CHAPTER 1

1795 Words
Chapter 1 Tulala si Nicnic sa litrato ng namatay niyang asawa dahil pakiramdam niya ay napakalaki ng nagawa niya ritong kasalanan. Patay na ito pero buhay na buhay pa rin ito para sa kanya at para bang parating nariyan lang, nakamasid. “I’m sorry, hubby.” Iling niya at makailang ulit na natutop ang pisngi kasabay ng pag-iinit ng mga iyon. She did something inappropriate. For her what she did last night is a sin. Biktima si Ziggy ng isang fraternity na kinalasan nito at nilabanan sa pamamaraan ng pagtestigo laban sa mga gumahasa sa isang incoming frat member na babae. Hindi nito nasikmura nang makita na sapilitang dinala sa langit ng mga ka-frat members and kawawang estudyante, na mismong superior ang pumuwersa. Hindi raw alam ng babae kung ano ang ibig sabihin ng salitang ‘sarap’ o ‘hirap’ kaya pinili ay ‘sarap’ pero kalaunan ay umiyak at nagpumiglas nang tangkain na hubaran ng mga lalaki. Ziggy was supposed to use the woman secondly but he had rather helped the woman escape. Nakipagsuntukan ang binata noon sa apat na lalaki at naitakas ang kawawang estudyante. He was uneasy that time. Bigla na lang na hiningi ng boyfriend niya ang kamay niya sa kanyang mga magulang at hindi niya alam kung anong mahika ang ginamit no’n para mapa-oo ang Papa niya. Mabait kasi iyon na sobra. Hindi iyon mayabang. Inirespeto siya ni Ziggy sa loob ng tatlong taon silang mag-boyfriend at nakilala rin niya iyon nang may mag-recruit sa kanyang sumali sa fraternity pero hindi niya tinanggap. Aware siya sa pwedeng kahinatnan ng mga babaeng sumasali roon dahil parati iyong ipinaaalala ng adviser nila noong high school. Si Ziggy ang nagsabi sa isang kasamahan na kung ayaw niya ay huwag na siyang pilitin. She was captured since then. Nagkaroon siya ng crush sa lalaki at hindi siya nagsisi. At times when he’s kissing her neck, she wanted to give up but he would stop and tell her that he must marry her first. Nungka man lang siyang natutong humalik pabalik dahil parating smack lang naman ang halik nito sa kanya sa labi. Alam niyang sobra ang pagpipigil no’n noon pero mas nanaig ang respeto no’n sa kanya. Ni hindi nga niya alam ang tinatawag na torrid kissing o iyong French kiss. Kung hindi pa dahil sa mga daldalera niyang katrabaho, baka gubat na ang matris niya, wala pa siyang alam sa ganoon. Ngayon na lang siya nagkaroon ng ideya tungkol sa ganoon kapag nadadaanan ng kwento. And sometimes she regrets. Sana pala isinuko na rin niya ang sarili sa kaisa-isang lalaking minahal niya. Oo nakasal siya pero tainga lang niya ang hindi na virgin dahil hindi na dumating sa punto na maranasan niyang mahalin ni Ziggy sa ibang paraan—sa kama. Namatay ang asawa niya sa mismong araw ng kasal nila dahil binaril ito sa mismong altar sa oras ng picture taking. It’s really unbelievable. It was tragic and seems like only happens on TV but it happened to her. She experienced it and the pain is still inside her heart though it’s been two years. Ang tanging naiwan sa kanyang alaala ay ang wedding ring na suot pa rin niya, ang mansyon na iniwan sa kanya at ang apelyido niyang de Ayala pero walang silbi ang lahat ng iyon dahil wala naman ang kaisa-isa niyang asawa. “Miss Nikulit, tulala ka naman.” Katok ng isang pamilyar na tao sa mesa niya. Agad siyang napatingin sa kaibigan na si Lucy na may yakap na mga papeles at parang papipirmahan sa kanya. Isa siyang empleyado sa establisyemento na nagpapautang ng mga sasakyan. Graduate siya ng Banking and Finance at nasa mataas na posisyon. Assistant siya ng Manager at acting Manager siya sa tuwing wala iyon. Siya ang umaapruba ng mga auto loans matapos niyang tingnan ang lahat ng mga papeles ng aplikante. Ibinaba niya ang litrato ni Ziggy sa mesa at ngumiti pa siya roon. “Wait lang love, may istorbo.” Aniya roon kaya nailing na lang naman ang kaibigan niya. “Sinabi mo na ba sa kanya na may kasalanan ka?” pangungunsensya pa nito sa kanya kaya naman agad na napasimangot siya. Lucy turned the photo frame around. “Si Mrs. de Ayala na maganda ay pumunta sa isang naked show.” umpisa nito na para namang sasagot ang kausap pero kung bakit naman hiyang-hiya siya sa asawa niya kahit na patay na ito. Hindi niya kailanman nasilip kahit dulo ng ari ni Ziggy tapos kagabi ay nakakita siya ng mga kalalakihang hubad at ang hindi niya makalimutan ay ang p*********i ng pinakahuling lumabas sa entablado. Kitang-kita niya ang tattoo sa may gawing kaliwa ng puson at anong nganga niya dahil mahaba, malaki at mataba ang ari ng lalaki na iyon na may hikaw pa roon. LRDA ang tawag sa nakamaskarang lalaki na walang dudang magandang lalaki rin tulad ng mga lalaking nasa likod ng mga maskara. That was...gorgeous. Sa lahat ng lalaking lumabas ay ang ‘yaman lang no’n ang natitigan niya dahil iyon lang ang parang nanadyang pumosing sa harap niya at itinapat sa mismong mukha niya ang ‘ kwan’. Kumislap ang parang kulay silver o white gold na bilugang hikaw at...Diyos ko po. “Benefit show. Correction.” Ani Nicolette para maipagtanggol naman ang sarili. Talaga naman na benefit show iyon at sa halip na mag-party siya gamit ang perang naipon niya para sa kanyang kaarawan ay inilaan na lang niya para sa mga bata na matutulungan ng Masked Bachelors. “Oh,” ngisi ni Lucy. “Benefit show daw, pangga.” Anito pa sa litrato ni Ziggy. “Malalaki lang naman ang ‘kwan’ ng mga lalaki roon at itinapat lang naman sa mismong mukha ng asawa mo ang ‘kwan’ ng lalaking ‘yon.” Namula na naman ang pisngi niya dahil halos buo pa rin sa isip niya ang hitsura ng ari na ‘yon at kabisado niya. Paulit-ulit niya iyong nakikita sa tuwing nakapikit siya at puyat siya dahil doon. Hindi na niya nakuha pa na makatulog matapos nilang makauwi. Para siyang lalagnatin. Para siyang tanga, sa totoo lang. Malamang makakalimutan din niya iyon kinalaunan. Kinuha ni Nicolette ang litrato at saka niya ipinihit papaharap sa kanya. “It’s for the benefit of the youth, love. No worries. Ikaw lang ang mahal ko. Hayaan mo nga itong babae na ito. Pinagseselos ka lang niya.” Irap niya sa kaibigan na tatawa-tawa kahit na nangangalumata. “Akin na nga ang mga papeles. Tsismosa ito.” Ismid pa niya kaya napalakas ang tawa ni Lucy. “What the hell?!” mura ng isang babae kaya sabay silang napaitlag na dalawa. Parang mga tuta na nagsipaglayasan ang mga ahente nang sumigaw si Giovanna Herrieta Valdez, ang kanilang manager na ubod ng ganda at sexy pero sa halip na mamulaklak ang nguso sa masasarap na salita ay mura ang ipinaalmusal sa kanila araw-araw. Mabait lang ang babae sa mga lalaki pero sa mga babae ay hindi. Parati iyong pairap at papaismid. “Hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang ipinagagawa ko sa inyo? What the s**t is happening, people?! Hindi ginawang extension ng Riemann Luxury Cars ang building na ito para lang sa mga tatanga-tangang empleyado!” nanlalaki ang mga maliliit na mata ng babae sa pagtingin sa kanilang lahat. “Gaya mo.” Irap niya sa sarili kaya pinandilatan siya ni Lucy. “O bakit? Gusto niya ng maayos na trabaho, siya ang gumawa para maperpect niya tulad ng mga kilay niyang iginuhit. Nakakaawa na ang mga kasamahan natin. Noong nakaraan ipinalipat niya lahat ng second hand na kotse sa kabila tapos hindi siya nasiyahan, ipinabalik niya sa dati. Ngayon naman gusto niyang pailawan ang mga sahig para sa welcome etse buretse niya sa bagong may-ari ng building na ito. Siya kaya ang gawing bombilya para pumutok na siya, may fireworks pa.” napatigil siya nang tumingin sa kanya si Vanna. Hehehe. Nicolette faked a smile and propped her fist under her chin. “Good morning, Miss Beautiful Vanna.” Yaks! Hindi sumagot ang babae at iniliyad lang ang dibdib saka huminga nang malalim. “Fix everything now! The new owner will have his visit one of these days! Ayoko ng palpak! Mga tanga!” lumagatak ang stiletto no’n sa sahig at parang bibe na naglalakad papaalis. “Tanga ka rin.” Bulong pa niya. Parang lahat ng empleyado ay nakahinga nang mawala si Vanna sa paningin ng mga iyon. Sa kanya lang hindi umuubra ang babae dahil pasensyosa siya pero sa oras na tumikom na ang bibig niya at ikinuyom ang kamao, humanda na iyon dahil hindi siya nananampal, nanununtok siya. Babaeng-babae siya at hilig niya ang magpalda pero sa oras na masagad siya ay talagang makakatikim ang kaharap niya. Ang kuya nga niyang pulis ay hindi sa kanya nakakapalag sa oras na mapikon siya na sobra. Kinakarate niya ang lintik niyang kapatid at hindi naman iyon nakakahuma dahil tumatakbo siya sa Papa niya kapag itinataas na rin ang kamay para yata sapakin siya. She’s also a crybaby but she fights when she’s so hurt. Ang haba ng pasensya niya ay abot langit pero nauuna ang mga litanya niya kapag hindi pa siya sagad. Sa oras na lumuha na lang siya at hindi na umimik, sagad na siya. Ganoon siya kahit hanggang sa paglaki. Buo ang pamilya niya at masaya sila. Ang nanay niya ay hands-on bilang isang housewife at ang Papa naman niya ay Chief of Police. May isa siyang kapatid na lalaki, panganay sa kanya ng walong taon at pulis na rin iyon ngayon. Iyon ang humawak sa kaso ni Ziggy nang mamatay at na-convict naman ang mga may sala pero hindi na rin no’n nagawang ibalik ang buhay ng mahal niyang asawa. Hindi man lang sila umabot sa honeymoon nila, na sa Paris pa sana, regalo ng Papa niya at regalo ng Mommy Valentines niya, nanay ni Ziggy. “Akin na ‘yan at titingnan ko na.” pilit na inabot ni Nicolette ang mga dalang papeles ni Lucy matapos niyang manahimik. Inaantok na siya na sobra dahil sa puyat pero wala siyang oras para matulog. Susulitin na lang niya kinagabihan at dapat na isisi niya lahat sa lalaking iyon na miyembro ng MBS ang pangangalumata niya at panlalabo ng mga mata. Parang gusto pa no’n na idikit ata sa mukha niya ang maputi no’ng p*********i na mukhang nanunuklaw ng babae. Ganoon kaya kalaki ang ari ng asawa niya? Kahit na kasi nang araw na imbalsamuhin si Ziggy ay hindi niya ipinaalis ang brief no’n. Ayaw niyang babuyin ang katawan ng mister niya at kung anu-ano lang ang gawin kahit na hindi na iyon humihinga. Mahal na mahal niya si Hayden Alonzo at nangako siya na hindi ito ipagpapalit kailanman. Siya ang gaga na umaasa na kapag nabuhay siya ulit kapag namatay na rin siya ay ito pa rin ang magiging asawa niya at wala ng iba pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD