapatid, at pagsusumikap. "Baka naman matunaw ako," natatawang sambit niya. "Malapit na tayo diba? Akin na ang Invisible Potion para mainom ko na mamaya pagkababa," sambit niya. Hinanap ko naman iyon sa dala dala kong kustal (Bag). "Siguraduhin mong lagi kang nakatingin sa oras para kapag malapit ng mawala ang bisa makalabas ka na sa crestview," paalala ko sakanya. Tumango naman ito. "Himofilton, Crestview Academy." naunang bumaba si Ashanti sumunod naman ako sakanya, nakangiting ininom niya ang potion at nag intay pa kami ng ilang minuto hanggang sa um-epekto na iyon sa kanya. "Huwag kang didikit sa mga makapangyarihang Alchemyst dahil agad ka nilang mararamdaman, kilala mo naman ang mga iyon hindi ba?" tanong ko sakanya, dahil nararamdaman ko parin ang presensya niya. "Oo naman!Sige na pumasok ka na sa loob mag iingat ako, mag ingat ka rin," napangiti ako at naiiling na pumasok na sa loob ng Crestview Academy. Agad naman akong nakapasok dahil sa inilagay kong Identity card at finger print ko sa scanner, ginamit ko ang isang hole upang mas mabilis na makarating sa Dimension 5. "What the heck Jayvee! Until when you acted like a VIP?!" dinig kong sigaw muli sa akin ni Alvea. Sinubukan kong lumapit sakanya upang aluin siya ngunit ginamitan niya ako ng kapangyarihan niya upang hindi ako makagalaw. "Alvea!" sigaw ko. "I have an Authority to do that! I told you to come here within 5 minutes and yet?! you came very very late?! Almost 2 hours?! Gosh!" naiiritang sambit niya. Narinig ko naman ang pagsipol ni Ken na nasa gilid at nakaupo. "Shut up Ken!" iritang puna ni Alvea kay Ken. "What? I'm not saying anything," sambit ni Ken na nakangisi. "Pakawalan mo na ako Alvea," mariing sambit ko. Napasimangot naman siya at sinunod ang sinabi ko, naupo ako sa isang holographic na upuan at saka nag umpisang pumindot sa hologram. "The appearance of our bussiness decreases by 2%, and we can't find who get that 2% of share, that's why I've been panicking," paliwanag ni Alvea na medyo kumlama na sa pagiging mainitin na ulo niya. "I told you I can find him--" sambit ni Ken at agad namang pinutol iyon ni Alvea. "I don't trust you! You Playboy!" sigaw ni Alvea, tinignan ko naman ang sinasabi ni Alvea na nawawalang share, 2% ay isang malaking kawalan na iyon, kaya kailangan talaga naming mahanap kung sino ang naglabas niyon. "Here is the list of people who has an access of our Bank accounts." sambit ni Alvea at muling nag pindot sa Hologram. Napatingin kami sa pintuan ng magbukas iyon at pumasok si Alyza. "No need to check their Identity, because I know who is it," sambit niya. At naglakad papalapit sa amin, binuksan niya ang kaniyang hologram at ipinakita sa amin ang mukha ng alchemyst na kumuha niyon. "She's now in our detention room, and she's now interrogating by our people, she's been using invisibility potion to steel money." sambit ni Alyza, agad akong napatayo ng walang pasabi at nagpunta sa isang hole upang makapunta agad sa Intorregating room. Pagkabukas ko ng pintuan ay agad napatayo si Mrs. Alborso. "You don't know how to knock Mr. Knight?" sambit niya sa akin. Lumingon ako kay Ashanti na nakayuko at nanginginig ang mga kamay. "She's has nothing to do with the money, Mrs. Alborso," panimula ko. "And how did you know? You know her?" tanong sa akin ni Mrs. Alborso at tumango naman ako lumapit ako sa kanila at naupo sa bakanteng upuan. "She has no, Identification card to open our bank account and to open our private room. I'm sorry Mrs. Alborso for bringing her here in Academy, but I know that she didn't steal that money," paliwanag ko. "She was caught in our hologram, she's in our private room." Tumingin naman ako kay Ashanti ng sabihin iyon ni Mrs. Alborso. "I-m I--m sorry, but... but someone pull me to get inside to that room," sambit ni Ashanti. I believe her. "Can you tell us who is he or she?" tanong ni Mrs. Alborso. "He--he's a Male, and-- and I can't see his face because he use invisibility too. Not a potion but a real invisibility power." "I see, can you stay here for a while, until the investigation done?" sambit ni Mrs. Alborso, tumango naman si Ashanti. "And, Mr. Knight, you know the consequence of your doings," yumuko ako upang magbigay galang. "Yes, Mrs. Alborso." Yumuko rin si Ashanti at ngumiti ito sa akin, sumunod siya sa mga Alchemyst na nakaatas bantayan si Ashanti hanggang sa nawala na sila sa hole, nagpaalam ako kay Mrs. Alborso at saka lumabas. "Oh my!" gulat na sambit ni Alvea pagbukas ko ng pinto, ngumisi ako at saka lumabas at inilagay ang mga kamay ko sa bulsa. "Are you waiting for me?" "No! I was absorbing some fresh news." "Really?" she greeted her teeth. "Yes! Really!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.2K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
478.0K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

NINONG III

read
365.1K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook