bc

My Twin Masters

book_age18+
7.1K
FOLLOW
25.4K
READ
forbidden
possessive
royalty/noble
drama
twisted
bxg
genius
royal
affair
seductive
like
intro-logo
Blurb

Si Calle Raine Delaware ay isang simpleng babae lamang ngunit may angking kakayahan sa pakikipaglaban dahil simula ng musmos pa lamang sya ay tinuruan na sya ng kanyang ama, dahilan para maging isa syang black belter at bukod pa dun ay magaling din syang humawak ng mga armas gaya ng mga baril. At dahil sa kakayahan nya ay nakapasa sya bilang butler ng Vigor twins na sila Raizen Azai at Raiden Aziel dahil sanay ang kambal sa mga tauhang lalaki at di nya alam kung bakit ayaw tumanggap ng mga ito ng mga babaeng maid o kahit na na tauhan na may kaugnayan sa babae, ngunit hanggang kailan kaya sya makapagpapanggap bilang babae? Kung unti-unti na syang nagkakagusto sa boss nyang si Raiden at habang wala syang kaalam-alam na ang isa nya pang boss na si Raizen ay nahuhulog na din sa kanya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE: TWIN SERIES 3: MY TWIN MASTERS CALLE RAINE'S P.O.V "Raine sige na please? Ngayong gabi lang naman tayo magsasaya," napabuntong-hininga nalang ako habang nakatingin kay Maisy at napakamot nalang ako ng ulo dahil sa pagpupumilit nito saking samahan ko sya sa isang night club. Nakilala ko ang kaibigan kong si Maisy bilang isang happy-go-lucky party goer at 'yun ang dahilan kung bakit nagpupumilit siya sakin ngayon na samahan siya sa isang night club dahil never pa sa buhay ko na sumama ko sa kanya pumunta sa mga party na pinupuntahan niya. "Okay fine, sasama na 'ko sayo but please promise me na hindi mo sasabihin kay Lola Lucia na pumunta tayong night club, alam mo namang hindi ako papayagan nun dahil nag-iisang apo niya lang ako at babae pa kaya please?" pakiusap ko kay Maisy at nakita ko namang ngumiti sya sakin bago sya tumango. Matapos ang usapan namin ni Maisy ay agad kaming pumunta sa condo niya at saka kami pumasok sa loob at nakita ko naman kung paano ko tiningnan ni Maisy na parang sinusukat nito ang bawat detalye sa katawan ko. "Maisy anong gagawin natin dito sa condo mo?" "Magbibihis malamang wag ka magulo sis, tinitingnan ko pa kung anong dress ang ipapasuot ko sayo." napabuntong-hininga nalang ako saka napailing ng makita kong ilabas niya ang mga dress niya mula sa closet niya. "siguro ito babagay sayo malaki naman ang hinaharap mo at hindi naman mahirap i-reveal plus you have a sexy butt," sabi pa ni Maisy saka kumindat sakin kaya mas lumalim ang pagbuntong-hininga ko. "Maisy alam mo namang hindi ako magsusuot ng mga ganyang damit diba?" paliwanag ko sa kanya at nakita ko namang ang pag-iling niya. "No way high-way! Ngayon ka lang naman magsusuot nito Raine, wala namang masama kung ita-try mo noh! Isa pa you agreed to this kaya wag kana umangal okay? Atleast for once in your life you revealed to people how sexy and beautiful you are so no more buts!" sabi ni Maisy kaya naman napa-irap nalang ako saka nanahimik na lang. Pinagmasdan ko lang si Maisy kung paano niya sinukat sakin ang mga dress niya kahit naka hanger pa din ang mga ito at nang makita kong napangisi siya ay nagulat nalang ako sa sunod na ginawa niya dahil tinulak niya ako papasok sa banyo niya. "Wear that dress and after that I will do your make-over okay?" sabi ni Maisy kaya di na 'ko umangal pa at sinunod nalang ang sinabi niya. Mabilis kong tinapos ang pagbibihis at nang makalabas na ako ng banyo ay nakita kong literal na nakanganga si Maisy habang nakatitig sakin. "Oh holy goddess! I told you sis, look at you hindi pa kita naaayusan pero oh god! Napakasexy mo sa dress na 'yan!" parang hindi makapaniwalang turan ni Maisy kaya naman nangingiting napailing nalang ako sa kanya dahil halatang hindi siya makapaniwala. Pinasuot niya lang naman sakin ang tube dress na kakulay ng balat ko kaya mas lumabas ang kaputian ng balat ko dahil sa dress na pinasuot niya plus meron ding butas ang dress sa magkabilang bewang ko kaya naman kahit pa-paano ay naiilang ako sa suot kong dress dahil masyadong revealing at maiksi dahil ang haba ng dress na pinasuot niya sakin ay nasa ibabaw ng tuhod ang laylayan. "Pagtapos kita samahan sa night club hindi na ulit ako magdadamit ng ganito, alam mo namang hindi ako sanay sa mga ganto kaiksing damit di 'ba?" paliwanag ko kay Maisy at nakita ko namang ngumuti lang siya saka ako inalalayan paupo sa harap ng salamin at saka niya ako sinimulang ayusan. Hindi rin naman kami nagtagal sa condo unit niya dahil matapos niya kong ayusan ay nagbihis din siya agad at saka kami sumakay sa taxi at dahil hindi naman kalayuan ang night club na sinasabi ni Maisy ay agad din naman kaming nakarating doon. "Good evening ladies, may I see your gate pass?" nakangiting turan samin ng bouncer s***h security guard sa club. "yes of course, by the way she's with me." nakangiting sagot naman ni Maisy sa guard saka niya inabot ang isang card at saka naman 'yun tinapat ng guard sa isang monitor at nang mag beep 'yun ay agad naman kaming pinapasok ng guard saka lumapit ng maigi sakin si Maisy. "Look Raine, I want you to have fun atleast for tonight okay? So don't restrain yourself for being happy atleast in one day." nakangiting sabi ni Maisy kaya naman napangiti ako saka marahang tumango. "thank you," sabi ko nalang saka kami muling naglakad palapit sa bar counter. "Good evening ladies what do you want to drink?" nakangiting bati samin ng bartender kaya naman agad sumagot si Maisy. "I want you to make her a champagne cocktail and I want a Espresso martini." pagkatapos sabihin 'yun ni Maisy ay agad namang gumawa ng drinks ang barterder kaya naman habang hindi pa naseserve ang iinumin namin ay nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga babaeng nagkakagulo sa isang lalaking matangkad na moreno na kulay berde ang mga mata at medium length ang buhok. "Maisy sino 'yung pinagkakaguluhan ng mga babae 'dun?" agad kong kuha sa atensyon ng kasama ko at nakita ko namang tumingin din siya sa direksyon kung saan ako nakatingin kanina. "Oh... that's the famous royal Vigor twin, that's one is Raiden Aziel and his twin's name is Raizen Azai but I don't see Raizen here maybe Raiden is alone." paliwanag sakin ni Maisy kaya naman napatangu-tango ako sa sinabi niya. "Don't tell me he catch your attention," tugyo sakin ni Maisy kaya naman napailing-iling nalang ako habang nakangiti. "I knew it!" natatawa namang sabi ni Maisy saka naman inabot samin ng barterder ang drinks na inorder ni Maisy para samin. "Alam mo bang walang babaeng tauhan ang mga Vigor lalo na ang dalawang kambal na 'yan at hindi ko rin alam kung bakit, pero atleast Raiden is into girls kaya nga hayan kilala na si Raiden bilang isang womanizer." explain sakin ni Maisy kaya naman napatango nalang ako. "I don't care, I still like him." nakangiting turan ko kay Maisy at nakita ko namang ngumiti lang din siya. "Well goodluck my friend," tudyo sakin ni Maisy kaya napailing nalang ako. *** Matapos makailang order ni Maisy ng drinks namin ay nakaramdam na ako ng pagkahilo kaya naman naramdaman ko nalang na niyuyugyog ni Maisy ang balikat ko dahil nakayuko na ako sa bar counter dahil nakakaramdam nadin ako ng antok. "Pupunta lang ako ng comfort room sis," aniya na hindi ko nalang kinibo dahil antok na antok na talaga ako kaya naman nang maramdaman ko na umalis na siya ay saka ko umupo ng maayos at saka inilibot ang tingin ko sa paligid kahit na nahihilo na talaga ako. At nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki na naglalakad papunta sa comfort room ay agad akong tumayo at pinilit na maglakad ng tuwid papunta sa lalaking nakita ko at kahit na gegewang-gewang ako maglakad ay pinilit ko padin siyang sundan at nang makarating ako sa tapat ng men's room ay sumandal ako sa pader at saka pinikit ang mata ko at nang maramdaman kong ma-o-out of balance ako ay naramdaman kong may mga bisig na sumalo sakin at nang tingalain ko ito ay nakita ko ang mukha ni Raiden at ang mga asul niyang mata kaya naman napangiti ako saka siya hinila sa necktie niya palapit sakin. "Miss are you okay?" dinig kong tanong niya sakin sa malamig niyang tinig na parang musika sa mga tenga ko kaya naman hindi ko alam kung anong nagtulak sakin pero naramdaman ko nalang na sinunggaban ko siya ng halik sa labi na noong una ay hindi niya tinugon pero ng magtagal ay naramdaman ko din ang pagtugon niya sa halik ko na lalong nagpa-init sa katawan ko. "f**k miss you're drunk!" dinig kong hirap na hirap na turan niya sakin kaya naman napangisi ako at saka siya muling hinalikan pero agad niyang nilayo ang sarili niya sakin. "Please don't... you're drunk and I don't want to take advantage of you while you're like this." muling turan niya sakin saka ako pinisil sa mga pisngi ko at saka niya ako hinalikan sa noo bago niya ako iwan sa kinatatayuan ko. Para akong na starstruck sa ginawa niya dahil ang sabi ni Maisy sakin ay womanizer daw si Raiden pero yung Raiden na hinalikan ko kanina ay malayo sa pagiging womanizer! I can't believe that he refused to continue what we're doing earlier! Even though I'm a virgin I know what I'm doing. "Raine anong ginagawa mo dito?" tanong ni Maisy sakin kaya naman napangiti lang ako saka nailing saka kami sabay na naglakad pabalik sa bar counter at dahil sa nangyari kanina ay parang nawala ang hilo ko at muli kong tiningnan ang paligid ko pero hindi ko na nakita si Raiden kaya naman napabuntong hininga nalang ako. "Raine ayos ka lang ba? Gusto mo bang umuwi na?" sabi ni Maisy kaya naman tumango nalang ako saka kami naglakad at saka kami pumara ng taxi. At habang nasa biyahe kami ay di maalis sa isip ko ang pinagsaluhan namin ni Raiden na halik at alam kong hindi pa yun ang huli dahil nararamdaman kong magkikita pa kami ulit. At never pa sa buhay ko na nagkagusto ako sa lalaki dahil wala naman akong interes sa mga lalaki at ewan ko pero kay Raiden lang yata ako tinamaan ng ganito. And I hope that we will going to meet each other again... ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.2K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.7K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
967.0K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.6K
bc

Just A Taste (SPG)

read
895.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook