Chapter 1: Begin

1022 Words
Xander's POV "Hi, sorry kung ngayon lang ako nakapunta ha? Busy masyado sa office eh babawi na lang ako sayo ngayon. Alam mo bang si hime magkakaroon na naman ng anak. 2 weeks pregnant na siya. Tapos yung kambal niya mag se-seven na sa linggo. Ang saya nga nilang tingnang magpamilya eh. Kung sanang buhay ka pa ngayon siguradong magiging masayang pamilya din tayo" Hinimas ko ang puntod ni Jes pagkatapos pinunasan ko ang luha ko. 13 years na ang nakalipas ng mamatay si Jes pero sariwang sariwa parin sa isip ko ang lahat ng nangyari noon ng mamatay siya. Kung sanang ako na lang ang tinamaan sana buhay pa ngayon si Jes. Napakadami niyang paghihirap na naranasan kung kelan malaya na siya sa kamay ni Amanda tsaka pa nangyari ito. "TITO!" napalingon ako ng biglang may sumigaw sa akin. Si Akuma pala yung sumigaw kasunod niya ang kakambal niya. Kasama din si hime na karga ang pangatlo niya si Clara Louise. Si Nix na ang pumili ng pangalan kasi kung si hime baka katulad ito kina Akuma at Hellion. 2 years old na si Clara. "Tito I miss you" masayang sabi ni Akuma sabay yakap sa akin. "I miss you too princess what are you doing here?" "Mommy said we going to visit tita Jes" sabi niya ng magkalas ang yakap namin. Tumingin naman ako kay hime na naglalapag ng tela para doon ilagay si Clara. "Pumunta kami dito kasi alam kong magda-drama ka na naman dito" sabi niya ng mailapag si Clara na naglalaro na ngayon sa mga stuff toys niya. "Tsk hindi ako nag da-drama" sabi ko. "Don't lie to me, kambal mo ako kaya kilala kita kung masaya ka ba o malungkot kahit poker face yang mukha mo at masungit" sabi niya. Tsk wala talaga akong matatago sa kanya. Well she's a Mafia boss kaya hindi talaga posibleng mabasa niya ako at tulad ng sinabi niya kambal kami. "Oo na, nalulungkot ako, hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin yung pagkamatay niya. Ganun ka din naman diba?" pag amin ko, wala naman akong maitataho dito eh. "Yes ganun nga ako noon pero nakapag move on agad ako, eh ikaw 13 years na ang nakalipas pero hindi ka pa din naka move on" sabi niya. Tama naman siya eh 13 years na ang nakalipas pero hindi pa rin ako maka move on. "Manligaw ka kaya ulit para naman maka move on ka" sabi niya. "Hindi alam kung magagawa ko yan, mahal na mahal ko talaga si Jessica eh" sabi ko. Cheska's POV "Uy, Cheska totoo bang pupunta ang kakambal ng may ari ng school bukas" tanong sa akin ni Jinri Canlas. Isa sa best friend ko. "*sign* pang dalawang pung beses mo na tinanong sa akin yan" sabi ko. Kanina pa kasi niya bukang bibig yan eh hindi nagsasawa. Ako sawang sawa na ako sa paulit ulit sa sinasabi niya. "*pout* nagtatanong lang eh excited kasi akong dumating si mr. Roswell" sabi niya. "I know kaya wag mo ng ulit ulitin" sabi ko at binuksan ang pinto ng Sc office. By the way, I'm Francheska Alvarez, 22 years old. Graduating na sa collage sa kursong culinary arts. Isa nga pala akong sc president, si Jinri siya ang sc treasurer ko. "Good morning ms. President" bati sa akin ng mga ka co-sc officers ko. "Morning" bati ko din saka umupo sa table ko. "Ms. President heto pala ang nagastos natin sa pag aayos sa auditorium" sabi sa akin ng secretary ko ng makalapit siya sa akin. Siya si Dawn Torres, best friend ko din siya. Silang dalawa ni Jinri ang bestfriend ko. "Okey" kinuha ko ang folder. "Kumusta naman ang pag aayos sa auditorium?" tanong ko habang ini-scan ang paper. Mahigit 100 thousand pala ang nagastos. Mahalang bisita kasi ang pupunta kaya bongga ang designs at dahil importante ang bisita hands on ako sa preparation. "Okey naman ms. Pres lahat ng student nagpa-participate" sagot niya. "Mabuti naman, sige iwan mo muna ako" sabi ko at inumpisahan ang trabaho ko. Hindi biro ang maging president ng school namin kasi may mga gangsters dito pero may mga normal na students kaya todo bantay ako sa mga pasaway na mga estudyante. Hindi niyo ng pa pala kilala ang mga sc officers ko no? Gabrielle Lopez - ang vice pres ko. Siya ang kahalili ko kapag wala ako dito madalas kasi akong wala kasi pinapadala ako sa ibang school para baguhin ang pangangalakad nila. Dawn Torres - ang secretary ko siya ang humahawak ng schedule ko at siya ang nilalapitan nila kapag may gusto sila i pa approve sa akin. Jinri Canlas - ang treasurer ko siya ang humahawak ng pera at sa kanya nagbabayad ang mga student kapag may mga babayaran sila. Six at Seven Bautista - ang kambal na sgt at arms ko sila ang nagbabantay sa g**o ng mga student, sa kanila lumalapit ang mga student na binubuli ng mga Gangsters. Sila ang mga officer ko, kapag nandito kami sa office formal kami sa isa't isa pero kapag nakalabas kami, mag ba-barkada kami. ~kring~kring~ Napahinto ako sa ginagawa ko ng magbell hudyat na mag uumpisa na ang klase. Niligpit ko na ang gamit ko pati sila nag liligit na din. Kahit busy kami hindi naman hinahayaan na magliban kami sa klase pwera na lang kung importante talaga. Naglakad na kami papuntang classroom namin, magkakaklase kaming lahat at lahat kami nasa top. Kahit minsan absent kami sinisigurado namin na hindi na baba ang grades namin. Pagdating namin kumatok ni Gab ang pinto kasi sarado na ito, means late na kami. Malayo kasi ang sc office sa room namin. Pinagbuksan kami ng advicer namin at binati. "Good morning officer, good morning ms. Pres welcome back" sabi niya. Kararating ko lang kasi kanina. Nire-respeto kami dito kahit mga teachers dahil kasi din kami sa council yan ang naging batas ng school. Kapag naging sc officer ka, automatically kasali kana sa council. "Good morning ma'am/morning" bati namin. Papasok na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang advicer namin at humihingi ng permiso, tumango naman ito kaya lumayo ako at sinagot. "Hello" [Ms. Pres pwede ka bang pumunta dito? May kailangan lang akong sabihin] sabi ng principal namin. "Okey" sabi ko at ibinaba na ang cellphone. Naglakad na ako papunta sa principal office. Hindi na ako nagpaalam dahil alam na nila na kapag hindi ako dumating may kailangan akong gawin. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD