Chapter 4

2684 Words
RAMDAM ni Savannah na sermon ang aabutan nila pag-uwi sa bahay. After kasi sila kausapin ng Guidance Councilor tumawag ito sa mga magulang na kasangkot sa naturang away. At hindi nga siya nagkamali. Pagkapasok pa lang nila sa mansyon. Naghihintay na sa malawak na living room ang mommy at daddy nila. Parehong seryoso ang anyo. Sumenyas ang ama na nakaupo sa mahabang sofa. "Sit down." Maawtoridad na utos. Pabagsak na naupo si Savannah sa couch sa harapan ng ama habang sa tabi nito'y si Sandra na pantay ang kutkot sa mga daliri. Halata ang nerbyos at takot sa itsura nito. Sa sasakyan pa lang hindi na ito mapakali pinagpapawisan ng malamig at namumutla ang labi. first time kasi nitong masangkot sa gulo. Samantalang si Savannah ay hindi na mabilang ang trouble na nasangkutan niya. Kaya naman sanay na siya sa ganitong scenario. Pinaglipat-lipat ng ama ang tingin sa kanila ni Sandra. "The guidance councilor called. What did you this time Vanni?" Kunot noong tanong nito. "What? me?" Patay malisyang tanong niya at itinuro pa ang sarili. Oo siya ang unang nanabunot pero hindi siya ang nagsimula ng away. Kung di sinampal ng mga bruhang yun ang kapatid niya, edi sana walang gulo. Pinagtanggol niya lang si Sandra. "Oo, alangan namang si Sandra! Huwag mong isinasama sa kagagahan ang kapatid mo!" Duro sa kaniya ng Mommy nila. Maliit pa sila talagang galit na ito sa kanya, madalas below the belt na kung pagsalitaan siya nito. She never appreciate any of her a achievements noong bata pa siya maging ang magagandang bagay niya. But Savannah was done hurting. Matagal na siyang namanhid sa magkaibang trato nito sa kanila ni Sandra. "Hindi ako ang nagsimula ng gulo, okay?" Binalingan niya si Sandra. "Tell them." Lalong na-tense ang itsura ni Sandra. Nang mabaling ang atensyon ng magulang nila dito. "M-mom, D-dad, it's not what you---" hindi nito naituloy ang sasabihin at napabuntong hininga na lang. Kailan ba nagkaroon ng lakas ng loob si Sandra magsalita sa magulang nila? Never. Tama. Wala siyang natatandaang pagkakataon na sumalungat ito sa magulang nila. Kahit ayaw naman nito ang mga pinapagawa sa kanya. She always obeyad and wanted to pleased their parents. Kahit masagaan ang sarili nitong kaligayahan. Pathetic. Bumalik sa kanya ang paningin ng mga magulang nila. "Vanni, Isang beses pa na mapunta ka guidance o, makipag-away ka sa kung saang bar! Ipapatapon talaga kita sa probinsya ng lola mo!" Nagbabantang wika ng daddy niya. "Dapat dyan ipatapon sa bahay ampunan! Bakit ba kita naging anak!!" Segunda ng mommy niya. Gustong tumirik ng mga mata niya sa sinabing bahay ampunan. Ano siya, bata? Bente anyos na siya kahit sa DSWD 'di na siya tatanggapin, noh! Kahit nagsasalita pa ang mga ito ay tumayo na si Savannah. Natutulilig na ang tainga niya sa paulit-ulit na sermon ng mga ito. Nanghahapdi na rin ang balat niya sa kalmot ng bruhang Marga iyon! Ni hindi man lang siya tinanong ng parents niya kung nasaktan ba siya. Asa ka pa girl! "Are you done?" Walang emosyon na lingon niya sa mga ito. Hindi na nag-explain si Savannah ng side niya. Useless lang din naman, dahil bingi ang mga ito sa paliwanag niya. "Bastos ka talagang bata ka!" Galit na galit na singhal ng mommy niya na tatayo sana upang sugurin siya. Subalit maagap na pinigilan ng asawa nito. "Go to your room, the both of you." Kalmanteng sabi ng Amang si Amadeo. Nakatalikod at naglalakad na si Savannah pero naririnig pa rin niya ang walang tigil na pagtatalak ng nanay niya. "Hindi na talaga magbabago ang batang yan! Kung pwede lang sanang---" naputol ang sinasabi nito. "Will you please stop it, Georgia! You're not helping!" Saway ni Amadeo sa asawa. Kasunod niyon ay narinig ni Savannah ang papalayong yabag ng mga ito. Napapailing na umakyat siya sa ikalawang palapaga at pumasok sa kaniyang silid. Same old s**t everyday. *** PADAPANG nahiga si Savannah sa kama. Naligo at nakapagpalit na siya pantulog. She feels so tired. Pagod na pagod siya sa maghapong pangyayari. Sa pakikipag away pa lang naubos na ang energy niya idagdag pa ang pag-iisip ng paraan paano akitin si Noah. Nang maalala ang lalaking nakasalubong papunta sa guidance office. Kinuha niya ang unan sa kaniyang tabi. Itinakip sa mukha saka frustrated na umungol. Shit! Siguradong bigtime turn off ang ginawa niya! Hindi pa nga siya napapansin man lang sungit na iyon. Nagpasabog kaagd siya ng eksena! Kung wala lang sana silang pustahan ng mga kaibigan niya'y wala siyang pakialam! Nakilala na siyang ganoon sa campus, so what! Pero iba ang sitwasyon ngayon nanganganib ang kotse niya. Baka tuluyan na siyang mapatay ng nanay niya pag nagkataon. Kinapa niya ang cellphone sa bedside table. Tumiha ng higa siya saka nagbrowse papuntang IG. Napangiti siya ng makitang naka-follow pala sila ni Noah sa isat-isa. Nag-scroll siya sa mga picture nito. "Ohhh.." usal niya habang tatango-tango. She was impressed and amused at the same time. Maganda ang feed nito, infairness. Halatang pinag-isipan ang filter. Hindi puro pagmumukha nito ang mga nasa larawan. Most of it were the soccer competition outside and inside the campus. Mga bonding with friends and memories. Nang makita niya ang isang picture nitong naka topless. Nangingiting zi-nome niya iyon at binilang ang abs nito. "Hmmm..." she moaned deliciously. "Not bad, Noah... Not bad..." Nag scroll pa siya at parang gagang nangingiti pagkatapos ay hahagikhik mag-isa. "Hottie ka din talaga ano? Kaya lang snob mo naman kasi." Parang baliw na kausap niya sa sarili. Nangunot ang noo niya nang mag-pop sa screen ang icon ng chat group nila ng mga bruhang kaibigan sa messenger. She opened it. Asungot naman 'tong mga ito. Tricia: Girl, Sikat ka na naman. HAHAHA! Mas lumalim ang kunot sa noong nagreply si Savannah. Savannah: Huh? Pinagsasabi mo diyan? Becca: Check your f******k! Binuksan niya ang application at bumungad sa kaniya ang sandamakmak na notification. Nang buksan niya iyon. Video ng pakikipag-away niya kanina. Hindi naman iyon ang unang beses na may kumalat siyang video. May peke pa ngang s*x video. Nag-send siya ng straight face emoji sa dalawa. At napangiti nang mapanood ang buong video. Bugbog sarado kasi sa kanya si Marga. Tricia: Check the comment section, girl! Pinag pi-pyestahan ka ng mga boys! Nang silipin niya iyon. Puro mga comments nga tungkol sa kung gaano siya k-sexy. May humihiling pa ngang sana daw pati bra niya ay natanggal na. May sandamakmak din siyang mga basher. Calling her a w***e, fuckgirl, warfreak lahat na yata ng panget na salita ipinukol sa kanya. Umikot ang mga eyeballs ni Savannah. Bago nagreply sa mga kaibigan. Savannah: Duh... Hanggang tingin lang yang mga manyak na yan at for sure, 'yong mga girlfriends nila ang nambabash sa'kin. And I dont mothafucking care. Becca: Go Vanni! Ikaw na! Sa'yo na ang korona! Push mo yan! Nagtatype pa lang siya nang maagaw ang atensyon ng mahihinang katok galing sa pintuan. "Come in!" She said na hindi man lang nag-abalang bumangon sa kama. Narinig niyang bumukas-sara ang pinto saka lang siya nag-angat ng paningin at bahagya ang pagkagulat ng makita si Sandra. Maingat itong naupo sa gilid sa paanan kama niya. "What are you doing here?" Pabalewang tanong ni Savannah. Ibinalik niya ang atensyon sa pag-sscroll sa cellphone. Bibihira ang ganitong pagkakataon na puntahan siya ng kapatid sa silid niya. "Vanni, Im sorry kung hindi ako nakapag-salita kanina, It's just that---" She cut her off. "Next time Sandi, kung hindi mo kayang lumaban, stay away from those girls." "Hindi naman kasi---" anito at napabuntong hininga at hindi na naman naituloy ang nais sabihin. "Hindi, ano? Bakit ba hindi mo masabi ang dahilan ng pagsampal sa'yo ng bruhang iyon?" Tanong niya at napabangon na sa kama. Ang sarap din sabunutan nitong kapatid niya. Kanina pa sa guidance office, nagpipigil lang siya. Ni hindi nagsasalita, kaya ngiting tagumpay ang mga bruha. Siya pa tuloy ang lumabas na masama. "I-it's complicated Vanni. I can't tell you. Im sorry." Bulong nitong niyuko ang kinukutkot na daliri. Ano naman kaya iyon? Tanong sa isipan ni Savannah habang nakatitig at sinusuri ang nakayukong kapatid. Parang may malaki itong pinoproblema. Base sa itsura nito. Nanlalalim ang ilalim ng mga mata, humpak ang pisngi. At tila namayat. Ngayon lang niya nakitang ganito si Sandi. Gusto man niyang magtanong pero hindi niya magawa baka sabihin pa nito, hindi naman sila close at anong pakialam niya. Napabuntong hininga na lang tuloy si Savannah. Hindi na din nagtagal sa silid niya si Sandra. Wala rin naman silang mapag-usapan Muli pabagsak na humiga siya sa kama at tumitig sa kisame. Naiisip niya ang kalagayan ni Sandi. Ang hirap din pala maging paboritong anak. Kasi hindi ka pwedeng magkamali. Pumasok din sa isip niya ang Try outs bukas para sa cheering squad. Wala pa naman siyang ka talent talent sa pagsasayaw. Lalo na sa cheering! Kung sexy dance pwede pa. Napabuntong hininga siya ulit. Itinakip ang unan sa mukha. Bahala na nga! For the sake of my car! *** Hindi na tumungo si Savannah sa Building ng Architechture ng umagang iyon, para huntingin si Noah. Instead sa pathway siya naghintay at nang makitang papalapit na ito sa kinanatayuan. Malapad siyang ngumiti. "Good Morning!" Nilakipan niya ng lambing ang tinig. Subalit tulad ng dati, nilampasan lang siya ng lalaki. Pero this time sumabay si Savannah sa paglalakad nito. "Sungit mo naman, maaga kang tatanda niyan." She softly poked his arm. Hmmm... ang tigas ng muscle! Mukhang nagulat ito nang mamalayang nasa tabi na siya nito. Lalong lumawak ang ngiti sa labi Savannah nang hindi binilis nga lalaki ang paglalakad. He walked in normal phase. Parang nga lang na hindi siya nito nakikita. Invisible. Hindi sumusulyap sa kaniya. Ilan sa mga nakakasalubong nilang kalalakihan ay bakas ang inggit sa mga mata habang ang mga babae naman ay panay ang bulungan. "Isn't It a good morning? Pero bakit ang byernes santo pa rin mukha mo ,hmm?" patuloy niya sa lalaking hindi umiimik. Sumulyap lang ito sandali ngunit nanatiling walang emosyon at tikom ang bibig. Sige lang... magpa-hard to get ka pa. Makukuha rin kita. "Vanni!" Natigalan si Savannah nang sa di kalayuan ay matanawan si Theodore na papalapit. Ay s**t! Bakit ba, ngayon pa sumulpot ang nerd na to! Kung kelan nasa mission ako! Sinundan rin ni Noah ng tingin ang lalaking tumawag sa pangalan niya saka bumaling ulit sa kaniya na parang noon lang siya nakita nito. "So? Nag-iba na pala ang taste mo sa lalaki, huh?" Sabi pa nito sa nang-uuyam na tono. Kumunot ang noo niya. Ah... Updated ba ito sa kung sinong dinadate? Duh, Vanni! Tanga lang? Maging ang Dean ng campus updated sa mga d-in-date mo! I broadcast ka ba naman ng mga lalaking pekeng nakakasex mo! Sikmat ng isip niya. Bago pa niya namalayan naglakad na palayo si Noah. Nasundan na lang niya ito ng tingin. Hindi bale may iba pang pagkakataon. May try outs at may ilang weeks pa siya, para i-seduce ang binata. For now, haharapin na muna niya ang nerd na ito. Humalukipkip siya hanggang sa makalapit si Theo. "I told you, stop following me." Hindi pwedeng buong taon na naman siyang kukulitin nito tulad last year. "Bagong dinidate mo ba yung kasama mo kanina?" Laglag balikat na tanong ni Theo. "Oo. At seloso 'yon kaya huwag mo akong masyadong nilalapit-lapitan." Pagsisinungaling niya baka sakaling umubra at tantanan na siya nito. Pero may kilig siyang naramdaman sa idea na seloso ang masungit na lalaki. Hoy, Vanni! Tumigil ka dyan sa pantasya ng utak mo! Sumeryoso ang anyo ni Theo. "Gusto ko lang sabihin sa'yo Vanni, na ayoko ng makipag-kaibigan." Nagliwanag ang mukha ni Savannah sa narinig. Thank god! Natauhan na din! Sasagot pa lang sana siya ng muli itong magsalita. "Ayoko nang makipag-kaibigan... dahil ang nais ko ay ang puso mo." Napamulagat siya, tama ba ang narinig niya? "What did you say?" "I said... I want to court you again. Kahit basted-in mo ako ng paulit-ulit, hindi ako susuko." Determinadong anito WHAT THE HELL?! "Theo, pwede ba? Please lang! Huwag mo akong punuin." Naiiritang asik niya. Nakakasawa na ang pagpipilit nito ng sarili sa kanya. "I'm sorry, Vanni. But I will follow my heart this time. And I will make you mine" Kinilabutan siya narinig at nag-init lalo ang ulo niya. Frustrated na napabuga si Savannah ng hangin. Kaysa mamura at mapaihiya ang lalaki, nagmamadaling na lang siyang umalis. Narinig pa niyang tinatawag siya nito. Pero parang bingi na halos takbuhin niya ang building ng Tourism. Shit! obssessed na nerd! Kailan ba siya titigilan nito. *** Pasilip-silip si Savannah sa labas ng building. Kinakabahang baka nandyan na naman si Theo at sundan siya hanggang sa soccer field para sa try outs. Lalo ng maloloko ang plano niyang seduction 101. Nang masigurong clear ang paligid sa anino nang nerd. Tuluyan na siyang lumabas ng building, patungo na sana siya sa soccer field ng marinig na naman niyang may tumawag sa pangalan niya. Gosh.... Ang hirap maging sikat. Pagpihit niya paharap. Namilog ang mga niya nang makita ang babaeng papalapit. "Vanni!" Masayang kaway nito at nagmamadaling lumapit sa kanya. "Ate Kara?" Minsan na lang silang magkita ng babae. Simula noong mapasama siya kay Becca at Tricia. Nagcha-chat naman ito sa kanya once in a while. Tsaka iniiwasan niya din talaga ito kung minsan dahil siguradong sesermonan siya nito sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanya. Parang ate na kasi ang turing niya dito, dahil isa ito sa mga una niyang nakilala pagpasok sa University. Nag kasama sila sa arts organization noong unang taon niya sa kolehiyo. Pero matagal ng huminto sa pagpipinta si Savannah. Niyakap at bineso siya ng dating kaibigan. "Saan ang punta mo? Bakit parang detective ka kanina?" Natatawang tanong nito. "The nerd." Maikling sagot niya. "Oh... hindi pa din talaga siya sumusuko ah." Anito at kumapit pa sa braso niya. "Eh saan ang punta mo?" Ulit nito na umagapay sa paglalakad niya. Napangiwi siya bago nagsalita. "Sa... try outs for cheering squad." "Kailan ka pa naging dancer?" Kunot ang noong tanong nito. "Ano kasi... About sa---" ibinitin niya ang sasabihin nang biglang may maalala. "Hindi ba magka-batch kayo ni Noah?" Architechture din ang kurso ng babae. "Why? Magka-klase nga kami this sem, eh." Kundi ka nga naman sinuswerte, Vanni! Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi. At napansin iyon ni Kara. "Whats with that smile?" Natatawang tanong nito. "Ang creepy, para kang psycho." Hindi pa din naalis ang mga ngiti sa labi na sumagot siya dito. "It's nothing." Tumaas ang kilay nito. "Nothing huh? Then, why are you asking? Dont tell me type mo si Noah?" Nanunuksong anito. "No of course not! As if!" Defensive na iling niya. Kundi lang dahil sa kotse niya. Hindi niya lalapitan ang snobish na yun. "Oh, well... hindi mahilig sa badgirl yun. Bagsak ka agad sa taste niya." Natatawang biro nito. Umirap siya. "Duh? Hindi ko din siya type no." "Naku, Vanni. Huwag kang magsalita ng tapos." Makahulugang wika nito. "Anyway may naalala nga pala ako, may kumakalat daw ni video mo." Bumitiw siya sa pagkakakapit sa braso nito. Upang unahan nang magpaalam bago pa siya masermonan ng babae. "Ate K, I need go! Nagsisimula na yung try outs!" Anya't humakbang paatras saka nagmamadaling umalis. Nanirig pa niyang tinatawag siya ng babae pero, pilit ang ngiti na sumenyas siya na malalate na siya. Nagkibit balikat na lang ito. Kung hindi man mag work out lahat ng pinaplano niyang pang aakit kay Noah. Last resort niya ang manghingi ng tulong kay Kara. Bahala na kung ulanin siya nito ng sermon pag nagkataon! Kesa naman matalo siya at tuluyang mapatay ng nanay niya Lakad-takbong nagtungo si Savannah sa Soccer field. Nagsisimula na ang try outs. Hindi niya napigilan ang mapangiwi. Hindi pa naman siya ready! Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD