PANGATLO:MYSTERIOUS CREATURE

2086 Words
:MYSTERIOUS CREATURE "Euphie!" Pag-mulat ko nang aking mata ay sumalubong ka-agad sa akin ang mukha ni Erin at kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pag a-alala sa akin. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nasa hospital ako. "Akala ko talaga hindi ka na gi-gising!" sambit muli ni Erin at nakita ko naman ang pag lapit sa akin ni Daphne at pag yakap niya. "Mag tu-two weeks ka ng nakahiga dito ate," sambit ni Daphne at sumang ayon naman si Erin at nakita ko sa likod ni Erin si Clyde na nakatingin sa akin at may pag a-alala sa kanyang mukha. "Two weeks na?" takang tanong ko sa kanila dahil ang huling na a-alala ko ay nasa museum kami. "Nawalan ka ng malay sa museum at agad ka naming dinala rito," ani ni Erin. "Y-yung lalaking nag tour sa atin! Malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman siya sa mga nangyaring ito." sambit ko. Bago ako mawalan ng malay ay may sinabi pa siya sa aking kataga at kita ko sa mata niya na marami siyang nalalaman na hindi ko alam. "What do you mean? Siya pa nga ang nag dala sa'yo dito." Napa kagat ako sa aking labi dahil sa sinabi ni Erin. That guy bring me here? Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman siya sa nangyari. Napahawak ako sa ulo ko nang may mga imaheng pumapasok sa isipan ko. Imahe ng kagubatan at mga dragon isang palasyo na may mga halaman at inaamoy iyon ng isang babae na may kasamang lalaki. "Ate?" "Euphie!" Naramdaman ko ang pag hawak nila sa akin at pinakalma ko ang aking sarili upang mawala ang sakit na nararamdaman ko. "Ayos na ako," sambit ko sa kanila at nakita ko namang napabuntong hininga sila. Lumipas ang tatlong araw at na dis-charge narin ako sa hospital. Kinailangan ko ring mag-catch up nang ibang lessons dahil ilang araw din akong hindi naka attend sa mga klase ko. Sa nag daang mga araw ay hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari, madalas ko rin mapanaginipan ang mga imaheng tungkol sa gubat at dragon maging sa lalaki at babaeng mag kasama sa hardin na napapalibutan ng magagandang halaman. "Ang lalim ng iniisip mo..." napalingon ako kay Clyde na nasa gilid ko. Nakatingin siya sa librong binabasa niya at tumingin sa akin. "Iniisip mo parin ang nangyari sa museum?" muling tanong niya sa akin at tumango naman ako. "Ang hirap kalimutan. Parang--parang gusto kong malaman ang buong katotohanan." sagot ko sa kanya at napabuntong hininga. "Recently, naging normal naman ang lahat. Hindi ko tuloy alam kung baliw na ako o ano ba talaga." dugtong ko pa at narinig ko ang pag tawa ni Clyde. "Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya at nakita ko ang pagpa-pakalma niya sa kanyang sarili. "Natatawa lamang ako sa reaction mo," aniya at napairap ako. "Palagi naman," ani ko at napairap ng guluhin niya ang buhok ko. "Clyde!--" agad akong napatakip sa bibig ko nang ma alalang nasa library kaming dalawa. Napatingin pa ang ibang studyante sa amin kaya naman agad akong nakaramdam ng hiya. Nag patuloy kami ni Clyde sa pag re-review para sa quiz namin. Erin is not here because she's running for president, may meeting rin sila sa organisasyon. I was lucky that I have them as my friend. "Tama na ba?" tanong ko kay Clyde. Tinignan niya ang papel ko at tinitigan niya iyon ng ilang Segundo bago tumingin sa akin. "Tama na," sagot niya. Amazing right? Na solve niya ka-agad yung math problem na pinakita ko sa kanya na halos ilang minuto ko ring sinagutan. Yeah, Clyde is a math genius. "Sana all magaling sa math," sambit ko at muli niyang ginulo ang buhok ko at hinayaan ko naman siyang gawin iyon dahil i a-ayos niya naman ulit yun. Ganoon siya e. Baliw diba? Lumabas kami ng library, kinuha ni Clyde ang mga bitbit kong libro. Tumangi ako noong una pero pinilit pa rin niyang kunin iyon. Nag-tungo kami sa locker area at nang sandaling mabuksan ko ang locker ko ay tumambad sa akin ang madaming flowers, chocolate at letters. "Ni-lock mo ba ang locker mo?" tanong ni Clyde at tumango naman ako. "Hmm, hayaan mo na. Na-report na natin 'to noon pero meron at meron pa rin." sambit ko at kinuha naman ni Clyde ang mga flowers sa locker ko at itinapon iyon sa basurahan ng pigilan ko siyang itapon ang mga letters dahil may naka pukaw ng atensyon ko. Kinuha ko ang envelope na kulay itim. Na kakapag-taka hindi ba? This supposed to be a love letter pero bakit itim na envelope? Nang sandaling nasa kamay ko na ang envelope agad ko iyong binuksan at binuksan ang sulat. "Prepare for our meeting. I want intense preparation... Hera Constance." "Hindi 'yan galing sa mga manliligaw mo. Alam mo ba kung sino ang posibleng mag bigay sa'yo niyan?" tanong sa akin ni Clyde at umiling naman ako ka-agad. Itinupi ko ang papel at ibinalik sa envelope at inilagay sa bag ko. "I think, this will be the continue of the mystery that happening in my life," sagot ko sa kanya. *** "Ate, tita Rain is calling." Ini-abot sa akin ni Daphne ang kanyang cellphone at itinapat ko ang cellphone sa aking tainga bago nag salita. "Hello, tita?" sambit ko. "Naipadala ko na ang allowance niyo Euphie. Hindi muna ako makaka-punta jan. Need ko mag overtime." sambit ni tita mula sa kabilang linya. "It's okay po tita, you don't need to worry po," sagot ko sa kanya at doon na nag-tapos ang pag u-usap naming dalawa. Ini-abot ko kay Daphne ang cellphone niya at kinuha naman niya iyon at umalis na sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako at muling ibinalik ang atensyon sa aking ginagawa. The night went fast as I expected. Papunta ako ngayon sa part time job ko to earn money, pandagdag din sa mga expenses namin sa bahay dahil hindi naman pwede na umasa lang ako kay tita. My mom and dad are died 2 years ago because of car accident. Hindi parin matukoy ng mga police kung ano ang dahilan ng kanilang aksidente. Hindi naman lasing si dad para maibunggo niya iyon sa poste. Hindi rin naman butas ang gulong ng sasakyan. Buo at nasa ayos na kondisyon ang sasakyan. Sinabi nila na baka dahil sa pusa. Cctv's are not available in that area too. Nakakapagtaka hindi ba? "Ang aga mo ata ngayon," sambit ni Aling Rosa nang makarating ako sa convienient store na pag-aari niya. Dito ako nag pa-part time job. Ayos naman ang ipinapasahod niya sa akin dahil hindi lang naman ito ang part time job na ginagawa ko. I still doing something like writting. Kumikita rin ako sa pag su-sulat at the same time na e-enjoy ko pa. "Maaga naman po ako lagi," sagot ko sa kanya. "Siya, dito ka muna at u-uwi muna ako sa bahay." sambit niya at tumango naman ako. Bitbit ko rin ang laptop ko habang narito ako sa convinient store para makapag sulat ng story. Inilabas ko ang aking laptop at nang sandaling mag bukas iyon ay nag punta ako sa word upang ituloy ang aking isinusulat na kabanata. Nag tuloy-tuloy ang pag su-sulat ko nang mapahinto ako dahil may pumasok. "Good morning," bati ko sa costumer na naka jogging pants na itim at plain t-shirt na itim maging ang sobrero niya rin ay itim. Hindi siya bumati sa akin pabalik at napakibit-balikat na lamang ako. Malamang ay kakatapos niya lang mag jogging? It's already 4:00 dumating ako rito ng 3:30. Nag-patuloy ako sa pag su-sulat nang story ko habang nag ti-tipa ay hindi ko rin maiwasang matawa sa sinusulat ko kapag nakakatawa ang na i-isip kong isulat. Hindi ko tuloy lubos maisip kung ganito rin ang nararamdaman nang mga nag ba-basa sa story ko. I hope they feel the same way. I'm not a professional writer but I want to became better. Napatingin ako nang ilapag ng lalaki ang dalawang coffee mula sa coffee machine at dalawang biscuit. Tumayo ako at tinignan ang presyo no'n sa monitor. "Good morning sir, naka sale po ang mga chocolates namin dito baka gusto po ninyong bumili?" I asked him at umiling naman siya. Hindi ko rin makita ang mukha niya dahil sa sombrero na nasa ulo niya. "Total of P92.00 sir," sambit ko at ipinatong naman niya ang kanyang bayad sa lagayan ng pera at kinuha ko naman iyon at sinuklian ang 100 niya. "I received 100," I said at ini-abot ang sukli sa kanya at inilagay ko na sa paper bag ang binili niya. Tinignan niya ang loob ng paper bag at inilabas ang isang kape at biscuit at ipinatanong sa harapan ko at aalis na sana nang pigilan ko siya. "Sir? Mukhang naiwan niyo po ata ang coffee at biscuit niyo?" tanong ko sa kanya. He stopped habang nakatalikod sa akin. "Sa'yo na yan," sambit niya at tuluyang lumabas. What was that? Napatingin ako sa iniwan niyang kape at biscuit. Anong gagawin ko dito? Hindi ako mahilig sa kape at hindi ko gusto ang peanut butter dahil allergy ako sa peanuts. Yung biscuit kasi na presto ang ibinigay niya. Napabuntong hininga na lamang ako at itinabi iyon sa gilid bago nag patuloy sa ginagawa. Lumipas ang isang buong mag hapon na paulit-ulit lamang ang ginagawa ko sa convinient store. Magsusulat mag ba-basa at mag a-asist nang costumer. Hinihintay ko na lang na bumalik dito si Aling Rosa para may mag ba-bantay na ng convinient store kaso mukhang late ata siya ngayong makakapunta dito. Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang nag message si Daphne. "Ate where are you na? Nagugutam na ako." I smirked and typed. "Ma le-late ako. Mag luto ka nalang jan, maraming stock jan sa ref," sagot ko sa kanya at sakto rin ang pagdating ni Aling Rosa na hinihingal pa. "Naku! Pasensya na iha, sige ako na ang bahala rito." bungad ni Aling Rosa sa akin. I smiled. "Ayos lang po," sagot ko at napatingin siya sa likuran ko at nakita kong nakatingin siya sa biscuit at kape na naroon. "Bakit nandito ito?" tanong niya. "May bumili po kasi kaninang alas-kwatro at ibinigay po sa akin yan," sambit ko. "Hindi naman po ako mahilig sa kape at allergy ako sa peanut..." dugtong ko pa. "Naku, nabihag iyon sa kagandahan mo," natatawang sambit ni Aling Rosa. "Baka po inaantok pa po yun," sagot ko at sabay kaming natawa. "Pero seryoso iha, napakaganda mo, kaya't hindi na ako mag tataka kung magkaroon ka nang maraming manliligaw," aniya. "Aling Rosa napaka-bolero niyo po! Sige po mauna na ako." sambit ko at nakangiting umalis nang makita ko si Clyde na patawid papunta rito. Kumaway siya sa akin kaya naman hinintay ko na lang siya na makatawid dito. "Ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Dumaan ako sa tita ko kaya dumaan na rin ako dito," aniya at tumango ako. Inilagay niya ang palad sa aking ulo at ginulo ang buhok ko. Hinayaan ko siyang gawin iyon dahil sanay na akong ganoon siya. "Hectic ba?" tanong niya at umiling ako. "Hindi naman," sagot ko sa kanya at hinintay muna naming walang dumaang sasakyan bago tumawid. Naramdaman ko ang pag hampas nang malamig na hangin sa aking balat. Malapit lang rin naman ang bahay namin sa convinient store kaya naman kayang-kayang lakarin. "May weird na lalaki kanina sa convinient store, pangalawang weird things ito para sa akin," sambit ko. "Weird thing?" "Oo, may lalaking nag bigay sa akin nang Kape at Presto. Naka-balot din siya nang all black pants and t-shirt at black cap," sambit ko. "Isa lang yun sa manliligaw mo," sagot niya at umiling ako ka-agad. "Iba yung pakiramdam ko," sagot ko sa kanya. "Pakiramdam ko, siya ang nagbigay nitong sulat na naka black enevelope. Naalala mo ba yung logo na nakalagay doon? Nakita ko rin yun sa gilid ng cap niya," sambit ko nang bigla kong ma-alala ang cap niya. "Nakita mo ba ang itsura niya?" tanong niya sa akin at umiling ako. "Hindi nga," sagot ko sa kanya at napabuntong hininga. "Report na natin sa police?" he asked at pinanlakihan ko naman siya ng mata. "Agad?" tanong ko sa kanya. "Hmm," aniya at tumango-tango pa. "Hindi mo naman sine-seryoso ang sinasabi ko," sambit ko at napailing sa kanya kaya naman inunahan ko siya sa pag-lalakad nang mapahinto ako nang higitin niya ang damit ko at muling ilapit sa kanya at napasandal pa ako sa dib-dib niya. "Naniniwala ako sa'yo alam mo 'yan," aniya at hindi ko na nagawang maka-imik pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD