01 - TROUBLE MAKER

1813 Words
ISANG MALAKAS na tunog na pagkabasag ng pinggan ang kumuha ng atensyon ng mga empleyadong kumakain sa loob ng cafeteria. Lahat sila ay napatingin sa gawi ng dalagang nakatayo sa gulat at kahihiyan. Halos hindi makagalaw ng ilang minuto at nakatitig lamang sa sahig. “Palpak na naman, Misty! Ano ba yan?!” Narinig nitong pahayag ng tumatayong head ng kusina nila na pinagtatrabahuhan niya. Kaya mabilis siyang panay hingi ng tawad habang yuko ang ulo. Lumuhod siya para pulutin ang mga basag na pinggan na dapat ilalagay nito sa counter. “Tumayo ka riyan at pumasok ka sa loob ng kusina bago pa uminit ang ulo ko sayo.” Nakapameywang nitong utos at tumawag ng tagalinis. “Simpling gawain na lang pumapalpak pa!” “Pasensya na ho. Pasensya na.” Sinasadyang hindi siya pinansin ni Madam Leni at panay na lang ang utos sa mga tagalinis. Kung kaya ay tahimik siyang umalis doon at pumasok sa pintuan, umupo sa gilid ng hagdan at pagod na napabuntong hininga. Walang gaanong dumadaan sa fire exit staircase, maliban na lang kung mga janitor o tagapagsilbi na katulad nila. Narinig nito ang pagbukas ng pintuan kaya napalingon siya sa pumasok. Tumabi sa kanya si Gigi na isa sa malapit nitong kasamahan sa cafeteria. “Ano? Kumusta yung problema mo sa Tatang mo?” Nahihirapang napalunok si Misty at isang pagod na buntong hininga na naman ang ginawa. Ang kaibigan nito ay alam ang kasalukuyang nangyayari sa buhay niya, kung kaya hindi naman nito masisisi si Misty na pati ang problema ay madala nito sa trabaho. Pero bukod roon ay alam naman niyang lapitin talaga ng gulo ang dalaga. O kaya siya minsan sa kanya nagsisimula ang gulo. “Kailangan daw operahan. Saan naman ako kukuha ng malaking pera pang opera kay Tatang? Nahihirapan na nga ako i-budget yung pera ko sa dami ng gastusin dito sa syudad.” Reklamo nito at napangalumbaba sabay malalim na nag-isip. “Puwedi naman akong umutang kay Madam, pero kasi Misty… may utang ka pa sa akin, baka ako naman ang madehado niyan. Kailangan ko rin magpadala eh.” Napatakip si Misty ng mukha gamit ang palad niya sa sobrang kahihiyan, ang suot nitong salamin sa mga mata ay nagulo ang ayos at tumaas ng kaonti sa nuo niya. Nahihiya na siya kay Gigi, bukod sa ito na nga ang gumagastos minsan sa kanilang apartment at pangangailangan ay nagiging pabigat pa siya rito. “Ano ba naman kasing alam ko rito sa syudad? Nakakainis! Tapos ang tapang ko pang gustuhing mag-abroad. Dito pa nga lang hirap na hirap na ako.” Inayos niya muli ang salamin. “Kung hindi ka ba naman kasi nagsinungaling sa pamilya mo na nasa abroad ka. Edi hindi sila umaasa at naghihintay sa malaki mong kita.” Mahinahon at maingat na sambit ni Gigi. “Kung nahihirapan kana, sabihin mo na lang ang totoo.” Natahimik bigla si Misty, pero kalaunan ay napailing ito kaya walang nagawang nagkibit balikat na lamang ang kaibigan sa kanya. NAPAHILOT NG SENTIDO si Conrad Ramirez habang nakaupo sa swivel chair nito kaharap ang malapit na kaibigan na isang psychologist. Matalim siyang napatitig kay Tiffany na panay ang paliwanag at dahilan sa kanya. But he doesn’t bite her excuses, lahat magagawan ng paraan. Lalo na kapag gugustuhin. “Trust me, Conrad. What you’re looking for a girl is hard to find, makakahanap naman kami pero ano? Ilang gabi lang ang kayang tumagal sayo, it would probably be easier if it’s months. But no, brother.” Maarte itong napaikot ng mga mata kaya mas lalong sumakit ang ulo ni Conrad at mariin na napapikit. “You know what, nakakatulog ka naman, eh! Umaga nga lang at maikli ang oras.” “Great! So you want me to make all of my employees work at night and sleep at the morning? Ano? Yung mga business meetings ko dapat hating gabi rin? Yung mga transactions ko, madaling araw, ganun?” Napanguso si Tiffany sa pagiging iritabli nito na tanging ginagawa niya lang naman ay makatulong. Hindi niya nga alam kung paano ba nito naging kaibigan ang lalaki. If it’s not just because of their parents. “Sayong bibig lumabas yan.” Natatawang kantyaw nito at ngumisi para mas mairita ang binata. “You’re being ridiculous! Tinutulungan kana nga sa problema mo.” “You’re paid, Tiff.” He smirked and leaned on his swivel chair. That is enough for Tiffany to ruin her day kaya padarag na itong tumayo at inayos ang cardigan na suot. Mukhang balak ng umalis kaya mabilis na nagpaalala si Conrad sa dalaga. “I need a girl tonight. Ilang gabi na akong walang tulog, I can’t focus all day on my work. I’ve been irritated by simple things! I need to rest!” malamig nitong sambit, emphasizing his first words by pointing his finger under the desk. Tiffany groaned in frustration and faced Conrad once again. “I will try, alright?! Kung wala akong mahanap, kitain mo na lang sina Rive at Malcom. May lakad yun mamayang gabi kaysa naman tumunganga ka sa bahay mo. I have to go, may date pa ako!” she rolled her eyes before she turns her back. “And mind you, Conrad. Mas matanda pa rin ako sayo kaya gumalang ka.” Pahabol nito pero malamig lamang nitong pinanuod ang dalaga suot ang puting pangpropesyunal na uniporme na pinatungan ng cardigan, abala man sa trabaho ay nagawa pa rin maisingit siya sa schedule. Nahihirapan na napalunok si Conrad at mas rumiin ang titig sa pintuan. To calm himself, he took a deep breath. Looks like he has no other choice tonight but to drink again with his friends. He moved his swivel chair and he suddenly felt empty again. Despite of all the success and great people around him, sa huli ay hindi pa rin siya kontento sa nangyayari sa buhay niya. Something is still missing. Something is still empty that needs to be filled. Or maybe he is just exaggerating things because of his illness. HABANG NAGLALAKAD si Tiffany Buenavista sa corridor ay napadaan siya sa cafeteria. Hindi naman ganun ito kadalas napupuntahan ng mga bosses ng kompanya. Tanging mga empleyado lamang ang naandito kumakain. Yung ibang staff at minsan ay mga driver ng stockholders. O kaya naman mga tauhan ng mga bosses ng kompanya. She stopped walking when she saw a woman standing in embarrassment near the counter area. Lumapit pa siya sa glass wall para mas matitigan ang babae. She is wearing a huge eyesglasses and a uniform, hindi siya katulad ng empleyado na kumakain sa loob. Bagkus ay mukhang nagtatrabaho sa kusina. Pinakamababang posisyon na trabahante sa building, basi pa lamang sa uniporme nito. Waitress? Dishwasher? Janitress? Yun ang nasa isip ni Tiffany sa mga oras na yun. But one thing that captures her attention is the physical appearance of the woman that Conrad is looking for. Petite, makinis at pantay ang maputing kulay, namumula ang pisngi na siyang gusto ni Conrad sa babae. Ang mapang-akit nitong labi at mga matang nangungusap sa likod ng malapad na salamin. “But the eyeglasses. Maybe if it will be removed, she will pass the standards Conrad looking for,” mahinang bulong ni Tiff sa sarili. Napunta ang tingin niya sa buhok ng babae at agad napangiwi. “Black. But Conrad wants a woman with an ash brown hair color. Why Conrad is so damn detailed on physical appearance?” Napahalukipkip si Tiffany at tila nagdadalawang isip sa planong gustong gawin. She glanced at her wristwatched and realized that she will be late for her appointment. Sa huli ay napagpasyahan na lamang niyang umalis doon at lumabas na ng kompanya. WHEN Tiffany opened her office, the portfolio under her desk automatically caught her attention. Tinawag niya ang isa sa mga staff ng clinic at lumapit naman ito, ang malapit at tanging napagkakatiwalaan niya. “I want to meet this woman, Primrose,” utos nito kaya saglit na natigilan ang dalaga. She knows how the system works between Her boss, Tiffany Buenavista and Conrad Ramirez. “But, Miss Tiffany. Alam ho ba yan si Mr. Conrad Ramirez?” Tiffany paused and slowly go back to her chair. Napaupo siya at binuksan ang portfolio na agad tumambad sa kanya ang larawan ng dalagang may maaamong mukha. Tipid na ngiti. Her rosy cheeks is attractive and makes her even look charmier. “Na isang dishwasher ang ikakama niya?” Tiffany smile at her staff. “Hindi. This is only for a couple of nights, baka hindi nga umabot yan ng dalawang gabi at ayawan na naman ni Conrad.” “But we have to follow the criteria he set. Kaya nga malaking halagang pera ang binabayaran niya para masunod lahat ng tamang proseso na gusto niya. At iba pang detalye na hinahanap niya. Malinaw na ang nais ni Mr. Conrad Ramirez ay exclusive women, high class, hindi lang basta-basta,” depensa nito kaya nanliit ang titig ni Tiffany sa batang staff nito. “Oh really, Prim?” umikot ang mga mata ni Tiffany at napailing. “Sinong gusto mo ang kunin ko? Ikaw?” Natahimik ito at tila napayuko pa ng kaunti. She wasn’t expecting that from Tiffany, or maybe she didn’t know that it was obvious that she liked Conrad Ramirez. The steel CEO. “We just need a little makeover. Iniipit niya ako kaya huwag siyang mag-expect na perfect ang babaeng mabibigay ko sa kanya. So I need to meet this girl as soon as possible.” Mabilis na tumango ang dalaga sa boss niya. “And by the way, habang inaayos natin yung dishwasher na babae, magsimula kana maghanap ng pamalit sa kanya. For sure, after one night, ibang babae na naman ang gusto ng boss natin!” Maarteng binuksan ni Tiffany ang portfolio. Misty Zehra Avilla. Dishwasher. Magna c*m laude. Graduate with the degree of Bachelor in Education. One of the topnotchers. “Why this brilliant woman is here in the city? Working as a dishwasher?” Umangat ang tingin muli ni Tiff sa assistant nito at pahabol na tinawag. “Give me some information about this woman. Why did she end up working here despite of her credentials. Gusto kong malaman kung ano ang kailangan niya para makumbinsi natin siya.” Primrose took a heavy sigh and unreluctantly followed her boss. Tiffany was amused by her background. But nonetheless, tama nga si Primrose. Her background won’t pass for Conrad’s criteria, especially that for Conrad social status is important. Napanguso si Tiffany at muling tinignan ang maamong mukha ng dalaga. This is only for one night, hindi rin naman ipapaalam kay Conrad. Hindi naman siguro siya mapapatay nito kapag nalaman na isang simpli at normal na babae ang makakatabi niya sa kama, she will conduct a medical examination lalo na at may concern din naman siya sa kaibigan kahit papaano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD