Chapter 1

960 Words
Pinagmamasdan ng magbabarkada ang isang babaing nakatalikod na bumibili sa tindahan. "Pre ang sexy!" "Pre ang tambok ng pwet!" "Hala ang liit ng bewang!" "At mukhang malaki ang hinaharap!" "Jackpot!!" Lahat sila ay inaabangan ang pagharap ng babae, para silang mga asong ulol na tumutulo ang laway dahil sa ganda ng katawan ng dalaga. Parang isang model na morena sobrang sexy, san ka pa diba? Dahan-dahang humarap ang dalaga dahilan para mahulog ang kanilang mga panga at mata. "Pucha bakla!" sigaw nila. "Hoy mga gago! Mukha lang akong kabayo pero babae ako!" "Weh? 'Di nga?" hindi makapaniwalang tanong nila. Pero inirapan lang sila ng dalaga. Sya si Hifone Chakakow ang babaing hipon. Sobrang ganda ng katawan pero katawan lang ha wag kang titingin sa mukha dahil ito'y parang sinumpa. Ulila na siya at pinaniniwalaang malas kaya walang kumupkop na kamag anak sa kan'ya. Maging mga tao ay natatakot sa mukha niya may isang beses nga na may naaksidente sa sobrang gulat ng makita siya, sumalpok ang minamanehong motor ng isang lalaki sa pader dahil sa takot sa mukha niya. Magkaroon ka ba naman ng malaking ilong na pango pa, idadag mo pa ang malaking butas nito at yong pisngi niya? Ayon masyadong minahal ng mga tagiyawat niya ayaw s'yang iwan. Yong mata niya? Sabihin na nating hindi lang pantay medyo mas malaki ang isa. Mga labing tila ba namamaga sa sobrang kapal at labas na ang ngiping napakalaki may itim pa sa gitna na akala mo ay bulok pero ang totoo pamintang nakasangat lang. Nagtatrabaho bilang janitor sa isang malaking kompanya si Hifone at ang sobrang gwapo na boss niya na si Lenon Grey Santiago ang kan'yang pantasya at balang araw ay magiging prinsipe niya well sa pangarap at wet dreams niya yon. Asa pa na mapapansin siya 'diba? Hifone Chakakow's POV Nagbihis na ako sa napakagandang outfit ko na pang beauty queen pero syempre joke lang yon uniform naming mga janitor ang suot ko. Tinignan ko ang itsura ko sa malaking salamin sa apartment ko mula paa hanggang leeg pak! Na pak! Sexy pucha pang model talaga ako bwahahaha tinignan ko ang mukha ko anak ng! Pang artista talaga kaso lang hindi yong bida kundi yong halimaw na kontrabida. Hindi talaga natin makukuha lahat ng gusto natin parang yong mahal mo hindi ka gusto hahaha joke. Sabi nga 'diba nobody's perfect but my body is perfect yong mukha ko lang ay napakabagsik!. Tama na ang drama baka malate pa ako at mapagalitan pa ako ng asawa ko haha akala n'yo ha pangit lang ako pero may pangarap din ako pangarap kong ma-r**e ng boss ko na makalaglag panty ang kagwapuhan at kamachohan. Lenon Grey of my life please baby r**e meeeee! Sumakay na ako sa jeep at agad naman akong pinagtinginan ng mga pasahero hay naku, sanay na ako alam ko namang agaw pansin ang kagandahan at kasexyhan ko duh! "Manong bayad" inabot ko ang bayad ko pero si manong nagulat. "Ay kabayo!" kunwari gulat na sambit niya arte din 'to si manong e. "Ay maligno!" kunwari nagulat din ako oha akala niya siya lang ha! Kapal ng mukha pangit din naman siya. Nagtawanan ang mga kapwa ko pasahero so anong tingin nila nanunuod sila ng palabas? Mga bwesit na ito ang liligaya makakita ng pangit. Nang makarating ako sa tapat ng kompanya ni bebe Lenon ay bumaba na ako. "Good morning," bati ko sa mga guard. "Hindi ka kagandahan sa umaga hahaha" sagot ni manong Ben nagtawanan naman sila. Syempre tumawa din ako alangan namang sila lang 'diba ako pa sumasabay ako sa uso e. "Hahaha hindi ka kabanguhan sa umaga manong Ben!" Napahinga naman sa palad niya si manong Ben at inamoy ito napangiwi siya malamang naamoy niya ang mala imburnal n'yang hininga. Pumasok na ako sa loob at kumuha ng mga kailangan ko sa paglilinis ng sahig syempre sahig janitor nga diba? Sinimulan ko ng magwalis pagkatapos ay i-mamop ko naman. Habang ginagawa ko ay trabaho ko ay naramdaman kong may dadaan kaya naman tumigil muna ako. Pagkakita ko sa dadaan ay tumigil din maging pagtibok ng kepyas este puso ko. Tila lumabo ang paligid at siya lang ang nakikita ko ang gwapo nya! At ang bango pa!! Buo na ang araw ko dahil nakita ko na ang asawa ko! "Hoy laway mo tumutulo!" natatawang sabi ng kasamahan kong si Jenna. Napahawak naman ako sa gilid ng labi ko at ayon bumabaha na ng laway agad ko itong pinunas gamit ang manggas ng damit ko. "Dugyot mo girl" komento ni Jenna. "E sa wala akong dalang panyo hindi ma naman ako papahiramin." "Haha hindi talaga!" "Ah, Jenna papulot nga ng panty ko." "Ha?" "Nahulog kasi kanina noong dumaan si babe kyaaaahhh!!" Sinamaan niya ako ng tingin bago sinapak. "Malandi! Wag ka ng umasa kay sir Lenon di ka mapapansin nun!" Kahit kailan talaga basag trip si Jenna yon na nga lang pangarap ko dinidiscourage pa ako. Lunch time na nang matapos kaming maglinis ni Jenna kaya lafang mode na kami ng lola niyo. "Anong baon mo girl?" tanong niya sa'kin. "Syempre ang pinakamasarap at pinakasosyal na pagkain!" pagmamalaki ko sa kan'ya at nilabas ang baon kong kanin at sardinas. "Sosyal ba yan baliw ka talaga Hifone haha" Bakit ba e para sa'kin sosyal 'to madalas nga tuyo ang ulam ko mabuti nga ngayon sardinas. Nagtitipid kasi ako halos kalahati ng sweldo ko ay pambayad sa apartment ko dagdag mo pa yong kuryente at tubig. Tapos nag iipon ako ngayon para makabili ako ng cellphone na touchscreen yong pweding pang internet para ma-stalk ko ang asawa ko sa social media baka kasi nangangabit na siya hindi ko pa alam. Hindi naman pweding ipagpalit niya ako sa mga pipitsuging babae lang sa ganda kong ito aba! Mahiya siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD