Episode 1

1521 Words
Hi! I blinked as I continue to hold my phone. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para i-accept ang message request na natanggap ko matapos kong maligo. Ang message request na ito ay nanggaling sa taong may weird na pangalan. Spero Futurae. Naglalaman ito ng voice message. How was your day? I blinked even more. Pamilyar ang boses na ito sa akin. Good. There's a long pause before the person behind this voice message continues. By the way, He laughed. But there is something on his laugh. It's . . . fake. Kung hindi mo makilala ang boses na ito. It's . . . Sino ka ba? Marcovence Baignard Razon. What the hell? Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko nang ayos sa aking kama. What the actual hell?! Nanlalaki ang mga mata kong pinindot ang pause button. Totoo ba 'to?! Pati ba naman dito ay hindi niya pa rin tinitigilan ang pan-ti-trip sa akin?! Jusko naman! Really, Marco? Lume-level up yata ang pang-bu-bwisit mo sa akin lately?! Nanlalaki ang butas ng ilong, nakabusangot akong pinindot muli ang play button. Hindi ko alam kung ano pa talaga ang nag-uudyok sa akin para patuloy na pakinggan ang kabalastugan ng siraulo kong kaklase. Most prolly, siguro wala na ako kaya mo naririnig ngayon ang kadramahan kong ito. Siguro . . . uhm, basta. Wait, there is something under his breath. I don't know why but it sounds like a genuine pain, just like a tunnel of silence and sorrow. With nothing but sadness and inevitable defeats. Alam ko, by now, alam mo na kung ano ang nangyari sa akin. Hindi ko naman i-se-send sa iyo ito nang hindi pa buo ang desisyon ko, eh. Tumawa na naman siya. Hindi ko na ito maatim pa. Ang lungkot niyang pakinggan. So, yeah. What you are about to listen as you decided to proceed with other voice messages are the reasons why . . . Garalgal ang kaniyang boses. Halata ang pag-pipigil niya ng hikbi. I decided to commit sui-- Natigilan siya. At ako rin. Does he meant suicide? Holy s**t . . . Nakarinig ako ng malalim at may bahid ng kalungkutan na buntong hininga mula sa kanya. Ilang segundong sinakop ng katahimikan ang mga tainga ko bago siya nagpatuloy. Why I decided to end my life. Why I chose to end our paths without even saying good bye. Kaya kung natanggap mo ito, you might prolly be one of the reasons why I did . . . this. Napapakurap akong napalunok. Teka nga. Bakit parang totoo na 'to? Luh? Eh, bakit ako napasama dito?! Hindi naman kami close! Mas marami pa ngang beses ang pag-aaway namin kaysa sa pag-uusap namin, eh! Wait, never think of this as a revenge or something. Para bang Thirteen Reasons Why? I don't understand why I figure him smiling painfully as he said these words. No. This is just my way of saying my final farewell because I know later on . . . you'll be needing it. I know that from the bottom of your heart, you have to hear me out. I know . . . these reasons will set you free from your regrets. With trembling hands, I hastily clicked the pause button. My breathing gets heavy. My heartbeat started to race as the sweat on my forehead began to appear. At that moment, there wasn't something I want to do but to check Marco. To save him. To stop him from commiting something I won't take. Close to panicking, I continue to grab ahold of my cell phone. Patuloy pa rin ang panginginig ng mga kamay ko. Sa panginginig nga ng mga ito ay muntik pang malaglag ang cell phone sa sahig. I started to search for Marco's account on Messenger. I have to stop him. Kung totoo man iyong nasa voice message, hindi ako patatawarin ng konsensya ko kung sakali mang gawin niya nga iyon. Wala na akong pake kung trip niya man ito o ano. Basta ngayon, gusto kong makasigurong ligtas siya. You Marco? Hey. Let's talk first, h'wag mong itutuloy 'yan. Talk to me before class. Makipagkita ka sa akin bago tayo pumasok today. But I was taken aback when it was removed by . . . me. Yes, me. . . Wala akong ginawa! Paanong na-remove ko ito?! Malakas at mabilis ang pagkabog ng puso ko. Sa pakiramdam ko ay para bang maisusuka ko na ang aking puso dahil sa kaba. Wala sa sariling nag-type akong muli. Hindi na inalintana pa ang nakakapagtakang pangyayaring nangyari kani-kanina lang. You Hey, Marco. Talk to me first. Never ever do a thing that will hurt you. Problema lang 'yan. Masosolusyunan din natin 'yan. Makipagkita ka sa akin bago tayo pumasok today. Please. But for the second time, it was removed again by an unknown force from my account. Na-hack ba ako?! Napatayo na ako. Ginulo ko muna ang basang buhok ko bago ko pinindot ang settings button. Nagmadali na akong palitan ang password ko. Hindi na mahalaga pa sa aking alamin kung sino ang hacker ko o hindi naman kaya ay ang dahilan niya para gawin iyon. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay ang sagipin si Marco. I was on the verge of sending the same message to Marco when I was halted by the notif I saw above the screen of my phone. It was, again, from that Spero Futurae guy . . . or girl. I absentmindely clicked it. Spero Futurae Don't. Napalunok ako. Anong ibig niyang sabihin? To my surprise, my question was quickly answered. Spero Futurae Don't send anything to Marco. What the . . . Binalot ng matinding kilabot ang buong katawan ko. Paanong nalaman niya ito? Nandito ba siya ngayon sa aking kwarto? Nagpalinga-linga ako sa buong kwarto. Nagbubutil ang pawis sa aking noo, napalunok ako nang wala akong nakitang kahina-hinala dito. Papaanong alam niya ang gagawin ko? Tila bang nabasa niya ang tumatakbo sa utak ko. Nanghihina man dahil sa takot ay nakuha ko pa ring mag-reply sa kanya. You Why would I follow you? Spero Futurae Just read the letter that will be given by your mother right now. On cue, I heard a knock on my door. Then it was followed by Mom's voice. I was so shocked that I didn't create any move. I didn't dare to. I was in the middle of processing the moment on my mind and freaking out at the same damn time. "Margot, anak. May sulat ka." Mom laughed. "I didn't know hand written letters are still a thing nowadays. Nakakakilig naman." Wala akong naisagot. Wala akong gustong isagot. "Iwan ko na lang ito dito, ha?" Then it was followed by sliding sound on the floor. Bumungad mula sa ilalim ng pinto ng aking kwarto ang maliit na envelope. Kulay pink ito. It looks like a letter from your kind best friend. Napakapit ako nang mahigpit sa aking cell phone. Takot na takot akong nagpalinga-linga habang lumalapit doon sa envelope. Napapatulala akong dinampot ito. I opened it. I ready myself to fully freak out from what I am about to read. To Fersiphina Margot Agassi, Nanlaki ang mga mata ko. This is my hand writing! Hindi ako pwedeng magkamali, sulat ko ito! I am yourself, ten years from now. Siguro nagtataka ka kung ano ang dahilan kung bakit mo ito natanggap? It's because I need you to do me a huge favor. From this day forward, you will be receiving letters from me. These letters contain the events that are about to happen and the choices I want you to make so that you don't repeat my mistakes and you won't have any regrets in the future. I started to step backward as I cover my mouth. I can never believe this! This is freaking unreal! My letters for you will be all about Marco. You are fated to meet him. Marco will play an important part to your life, he will serve you the best and worst experiences that you could ever imagine. But I want you to just focus with keeping him alive. He needs to stay alive because he deserves to live longer than he had on my world. Ten years from your future, Marco is no longer with us. Iniwan niya kami sa mismong araw ng birthday niya nang wala manlang pasabi-- nang hindi manlang namin siya natulungan para hindi na niya gawin ang ginawa niya. Ngayon, gusto kong kahit diyan manlang sa mundo mo ay maranasan niyang mabuhay nang masaya. Gusto kong gawin mo ang mga bagay na hindi ko nagawa sa kanya noong nabubuhay pa siya sa mundo namin. Gusto kong tulungan mo siyang mahalin at pahalagahan ang buhay niya. Ang mga sulat lang na ito ang makakapagsabi sa 'yo ng paraan para masagip mo ang buhay ni Marco. My letters will save his life-- it will make him stay alive. Sana ay hindi mo ako biguin. Napaupo ako sa malamig na sahig. Hindi ko na nakaya pang tapusing basahin ang sulat. Hindi makapaniwala, napapakurap na lamang akong tinitigan ang sunod-sunod na messages ni Spero Futurae sa aking cell phone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD