bc

Wrap me in Your Arms (Casa de Alegre Series)

book_age18+
172
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
badgirl
drama
twisted
campus
enimies to lovers
humiliated
prostitute
wild
like
intro-logo
Blurb

This story contains mature scenes that only suitable for legal ages.

Second generation of Madness and Reverie.

" I'll double the price. Sa akin mo ibenta ang anak mo."

Jamie Elaine Martinez is the rebellious daughter of the corrupt mayor of Laoag City. Ang tanging gusto niya lang sa buhay ay makalaya sa mala-impyernong mansyon nila. Wala siyang pakialam kung ano ang tingin sa kaniya ng ibang tao.

Nang natalo ang ama niya sa huling termino ng pagiging alkade, sunod-sunod ang naging problema nila. Nalugi ang negosyo ng kaniyang ama, nalulong ito sa bisyo at nagkaroon ng malaking utang sa iba't ibang tao.

Her life became more miserable when her father wanted to sell her to an old Chinese businessman. Subalit nagbago ang isip ni Ricardo ng marinig niya ang offer ni Fedirich. Nasilaw sa salapi ang ama ni Jamie kaya napunta siya sa kamay ng lalaking kinamumuhian niya.

Sa poder ni Fedirich, magiging maayos na kaya ang buhay niya o mas lalong magiging miserable lang ito?

For the second time around, will they resolve their unfinished business?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
JAMIE Hindi na naman ako pumasok sa last subject namin. Badtrip kasi ako ngayon kaya wala akong ganang mag-aral. Binuhos ko lahat ng frustration ko sa paglalaro ng dart. Iniisip kong mukha ni Daddy at ng babae niya ang dart board na tinatamaan ko. "Jam, makakapuslit ka ba mamayang gabi?" tanong ni Toni. Toni has been my best friend since high school. Pareho kami ng ugali kaya magkasundo talaga kami sa lahat ng bagay. "Bakit? May party ka bang dadaluhan mamayang gabi?" "Gaga, 'wag mong sabihin na nakalimutan mo na naman? My god, Jamie! Hello, birthday ni Fedirich mamayang gabi." Napasinghap ako. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay kinikilabutan ako. Paano ba naman kasi, ilang beses ko na siyang binasted pero hindi pa rin siya tumitigil sa panliligaw sa akin. Ang kulit niya. Ilang beses ko na siyang pinahiya sa harap ng maraming tao subalit pursigido pa rin siya na ligawan ako. "Hindi ako pupunta," bagot kong sabi. Kapag pupunta ako, mas lalo lang siyang aasa. Hindi ko talaga siya gusto at may mahal na akong iba. "Pambihira ka naman, Jamie. Hindi na 'yon aasa sa'yo. Kasi bali-balita na nagde-date na sila ni Katelyn." Nagulat ako sa narinig ko. "T-Talaga?" Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bigla kasi akong nalungkot at kumirot ang dibdib ko. Napansin ni Toni ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ko kaya pilit akong tumawa. Hay nako! Siguro naninibago lang ako kaya ganito na lang ang naging reaksyon ko. "Jamie, ba't bigla kang naging matamlay? Teka nga, akala ko ba si Miguel ang gusto mo?" Mabusisi akong tinignan ni Toni habang nakataas pa ang isang kilay nito. Na tila nagdududa siya sa akin. "Hindi, ah. Si Miguel naman talaga ang gusto ko. Mabuti na nga at natauhan si Fedirich. Tara na nga, uwi na tayo. Text na lang kita kung makakapunta ako sa birthday niya." "Pumunta ka na, Jamie. Sige ka, iisipin nila na kaya ka hindi dumalo sa birthday niya dahil affected ka sa bagong nililigawan ni Fedirich." Nagpapatawa ba siya? Ako? Affected? Imposible! Para matigil na si Toni sa pangungulit sa akin, pumayag na akong sumama sa kaniya mamaya. Saka invited naman ako sa birthday party ni Fedirich. Nauna ng umuwi si Toni dahil nandito na ang sundo niya. Habang naghihintay ako kay Manong Homer, naupo muna ako sa gilid ng bilyaran. Hindi ako maarte kaya kahit isama mo pa ako sa bukid, hindi ako magrereklamo. May kaya kami sa buhay pero pinalaki kami ni mama na simple at hindi matapobreng tao gaya ng ibang mayayaman. I'm Jamie Elaine Martinez, the rebellious daughter of Mayor Ricardo and Elanis Martinez. Babaero si papa kaya simula pagkabata ay malayo na ang loob ko sa kaniya. Paano niya nagawang lokohin si mama at ipagpalit sa mga pipitsugin niyang mga babae? Kaya labis na lang ang galit ko sa kaniya. "Hinihintay mo si Manong Homer?" biglang tanong ni Fedirich sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa biglaan niyang pagsulpot. Nakakagulat naman ang lalaking ito. Imbis na sagutin ang tanong niya ay inirapan ko siya. Napatingin ako sa paligid at baka may ibang estudyante na makakita sa amin. Ayokong pag-ugatan ng chismis ang tungkol sa pag-uusap namin ngayon. "Ang sungit mo talaga. Anong problema mo at bakit hindi mo ako pinapansin ngayon?" tanong niya ulit. Lumayo ako ng konti sa kaniya. "Lumayas ka na nga sa harapan ko. Baka awayin pa ako ni Katelyn at paratangan na mang-aagaw. Alam mo naman ang ugali ng babaeng iyon." Mahinhin pero war freak. Ang pangit ng taste niya. "What about her?" Mariin akong napakagat sa aking labi. "Hello! Usap-usapan na nagde-date na kayo kaya pwede bang 'wag mo na akong kausapin pa. Ano na lang ang iisipin niya kapag nalaman niyang magkasama tayo ngayon?" He chuckled. Na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Dahil sa inis, hinampas ko siya ng hawak kong libro. "Halika na, ihatid na kita sa inyo." "Ayoko nga!" Napasigaw ako ng bigla niya akong buhatin na parang isang sako ng bigas. Nang ibaba ako ni Fedirich sa passenger seat ay aksidenteng nahalikan niya ako. Naestatwa ako sa aking kinauupuan at nawalan ako ng lakas na itulak siya. Akala ko ay aalis na siya pero laking gulat ko ng bigla niyang hinapit ang bewang ko at siniil ng halik. Para akong alipin ni Fedirich ngayon dahil lang sa pesteng halik na 'yan. "I'm in love with you, Jamie. Kaya bakit ko liligawan si Katelyn kung sa una pa lang ay ikaw na ang gusto ko?" "Huh? Malay ko kung nagbago na ang nararamdaman mo. Saka mas maganda kung siya na lang ang ligawan mo dahil wala kang mapapala sa akin." Matangkad si Fedirich, guwapo, matipuno at maputi. His almond eyes are perfect for him. Pero hindi ko talaga siya gusto. Ewan ko ba kung bakit sa bad boy ako attracted at hindi sa mabait at responsable na lalaki. Napaatras ako ng tangkain niyang hawakan ang labi ko. Napaismid ako ng makitang pinipigilan niyang hindi tumawa. Ang kapal talaga ng mukha niya. Hindi man lang siya humingi ng sorry sa akin sa pagnanakaw ng first kiss ko. "Hindi mo ba nagustuhan ang paghalik ko sa'yo?" Napaismid ulit ako. "Ano sa tingin mo?" "Nagustuhan mo," confident niyang sagot. Sinipa ko ang gitnang parte ng katawan ni Fedirich dahil hindi ko nagustuhan ang sagot nito. Kahit kailan talaga, ang yabang niya. "Ouch! Ang sadista mo talagang babae ka," reklamo niya. Paika-ika siyang pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Medyo na-guilty ako ng konti sa ginawa ko kaya agad akong humingi ng tawad sa kaniya. "I'm sorry. Ikaw naman kasi, eh." "It's alright. Isipin ko na lang na ito ang way of paglalambing mo sa akin." Nagusot ang mukha ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Ang lakas talaga ng tama niya sa akin. Gano'n niya ba ako kamahal para isipin niyang way of paglalambing ko iyon? My god! Kailangan ng magising sa katotohanan si Fedirich. "Ihatid mo na nga lang ako sa bahay." Ang tagal kasi ni Manong Homer. Kailangan ko pang lambingin si mama para payagan niya akong lumabas mamayang gabi. "Masusunod po, kamahalan." I'm curious why he likes me so much. Oo, alam kong maganda ako pero bukod sa pisikal kong kaanyuan, ano pa kaya ang nagustuhan niya sa akin? Ang ugali ko? Gusto niya ba ng babaeng mataray at laging nag-a-absent sa klase? Sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa kaniya, bakit ako pa ang nagustuhan niya? "Thank you, Fedirich." Ayoko namang bumaba at pumasok sa mansyon namin ng hindi nagpapasalamat sa kaniya. "Wala bang kiss diyan?" pabiro niyang tanong sa akin. "Gago! Kiss mo mukha mo. Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na." "Saka lang ako aalis kapag nakapasok ka na sa loob ng bahay niyo." Hindi ko pa naihahakbang ang dalawang paa ko ng marinig kong nag-aaway na naman si mama at papa. Tipid kong nginitian si Fedirich kaya bigla siyang nalungkot. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila pabalik sa loob ng kaniyang sasakyan. Tinakpan ko ang aking mukha upang hindi niya makita na umiiyak ako ngayon. Pagdating talaga sa pamilya ko, nagiging mahina ako. Naduduwag ako. Gusto kong bumukod subalit ayokong iwan sa impyernong mansyon na ito si mama at Jane, ang bunsong kapatid ko. Kaya magtitiis muna kami hanggang sa makapagtapos ako ng pag-aaral. "Teka, saan mo ako dadalhin?" "Sa casa," simpleng sagot niya. Ano? Hindi pwede! "Hoy, Fedirich! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Baka isipin ng pamilya niya na ako ang girlfriend niya kapag dinala ako ni Fedirich sa casa nila ng ganito kaaga. "It's my birthday, Jamie." "Alam ko," agad kong sabi. "Nakakahiya sa parents mo kapag ang aga kong pumunta sa casa niyo. Ibaba mo na ako, Fedirich. Uuwi na ako sa bahay. Magkita na lang tayo mamaya." Tinigil niya ang sasakyan nito sa gilid ng daan. Namumungay ang kaniyang mga mata ng tumingin siya sa akin. Ano ba 'yan. Nadadala na naman ako sa mga titig niya. "Please stay with me, Jamie. Ayokong bumalik ka sa bahay niyo at masaksihan kung paano magkasakitan ang iyong mga magulang." Kinuha niya ang kamay ko at masuyo itong hinalikan. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. I was so sure of my feelings for Miguel. Pero bakit tila may epekto si Fedirich sa akin? Kung gano'n, hindi ba malalim ang nararamdaman ko kay Miguel? Huminga ako ng malalim dahil simula kanina, gulong-gulo na ang isipan ko. "Jamie," tawag niya ulit sa pangalan ko. "Ako na lang ang mahalin mo, please. Sasaktan ka lang ni Miguel," aniya. Isa-isang pumatak ang luha ko dahil totoo ang sinabi ni Fedirich. Alam kong sasaktan lang ako ni Miguel at iiwan sa huli. Pero kahit gano'n, gusto ko pa rin siya at walang magbabago sa nararamdaman ko. Habol nang habol si Fedirich sa akin samantalang ako, si Miguel naman ang hinahabol ko. How ironic right? Natahimik kaming dalawa ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang tumatawag si Miguel. Speaking of the devil. Sasagutin ko na sana ang tawag niya subalit mabilis na hinablot ni Fedirich ang cellphone ko. "Don't answer his call, Jamie. Ako ang kasama mo ngayon kaya dapat nasa akin ang buong atensyon mo. Kahit ngayon lang, 'wag mo muna siyang isipin." "Hindi ko naman sasagutin ang tawag niya kaya akin na ang cellphone ko. Kung hindi ka kumbinsido, you can turn off my phone." Jesus! Jesus! Ninakawan na naman ako ng halik ni Fedirich. Nakakarami na siya! "I'm sorry, I got carried away. Alam kong hindi pa malalim ang feelings mo kay Miguel. Kaya confident akong maaagaw pa kita sa kaniya." Ano ba ang aagawin niya? Hindi pa naman kami ni Miguel at nanliligaw pa lang siya sa akin. Pero hindi ko alam kung seryoso ba siya o hindi. Nagulat kaming dalawa ni Fedirich ng biglang nabasag ang side mirror ng sasakyan niya. Holy s**t! Anong ginagawa ni Miguel sa gilid ng highway? At may hawak pa itong baseball bat. "Your suitor is here, Jamie. Look at his face; he's furious and ready to kill." "Don't move, Fedirich. Ako na ang kakausap sa kaniya." "And what will you tell him? Hindi ka umilag sa halik ko dahil nagulat ka sa ginawa ko?" What the hell is he talking about? Hindi naman iyon ang sasabihin ko kay Miguel. "Shut up! I will f*****g stitch your mouth if you keep talking about our kisses." Paglabas ko ay isang matalim na tingin ni Miguel ang bumungad sa akin. Pulang-pula ang buong mukha niya dahil sa galit. May hawak pa itong baseball bat kaya kahit takot akong lapitan siya, lumapit pa rin ako sa kaniya. Hindi naman niya siguro ako hahampasin. "M-Miguel, ikaw pala." Jamie, you're so stupid! Hindi kasi ako makahanap ng tamang sasabihin sa kaniya. "Why? Did I disturb your making out session with Fedirich?" he asked me with his disgusted face. What? Matatawag na bang making out session ang isang segundo na halik? I'm so disappointed! Anong tingin niya sa akin, gaya ng mga babae niya? Hell no! "We didn't do that. We just kissed, and that's all," I explained to him. "Talaga ba? Tang-ina, Jamie! Huwag mo akong gawing tanga. Alam kong hindi lang halik ang gagawin niyo," paratang niya. Nakalabas na pala si Fedirich. Ang tigas talaga ng ulo niya. "I'm not like you, Miguel. I respect Jamie so much that I want to take her virginity after our wedding." "Tumahimik ka! Hindi ikaw ang kinakausap ko." Magsasalita pa sana si Fedirich subalit mabilis kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Baka mabugbog pa siya ni Miguel kapag nagsalita siya ulit. Napasigaw ako ng hinampas ni Miguel ang hawak niyang baseball bat sa sasakyan ni Fedirich. I got scared by his sudden behavior. He's really mad, and he vents out his anger on Fedirich's car. "Katulad ka rin pala ng papa mo, Jamie. Manloloko at two timer. Alam mong nililigawan kita tapos nakikipaghalikan ka pa sa gagong ito." Parang bomba na sumabog ang galit na kanina ko pa pinipigilan. How dare him to compare me with my father. I'm not like him and will never be. "Mas gago ka! Oo, nanliligaw ka nga sa akin pero kaliwa't kanan naman ang mga babae mo. Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Paano ako magseseryoso sa'yo kung sa una pa lang, ganiyan na ang gawain mo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook