Chapter 2

1006 Words
Muli kong pinasadahan ng vacuum ang carpet dito sa silid na nililinis ko. Ngayong araw ang uwi ng anak nina Madam kaya naman pinalinisan nila ng maayos. Pinalagyan din ng carpet noong nakaraang linggo. Bago din ang wallpaper na makikita lang madalas sa mga mayayaman sa palabas sa tv. Pinagmasdan ko ulit ang picture na nasa malapit sa headboard ng kama. Chinito siya, matangos ang ilong at may mapupulang mga labi. Nangiti ako dahil para na akong addict. Nang masiguradong malinis na ang buong kuwarto ay hinila ko na ang mga gamit ko panlinis at lumabas na ng silid. Dumiretso ako kay nanay upang tulungan siya sa paghahanda ng hapag. Inayos ko ang mga plato at kubyertos ng buong ingat. Mamahalin daw ang mga ito at kulang pa ang sahod ko para mabayaran ang isa sa mga ito. Madaming pinahanda na pagkain si madam na request daw ng kaniyang anak. "Luto na ba lahat?" tanong ni ma'am na nakatayo sa may bungad ng dining. "Ayos na lahat, ma'am," sagot ni nanay. Mapanuring tinignan ni madam ang buong lamesa. Bago naglakad paalis ulit. Alas-onse y media ng dumating ang batang amo namin. Hindi ko pa nakikita dahil naglagi na ako dito sa maids quarter. Day-off ko ngayon pero pina-cancel muna para may kasama silang mag-asikaso para sa pagdating ng batang amo. May mga ifo-fold na mga kurtina kaya ito na muna ang ginawa ko dito sa sala ng maids quarter. Napatingin ako sa nagbukas na pinto at nakita ko si Dona na malaki ang ngiti. Mas matanda siya sa akin at isang single mom kaya naman stay out siya. Madami sila na stay out dito. "Grabe, ang guwapo talaga ng batang amo natin," puri niya at namimilipit sa kilig. Nangiti ako at mahinang tumawa. "Nakita mo na ba?" tanong niya sa akin. "Hindi pa," sagot ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko. "Kung makita mo sa personal, madadagdagan ang pagkagusto mo sa kaniya," wika niya na nakapagpatigil sa akin sa ginagawa ko. Tinignan ko siya at nakita ko ang ngisi niya sa akin. "Ano, idedeny mo? Ilang beses na kitang nahuhuli na panay ang titig mo sa larawan niya," wika niya sa akin. Pinamulahanan ako at nag-iwas ng tingin. Lumapit siya sa akin at tinapik ako sa balikat. "Ayos lang magka-crush. Bata ka pa naman. Uso ang crush sa edad mo," wika niya na wala namang halong malisya kaya naman nangiti na lang din ako. Nakatulog ako pagkatapos kong tumulong sa pagluto ng hapunan kaya naman nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa gutom. Sinilip ko ang nakatakip na pagkain sa mesa bago ako kumuha ng plato. Nagsasandok na ako ng marinig ko ang katok sa pinto ng sala. Pagbukas ko ay siya namang nag-umpisa ang malakas na kalabog ng aking dibdib. Ang lalakeng dati ko lang nakikita sa larawan ay ngayon nasa harapan ko pa. Nakaawang ang kaniyang labi habang mataman ding nakatingin sa akin. Pinaglapat ko ang labi ko at baka nakanganga na pala ako sa harap ng lalake na crush ko. Nang makahuma ay tumikhim siya. "Maid ka din ba dito?" tanong niya sa akin. "Opo, sir," sagot ko. Nagkamot siya ng batok at sinabi na nagugutom daw siya at ipaghanda ko daw siya ng pagkain. Lumabas ako ng maids quarter at sinundan ko siya sa kusina. Tinignan ko ang mga ulam sa refrigerator pero naalala ko na hindi pala nag-uulit ng ulam ang mga amo kaya kami ang kumakain sa mga tira nila. Kailangan magluto ulit kaya naman na-consious ako bigla dahil naalala ko hindi naman ako magaling magluto. "Ano po'ng gusto niyong ulam, sir?" tanong ko at nilingon siya. Nakita ko na pinagmamasdan niya ako kaya naman bigla akong na-consious sa itsura ko. Ngayon ko lang din naalala na nakamaiksing short lang pala ako at isang manipis na tshirt ang suot ko. Tumikhim siya at sinabing igawa ko siya ng sandwich. Wala na din palang kanin dito. Hindi kaya siya kumain kanina? "What's your name?" tanong niya. Sinulyapan ko siya sandali. "Scarlet, po sir," magalang kong sagot. Inayos ko ang lettuce, pipino, kamatis ang ham at cheese sa loaf na nakalagay sa plato. Dinig kong inuulit niya ang pangalan ko ng ilang beses. Hindi ko na lang siya pinansin. Sa aking gilid ng mata ay alam kong tinititigan ako ni sir. Kumakalabog din ang dibdib ko at kung tinitignan ako ni sir ay malamang napapansin din niya ang medyo nanginginig kong kamay. Narinig ko ang pagngisi niya. Gustuhin ko man siyang tignan ay 'di ko na ginawa dahil alam kong namumula na ang pisngi ko. "Okay na po, sir," wika ko ng matapos kong gawin ang sandwich. "Make for yourself," wika niya. "Naku, hindi na po, sir, hindi po ako sanay kumain ng mga ganyan," wika ko. "Samahan mo na muna akong kumain," usal niya ulit. Tinignan ko siya at nakita kong mataman din siyang nakatingin. Umiling ako. "Hindi po sumasabay ang katulong sa amo niya, sir," wika ko. Nakita ko ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. Magalang akong nagyuko at inayos ang mga ginamit ko kanina. Nagpaalam na din ako at hindi ko na narinig ang sagot niya. Hindi na siya ulit tumingin sa akin. Pagkasara ko ng pinto ng maids quarter ay kinapa ko ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay hindi normal ang t***k ng puso ko. Nangingiti pa ako at may mga iba't iba akong nararamdaman. Hala, crush ko yata talaga si sir. Wika ng isip ko. Umiling-iling ako at bumalik sa mesa upang kumain na. Naisip ko bigla ang katayuan ko sa buhay dahil sa nararamdaman ko ngayon. Amo mo siya at isa kang katulong, pangaral ko sa utak ko. Hindi ka puwedeng magkagusto sa amo mo. Ang mayaman ay para sa mayaman at ang mahirap ay para lang sa mahirap. Tinatanim ko ang bagay na 'yon sa aking utak. Kapag nagmahal ka ng mayaman--ang kapalit noon ay ang panghuhusga ng mga tao sa lipunan lalo na ang mga nasa mataas na antas. Mamatain ka nila at huhusgahan. Baka sabihin pa na pera lang ang habol mo sa kaniya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD