Chapter 2

2081 Words
[Ayane's pov] "Noooooo!!!!!" sigaw ko habang pilit ako hinihila nina Kuya Ryo at Ate Zyrene papasok ng aming sasakyan Ngayon kasi ang unang araw ng pasukan sa Star Academy. Ang pinakaayaw kong araw na dumating. Ilang beses nilang sinubukan i-bribe ako pero nanaig ang takot ko. Ayoko masira ang perpektong imahe ng mga Robins. Ako na walang taste manamit... Ako na may makapal na salamin... Ako kung tignan ay isang nerd... Ay hindi nararapat na mapasama sa pamilyang ito. Siguro may kasalanan akong nagawa sa nakaraan kong buhay kaya ganito ang kaparusahan ko. "Ayane naman!"frustrated na sabi ni Kuya Ryo "please naman huwag mo na kami pahirapan" Iniling ko ang ulo ko saka nagpumiglas muli sa hawak nina Kuya Ryo. Nagulat ako ng tumulong si Manager Reina na ipasok ako sa kotse. Nangilid ang luha sa aking mga mata dahil pinagtutulungan nila ako. Huhuhu! "I hate you all!" naiiyak kong sabi ng wala ako nagawa dahil napaandar na ang kotse ni Manong Ron "I hate you! I hate you!" "we love you Ayane" sagot ni Ate Zyrene saka ako binigyan ng isang victory smile Napanguso ako saka napalumbaba habang pinanuod ang tanawin sa labas ng kotse. Matagal tagal na rin ng huli ako nag-biyahe ng ganitong kalayo. Aaminin ko na nanatakot pa rin sa mga sasabihin ng mga tao kapag natuklasan ang kaugnayan ko sa mga Robins. "here I bought a new book for you" nakangiting sabi ni Kuya Ryo habang hawak ang isang libro "maganda ang feedback rito kaya baka magustuhan mo" Sinamaan ko siya ng tingin dahil balak na naman niya i-bribe ako muli "don't be afraid Ayane nandito kami ni Kuya para protektahan ka" nakangiting sabi ni Ate Zyrene saka ako pinat sa ulo ni Kuya Ryo kaya napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang librong inaabot niya kanina *** Pagdating sa gate ay laking gulat ko nang pinalibutan ng mga estudyante ang sasakyan namin. Ang mga kababaihan ay tinitili ang pangalan ni Kuya Ryo. Samantala ang kalalakihan ay pilit sinisilip sa loob ng sasakyan si Ate Zyrene. Mabuti na lang ay makapal ang pagka-tinted ng aming kotse kaya hindi nila ako nakikita sa loob. *sigh* Ganito ang buhay ng mga sikat. Isa ito sa dahilan kung bakit ayokong tumulad sa aking pamilyar.  Dahil lahat ng galaw mo ay panunuorin ng mga fans. Isang maling diskarte mo lang ay dadami ang iyong basher. "mauuna kami lumabas ni Zy..." nag-aalalang sabi ni Kuya Ryo nang bumaling siya sa akin Tumango ako "o-o-okay..." kinakabahang sabi ko saka sumilip sa mga nagkakagulong estudyante na pinalalayo ng mga gwardiya sa aming kotse Buti na lang ay pumayag sina Kuya Ryo sa hiniling ko sa kanila. Papasok ako sa Star academy na hindi ipanapaalam na magkapatid kami. Noong una ay umangal sila  sa hiling ko pero nang magbanta akong hindi papasok ay pumayag rin sila.  Pero sinabi nila na hindi nila habang buhay itatago iyon. Yumakap sa akin si Ate Zy "bye" sabi niya saka ako hinalikan sa pisngi "call me if something happen" bilin niya pa bago buksan ang pinto ng kotse "see you later" sabi naman ni Kuya Ryo saka humalik sa noo ko at sumunod sa paglabas ni Ate Zy Sa kanilang paglabas ay halos mabingi ako sa lakas nang tilian ng mga estudyante sa labas. Nag-signal si Kuya Ryo kay Manong Ron kaya agad niyang pinaandar ang kotse papunta ng parking lot. Hindi muna ako bumaba dahil sinigurado ko munang walang makakita sa akin sa paglabas ng sasakyan ng mga Robins. Nang masigurado kong walang estudyante sa paligid ay mabilis akong nagpaalam kay Manong Ron saka bumaba ng kotse. Nilibot ko ang tingin sa hindi pamilyar na lugar saka huminga ng malalim bago magsimulang maglakad. Pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nadadaanan ko kaya tinakluban ko ang aking mukha ng hoodie ng suot ko. Napabuntong hininga ako nang naisip na mukha siguro akong ewan. Gamut ang mapang inabot ni Ate Zy sa akin ay agad kong hinanap ang office of the registrar. Hindi naman ako naligaw at agad itong nahanap. Kinatok ko ang pinto na agad naman ako pinapasok ng tao sa loob nito. Kitang kita ko nang biglang nawala ang ngiti sa mukha nh babae naririto. Pasimple pa niya pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan "who are you?" taas kilay na tanong niya "uhm...I-I'm..." nahihiya kong sabi "Ayane...Ayane Robins..." pakilala ko sabay ayos ng aking malaking salamin sa mata Nanlaki ang mga mata niya saka muli ako pinasadahan ng tingin. Iniling niya ang kanyang ulo "I thought the new student is a relative of Robins" bulong niya na tila napapaisip Hindi ko na lang initindi ang sinabi niya. Mas mabuti pa ngang ganoon ang isipin niya sa akin. Tumikhin siya saka ako binigyan ng pilit na ngiti. Napangiwi ako dahil sana ay hindi na lang siya ngumiti kung ayaw niyang gawin. May inabot siyang papel at nang tignan ko iyon ay ang muna class schedule ko. Tinignan niya muli ako na tila iniintay nang lumabas ng kanyang opisina. Mukhang wala na siyang balak sabihin sa akin tulad ng 'Welcome to our academy' o 'enjoy your days with us'. Sabagay sino ang gustong mag-welcome sa itsura kong ito sa isang kilalang academy? Baka nga unang araw ko pa lang ay inaayawan na agad ako ng mga estudyante rito. Ano ba kasi ang naisip ni papa para i-enrol ako sa ganitong school? Napabuntong hininga ako "s-s-salamat po..." pasasalamat ko saka dali dali lumabas ng opisina Hindi ko naman masisisi ang registrar sa naging reaksyon niya. Normal lang sa tao ang manlait ng kanyang kapwa. It's psychological. Pagdating ko sa pinto ng magiging aking classroom ay rinig na ang ingay at harutan ng mga nasa loob. Mukhang wala pa ang aming guro. Kaysa mag-intay rito sa labas ay lakas loob kong binuksan ang pinto. Lahat ng mga kaklase ko ay lumingon saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Binalewala ko na lamang iyon saka naghanap ng aking mauupuan. Hindi nagtagal ay naglakad ako patungo sa pinakalikod kahit habol nila ng kanilang tingin. Buti na lang ay dumating rin ang aming guro kaya nabaling ang tingin nila sa harapan "good morning class" bati niya sa buong klase Nagpakilala siya pero hindi ko na pinakinggan. Mukhang hindi naman ako magtatagal rito para kilalanin pa siya. Nang makaramdam ako ng pagka-bored dahil alam ko na ang kanyang tinuturo ay nilabas ko ang libro na inabot ni Kuya Ryo kanina sa kotse. Alam siguro ni Kuya Ryo na mabobored ako sa aking klase kaya inabutan niya ako ng libro. Sa kalagitnaan aming klase ay bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang lalaki na ikinatili ng mga ka klase kong babae "sorry I'm late" nakangiting sabi ng isa sa kanila samantala ang kasama niya ay tila inaantok pa "OMG!!! Kaklase natin sina Kentou at Kyo!"tili ng nasa harapan kp "shete! ang gwapo nila sa personal!" "marry me Kentou!" tili naman ng iba Mukhang mga sikat rin sila tulad nina Kuya Ryo. Sabagay wala akong kilalang mga sikat bukod sa aking pamilya. Baka kasi kapag nagbasa ako ng mga issue ay isipin ni Manager Reina na may interes ako sa showbiz. Narinig kong tumikhim ang aming guro at parang namumula ang pisngi. Napairap ako dahil mukhang fan rin ang aming guro ng mga lalaking ito "take your seat" mahinhing sabi ng aming guro at hindi man lang sila pinagalitan sa pagiging late Napailing na lang ako saka nagpatuloy sa aking pagbabasa. Narinig ko na lumangitngit ang upuan sa tabi ko kasabay ang pagtahimik ng lahat. "you!" biglang sigaw ng aming guro Natahimik ang buong paligid at ramdam ko ang tingin sa akin ng lahat. Dahan dahan ako napaangat ng tingin at nakita ko taas kilay na tingin na binibigay sa akin ng aming guro. "take off you hoodie! nasa loob ka ng klase! And listen!!!" sermon niya saka pinupukpok ang pisara Napabugtong hininga ako. Bakit ganun? Itong mga late ay hindi man lang pinagalitan tapos ako ito na nanahimik pa ang napansin niya. Sabagay mali naman talaga ang ginagawa ko kahit hindi ko inaasahan na papansinin niya ako. Sanay naman kasi ako maging invisible at hindi pinagtutuunan ng pansin ang aking ginagawa. Tinanggal ko ang aking hoodie saka nagpatuloy sa aking pagbabasa. Naramdaman ko na kinulubit ako ng katabi ko pero hindi ko iyon pinansin "pssst!" sitsit pa niya Bagot na tingin ang binigay ko sa kanya "what?" naiirita kong sabi Nginuso niya ang harapan at pagtingin ko ay halos umusok na ilong ng aming guro. Napanguso ako saka sinara na rin ang librong binabasa ko. "Answer this problem!" gigil na turo niya sa akin at pinukpok muli ang pisara Lihim ako napairap dahil mukhang alam ko na ang gustong palabasin ng aming guro. Bakit ba may mga tao gusto ipahiya ang kapwa nila? Pero hindi naman ako makakapagyag na hiyain ako sa harapan ng aking kaklase. Bagot akong tumayo at tinungo ang pisara. Tinitigan ko muna ito para alamin ang problem na pinasasagutan niya. "hahaha! Kawawa naman!" bulungan ng mga kaklase ko "ang hirap niyan!" pang-aasar naman ng mga mukhang nasa honor "pffft!" pigil na tawa naman ng mga mean girls Napakunot ang noo ko nang makita ang problem saka napahigpit ang hawak sa marker. This is not a problem for high school saka hindi naman ito ang sakop ng tinuturo niya kanina. Tss. Hayaan na nga... I start to write the very long solution of this problem. Halatang sinadya niya ito dahil mahaba ang solution ng problem. Nang matapos ay binilugan ko ang aking final answer saka binalik ang marker sa pinagkuhanan ko. Pagharap ko sa kanilang lahat ay nakanganga sila "Ma'am, hindi ito kasama sa curriculum for high school" sabi ko saka inayos ang malaki kong salamin Wala naman sinabi ang aking guro kaya bumalik na ako sa inuupuan ko. Abot tenga ang binigay sa akin ng aking katabi "woah that's amazing! Sisiw lang sa iyo iyon? Grabe! Ang galing mo!" hanga niyang sabi nang makaupo ako Iniwas ko ang aking tingin dahil hindi ako sanay na purihin ng ibang tao. Ang pamilya ko lang naman ang gumagawa noon pero masarap pala sa pakiramdam. "t-t-thanks..." iwas tinging sambit ko *** Marami masasama ang tingin sa akin. Kanina pa kasi ako dinadaldal nitong katabi ko. As in seriously hindi siya nauubusan ng laway? Parang maya't maya ay nagsasalita siya. Napahilot na ako ng aking ulo dahil sa p*******t ng ulo sa pakikinig ng mga sinasabi niya. "Uy seatmate! Anong brand ng ballpen ang gamit mo? Baka sakaling tumalino rin ako kapag ginamit ko!" walang kwentang tanong na naman nitong katabi ko Samantala yung isa niyang kasama ay nakaub-ob lamang sa kanyang desk na parang natutulog. Tignan mo kanina pa iyan pero hindi man lang sinisita ng mga aming guro tapos ako ito pinagdidiskitahan. Kung anu ano ang pinasasagutan nila sa akin na hindi naman tinuturo sa high school. Arrgh! Ito ang dahilan kaya ayoko pumasok sa school. Mas mabuti pa yung home schooled ako. Hindi ko kailangan makibagay sa maraming tao at ako ang gumagawa ng sarili kong schedule. Napabugtong hininga nang sa wakas ay natapos ko ang librong binabasa. Iyon nga lang inabot ako ng  three hours bago natapos iyon kahit kaya ko naman talaga tapusin iyon ng two hours kung hindi lang sa makulit kongng katabi. "Uy seatmate, gusto mo?" alok niya sa akin ng isang sandwich Abot tenga muli ang ngiti niya nang abutin ko iyon. Akmang magsasalita siya muli nang mabilis kong pinasak sa kanyang bibig ang sandwich na iyon. "that's better" sabi ko sabay ub-ob sa takin desk dahil tapos na ang libro dala ko "hahaha!" tawa ng katabi ko ng malunok ang sanchwich na pinasak ko sa bibig niya Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang masaya pa siya sa ginawa ko. Ibang klase! Nagulat ako ng may humataw ng desk ko kaya napaangat ako ng tingin "stand up!" sabi ng aming panibagong guro Ginawa ko naman ang nais ng aming guro "bago ako pumasok ay usap usapan ang pagiging pasaway mo hija" seryosong niyang sabi saka ako pinasadahan ng mapagnutyang tingin "lakas rin ng loob mo matulog sa aking klase at hindi ko hahayaan ang ugaling iyan" Inukutan ako ng aming guro samantala ang mga kaklase ko ay mga nasisiyahan sa pagkuha ng video "kailangan ko ipaalam sa principal ito at maturuan ka ng tamang asal" sabi muli ng aming guro "name?" tanong niya sa akin "A-A-Ayane" maikli kong sagot saka lihim na napangiwi nang naisip na malaman ito ng aking mga kapatid Siguradong mawawalan ng trabaho ang gurong ito dahil sa pagiging ng aking Kuya Ryo at hindi niya ito palalampasin. "full name!" demand niya Napakagat labi ako saka napakuyom ng kamay "ano nalunok mo na ang dila mo?" "Ayane" ulit ko saka umiwas ng tingin Nagtawanan ang mga kaklase ko "mabantot siguro ang apelyido niya kaya ayaw sabihin" komento pa nila "okay I have the class list...siguro nahihiya ka sa surname mo" nakangising sabi ng guro  at ini-scan ang kanyang class list "first name ay Ayane... Tumigil ang tingin niya sa bandang huli ng class list "Ayane..." sabay putla ng mukha niya "R-R..." Tumikhim siya saka ako pinaupo bigla kaya nagtatakang napalingon ang aking mga kaklase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD