Chapter 2

819 Words
Pagkauwi ko sa mansyon ko este sa apartment ko pala ay inabutan ko ang baklitang si Junior at aba ang bakla ang sarap ng higa sa kama ko este papag pala. "Hoy bakla bakit nandito ka na naman?" "Alam mo na yon girl." Si Junior kasi hindi yan mahal ng tatay niya joke lang hindi lang talaga siya tanggap ng tatay niya bilang isang bakla. Tigasin kasi tatay n'yan tapos biglang ang anak ay bakla at Junior pa niya ha. Kaya tuwing nalalasing ang tatay ay siguradong mabubugbog siya kung hindi siya aalis ng bahay nila at sa kasamaang palad ay dito siya nanggugulo pag lasing ang tatay niya. "Magpakalalaki ka na kasi!" Inirapan niya ako at umarting nasusuka siya sa sinabi ko. Arte ng baklang to parang wala siyang lawit sa ibaba. "Yuck! Ka girl ayokong maging tomboy no babae ako inside and out look oh ang pretty ko!" Rumampa siya sa harapan ko at ako naman ang parang masusuka ngayon. Yong katawan niya? Parang pang kargador sa laki ng mga muscles sa braso at binti. "Ganyan ba ang babae inside and out? Mahiya ka nga bakla! May lawit ka pa d'yan sa ibaba!" "Ay grabe siya wait ka lang Petra pag yaman ko ipapatanggal ko ito." Grabe makapetra ang baklang ito palibhasa mukha akong kabayo tanggap ko naman pero minsan masakit parin pag nilalait ako ng mga tao. Nagbihis na ako at nagluto ng pagkain dinamihan ko na alam ko namag dito lalamon ang baklang si Junior. "Alam mo girl mag-ayos ka kaya para naman gumanda ka kahit konti puro katawan mo lang maganda sa'yo e." Sinamaan ko ng tingin si Junior. Grabe 'tong baklang ito kung laitin ako wagas. "Kung palayasin kaya kita dito, makapanglait ka ha nahiya naman ako sa ganda mo!" "Haha girl nagsasabi lang ako ng totoo tsaka mag toothbrush ka nga ilang taon na yang paminta sa ngipin mo!" Paminta na nga lang nag i-stay sa buhay ko tatanggalin ko pa ba? "Nagtoothbrush ako ayaw lang talaga ako iwan ng paminta na 'to." "Hay naku girl papagandahin kita!" Naku papagandahin? E kasunod n'yan gagastos ako malamang, nag-iipon pa naman ako. "Saka na lang bakla pag nabili ko na yong cellphone." Inirapan niya naman ako bakit ba 'to nagagalit mukha ko naman itong pangit hindi naman siya. "Bahala ka nga basta ha papagandahin kita para naman mapansin ka kahit papano nang pantasya mong si Lenon" "Haha oo na tara kain na tayo." Matapos kaming kumain ni bakla ay siya na ang naghugas ng pinagkainan namin aba kapal naman niya kung ako pa diba?. Iniwan ko na s'yang naghuhugas at pumasok na ako sa kwarto para magpahinga. Hindi na ako nagtoothbrush takot ko lang mawala yong paminta sa ngipin ko. Kinabukasan ay wala na si Junior sa apartment ko pero may iniwan naman s'yang lutong pagkain. Kumain lang ako at naligo na. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at umalis na. Pagkarating ko sa trabaho ay nakita kong nagkakagulo sila. "Anong meron?" tanong ko kay Jenna. "May magandang babae na kasama si sir Lenon at ang sweet nila girlfriend nya yata." "Ano?!" pasigaw na tanong ko kaya naman napalingon sa'kin ang iba pa naming kasamahan at sinamaan ako ng tingin. "May kabit ang asawa ko?" Tinawanan naman ako ni Jenna kahit kelan hindi ako sinuportahan ng babae na 'to. Pero kahit biro lang sa'kin ang lahat aaminin ko totoo ang nararamdaman ko gusto ko talaga si Sir Lenon. "Asa ka talaga haha hindi ka mapapansin ni Sir ilang taon ka ng nagtatrabaho dito pero kahit sulyap manlang hindi nya nagawa sayo." Tama si Jenna tatlong taon na ako dito pero kahit minsan hindi manlang ako nagawang tapunan ng tingin ni Sir Lenon. Simula ng mag eighteen ako nagtrabaho na ako dito at nang makita ko siya hindi ko na ginustong umalis pa nakuha niya na ang puso ko pero ang puso niya kailanma'y hinding hindi ko makukuha. Maghapon akong nakaabang kung makikita ko ba ang girlfriend ni sir syempre kikilatisin ko siya kung pasado na ba s'yang maging kabit ng asawa ko, asawa sa pangarap. Tapos na ang trabaho ko pero nakaabang parin ako sa lobby bawat dumadaan ay tinitignan ko. Six pm na ng lumabas si sir Lenon kasama si Marian Rivera. s**t laglag talaga ang panga ko ng makita yong babae ano ba namang panama ko dito Marian Rivera to e ako petrang kabayo lang. Magkahawak kamay sila habang naglalakad at nagtatawanan sheeet! Ang sweet nakakainggit at nakakasakit ng damdamin. Kaya ayon sa huli umuwi akong luhaan at duguan ang puso s**t brokenhearted ako. Pagkauwi ko sa apartment ay hindi na ako nagluto at nahiga na lang sa papag. Pangit lang ako pero nagmamahal din ako at sa maling tao pa. Hindi ko maabot si Lenon kahit anong gawin ko mahirap lang ako at pangit pa sa movies lang naman nagkakatuluyan ang pangit at gwapo pero sa totoong buhay walang ganun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD