PANGALAWA: THE FORGOTTEN WORLD

1472 Words
:THE FORGOTTEN WORLD "Iyon po bang nadaanan natin kanina ay The tree of life?" tanong ni Erin at tumango naman ang matanda sa kanya. Like this part... It seems so familiar to me like expected ko nang kakausapin ako ni Clyde to record this conversation. "I-record mo na lang sa susunod," bulong ni Clyde sa akin at hindi ko alam ang magiging reaction dahil tama ang hula ko. Tumingin ako kay Clyde at Erin at hinawakan sila. "Clyde... Erin... Alis na tayo?" tanong ko sa kanila at tumingin sa lalaking nag-assist sa amin. "Iyong inumpisahan na." Napahawak ako sa ulo ko nang makarinig ng kakaibang ingay. I closed my eyes because the pain was so painfull. Marami akong naririnig na boses kung saan-saan. Masakit sa ulo at masakit sa tainga. Dahan-dahan akong napamulat nang mawala ang mga kakaibang naririnig ko sa kapaligiran. Sunod ko namang narinig ay mga papalapit na kabayo kaya naman napatingin ako kung saan iyon nanga-galing. "Lawson!" dinig kong tawag ng isang babae na nakasakay sa-- dragon ba iyon? Dahil sa gulat, pag-kabigla at takot ay agad akong nag-tago sa isang puno. "Huminto ka!" muling sambit ng babae. Hindi ko makita ang mukha nila dahil agad ding natatakpan ng mga puno ang mukha nila ayoko rin namang makita nila ako at nang kasama nilang dragon. Ngunit nasaan ako? Anong lugar ito? "Hera Constance, ika'y narito lamang pala. Kanina ka pa namin hinahanap sa buong gubat." ani ng isang babae at lumuhod sa harapan ko. Napakunot naman ang noo ko. Hera Constance? "Constance ang aking ngalan?" tanong ko sa kanya. Tumayo siya at agad tumango sa akin. "Opo mahal na Hera Constance." Hindi ako nakapag salita, nararamdaman ko namang hindi siya masamang tao at parang kilalang-kilala niya ako kaya naman hindi na ako nag-alinlangan pa na sumama sa kanya. "Ano po bang dahilan nang biglaang pag takbo ninyo mahal na hera?" tanong niyang muli sa akin. Hindi ko ata nabanggit na isa pala siyang babae. "Tumakbo ako?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya na para bang nag ta-taka na sa ikinikilos ko. Maging ako rin naman ay nag ta-taka na. Hindi na malinaw sa akin ang lahat. "Opo, nag madali ka po na ihinto ang sinasakyan natin kanina para lamang tumakbo dito sa gubat." sagot niya sa akin at tumango na lamang ako habang pilit itinataas ang mahabang damit na suot ko na hindi pamilyar sa akin. "May masakit ho ba sa inyo mahal na hera?" tanong muli sa akin ng babae, pilit kong ina-alala ang kanyang pangalan ngunit hindi ko naman ma alala. "Ano ba ang iyong pangalan?" tanong ko sa kanya at nag alinlangan pang itanong iyon sa kanya. "Denim, mahal na Hera Constance," sagot niya at napatango naman ako nang hindi na siya mag tanong pa sa akin hanggang sa makarating kami sa sakayan. Isa iyong kalesa sa aking pag ka-kaalam. Yumuko sa akin ang taong sakay ng kabayo na cartero. Ngumiti ako sa kanya bago ako pumasok sa loob at kasunod ko naman sa pag pasok sa loob si Denim. Habang uma-andar ang kalesa ay pilit kong ina-alala kung bakit ba ako tumakbo sa gubat kanina. Hindi naman ako tatakbo doon kung walang dahilan diba? Pero bakit hindi ko man lang ma-alala ang dahilan nang pag-takbo ko doon? "Saan ba tayo patungo Denim?" tanong ko sa kanya at bakas sa mukha niya ang pag-tataka dahil maging ang bagay na ito ay hindi ko man lang alam. "Pupunta tayo mahal na hera sa palasyo dahil na ipagkasundo ka na pong ikasal sa prinsipe ng kagubatan." ani ni Denim na ikinagulat ko. "Ika-kasal ako?" hindi makapaniwalang sambit ko. "Opo," sagot niya. Hindi ako umimik, hindi ko man lang ma-alala kung naging kasintahan ko ba ang lalaking iyon dahil wala akong ma-alala. Nag ka-amnesya ba ako? Hinintay ko na lamang na makarating kami sa palasyo at nang sandaling huminto ang kalesa ay nakaramdam ako nang kaba na parang hindi ito tama? Ngunit paano ko malalaman ang tama kung wala akong ma-alala? Ang hirap naman nito! "Pwede ba akong umatras?" tanong ko kay Denim at agad naman nanlaki ang mga mata niya at inilagay ang hintuturo sa aking labi. "Huwag kayong mag isip nang ganyan mahal na hera! Kapag narinig kayo ng kung sinu-man at nakarating sa prinsipe ay malalagot tayo." ani ni Denim. Bumaba si Denim at sumunod naman ako sa kanyang pag-baba. Napatingin ako sa laki ng palasyo at sa dami ng kawal na nasa paligid na puno ng armas sa katawan. Nang sandaling makita nila kami ay agad silang yumuko at sabay-sabay na itinaas ang kanilang sandata. "Narito na ang Mahal na Hera Constance!" sigaw ng isang kawal na mukhang siya ang namumuno sa hukbong kawal na narito. Tumingin ako kay Denim at sumenyas ito na mag lakad na ako papasok sa loob at nakita kong naka-upo ang isang lalaki na mukhang siya na ang prinsipe na tinutukoy ni Denim kanina. Bakit wala akong maramdaman na pag ma-mahal? Hindi kaya't pinilit lang akong mag pakasal sa kanya? "Narito ka na Constance," aniya at hindi ako umimik man lang o kumibo. Nasaan ang hari at reyna? "Magandang umaga mahal na prinsipe," sambit ko at yumuko upang mag bigay galang sa kanya. Mariin niya akong pinakatitigan, kaya't tumitig rin ako sa kanya pabalik. Tumayo siya at lumapit. Hindi ko rin naman ikaka-ila na may ipag ma-malaki rin ang prinsipeng ito pag dating sa ka-gwapuhan. Ang kanyang kutis ay moreno. Matangkad rin siya at may matangos at manipis na labi at may makapal na pilik-mata. Mukha naman siyang ma amo at hindi naman siya mukhang mamatay tao. Siguro naman ay ligtas ako sa kanya? Dahil sa pag i-isip ay hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya. "Mamaya pa darating ang hari, gusto mo bang mag tungo tayo sa hardin?" tanong niya sa akin. Dahil nakikita ko namang mabuti siyang tao ay tumango na lamang ako sa kanyang alok at sumunod sa kanya patungong hardin. Namangha ako sa ganda ng hardin na narito sa palasyo. Hindi ko akalaing maka kita ako nang ganitong kagandang hardin at napaka ganda rin nang pagka ka-kaayos nito. "Ang ganda naman dito..." manghang sambit ko at hinawakan ang mga halaman na nakikita kong ka akit-akit sa paningin. "Iyan ang paborito mong bulaklak hindi ba?" tanong niya at tumango ako sakanya. Pinagmasdan ko ang mga bulaklak na narito sa kanilang hardin habang nararamdaman ko ang pag sunod niya sa akin tuwing lumilipat ako nang pwesto tuwing tumitingin ako ng bulaklak. *** Nasa hapag kainan kami ngayon kasama ang hari at ang prinsipe. Hindi ko alam ang dapat maramdaman ngunit ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin tatlo. Hindi kaya't ako lamang ang nakakaramdam no'n? "Sa Ikatlong buwan itatakda ang inyong kasal Hera. May nais ka bang maging ayos sa inyong kasal?" tanong sa akin ng hari at hindi ako ka-agad nag salita ng umimik ang prinsipeng katabi ko. "Mayroon na kaming napag-usapan mahal na hari," sagot nito sa kanya at tumango naman nang marahan ang hari sa sagot ng kanyang anak. Napahawak ako sa aking kamay at kinurot ang sarili dahil ramdam na ramdam ko ang lakas at nag su-sumigaw na talino at lakas ng hari at prinsipe na nasa tabi ko ngayon. "Maraming salamat sa pag salo sa amin Hera. Ako ay mag tu-tungo na sa aking silid, maiwan ko na kayo rito ng aking anak," sambit ng hari at ngumiti ako sa kanya at yumuko upang ibigay ang pagalang ko sa kanya. Kahit hindi ko man siya na a-alala ay karapat-dapat lamang na ibigay ko ang respeto sa kanya dahil iyon ang dapat na gawin sa iyong kapwa. Sinamahan ako ng prinsipe na makalabas sa kanilang palasyo at agad akong yumuko upang ipag-bigay alam sa kanya na kailangan ko na rin umuwi. "Maraming salamat mahal na prinsipe," sambit ko at tumango naman siya sa akin at ngumiti. Naramdaman ko ang pag lapit sa akin ni Denim at ang pag gabay niya sa akin hanggang sa makasakay ako sa kalesa. Umandar ang kalesa at nanatili sa tabi ko si Denim nang maisipan kong itanong sa kanya ang pangalan ng prinsipe. "Ano ang pangalan ng prinsipe?" tanong ko sa kanya at nag ta-takang tinignan ako ni Denim. "Mahal na Hera-- hindi niyo po ba talaga alam ang pangalan ng prinsipe?" ani ni Denim at ka agad naman akong tumango sa kanya. "If I know-- I mean. Kung alam ko lang kung ano ang pangalan niya hindi ko na itatanong pa sa'yo Denim." sambit ko at dahan-dahan namang napatango si Denim sa akin dahil nakuha niya ang ipinu-punto ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin ngunit may mga imaheng kanina pa nag pa-pakita sa akin na hindi ito ang aking mundo. Na hindi ako dito nangaling na nag-mula ako sa ibang mundo. "Prinsipe Cliff. Prinsipe Cliffton Axl Xafervoiré."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD