bc

I Already Marked You Mine

book_age16+
2.8K
FOLLOW
21.5K
READ
possessive
arrogant
badboy
student
sweet
bxg
lighthearted
campus
school
lonely
like
intro-logo
Blurb

All The Young - In love Sa Demonyo Entry

Meet Zach, ang nag-iisa at gwapong tagapagmana ng Zach Ravales University. Pero hindi kasing perfect ng hitsura niya ang buhay niya. Maraming kulang sa buhay ni Zach. At sa paghahanap niya ng mga kulang sa buhay niya, nalihis siya ng landas. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Sab, ang astig na freshman student. Ang tanging tao na may lakas ng loob na ipamukha sa kanya ang mga pagkakamali niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Meet Sab, ang maangas na beauty
“Okay ka lang, Pards?” tanong sa kanya ng kaibigan niyang si John. Kasalukuyan siya noong nakaupo sa tambayan nila sa rooftop ng campus. Nakatanaw siya sa malayo habang nag-iisip. Dismayado siya nang magdesisyon ang parents niya na mag-open ng business abroad. Ni hindi man lang kasi kinuha ng mga ito ang opinion niya. “Nabalitaan mo na pala.” Bahagyang ngumiti si John atsaka siya tinapik sa balikat. “Ano’ng klaseng mukha ba ‘yan, ha? Eh, kahit ang pinakamagaling na pintor hindi kakayaning ipinta ang mukha mo,” natatawang sabi nito atsaka naupo sa tabi niya. “Nasaan na ‘yung Zach Ravales na kilala ko? ‘Yung astig at maangas?” Gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi niya atsaka siya napailing. Nasaan na nga ba ang dating siya? Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling ngumiti, ‘yung ngiti dahil masaya hindi ‘yung dahil nakapam-bully siya. Nag-iisang apo siya ng founder ng school. Lahat ng materyal na bagay nasa kanya na, pero hindi siya masaya. Para kasing may kulang. Sa paghahanap niya ng mga kulang na ‘yon, nalihis siya ng landas. Nabarkada siya at naging sakit ng ulo. Kinatakutan at iniwasan siya ng mga kapwa niya estudyante. Pero unti-unting nagbago ang landas at pananaw niya sa buhay nang makilala niya si Sab. Nakaupo sa bench sa ilalim ng puno ng Mangga si Sab nang tamaan ng bola na ibinato niya sa kaibigang si Jake. Sa lakas nang pagkakabato ng binata napuruhan ang kanang braso ng dalaga dahilan para humagis ang libro na binabasa nito. “Miss, paki hagis ang bola,” utos niya. Matalim ang tinging ipinukol ni Sab sa kanya habang nakahawak sa brasong nasaktan. Pinulot nito ang libro na humagis sa lupa atsaka nito isinukbit sa balikat ang bag. Naglakad ito papalayo at hindi na lumingon pa sa kanya. Iyon ang unang beses na may gumawa noon sa kanya. At aminado siyang napahiya siya. “Hoy! Miss,” kunwa’y habol niya para maisalba pa nang kaunti ang ego niya. Kinakantiyawan na kasi siya ng mga kaibigan niya. “Wala ka pala, eh,” halos iisang boses na kantyaw ng mga kaibigan niyang sina Paul, Jake at John. “Nawawala na yata ang charm mo, Master?” biro ni Paul. “Ano’ng year na ba ang isang ‘yon?” tanong niya. Natawa ang tatlo. “Hindi mo kilala si Sab?” ani Jake. Napakunot ang noo niya. “Bakit sino ba siya?” “Classmate natin ‘yon sa accounting. First year college palang ‘yon. Siya ‘yung laging nakaupo sa bandang unahan. Balita ko, siya raw ‘yung pinakamataas ang average sa mga nakapasang scholar this year,” ani John. Kaya naman pala malakas ang loob. May laman ang ulo, alam kung ano ang ipinaglalaban. Graduating na ang grupo ni Zach sa kursong Bachelor of Science in Computer Science, pero may naiwan silang unit sa ilang subject kaya naging irregular student sila. Nang gabing ‘yon napaaway ang grupo ni Zach sa bar. Nagkahiwa-hiwalay silang apat. Napadpad siya sa isang madilim na eskinita habang tumatakbo. Kasunod niya noon ang mga humahabol sa kanya. Napadaan siya sa isang karinderya, tiyempong nagtatapon ng basura ang bantay kaya nakasalisi siyang pumasok sa gawing likuran. “Ano’ng ginagawa mo rito?” kunot ang noong sabi ni Sab. Hindi niya akalain na ito pala ang kaninang babaeng lumabas. Agad niyang tinakpan ang bibig ng dalaga. “Huwag kang maingay,” bulong niya. Nasisilip na niya noon sa maliit na siwang ng pinto ang mga lalaking humahabol sa kanya. Pero na-out of balance siya nang tangkain ni Sab na tanggalin ang kamay niya na nakatakip sa bibig nito. Natabig niya ang mga kalderong nakasalansan sa gawing likuran niya. Pumasok sa loob ang pinaka-leader ng grupo atsaka sumilip sa kusina at doon nagtama ang kanilang paningin. Agad niyang itinulak papalayo si Sab atsaka siya patakbong lumabas sa pintuan sa gawing likuran. Mabuti na lang at nakaabang sa kanto ang kotse Jake, nakasakay siya bago pa siya abutan ng mga ito. Galit na galit sa kanya si Sab kinabukasan. Sinugod siya nito habang nakaupo siya sa study area . “Zach, bayaran mo ‘to,” ani Sab, sabay lapag sa harapan niya ng resibo. “Bakit ko naman babayaran ‘yan?” “Iyan lahat ang nabasag ng mga lalaking kaaway mo na nagwala ro’n kagabi.” Ngumisi siya. “Sila pala ang nakasabasag, eh. Bakit ako ang pagbabayarin mo?” Pinandilatan siya ng mga mata ng dalaga. “Kung hindi ka pumasok at nagtago sa kitchen, hindi rin sila papasok at magwawala ro’n,” nanggigigil na sabi niya. Napangisi si Zach. “Astig ka, ‘di ba? Ba’t ‘di mo sila habulin?” “Sana nga ganun lang kadaling habulin ang mga basagulerong ‘yon.” Natawa siya. “Alam ko ang tambayan nila, bigay ko sa’yo ang address?” Lalo pang nainis ang dalaga. “Bwisit ka! Nang dahil sa’yo mawawalan ako ng trabaho, nagagawa mo pang tumawa,” nanginginig sa galit na sabi niya. Biglang natigilan si Zach. Hindi niya alam kung dahil ba ‘yon sa tinawag siyang bwisit ni Sab o dahil sa narinig niya, na mawawalan ito ng trabaho dahil sa ginawa niya. Hindi niya akalain na namamasukan lang pala roon ang dalaga. Sa galit ni Sab sa kanya. Ginantihan siya nito. Kitang-kita niya sa CCTV kung paano nito sinulatan nang kung ano-ano ang harapan ng kotse niya gamit ang lipstick. Nag-init ang ulo niya kaya agad niya itong hinanap. Kasunod niya noon ang mga kaibigan niya. Sa cafeteria, doon nila naabutan si Sab. “Sab!” sigaw niya habang naglalakad siya papalapit kay Sab. Nabulabog ang mga estudyante. Nagtayuan ang mga ito at pinagitnaan sila na tila nae-excite sa kung ano’ng susunod na mangyayari. Maangas na tumayo si Sab at buong tapang na humarap sa kanya. “Bakit? Anong kailangan mo?” anito na halos tingalain na siya. “Bakit mo dinumihan ang kotse ko?” naniningkit ang mga matang tanong niya. “Dumi lang ang mayroon sa kotse mo. Kaunting sabon at hugas lang, ayos na. Pero sa akin, trabaho ang nawala!” maangas na sagot ni Sab. “Ang lakas naman ng loob mo. Sino ka ba sa akala mo, ha?”mariing tanong niya. “Estudyante. Ikaw? Sino ka ba sa akala mo, ha? Apo ka lang ng may-ari pero hindi mo kami pag-aari. We have all equal rights. Kaya matuto kang rumespeto. And dali mong nakikita ang mali ng iba pero sa mali mo, nagbubulag- bulagan ka,” matapang na sagot ni Sab. Muling umugong ang kantyawan pabor kay Sab. Kaya mas lalo pasiyang napahiya. Akmang tatabigin niya ang plato ni Sab nang pigilin nito ang kamay niya. “Ano? Nakakapikon ba’ng marinig ang katotohanan? Ano ba ang pleasure na nakukuha mo sa panghahamak mo sa tulad ko? Masaya ba sa pakiramdam na parang hawak mo ang lahat sa kamay mo? Hindi ka na nahiya! Pati ang pagkain idadamay mo. Alam mo ba kung gaano kahirap kitain ang perang pinambili ko riyan, ha?” Napailing si Sab. “Malamang hindi! Ano ba ang alam mo sa buhay maliban sa pagpapasarap at pambu-bully?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.4K
bc

His Obsession

read
74.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook