"HINDI KA NA BABALIK PA" - Writer's Heart

289 Words
Ayon, Tama na, magpahinga ka. Magpahinga sa lahat ng sakit na iniinda. Magpahinga dahil sobrang sakit na. Magpahinga dahil may nasaktan ka. Magpahinga dahil wala na siya. Tama yan, Tama na. Magpagaling ka. Magpagaling ka dahil limot ka na niya. Magpagaling ka dahil baliwala ka na lang kapag dadaan siya. Magpagaling ka dahil nasaktan ka na ng sobra. Tama, magpahinga ka kahit pang habang buhay pa. Dahil ako? Gusto kong magpahinga na, kahit pang habang buhay pa, Dahil gusto nang limutin ang sakit. Ayaw nang tikman ang pait. Ayaw nang balikan ang mga alaalang sa tubig ay gusto na lamang iguhit. Kaya tama, pahinga na. Magpahinga na lang dahil sobra na, Dahil pagod na, Dahil mapait na, Dahil masalimuot na, Malayo na. Naglaho na. Kaya sa'yo? Mahal, Ako'y magpapahinga na at sa kamang yakap ay lahat ng sakit na gunita. Niyakap na ang unang siyang lambot ng matigas mong damdamin. Kasama ang kumot na sinlamig ng pagmamahal mong inalay sa akin. Sabay ihip ng nakapanlulumyang hangin, At pababa ng gumapang ang luha na gustong pawiin. Namuo na ang mga mabibigat na luha na bumubuhos sa lupa, Para sayo, Mula sa akin. Kasabay ng pagbuhos ng ulan na nakapanghihina, Kasabay ng pagkulog na sinasabing "Wala na ang lahat" Ang damdamin mo para sa akin na mabilis na nawala tulad ng kidlat. Sa pagbuhos ng ulan ako'y parang nalantang bulaklak. Mahal, naririndi na sa nakabibinging katahimikan. Naririndi na sa mga boses sa isip na "Bakit mo ko iniwan?" Pilit na ipinipikit ang mulat na mata, Ang mga matang nakasaksi ng iyong paglisan. Kaya tama, Tamang ako na ay magpahinga, Magpahinga sa lahat-lahat ng sakit na iniinda. Magpahinga dahil sobrang sakit na. Magpahinga dahil kahit ako'y lumingon, Hindi ka na babalik pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD