bc

The Childish King of Gangsters (COMPLETED)

book_age18+
1.9K
FOLLOW
6.2K
READ
revenge
friends to lovers
kickass heroine
comedy
bxg
icy
highschool
first love
friendship
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Cover made by: Cyrax Aelirus

"Remaining childish is a tremendous state of innocence." John Lyndon

Sinong mag-aakala na ang isang childish ay nag-iiba pala ang katauhan. Katauhan na kahit kailan ay ayaw mong makita sa buong buhay mo. Nakatatawa 'di ba? Ang isang childish katatakutan ng lahat oras na ito ay magseryoso. Sabi nga nila masamang magalit ang mga taong mababait sapagkat mas malala sila kung magalit.

At higit sa lahat sinong mag-aakala na ang isang childish ay magmamahal sa isang babae na mas malamig pa sa yelo ang puso. Paano kung dumating ang araw na kailangan nilang masaktan ang isa't isa? Muli na naman bang maghihintay ang pusong nangulila sa matagal na panahon. O, sabay nilang haharapin ang problemang darating sa pag-iibigan nilang dalawa?

chap-preview
Free preview
Prologue
Sa buhay ng tao, marami tayong makikilala at dadaan sa atin. May makikilala tayo na iba’t ibang klase ng tao ngunit, paano kung makatagpo ka nang: makulit, masayahin, mahilig sa sweets at higit sa lahat isip-batang lalake. ‘Yon tipong sa sobra niyang kainosentihan ay mapapailing ka na lamang sa kaniya dahil sa daig mo pa ang may batang palaging kasa-kasama. Kung minsan pa ay mapapailing ka na lamang dahil sa bukod sa pagiging isip-bata niya saksakan din siya ng slow sa lahat ng bagay. Isama mo pa rito na palaging panakot niya ay isusumbong ka raw niya sa kaniyang mommy.   Paano na lang kung makatagpo siya ng isang babae na taliwas sa ugali niya? Iyon tipong kulang na lamang ay manigas ka dahil sa lamig nitong makitungo. Ngunit, kahit na ganoon, hindi niya namamalayan na unti-unti na pala siyang napapalapit dito.   Pero, paano kapag nalaman mo na bukod sa pagiging isip-bata niya, ay isa pala siyang gangster na labis na kinatatakutan sa buong Gangster World?   Lalabanan ninyo ba ang isa't isa or the both of you will end up falling each other?   ---   Ilang linggo na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin alam ng misteryosong tao kung ano nga ba ang dapat niyang gawin sa mga tauhan niyang palpak ang trabaho. Sapagkat, mahigpit na utos niya sa kaniyang mga tauhan na bantayan ang kilos ng taong labis niyang kinagagalitan. Ngunit, dahil sa kapalpakan ng mga tauhan niya muli na naman silang nautakan ng taong labis na may malaking atraso sa kaniya. Kung kaya’t nangako siya sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat makapaghiganti lamang sa taong may malaking atraso sa kaniya. Bukod dito, kaagad niyang tinuruan ng leksyon ang mga tauhan niyang palpak sa trabaho sapagkat ang ayaw niya sa lahat ay ‘yong mabubulilyaso ang lahat ng kaniyang pina-plano.   Bagamat mataas ang sikat ng araw walang tigil naman sa pagsunod ang ilang kalalakihan na nakasuot ng itim na damit sa lalaking daig pa ang bata kung kumilos. Kung kaya’t walang nagawa ang mga lalaking nakasuot ng itim na damit kung ‘di ang sundan nang sundan ang taong pinababantayan sa kanila ng boss nila. Ngunit, ganoon na lamang ang panlalambot nila nang makita nila kung saan nagtungo ang lalaking pinababantayan sa kanila. Sapagkat, hindi nila akalain na pupunta ito sa isang bilihan ng mga laruan. Noong una, inaakala nilang bibili lamang ito ng panregalo ngunit ganoon na lamang ang pangungunot ng noo nila dahil sa nalaman nila.   “Huwag mong sabihin na sa kaniya ang lahat ng ‘yon!” nagtataka namang litanya ni Bogart sa mga kasamahan nito. “Aba malay ko diyan!” masungit na litanya naman ni Edgar.   Ang buong akala nila ay sabi-sabi lamang na isip-bata ito, ngunit, ngayon nila napatunayan na totoo nga pala ang usap-usapan tungkol sa taong binabantayan nila. Ang labis lamang nilang pinagtataka ay kung bakit labis-labis ang galit ng boss nila sa taong binabantayan nila. Sapagkat, kung pagmamasdan mo ang hitsura nito, mukhang laki ito sa isang aruga ng ina, sa madaling salita, ang lalaking binabantayan nila ay isang “mama’s boy.” Batay pa lamang sa kilos nito mukhang wala itong kaalam-alam sa panganib na naghihintay rito.   “Bogart, sigurado ka bang tamang tao ang binabantayan natin?” nakakunot ang noo na tanong naman ni Edgar sa kasamahan nito.   “Oo naman! Nakita mo naman siguro ang larawan na ibinigay sa atin ni boss? Kaya hindi ako pwedeng magkamali!” kaagad namang sagot ni Bogart kay Edgar.   “Nakita ko ‘yon! Ang akin lang, bakit kailangan pa nating sundan ang lalaking ‘yon? Tingnan mo nga ang hitsura ng lalaking ‘yon, baka kaunting pananakot ko lang doon ay kumaripas na kaagad ‘yon ng takbo!” mayabang namang litanya ni Bogart.   “Magtigil ka nga, Bogart! Umiral na naman ‘yang kayabangan mo!” pagsingit naman ni Hugo.   “Nagsasabi lang naman ako ng totoo, Hugo. Tingnan mo naman ang hitsura ng lalaking ‘yon! Sinong nasa tamang pag-iisip ang bibili ng laruan at ice-cream ng nasa ganoon edad! Ang malupit pa nito, bumili pa talaga ang lalaking ‘yon ng sapatos na umiilaw!” pangangatwiran naman ni Bogart.   Sa halip na sumagot pa si Hugo kay Bogart pinagmasdan na lamang ng lalake ang taong sadya nila. Hanggang sa nagulat na lamang sila kung saan nagtungo ang taong binabantayan nila. Kulang na lamang ay mapahilamos sa mukha si Hugo dahil hindi ito makapaniwala kung saan nagtungo ang lalake na binabantayan nila. Isama mo pa rito na patalon-talon pa ito na akala mo’y ngayon lamang pinayagan ng magulang gumala. Habang ang panay naman ang tingin dito ng ilang nakakasalubong nito, ngunit, para bang balewala lamang ito rito. May iilang nagtataka sa ikinikilos nito, may ilan namang natatawa dahil sa daig pa nito ang isang bata kung kumilos.   “Mukhang naniniwala na ako sa sabi-sabi nila tungkol sa lalake na binabantayan natin,” iiling-iling namang litanya ni Hugo.   “Tingnan mo na! Kaya nga nagtataka ako, bakit galit na galit si boss sa lalaking ‘yon?” kaagad namang sagot ni Bogart. “Manahimik nga kayong dalawa! Kapag tayo nahalata ng taong binabantayan natin, babalatan ko kayo ng buhay!” inis namang pagsingit ni Edgar.   Kaagad namang tumahimik sina Bogart at Hugo dahil sa nag-aalala sila na baka mabulilyaso ang plano nila. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata nilang tatlo dahil sa nakikita nilang senaryo hindi kalayuan sa pwesto nila. Kulang na nga lang ay lumuwa ang mata nila sa matinding pagkagulat dahil sa nakita nilang tuwang-tuwa na ang lalake na binabantayan nila habang nakasakay sa bump car at nakikipagbungguan sa mga batang kasamahan nito. Isama mo pa rito na kung minsan ay nakikipagpaunahan pa ito sa mga batang nakasakay rin sa bump car. Habang pinagmamasdan ni Hugo ang taong binabantayan nila para bang ito ang nakararamdam ng hiya dahil sa ikinikilos ng taong binabantayan nila.   “Ano bang ginawa ng lalaking ‘yon at galit na galit si boss? Kasi wala akong makitang rason para magalit sa lalaking ‘yon si boss,” saad naman ni Edgar sa kasamahan.   “Iyan nga rin ang kanina ko pang iniisip. Kasi kung ako ang tatanungin parang wala ito sa tamang katinuan,” pagsang-ayon naman ni Bogart.   Samantalang pinili na lamang ni Hugo na manahimik dahil alam nito sa sarili na malalagot sila sa boss nila kapag hindi nila nagawa nang ayos ang pinag-uutos sa kanila. Hanggang sa napansin na lamang nila na may ilan pang kalalakihan ang dumating at kaagad na lumapit sa taong binabantayan nila. Mabilis namang napatalikod si Hugo nang bigla na lamang tumingin sa direksyon nila ang isang lalake na sa tantiya nito ay kasamahan ng taong binabantayan nila. Para bang sa paraan pa lamang ng pagtitig ng lalake kay Hugo ay mapapansin mong hindi lamang basta-basta ito.   Sa hindi malamang dahilan kaagad na nakaramdam ng takot si Hugo dahil sa naging tingin ng hindi nito kilalang lalake na bigla na lang dumating at lumapit sa taong sadya nila. Kung kaya’t walang tanging nagawa si Hugo kung ‘di ang manatiling nakatalikod sa gawi ng taong binabantayan nila. Habang panay naman ang dasal nito na sana ay magbawi na ng tingin ang lalake na bigla na lamang lumapit sa taong palihim nilang binabantayan.   “Kailangan na nating umalis!” kaagad na litanya ni Hugo sa dalawang kasamahan nito.   “Ha? Ano bang pinagsasabi mo diyan, Hugo? At saka, bakit ba parang takot na takot ka yata?” naguguluhan namang tanong ni Bogart.   “H’wag ka nang maraming tanong! Makinig na lang kayo sa sinasabi ko!” may halong inis na sagot naman ni Hugo kay Bogart. “Nasisiraan ka ba? Baka gusto mong paglamayan tayo!” pagsingit naman ni Edgar.   Sa halip na sagutin pa ni Hugo ang dalawa nitong kasamahan mabilis na lamang nitong hinila sina Edgar at Bogart. Kasabay nito ay muling pagtingin ni Hugo sa gawi ng taong binabantayan nila at mas na-doble ang takot na nararamdaman nito nang makita nitong nakatingin pa rin sa kanila ang lalaking kasamahan ng taong sadya nila. Noong una, akala nila ay mag-isa lamang ang binabantayan nila, ngunit, masyado silang naging kampante at inisip na mag-isa lamang ito.   “Makinig na lamang kayo sa akin! Bulilyaso ang plano natin, mukhang mahirap kalabanin ang kasamahan ng lalaking ‘yon!” seryosong litanya naman ni Hugo.   “What the! Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo, Hugo?” mabilis namang tanong ni Edgar.   “Kailangan na nating umalis! Papalapit na sila sa atin!” natatakot namang pagsingit ni Bogart.   Hanggang sa nagulat na lamang sina Hugo at Edgar nang bigla na lamang kumaripas ng takbo si Bogart ng hindi man lang sila hinihintay. Hanggang sa muling lumingon si Hugo sa gawi ng taong binabantayan nila at ganoon na lamang ang takot nito ng papalapit na nga ang mga ito sa gawi nila. Wala namang sinayang na oras si Hugo at mabilis na nilisan ang lugar sa takot na baka maabutan sila ng mga kasamahan ng taong binabantayan nila.   Ilang oras pa ang nakalipas bago muli silang makabalik sa hideout nila. Kaagad naman nilang nadatnan ang ilang kasamahan nila na pinarurusahan ng boss nila. Dahil dito, kaagad na nakaramdam ng takot ang tatlo sa maaaring mangyari sa kanila. Lalo na’t hindi nakaligtas sa paningin nila ang galit na namumutawi sa mata ng boss nila habang pinarurusahan ang ilan nilang kasamahan. Kaagad namang nakaramdam ng awa si Hugo dahil sa nakita nitong duguan na ang ilan nilang kasamahan, ang mas ikinagulat pa nito ay wala ng buhay ang iba rito.    Bagamat may takot na nararamdaman naglakas ng loob si Hugo na magsalita sa harapan ng boss nila na abala pa rin sa pagpaparusa sa iba nilang kasamahan. Habang sina Bogart at Edgar naman ay nanatili lamang na nakayuko na para bang takot na takot sa maaaring mangyari sa kanila. Sapagkat, aminin man nila o hindi sa kanilang sarili alam nilang pumalpak sila sa pinapagawa ng boss nila. Bukod dito, kinakabahan din si Hugo sa parusang matatanggap nila dahil sa kapalpakan nilang ginawa sa taong pinababantayan sa kanila ng boss nila.   “Boss, nandito na po kami,” magalang namang litanya ni Hugo.   “Tsk! What are you doing here? ‘Di ba sabi ko sa inyo na bantayan ninyo ang bawat kilos ng lalaking ‘yon? Pero, anong ginawa ninyo? Talagang ang lakas ng loob ninyong bumalik dito!” galit na bulyaw naman ng boss nila. “B-Boss, nabulilyaso po kasi ang plano namin. Akala kasi naman mag-isa lang ang taong ‘yon, pero, hindi naman napansin na may kasamahan pala ito,” pagsingit naman ni Edgar.   “Wala akong pakialam kung may kasamahan pa ang lalaking ‘yon! Kahit tatlo o umabot pa man sa isang daan ang kasama ng lalaking ‘yon dapat binantayan ninyo pa rin ito! ‘Di ba ang utos ko sa inyo ay bantayan ninyo ang lalaking ‘yon?”   “Patawad po, boss. Hindi na po mauulit,” magalang na pagsingit naman ni Bogart.   “Talagang hindi na mauulit ‘yon! Dahil simula sa araw na ‘to wala na kayong trabaho!” galit na asik ng boss nila.   “Boss, ako na po ang nakikiusap sa ‘yo, h’wag mo po kaming tanggalin sa trabaho. Nangangako ako na hindi na ito muling mauulit pa,” nakikiusap namang litanya ni Edgar.   Sa halip na pakinggan ito ng boss nila isang nakatatakot na ngisi lamang ang naging sagot niya sa kanila. Kasabay naman nito ay sumenyas ang amo nila sa isa nilang kasamahan at ganoon na lamang ang takot ng tatlo nang bigla na lamang may tatlong lalake ang lumapit sa kanila. Nagulat na lamang si Hugo dahil bigla na lamang itong sinuntok ng isang lalake na may malaking katawan. Samantalang sina Bogart at Edgar naman ay naliligo na sa sarili ng mga itong dugo dahil sa pagbaril sa mga ito ng dalawa pang lalake na lumapit sa kanila. Dahil dito, mabilis na nag-unahan ang luha sa mata ni Hugo habang nakatingin sa dalawa nitong kasamahan na ngayon ay binawian na ng buhay.     “Boss, pakiusap po, h’wag mo po ako patayin. Mayroon po akong pamilyang binubuhay,” lumuluhang pakiusap naman ni Hugo sa boss nito.   Sa halip na pakinggan si Hugo ng boss nito isang nakatatakot na ngisi lamang ang isinukili ng boss nito. Kasabay nito ay ang pagsulpot ng isa pang kasamahan nito na may dala-dalang malaking itim na maleta at kaagad na inihagis sa harapan ni Hugo. Hindi naman maiwasan ni Hugo na magtaka sapagkat hindi nito maintindihan kung ano nga ba ang nangyayari.   “Hahaha! Bakit hindi mo subukan buksan ang maletang nasa harapan mo?” litanya naman ng boss nito.   Sa hindi malamang dahilan kaagad na kinabahan si Hugo sa kung anong laman ng maletang nasa harapan nito. Kung kaya’t walang sinayang na oras si Hugo at kaagad na binuksan ang itim na maleta. Hindi pa nagtagal ay tuluyan ng nabuksan ni Hugo ang maletang nasa harapan nito at ganoon na lamang ang pagluha nito dahil sa laman nito.   “B-Bakit mo ‘to nagawa, boss?” lumuluhang tanong naman ni Hugo. Isang malakas na tawa muna ang pinakawalan ng boss ni Hugo bago siya sumagot. “Kailangan pa bang itanong ‘yan? Pumalpak ka sa pinapagawa ko kaya ginawa ko ‘yan!”   “Isa kang demonyo! Pati ang pamilya ko dinamay mo pa!” gali na galit na litanya ni Hugo.   Habang wala namang tigil sa pagpatak ang luha ni Hugo habang nakatingin sa putol-putol na katawan ng asawa’t anak nito. Para bang dinukot bigla ang puso ni Hugo dahil sa sakit na nararamdaman nito habang nakatitig sa katawan ng pamilya nito. Kung kaya’t walang ibang maramdaman si Hugo kung ‘di ang galit para sa boss nito na tinalo pa yata ang demonyo sa sobrang kasamaan.   “Wala kang galang! Baka nakakalimutan mong kung hindi dahil sa akin wala kang ipakakain sa pamilya mo!”   “Hindi ko itinatanggi ‘yon, boss! Pero, bakit mo ‘to ginawa? Sa tagal ko nang nagtatrabaho sa ‘yo, ngayon lang ako pumalpak!”   “Wala akong pakialam kung matagal kang nagtrabaho sa akin! Kung palpak ka sa pinapagawa ko ganiyan ang mangyayari!”   “Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo! Tanda---”   Hindi na naituloy pa ni Hugo ang balak nitong sabihin nang bigla na lamang itong barilin ng boss nito sa may bandang noo nito. Dahilan upang bawian ng buhay si Hugo habang nababakas pa rin ang mata nito ng mga luha dulot ng matindi nitong kalungkutan dahil sa nangyari sa pamilya nito. Samantalang kaagad namang sumenyas ang boss nito sa mga tauhan niya upang linisan ang naging kalat. Mabilis namang kumilos ang mga tauhan niya sa takot na baka ang mga ito ay mapadamay pa. Habang naiwan naman siyang mag-isa habang may malalim na iniisip.   “Damn you Childish King!” Nagngangalit na saad ng misteryosong tao. “May araw ka rin sa ’kin at sisiguraduhin kong kapag dumating ang araw na ‘yon ikaw naman ang luluhod sa harapan ko! Magsisisi ka sa lahat ng ginawa mo, mararanasan mo rin kung gaano kasakit mapahiya sa buong Gangster World!” muling saad ng misteryosong tao habang nilalamukos ang larawan na kanina ay tinitingnan niya lang.   “Boss, nakahanda na po ang lahat,” magalang na pahayag ng isa sa kaniyang mga tauhan na kararating lang.   Sa halip na sagutin niya ‘to, kinumpas niya lang ang kamay niya na tila ba nagsasabi na umalis na ito sa harapan niya. Habang nababakas pa rin sa mukha ng misteryosong tao ang matinding galit sa taong labis niyang kinasusuklaman. Isama mo pa rito ang galit niya dahil sa palpak na trabaho ng kaniyang mga tauhan. “Tandaan mo ‘yan! Malapit na ang araw na mararanasan mo kung gaano kasakit ang mapahiya at maliitin sa buong Gangster World. Malapit na!” saad ng misteryosong tao sa kaniyang sarili habang may nakakatakot na ngisi na nakapaskil sa labi niya.   Ngunit, mabilis na nabura ang ngiti sa kaniyang mga labi nang muli na naman niyang maalala ang kapalpakan ng mga tauhan niya. Sapagkat, simpleng-simple lamang ng pinapagawa niya sa mga ito ay hindi pa ng mga ito nagawa nang maayos. Isama mo pa rito ang galit na nararamdaman niya dahil mainit siya ngayon sa mga pulis dahil sa ang ilang ilegal na pinagkakakitaan niya ay nadiskubre ng mga ito. Kung kaya’t wala siyang pahinga dahil gusto niyang malaman kung sino ang tao na nagturo sa mga pulis sa ilegal niyang negosyo.   “Boss, pasensiya na po sa abala, pero, nalaman ko na po kung sino ang nagsumbong sa ilang ilegal na negosyo ninyo sa mga pulis.”   Kaagad naman siyang napabaling dahil sa sinabi ng kararating lang niya na tauhan. Sa hindi malamang dahilan kaagad na sumilay ang nakatatakot na ngisi sa labi niya dahil sa naiisip niyang gawin sa taong nagsumbong sa kaniya sa mga pulis.   “Sino ang lapastangan na taong ‘yon?”   “Si Mr. Luna po, boss. Nalaman ko pong kaya nito ginawa ang bagay na ‘yon ay dahil sa hindi ninyo ito pinahiram ng limang milyon.”   Kaagad na nagpanting ang tainga niya dahil sa kaniyang narinig kasabay naman nito ay ang pagpasok ng dalawa niyang tauhan na hila-hila si Mr. Luna na ngayon ay duguan na ang mukha nito dahil sa pambubugbog ng mga tauhan niya rito.   “Sinasabi ko na nga at ikaw ang may kagagawan nito!” galit na asik naman ni Mr. Luna.   Sa halip na sagutin pa niya ito mabilis na lamang niyang sinenyasan ang kaniyang tauhan na patayin na ito upang sa ganoon ay mabawasan ang mga asungot sa buhay niya. Kung kaya’t mabilis namang sinunod ng mga tauhan niya ang kaniyang pinag-uutos at kaagad na lumabas ng kwarto na kanina lamang ay nababalot ng dugo. Habang nababakas naman sa mukha ni Mr. Luna ang kakaibang takot sa maaaring mangyari rito. Bukod dito, naisip din nito ang asawa't anak nito na umaasa na magagawan ni Mr. Luna ang problema na kinahaharap ng pamilya nito. Kasabay naman nito ang mumunting luha na umagos sa mata ni Mr. Luna habang hinihila ito ng tauhan ng taong may balak na ipapatay ito. Sa halip na maawa ang misteryosong tao kay Mr. Luna, para bang natutuwa pa siya sa kaniyang nakikita. Samantalang, tanging pagdarasal na lamang ang nagawa ni Mr. Luna para sa pamilya nitong maiiwan. Sapagkat, alam ni Mr. Luna na marahil ay papatayin na ito ng tauhan ng taong balak sana nitong utangan. Kung kaya't walang nagawa si Mr. Luna kung 'di ang magpatangay na lamang sa mga taong humihila rito papalabas ng kwarto.   “Susunod ka na, Childish King!” nakakatakot na litanya naman ng misteryosong tao habang nababakas sa labi niya ang nakatatakot na ngisi. Isama mo pa rito ang tuwa na nararamdaman niya, sapagkat, para bang nasasabik na siya sa magiging reaskyon ni Childish King kapag napabagsak na niya ito. Bukod dito, iniisip niya rin na isa-isahin ang mga taong labis na mahalaga rito upang iparanas dito ang galit na kaniyang nararamdaman. Dahil sa naisip niya, muli na namang sumilay ang nakatatakot na ngisi sa kaniyang labi na para bang may namumuo na namang plano sa isip niya. Kasabay naman nito ang pagpasok ng isa niyang tauhan na may ilang talsik pa ng dugo sa damit nito. "Nagawa na po namin ang pinag-uutos ninyo," magalang na saad naman ng tauhan niya. Isang tango na lamang ang naging sagot niya rito habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya. Isama mo pa rito ang panlilisik ng mata niya na para bang gustong-gusto na niyang turuan ng leksyon ang taong labis niyang kinasusuklaman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Professor's Wife

read
450.5K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
563.0K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.9K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook