ETO NA ANG HULI, HINDI NA MULI

387 Words
Eto na ang huli, Na gagawa ako ng tula, Eto na ang huli, Na ikaw ang paksa, Eto na ang huli, Na mamahalin ka, Dahil pinipili ko ang magpaalam na, Pagod na rin akong ipilit pa, Na baka pwedeng ito’y maayos pa, Kailangan ko na rin sigurong tanggapin, Na pinagpalit mo na’ko sa kanya, Kaya sisiguraduhin ko, Kung eto na ang huli, Di na to mauulit muli, Tatanggapin ko, Na pinili mong itapon ang tatlong taon, Para sa lalaking halos nakilala mo lang kahapon, Halos kahapon lang, Pero nagawa mo agad akong bitawan, Tatanggapin ko, Na sya na at hindi na ako, Siya na ang magiging kahawak-kamay mo, Dahil binitawan mo na ako, Tataggapin ko na hanggang dito nalang tayo, Dahil nagsimula na ang istorya niyo, Pero sana sa pagtanggap ko, Hindi ka magsisi sa desisyon mo, Na ako'y talikuran at iwan, Balita ko'y isang manloloko, Babaero, Basag ulo, Ang ipinalit mo sa akin, Kwento pa nga nila, Nakakapaniwala na, Pero sana'y mali ang aking torya, At mali sila, Masakit man sa’kin, Na ang itinuring kong prinsesa, Ay pipiliin ang katulad niya, Ilang ulit kong tinangkang bawiin ka, Pero tinaboy mo lang ako sa harap niya, Siguro nga, may pagkukulang lang ako, At sakanya mo yun nakita, Dahil wala ako ng meron siya, Pero sana, Hindi ka nagkamali, Sana naging tama ka, Na pinili mo siya, Kung mangyari man yun, Mga sakit at hapdi’y titiisin ko, Dahil alam kong napunta ang prinsesa ko sa tamang tao, Tatanggapin ko na mahal, Na sa susunod na gagawin kong tula, Ay hindi na tungkol sayo, Dahil eto na ang huli, Na hahabulin ka, Pagkat alam kong sa kanya ka pa rin sasama, Eto na ang huli, Na aalayan ka, Kaya mahal, Paalam na, Alam ko namang masaya ka na, Sinimulan ko ng tanggapin, Na wala na nga, Eto na ang huling beses na sasabihin kong, Mahal kita, Sinta ko, Pero ngayon mas mahal mo na siya, Kaya pinipili ko nalang, Na panuorin ang inyong istorya, Kahit sobrang sakit sakin na makitang mas masaya ka sa kanya, Tataggapin ko na hindi ko na magagawang hawakan ang palad mo, At hindi ko na mahahagkan ang matamis na yakap mo, Masakit man mahal, Ako'y lilisan na sa istorya ng ating pagmamahalan, Ipapasok ko na ang kontrabida, Na ngayon ay siya na ang bida.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD