Chapter one

1742 Words
Chapter one.. "Hoy Wendelaria! Gumising ka na! Pasado alas otso na malate ka na sa interbyu mo!" Kinalampag ng kanyang Mama ang kanyang kwarto upang magising siya. "s**t!" Napabalikwas siya ng marinig ang sigaw nito "Hoy late kana!" "Opo Ma! Gising nako!" Tumakbo na siya nang mabilis sa loob ng kanilang banyo. Nilagpasan niya lang ang kanyang nanay na walang ginawa kundi pagalitan siya "Kaya ka walang matinong trabaho dahil ang bagal bagal mong kumilos. Bilisan mong maligo diyan. Late kana!" Sigaw pa nito habang naliligo siya Sanay na siya sa kanyang Mama Neneng. Matalak talaga ito ngunit mahal na mahal niya ito. Tiniis niya ang lamig ng tubig sa kanyang pagligo. Nag toothbrush din siya bago sumilip sa pinto "Ma t...tuwalya po. Nakalimutan ko!" "Anak ka ng putragis oh oh. Sa lahat ng makakalimutan mo etong tuwalya pa? Ang bata bata mo pa makakalimutin ka na. Kung hindi nakadikit yang pekpej mo sigurado makakalimutan mo din yan!" Kinuha nito ang tuwalya niya at inabot saknya "Peace tayo Ma. Aga aga pa high blood na agad kayo" Tinangap niya ang tuwalya at binalot niya yun sa kanyang katawan. Tumakbo na siya paakyat sa kwarto upang magbihis. "Sino bang hindi ma-high blood sa bahay na to? Walang asenso ang buhay! Mga babae mga anak ko nagsipag asawa ng maaga! Mga lalake naman mga nakabuntis ng maaga! Diyos ko nakakastress ang bahay na to!" Pinaparingan nanaman ng kanyang Mama ang mga kapatod niya. Paano halos sabay sabay nagsipag-asawa ang mga ito. As usual binabalewala lang ito ng mga kapatid niya. Siyam sila. At si Wendy ang panganay. She's 26 years old now. Kakaresign niya lang sa dating trabaho niya dahil mababa ang pasweldo. Kulang iyon para sa kanilang pamilya. Bank teller siya sa isang banko. Ngunit ngayon jobless nanaman siya. Tama ang Mama neneng niya hindi siya nagtatagal sa isang trabaho dahil palagi siyang naghahangad ng mas mataas na sweldo Katulad nalang ngayon. Pupunta siya sa isang job interview sa makati dahil nabasa niya sa news paper ang tumataginting na sweldo dito ay Thirty five thousand per month bilang accounting assistant. Kaya naman nag resign agad siya sa banko. Malaki iyon kumpara sa dati niyang sweldo na twelve thousand pesos. Ipinusod niya ang kanyang buhok upang magmukha siyang propesyonal. Nag suot siya ng palda na itim na hangang ibabaw ng kanyang tuhod. Tinernuhan niya iyon ng white long sleeves. Sa jeep nalang niya naisip na mag makeup tutal lipbalm lang naman at pulbo ang ginagamit niya. "Ma alis nako! Mga panget alis nako! Wish me luck!" Paalam niya sa Mama niya at sa mga kapatid niya. Hinalikan niya din ang kanyang apat na pamangkin bago siya tumakbo palabas ng kanilang bahay. Maliit lang ang bahay nila pero dito lahat nakatira ang mga kapatid niya dahil hindi pinanagutan ng mga nakabuntis sa mga ito. Wendy - 26yrs old Carlita - 24 yrs old Carlito- 24 yrs old kambal nito si carlita James-22 yrs old Jayson -21 yrs old Cristine- 19 yrs old Chirstof-17 yrs old Lalaine- 15 yrs old Mengay- 13 yrs old Yan ang mga kapatid niya. Si Carlita may anak 3 yrs old. Si cristine 2yrs old na ang anak. Si lalaine at mengay parehong kakapanganak palang. Lahat ng mga ito hindi pinanagutan ng mga nakabuntis dito Si Jayson at James naman nakabuntis ng maaga. In short magulo ang pamilya niya. Habang nasa jeep siya nag pupulbo siya at Lipbalm. Hindi niya din maiwasan mataranta dahil alas diyes ang interview niya baka malate siya! Kanina pa siya nagkakabisado ng mga isasagot niya sa interview Pagdating niya sa Hoffman's Hotel. Bumungad sakanya ang karangyaan ng hotel. Napakaganda sa loob nito. Pina-akyat siya sa 30th floor dahil doon daw ang main office ng Hoffman's hotel Kinabahan siya. Dahil napansin niya ang ibang mga nag-aapply magaganda ang mga ito at matatangkad. Magaganda din ang mga suot nitong damit. Gusto niyang makapasa sa interview kaya gagawin niya ang lahat "Miss Wendy Reyes?" Tawag sakanya ng H.R assistant Kumabog ng mabilis ang puso niya. Tumayo siya kaya napatingin ito sakanya. Naku baka nahalata niya galing sa ukay ukay tong damit ko "Follow me." Ngumiti ito ng tipid Kinakabahan siya habang iniinterview siya nito. Mga normal na tanong lang ang mga itinanong nito karamihan about sa mga achivements niya at previous work. "That's all. Thank you Ms. Reyes. Just wait outside for your final interview with our CEO.." Ngumiti ito Napangiti din siya ng malapad dahil ibig sabihin nakapasa siya sa initial interview! "Thank you so much ma'am!" Naghintay siya ng ilang minuto bago tinawag ulit siya ng HR assistant nakangiti ito. Tatlo nalang kasi silang natira ibig sabihin tatlo nalang silang nakapasa sa initial interview "Ms Reyes follow me.." Walang kasing lakas ang kaba niya ng mga sandaling iyon gusto niya talagang makapag trabaho dito sa Hoffman's hotel. Ito kasi ang pinakasikat na hotel sa buong bansa. Sumakay sila sa Elevator patungo sa pinakamataas na floor. 55th floor lang naman! "Are you nervous?" Nakangiting tanong sakanya ng hr.assistant habang nakasakay sila sa elevator "N..No Ma'am." Ngumiti siya at hindi nagpahalata "That's good. Medyo masungit ang boss namin. Tip ko sayo palaging formal ang isagot mo. Ayaw niya ng paligoy ligoy na sagot" Ngumiti siya at nagpasalamat dito "Thank you po.." Paglabas nila ng elevator napansin agad ni Wendy ang magandang carpet na sahig. wow buong hall way naka-carpet? "Ayaw ni boss ng madumi.." bulong sakanya ng hr.assistant Siguro dahil napansin niyang kumikinang lahat ng gamit sa pasilyo ng hotel. "Ito ng Floor ni Boss. Dito ka mag susubmit sakanya ng mga papers if ever ikaw ang makuha naming accounting assistant." "A..Ang ganda po dito.." "This is his office room. Good luck " May pinindot itong door bell sa gilid Parang na-iihi si wendy sa sobrang kaba. Nagdasal nalang siya na sana matangap siya Automatic na bumukas ang pinto ng main office ng CEO ng Hoffman's Hotel. "Come in.." Baritono ang boses nito na parang american accent. Lalong kinabahan si Wendy ng pumasok na sa loob ang Hr Assistant Dahan dahan siyang pumasok sa loob ng office room nito. Ang lamig sa loob at sobrang bango ng kwarto. Napatingin siya sa lalaking nakaupo sa gitna ng center office table nito habang nakayuko sa mga papel na pinipirmahan. Halatang busy ito. O..Oh my God. Ang gwapo! Hindi niya inaasahan na sobrang gwapo pala ng CEO ng Hoffman's hotel. Pakiramdam niya nasa loob siya ng isang pocket book o penikula dahil mukha itong leading man sa sobrang gwapo nito. Maayos ang pagkaka-wax ng buhok nito. Very neat. para bang kay bango bango nito. Matangos ang ilong at mapula ang mga labi. Halatang may dugo ng ibang lahi ito. Naku po mapapalaban ako sa english nito "Boss this is Miss. Reyes she passed the initial interview for accounting assistant position. She's here for her final interview" Nakayuko padin ito at abalang abala sa ginagawa. "okay please sit, just give me a sec..." Ngumiti lang yung Hr Assistant at pinaupo siya sa upuan katapat ng Center table. Hmm ang lambot ng upuan dito ah "Boss i will go back after the interview" yumuko na yung hr assistant at lumabas ng room "So Miss Reyes--Oh holy s**t" Napamura ito ng mabasa ang pangalan niya sa kanyang resume. Agad itong tumingin sakanya na para bang gulat na gulat ito. Napaupo siya ng tuwid at ngumiti ng pilit "Wendy Reyes?" Nakakunot nuong tanong nito "Y...Yes Boss.. I'm Wendy Reyes former client service assiociate of banko de pilipinas. I'm---" "Wait wait.." putol nito sa sinasabi niya at tumayo ito sa pagkakaupo. Lumapit ito sakanya. Kaya nataranta siya "Stand.." Napatayo naman agad siya dahil nakatayo ito sa harapan niya "B..Bakit po boss?" "Ikaw nga. Tss Hindi mo ba ako nakikilala?" "Po?" napakunot nuo siya dahil sa sinabi nito Ngayon lang po ako nakakilala ng kasing gwapo niyo boss. hihi Tinitigan niya ang mukha nito. Wala talaga siyang maalala. Hindi niya ito kilala "Well, I have good and bad news for you" sabi nito "Po?" Nagtataka kasi siya sa mga sinasabi nito Lumapit pa ito ng husto sakanya kaya kinabahan siya M..Manyak ba siya? Bakit niya ako nilalapitan?! Humito ito at yumuko malapit sa mukha niya. Halos maduling tuloy siya sa sobrang lapit ng mukha nito Medyo umatras siya dahil nagtataka siya sa kinikilos nito. Napansin niyang mas gwapo ito sa malapitan. "Good news is that you're hired.. And the bad news is I'm your boss.." Gustong mapapikit ni Wendy sa fresh breath nito na tumatama sa kanyang pisngi. "H.. Hired na po ako? P..Pero hindi niyo pa ako ininterview--" hindi makapaniwalang tanong niya "Yeah..You're hired. Ayaw mo ba?" "H...Ha? Nako hindi po boss. Gustong gusto ko po!" Dumiretso na ito ng tayo at bumalik sa pwesto nito. nakahinga siya ng maluwang Tangap nako? "By the way nice to see you again. Ang liit talaga ng mundo? tss" He smiled at her. Para bang nakakatakot ang ngiti nito kahit pa sobrang gwapo nito. Dahil parang may binabalak itong hindi maganda "N..Nag kita na po ba tayo dati? B..Bakit po nice to see you again?" Naguguluhang tanong niya Ngumiti ito. At hinawakan ang table Name plate nito sa gitna ng table. Mahina nitong pinukpok iyon sa black glass table na lumikha ng ingay sa loob ng office room nito. Kaya napatingin siya sa pangalang nakasulat sa table name plate nito. JARED HOFFMAN CEO PRESIDENT OF HOFFMAN'S Unti unti nanlaki ang kanyang mga mata.. J..Jared??? JARED??! Unti unti nag sink in sa kanyang utak kung sino ito! Napalunok siya ng ilang beses.. Kung kanina kinakabahan siya ngayon naman sobrang kabang kaba siya! "J..Jared?" Halos namutla siya sa kanyang nalaman. Hindi niya ito halos nakilala dahil ibang iba na ang itsura nito ngayon. Kung gwapo ito nuon mas trumiple pa ang kagwapuhan nito ngayon! "I'm glad you remember me. So Get out now" yumuko uli ito sa mga papers at inabala ang sarili Nakatulala lang si Wendy habang hindi padin siya makapaniwala na si Jared nga itong nasa harap niya. "T..Tangap na ba ako?" "Ayaw mo na? Why? are you afraid?" Tanong nito Umiling siya "H..Hindi Boss. Keri po" Pilit siyang ngumiti "Okay. Tss" Sumenyas ito na lumabas na siya. Para siyang batang pinapalabas nito gamit ang kamay nito "Shoo" Masungit siya nitong tinaboy "O.. Okay boss. Thank you so much!" Nagmadali siya lumabas ng kwarto nito. Gusto niyang mag pa-party dahil sa wakas natangap siya at may bonus pa ang pogi ng boss niya! Siguradong magugulat si Yoona sa ikukwento niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD