Chapter 2

1853 Words
Pia's POV Nagising ako sa marahang pagkatok na nagmumula sa labas. Pupungas-pungas pa akong bumangon at ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata. Leche. Bakit ko ba pinagaaksayahan ng luha ang walang modo na iyon. Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa aking harapan ang kaibigan kong si Xiara. "Oh, napadalaw ka ata? May pachibog ka pa dyan! Pasok ka." nakangiting pahayag ko rito pero tinitigan niya lang ako ng mataman. Napaiwas na lang ako ng tingin at naglakad papunta sa maliit na table sa maliit lang din naman na apartment ko. Naglapag ako roon ng mga kubyertos at platito. "Tigil tigilan mo ako sa mga ganyan mong titig Xiara Wriella ha! Tutusukin ko ng tinidor iyang mga mata mo ng wala ka ng makita!" nanlalaki ang mga matang banta ko rito habang nakapameywang. Kita ko ang panlalaki ng mata nito at napalunok pa. Jusko! Napakainosente ng gaga. Nang makahuma ito ay napailing na lamang siya at nagsimula na namang maglitanya. "Alam mo Paloma Ivanna Accosi, pumapayat ka. Hindi lang iyon ha. Parang habang tumatagal eh nagiging malungkutin ka na. Nasaan mo dinala ang kababata ko? Nasaan na si Pia na walang ginawa kundi ang mang-trip at magpakasaya?" tanong niya sa akin at sumubo na ng fruit cake. Umiwas naman ako ng tingin. Naiinis ako kapag bumubuka ang bibig nitong si Xiara dahil pakiramdam ko ay umiikot ang sikmura ko sa mga salitang sinasabi niya. "Putang ina, Xiara. Ayoko ng mga ganyang hirit mo at pwede ba huwag mong mabanggit banggit ng buo ang pangalan ko dahil kinikilabutan ako. Atsaka pakiramdam ko ay binabasa mo na naman ang buong isip at kaluluwa ko kapag ganyan ka makatingin. Hmp! Maiba nga tayo, bakit ka ata napadpad rito? Diba tuwing pasko at bagong taon mo lang naman ako dinadalaw rito?" pagiiba ko at tinaas ang paa sa lamesa. Napabuntong hininga naman ito at sumandal sa upuan. Napakamot pa siya sa batok niya na para bang walang maapuhap na salita. Alam na this. May gumugulo sa utak ng gaga. "Sabihin mo nga sa akin kung ano ang pinakamagandang gawin ko sa buhay ko, magreresign na ba ako o mananatili pa din ako sa kanya? Na aasa pa din sa wala?" tanong niya sa akin ng may mababang tono.Tinaasan ko naman siya ng kilay. Sabi na eh. "Magresign ka na. Walang magandang maidudulot iyang pagpapakatanga mo kay Simon. Akala niya patay ka na. Akala niya hindi ka na nag-eexist kaya hayaan mong ganoon na lamang ang tingin niya sa mundo. Kapag sinabi mong ikaw si Ella, tingin mo maniniwala pa sayo iyon? Tingin mo naaalala ka pa niya makalipas ang labing siyam na taon? Hindi na iyon! Ginusto na niya dito sa Maynila eh! Kaya ka di makamove on kasi ikinulong mo sa utak mo na baka may pag-asa pa kayo kahit wala na! Matalino ka te, kaya huwag kang magpakabobo sa taong hindi na maibabalik katulad ng nakaraan." litanya ko rito at nilantakan ang fruit cake. Nakakamiss pala talaga to. Grabe. Nagpapayo ako pero heto ako at alam ko sa sarili kong may problema ako. Huwaw talaga. "Bakit ikaw? Di ba nagpapakatanga ka din naman sa Wage mo? Ikaw din naman ha, nagmamahal ka din naman." hirit niya pa sa akin kaya napataas ang kilay ko. "HOY! FYI! Sumuko na ako, tatlong araw na ang nakakaraan. Ayoko na no. Nagising na ako sa katangahang nagawa ko. Tama na ang pagpapakahirap kaya kumawala ka na din para maging masaya ka! Hindi pa huli ang lahat habang virgin ka pa." dinilatan ko pa ito ng mata. Napalunok naman ito at umiwas ng tingin. Putang ina! May hindi sinasabi sa akin ang babaeng ito! "What the f**k?! Huwag mong sabihing isinuko mo na iyang p**e mo sa kanya?! Maria Santisima Fernando San Victores!!" nanggagalaiting singhal ko rito at sinabunutan siya. Nakakagigil! Sinabing huwag gagaya sa akin eh! Naturingang mas matanda sa akin pero napakabaliw! "Aray naman! Anong magagawa ko eh mahal ko siya! Nahuli pa akong nagsasariling sikap? Alagay naman magpa-choosy pa ako. Go lang ng go! Pero Pia isama mo na lang kaya ako sa bar? Papa-table na lang din kaya ako?" seryosong tanong niya sa akin. Binatukan ko naman siya at kinurot sa tagiliran. Jusko po! Puro na lang ba tanga ang papalibot sa buhay ko? Napatampal na lang ako sa noo at naiinis na umupo. "Mahal, mahal! Walang magandang maidudulot sa lipunan iyan! Mga gago na lang ang magpapauto diyan kaya please grumaduate ka na diyan! Atsaka anong kalokohan iyan? Sungalngalin kaya kita sa mga pinagiiisip mo?!" singhal ko kay Xiara at sinimulang kainin ang fruit cake. "Eh sabi mo magresign na ako! Paano naman si Itang na nasa ospital? Si Inang?" sabi niya sa akin at nangalumbaba na lang. "Eh nabalitaan ko na nakita niyo na ang tunay na mga magulang ni Warren ha? Baka naman makatulong sa inyo si kumag kung sakali kahit papaano." ngumunguya kong wika sa kanya. Napangiwi naman ito at umiling. "Hindi namin kailanman kailangan ng tulong sa mga magulang ni Kuya. Atsaka masaya na kami na masaya siya ngayon, no need to ask for help." sabi niya pa at nagpatuloy na lamang sa pagkain. "Pero seryoso ako. Mag-resign ka na. At payong kaibigan. Sabihin mo sa kanya ang tungkol sa nakaraan niyo. Kung hindi ka matanggap, edi goodbye! Kapag natanggap ka, edi kayo na may poreber, s*x all you want na!" natawa naman siya sa mga pinagsasasabi ko kaya binato ko siya ng monay. Gaga talaga kahit kailan. Tinawanan lang ako. "Pero Pia. Hindi mo na ba talaga hahanapin iyong tatay mo? I mean, para makatulong sa inyo kahit papaano." malumanay na wika nito kaya napailing ako. "Why would I? Hindi ako pulubi na mamamalimos sa kanya. Puta! Pagkatapos niya kaming ipagpalit sa babaeng hukluban na iyon ay matutuwa pa akong makita siya? Nakakadiri!" sabi ko rito at uminom pa ng tubig. "Eh bakit namamaga iyang mga mata mo?" pasimple pa nitong tanong. "Xiara, pwede ba? Luma na iyang style mo. Pagod lang ako dahil wala pa akong tulog hanggang ngayon. At kung ano man iyang iniisip mo ay kalimutan mo na." wika ko sa kanya at napasubsob sa table. Nang magdilim na ay nagpasya na itong umuwi samantalang nag-ayos naman ako para sa trabaho ko. Pinatungan ko na lang ng jacket ang suot kong spaghetti top at ang shorts ko naman ay hinayaan kong ganoon kaikli. Iyong make-up naman ay kinapalan ko para kahit papaano ay matabunan ang mga mata kong maga pa din hanggang ngayon. Wooh. Isang buwan. Isang buwang palugit para ihinto ko na ang ganitong trabaho. Hahanap na lang ako ng ibang mapapasukan o ano pa man. Ayoko ng sumayaw sa harap ng maraming lalaki na mga malilibog. Pagpasok ko pa lang ng bar na iyon ay bumungad na sa akin ang masamang usok at amoy ng alak. Naghalo-halo na ang amoy roon kaya napapikit na naman ako. Sa katunayan niyan ay hindi talaga ako nagsisigarilyo at bihira pa kung uminom ako. Ewan ko ba! Pokpokita daw ang dating ko pero napakaarte ko sa mga ganitong bagay. Eh sa ayoko eh. Dumiretso ako sa backstage at doon nakita ang mga kasamahan kong todo kung mag-ayos. Paano ba naman, puro mayayaman lang naman ang maa-afford pumasok sa ganitong bar kaya swertihan sila sa pagbingwit ng mayayamang pwede silang iahon sa hirap. "O nandito na pala si Piyaya eh!" sigaw ng kasamahan kong si Lea. "Bakit anong problema niyo?" tanong ko sa mga ito at nangalumbaba pa. "May yummy sa labas na kanina ka pa hinahanap dito. Jusko teh! Ang swerte mo! Ang gwapo tapos yung mga mata naku! Yung biceps pa! Baka malaki din ang cobra nun!" halos tumirik pa ang mga mata ni Calia habang nagdedescribe. Napairap na lang ako at bumuntong hininga. "Nawalan ako ng gana sumayaw. Pakisabi kay Mother of Pearl ayaw ko muna tutal malaki naman ang kita kahapon. Uuwi na lang ako." sabi ko sa mga ito at dumiretso sa likurang daan ng bar na iyon. Ayokong makausap ang putang ina iyon. Aba! Naisipan pa akong puntahan para makapasok na naman sa kweba. Anong akala niya? Hindi ko seseryosohin na aalis na ako sa buhay niya? Napatili ako ng may humablot ng braso ko sa dilim. "Why are you still here, Pia? Did I have already told you to stop going to this shitty bar?" malalim ang boses nito at kita ko ang pagbabaga ng mga mata nito kahit sa dilim. Kinakabahan man ngunit mas pinili kong lakasan ang loob ko at itinulak siya palayo sa akin. Heto na naman ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Ayaw na naman akong patahimikin. "Pakielam mo? Parausan mo lang ako kaya huwag kang umasta na para bang ikaw lang ang lalaki sa buhay ko." mataray kong wika rito at naglakad na paalis. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ng iharap niya ako sa kanya at mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat ko. s**t! Ang sakit! "Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" pilit akong kumakawala pero malakas siya masyado para makakawala akong muli. "No f*****g way! I am paying you at kung ano ang iniuutos ko sayo, gagawin mo! I know you b***h! Gusto mo bang dagdagan ko pa ang ibinibigay ko para lang manahimik ka na sa akin ka lang ha?!" bulyaw nito at inihampas sa dibdib ko ang makapal na perang hawak niya. Gusto ko ng umiyak pero hindi ko magawa. Hindi ako kailanman magpapakita ng kahinaan sa hunghang na ito. I will never give him the satisfication of hurting me. Nanginginig man ang mga kamay ngunit pinulot ko pa din ang mga bungkos na perang iyon. "Salamat sa pera ha? Ano to? Pahuling bayad? Balak ko na kasing mag-resign bilang puta mo o parausan mo. No, hindi ko pala balak, nag-reresign na talaga ako! Alam mo kung bakit? Nakakasawa ka na kasi! Nakakapikon ka na at higit sa lahat ay wala kang kwentang lalaki! Kung gusto mo eh doon ka kay Bridgette magparaos! Tarantado!" balak niya akong sampalin ng magsalita akong muli. "Sige! Ituloy mo iyan at baka sakaling magising ako lalo sa kahibangan ko sa pagpapagamit sayo! Kung mahal mo talaga ang babaeng iyon ay hindi ka na mangingiming gamitin ako! Ang lakas ng apog mong makahanap ng babaeng pwedeng maging puta mo pero hindi mo kayang magpakalalaki sa babaeng iyon! Pwede ba tigilan mo na iyang kunwari ka pang concern sa akin dahil pagod na ako! Pagod na akong maging babaeng parausan mo! Kung iniisip mo na baka magka-AIDS ka, well sad to say, wala akong ganon kaya makakahinga ka na ng maluwag! Pwede mo na akong lubayan!" sigaw ko rito at nagmamadaling naglakad paalis doon. Nang makalayo ako ay tsaka ko lamang hinayaang mag-landas ang mga luha sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit sakit ng mga salitang nanggagaling sa kanya pero wala akong magawa. Minsan kasi kailangan mo na lang tanggapin at lunukin iyon para hindi ka na mag-mukhang nakakaawa pa. Hindi ako anghel. Oo madami akong pagkakamali sa buhay pero hindi ko deserve ito! Kahit pa na ako na ang pinakamababang babae sa mundong ito, may karapatan pa din akong marespeto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD