bc

The Paths We Take

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
kickass heroine
bxg
mystery
apocalypse
dystopian
like
intro-logo
Blurb

All countries in the world have collapsed and a Totalitarian regime in every one of them has seized power, taking advantage of the vacuum. In The Philippines, outside of its Solaris borders, millions of people are trying to survive and save themselves from the massive concern of overpopulation. Imogen Agdta and her sister Winona Agdta will find themselves in the unfortunate part of history, doing by any means necessary to survive and find the truth about their lives and parents before the dystopia has even happened.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Imogen! Imogen!" Nabulabog ako sa ginawang pagtawag ng kung sino man sa pangalan ko, isama po ang buong ingay na ngayon ay bumabalot sa buong paligid. Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga dahil oras talaga ng pagpapahinga ko ngayon pero mukhang hindi ko na masusulit pa dahil may trabaho pa akong dapat gawin. Pagkatayo ko ay agad akong lumabas sa canopy at tinignan kung anong nangyayari sa labas. Agad naman bumalagta sa akin ang isang grupo ng mga tao na ngayon ay nagmamadaling tumakbo papunta sa direksyon ko. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa nasaksihan at agad silang sinigawan at tinanong kung anong nagyayari at bakit sila mukhang hinahabol ng multo. "Anong nangyayari?! Hoy! Huwag niyong dumugin 'tong canopy!" Sigaw ko sa kanila habang pinipilit nilang ipasok ang sarili nila sa loob kung saan ako ngayon nakatayo. Pinagmasdan ko ang mga itsura nila at kitang-kita ko na mukhang nanggaling pa 'tong mga to sa impyerno dahil sa dungis at kagulo ng itsura nila. Idagdag mo pa ang amoy nilang nangangalingasaw na ngayon sa loob. Napailing nalang ako at agad nilapitan si Amelia na siyang tanging kilala ko lang sa mga taong pumasok sa rito. "Amelia, ano ba? Bakit mo naman dinala 'tong mga kasama mo rito sa infirmary? Ano bang nangyari at mukha kayong sinakluban ng langit at lupa?" Tanong ko rito agad habang hinihila siya palayo sa mga kasama niya. Napansin ko agad kanina na mukhang may mga sugat sila at mukhang tumatakbo nga sila palayo kung kanino man at ang hula ko, tumatakas sila mula sa mga marshals. Kung kakailanganin niya akong gamutin at pagalingin 'tong mga kasama niya, hindi ko iyon magagawa dahil limitado lang ang supply ng gamot at gamit na mayroon kami rito. Atsaka halos nasa bente ata 'tong mga kasama niya. "Pasensya na, Imogen pero ito na lang naisip kong lugar na puwede naming takbuhan at taguan mula sa mga marshals. We just finished rioting, buti nga nakatakas pa kami. May bagong mga gamit 'yung marshals kaya---" Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at agad nalang tinakpan ang bibig niya. Alam niya kasing hindi ko siya matitiis kaya ito ang ginagawa niya. Ilang beses ko na rin sinabihan 'yan na tumitigil na sa pagsali sa mga riot dahil baka isang araw ay hindi nalang namin siya matagpuan dahil nadampot na siya ng mga marshals at dalhin kung saan mang lupalop ng mundo. Pero mukhang kasing tigas talaga ng bato ang ulo niya dahil hindi siya nakikinig sa akin, parehong-pareho sila ni Winona na hindi ako pinapakinggan. Ano pa't ako ang nag alalaga sa kanila? "Sinasabi ko talaga sayo. Tigilan mo na nga kasi 'yang ginagawa mo, hindi na nga nila babaguhin kung anong bagay ang mayroon ang mundo ngayon. Don't fight the people you can't fight." Tumingin lamang siya sa akin at ngumiti nang pilit sabay iling. Napahilamos nalang ako ng mukha gamit ang dalawang palad atsaka kinuha na pagkatapos ang kaunting gamot at gamit na kakailanganin ko upang linisin ang sugat na mayroon siya pati na rin ang mga kasama niya. I really can't force her to do something she doesn't want to do. She has her own mind and I know she can make decisions for herself, but I just hope she does it carefully and thoroughly. She doesn't have her parents anymore, Winona and I are the only ones she has for now and I am really worried for her well-being. I hope she understands that the world we were living in before is not the same with what we have now. Iba na ang takbo ng mundo. "Come here," tawag ko sa kaniya at pinaupo siya sa upuang nasa harap ko. Ibinigay naman niya sa akin ang braso niyang puno ng gasgas. Napapikit ako sa nakita dahil sa ilang buwan na paulit-ulit ang pagpasok at pagbalik niya sa infirmary, ito lagi ang nakukuha niyang sugat. Balot na balot na nga ata 'tong si Amelia sa gasgas at sugat. Napa-aray naman siya nang sinubukan kong tanggalin ang damit na nakadikit na sugat niya pero agad ko rin hinawakan ang braso niya nang mahigpit upang hindi niya maalis ito niya mula sa pagkakahawak ko. Habang nililinis ko ang sugat niya, biglang pumasok sa utak ko si Winona. Napatingin naman ako sa orasan na nakalagay sa kamay ko at tinignan kung anong oras na dahil wala pa rin hanggang ngayon si Winona. Mga ganitong oras ay dapat nandito na siya kasama ang mga kagrupo niya pero ilang minuto na ang lumilipas at wala pa rin siya. Magdidilim na rin sa labas kaya mas lalo akong nangangamba at kinakabahan. "Nakita mo ba sa daan si Winona? Mag aala-sais na at wala pa siya. Hindi naman 'yon palaging nahuhuli sa pag-uwi." Pagtatanong ko kay Amelia. Kumamot naman sa ulo si Amelia at umiling, "Hindi eh. Baka pauwi na rin 'yon, malay mo napadami lang sila ng nakuha." Sagot niya. Napabuga nalang ako ng hangin at tumango. Ipinagpatuloy ko na rin ang ginagawa at lumipat na sa iba pang kasama ni Amelia na sugatan din mula sa riot. Habang nasa kalagitnaan ako ng paggagamot, nakarinig ako ng bagong inggay mula sa labas. Agad akong tumigil sa ginagawa at lumabas ng canopy para salubungin sina Winona. Kapag boses ng mga malalaking tao, tawanan nila, at kalansing ng mga gamit ang bigla kong narinig ay alam kong grupo na iyon ni Winona ang dumating. Agad ko namang natanaw si Winona sa di kalayuan. Isinigaw ko ang pangalan niya upang tawagin siya sabay ikinaway ang dalawang kamay. Nakuha ko naman agad ang atensyon niya at dali-dali siyang tumakbo papunta sa direksyon ko. Pagkalapit niya sa akin ay agad ko siyang niyakap at hinalikan sa ulo. "Bakit naman kayo natagalan? Akala ko naman may nangyari ng masama sa inyo eh," agad kong tanong sa kaniya pagkatapos naming magyakapan. Ngumiti naman siya sa akin at lumingon sa mga kasamahan niyang nahuhuli ngayon sa paglalakad papunta rin sa direksyon namin, "We found valuable materials today. Hindi kami puwedeng umalis agad sa lugar na 'yon nang hindi iniikot ang buong lugar dahil baka may mga nakatago pa ro'n sa ilalim. But of course, I am sorry for making you worried. Okay?" Pagpapaliwanag sa akin ni Winona. Tumango-tango nalang ako sa kaniya at pinapasok na siya sa loob upang doon magpahinga dahil tatapusin ko nalang ang ginagawa kong paglilinis sa mga sugat ng kasama ni Amelia at pagkatapos no'n ay uuwi na kaming dalawa ni Winona. "Asan si Amelia?" Tanong ni Winona. Tinuro ko ang pinakadulong parte ng canopy kung nasaan si Amelia, "Ayun oh. Balot na naman sa sugat dahil kakagaling lang sa riot. Pagsabihan mo nga 'yang kaibigan mo at baka makinig 'yan sayo." Dali-dali namang tumakbo si Winona palapit kay Amelia at doon nagsimula silang mag-usap at magtawanan. Sumunod na rin sa amin sa pagpasok ang mga kasama ni Winona. Binati ko na rin sila at sinabing maari silang magpahinga muna rito sa loob bago ko isirado ang infirmary. Bago pa man ako makabalik sa paggagamot ay biglang lumapit sa akin si Yres, ang nangunguna sa grupo nila ni Winona. Hinarap ko muna siya at tinanong kung may kailangan ba siya dahil mukhang may sasabihin siyang importanteng bagay sa akin. "What is it? May kailangan bang gamutin sa inyo? That's fine, let me just finish treating these kids first then--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang kunuha ang dalawang kamay ko sabay iling sa akin. "No, that's not it. Imogen, I just want to say something about Winona first." Natigilan ako dahil doon at inantay siyang dagdagan pa ang sasabihin niya. "I think we need to remove Winona from the group,"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook