Chapter 2

2016 Words
Someone's POV "Boss, the CEO is already signed the last will and testament. He also announced earlier that her daughter Hera Valeria is the Heiress of Beauty Care Productions." one of my staff said to me. "Okay, pwede ka ng lumabas." mariin kong sabi. Nang makalabas ang staff ko ay sumigaw ako ng pagkalakas-lakas at lahat ng gamit na nakapatong sa aking lamesa ay pinagtatapon ko. Hindi pwede! Gagawin ko ang lahat para mapasaakin ang Beauty Care Productions. Umupo ako sa aking swivel chair at pinaikot iyon. Alam kong may malalang sakit si Alberto dahil noong pumasok ako sa kanyang opisina ay aksidenteng nakita ko ang iba't-ibang gamot sa kanyang cabinet dahil nakalimutan niya itong isara. Kailangan kong makabuo ng plano para mapapayag ko siyang ako muna ang gagawin niyang acting CEO for the mean time kung sakaling may mangyari sa kanya na hindi inaasahan. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isa kong tauhan. [Hello boss,] bungad na sabi sa kabilang linya. [Come here at my office now, may ipapagawa ako sa'yo.] Pinatay ko na ang tawag ng matapos kong sabihing pumunta siya dito sa opisina ko. Ipapahanap ko sa kanya ang last will and testament na pinirmahan ni Don Alberto. Hindi nagtagal ay dumating na ang isa kong tauhan. "Boss," bati niya sa akin at yumuko ito bilang paggalang. "Pumunta ka sa opisina ng CEO at hanapin mo ang last will niya. Lahat ng makikita mong importanteng documents ay kunin mo at ibigay mo sa akin. Maliwanag ba?" sabi ko sa tauhan ko at alam kong wala ngayon ang CEO dahil may isang investor siyang ime-meet ngayon kaya malaya kong nautusan ang isa kong tauhan na pasukin ang opisina niya. "Makakaasa kayo boss," magalang na sabi niya bago ito umalis. Kailangan kong mag-isip ng isa pang plano dahil baka wala sa opisina niya ang pinapahanap ko. Kung wala sa opisina niya ay pwedeng nasa mansion niya ito tinago. Pero saan niya ito tinago? Sa kwarto niya ba? O pwedeng pasekreto niyang ibinigay sa kanyang anak. Naputol lang ako sa pag-iisip ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag ng tauhan ko. [Boss wala dito sa loob ng kanyang office ang pinapahanap mo at wala rin siyang save documents sa kanyang desktop.] sabi ng tauhan ko. Masyado mo akong pinapahirapan Don Alberto. [Lumabas ka na diyan sa opisina niya at baka maabutan ka pa niya. Huwag ka ng pumunta dito sa opisana ko, baka may makakita pa sa'yo. May ite-text akong address at doon ka pumunta, hanapin mo sa kanyang kwarto ang documents na iyon. Kung wala sa kwarto niya ay sa kwarto ng kanyang anak dahil posibleng naibigay na niya ito kay Hera.] Utos ko sa kanya. Kapag nakuha ko na iyon ay kailangan ko ng patayin si Don Alberto. Mamatay rin naman siya kalaunan, why not madaliin ko na lang kaya. Napangiti ako sa aking plano, kung sa akin mo sana ipinagkatiwala ang kompanya hindi ka sana mamamatay ng maaga. Wala kang utang na loob, hindi mo napapansin ang mga sakripisyong ginawa ko Don Alberto, para maging mas matagumpay ang kompanyang hinahawakan mo ngayon. Hindi ako papayag na mapunta lang sa wala ang mga sakripisyong ginawa ko. All of my life I dedicated myself serving the company and serving you. Kahit labag sa loob ko ang mga inuutos mo ay ginagawa ko pa rin alang-alang sa kapakanan at kabutihan ng kompanya. Hindi ko namalayan na kanina pa pala may kumakatok sa aking pintuan. "Come in," I said. Napatingin ako sa taong pumasok sa loob ng opisina ako. Tignan mo nga naman ang pagkakataon, palay na mismo ang lumalapit sa manok. Hindi ko na pala kailangang lapitan siya dahil siya na ang kusang lumapit sa akin. Ang gagawin ko na lang ay bilugin ang utak niya. "Bakit ang gulo ng opisina mo? Parang dinaanan ng bagyo! May pumasok bang magnanakaw dito?" sabi niya gamit ang matinis niyang boses. Kung hindi lang kita kailangan sa plano ko hindi talaga kita kakausapin at papansinin. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ano ngayon ang gagawin mo? Kay Hera niya pinamana ang buong Beauty Care Productions." seryosong tanong ko sa kanya. Huwag mong sabihing hindi niya pa alam? Sabagay wala rin siya kanina sa lobby nung i-announce ng CEO na kay Hera niya ipapamana ang kompanya. Biglang nagbago ang timpla ng kanyang mukha at lihim na napakuyom. That's it, magalit ka ng sa gayon ay madali lang kitang magamit. "Sa anak niya ipapamana ang kompanyang ito? Anong alam ng tangang anak niya sa pagpapatakbo ng malaking kompanya. Hindi ako papayag!" halos pasigaw na sabi niya. "May plano ako pero hindi ko alam kong papayag ka, baka kasi magdalawang-isip ka sa plano ko." Tinignan ko siya ng diretso sa kanyang mata at mababasahan kong gusto niya talagang makipagsabwatan sa akin. Ang tanong papayag ka ba sa plano ko at makikipagsabwatan ka sa akin o hindi? Well, let's see kung gaano ka kaganid sa pera at kapangyarihan. "Ano naman ang plano mo? Hindi ba tayo mabibisto sa plano mong iyan? Matalino ang lalaking iyon at baka matunugan pa tayo." nababahalang tanong niya sa akin. "May malubhang sakit si Don Alberto at mukhang hindi na siya magtatagal kaya balak kong paagahin ang pagkamatay niya." Nagulat siya sa sinabi ko at agad itong tumayo. Mukhang hindi siya papayag sa plano ko pero kailangan ko siya. Kailangan ko siyang mapapayag sa plano ko nang sa ganun ay madali ko lang isakatuparan ang mga hakbang na gagawin ko. Isa siya sa magiging tulay ko para makamit ko ang pangarap ko noon pa man. "Nahihibang ka na ba? Bakit hindi mo na lang hintayin na mamatay siya tutal may malubha naman itong sakit. Hindi ako mamamatay tao! " hindi makapaniwala na tugon niya sa akin. Kunwari pa ang isang 'to, alam ko namang gusto niya rin ang plano ko pero nagpapakipot pa. Hindi mo ako maloloko dahil alam ko ang tunay mong ugali. Kung ang ibang tao ay naloko't napaniwala mo puwes ako hindi, dahil alam ko ang baho mo! "Ikaw ang bahala baka bukas si Hera na ang i-appoint nila bilang susunod na CEO. Kahit eighteen pa lang si Hera ay pwede na siyang mag-manage ng kompanya at walang tutol doon dahil hanggat buhay si Don Alberto ay lahat ng desisyon niya ay suportado nila." bagot kong sabi sa kanya at muling pinaikot ang inuupuan kong swivel chair. "Hindi maaari pero bakit ka tutol sa desisyon niya ngayon? Sa pagkakaalam ko ay lahat ng desisyon niya ay suportado ka sa kanya." ngiseng sabi niya sa akin. Alam kong pinagdududahan niya ang intensyon ko. Sarcastic akong tumawa at tinignan siya ng seryoso. "Simple lang, hindi deserved ni Hera na sa kanya mapunta ang buong BC Productions. Alam kong may ibang tao pang mas deserved kaysa kay Hera." ngising tugon ko sa kanya at tinignan siya ng nakakalokang tingin. Napaisip naman siya sa sinabi ko at biglang ngumite. "Sige payag na ako sa gusto mong mangyari pero paano natin gagawing iligpit ang CEO?" Tama nga ako ng hinala, kakagat din siya sa plano ko. Kailangan ko lang siyang bilugin para magamit ko siya ng lubusan. Madali lang naman siyang paikutin dahil alam ko ang kahinaan niya. Ang taong gahaman sa pera at posisyon ay madali lang silang tapatan at mapapayag. "Simple lang saksakin siya ng dalawang beses at ipapalabas nating akyat bahay ang pumatay sa kanya." Nakakakilabot kong tinignan siya sabay ngise. "Basta sabihin mo sa uutusan mong gawin ng maigi ang trabaho niya para hindi tayo mabisto, ako na ang bahala kay Hera." seryosong sabi niya. Akala ko mahihirapan akong pasunurin siya sa mga plano ko pero nagkamali pala ako ng akala. Mukhang sumasang-ayon ang tadhana sa akin. "Don't worry lahat ng tauhan ko ay magaling kaya hindi tayo mabibisto." kampanteng sabi ko sa kanya. "By the way I have to go, may kikitain pa akong importanteng tao." ngising tagumpay niyang pahayag sa akin. Umalis na siya sa loob ng opisina ko at saktong paglabas niya ay ang pag-ring ng cellphone ko. [Boss wala sa kwarto ng CEO at sa anak niya ang documents na pinapahanap mo.] sabi ng tauhan ko. Mukhang nakatadhanang mamamatay ka talaga ng maaga Don Alberto Valeria. [Huwag mo ng hanapin iyon at umalis ka na diyan.] Maowtoridad kong utos sa aking tauhan. Mukhang hindi ako nauubusan ng panauhin ngayon dahil may kumakatok na naman sa pintuan ko. "Pasok," simpleng sabi ko. Pumasok sa loob ng opisina ko ang sekretarya ni Don Alberto at mukhang importante ang kanyang sasabihin. "Boss hindi investor ang ka-meeting niya kanina kundi ang tatlong directors at ang CEO ng Reva Cosmetics." sumbong ng secretary niya sa akin na isa kong tauhan. Yes, you heard it right? Isa sa mga tauhan ko ang secretary niya kaya lahat ng galaw niya ay alam ko. "Tungkol saan ba ang meeting na iyon?" Parang alam ko na kung para saan ang meeting na iyon. Hinding-hindi mo ako maiisahan Don Alberto, mula pa noon ay basang-basa ko na ang mga galaw mo. "Hindi ko po alam boss dahil hindi niya ako sinama sa loob ng VIP room at sa labas lang ako nag-antay sa kanya." nakayukong sabi niya sa akin. "You may now leave," I said. Hindi sana tayo aabot ng ganito Alberto kung sa akin mo binigay ang posisyon mo ngayon. Kung mamamatay si Alberto si Hera na lang ang proproblemahin ko. Since may awa pang natitira sa sarili ko ay hindi ko gagalawin ang anak niya. Hindi naman niya malalaman na planado ang pagpatay sa ama niya unless kung may magtatraydor sa akin at sabihin kay Hera ang totoo. Kinuha ko ang isa kong cellphone sa bag ko at tinawagan ang dalawa kong tauhan na maaasahan ko talaga. Wala pang tatlong segundo ay sinagot na niya ang tawag ko. [3PM sa dating tagpuan,] ng matapos kong sabihin iyon ay agad kong pinindot ang end call. Tinignan ko ang wall clock sa loob ng office ko at malapit na palang mag-three o' clock kaya nagmamadaling tumayo ako at lumabas ng office ko. Sa pagmamadali ko ay hindi ko na binigyang pansin ang mga nakakasalubong kong mga empleyado. Nang makarating ako sa rest house ay agad kong namataan ang itim na sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada. Bago ako lumabas ay nagsuot muna ako ng mask at sumbrero baka kasi may nakakakilala sa akin, mahirap na. Lumabas na ako ng sasakyan ko at nagtungo sa loob ng rest house ko kung saan naghihintay ang dalawa kong tauhan. "I'm sorry I'm late," hinging paumanhin ko sa kanilang dalawa. Tumayo naman sila agad ng makita nila ako at magalang na yumuko. "Boss," bati nila at pinaghila ako ng upuan ni Brando. "Ngayong gabi ay aakyatin niyo ang mansion ni Don Alberto Valeria at saksakin siya ng dalawang beses. Siguraduhin niyong malala ang matatamo niyang saksak galing sa inyo. Ang punto ko ay patayin n'yo siya mamayang gabi." Utos ko sa dalawang tauhan ko. "Masusunod boss," tugon nilang dalawa sa akin. Kinuha ko ang dalawang sobre sa bag ko at binigay ito sa kanilang dalawa. Nagkatinginan muna sila saglit bago kinuha ang sobreng binigay ko. "Matapos niyong saksakin si Don Alberto ay umalis na agad kayo dito sa Bukidnon at magpakalayo-layo muna. Tatawagan ko na lang kayo ulit kung may ipapagawa na naman ako sa inyo." seryosong sabi ko. Tumayo na ako sa kinauupuan ko ng matapos kong sahihin ang pakay ko. Lumabas na ako sa rest house at pumasok sa loob ng aking sasakyan. I was busy driving my car ng may matanggap ako text. [Maaga siyang umuwi ngayon boss dahil masama ang pakiramdam niya.] Basa ko sa text ng secretary ni Don Alberto. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko para makalanghap ng sariwang hangin at habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwasang sumipol. Good mood ako ngayon dahil lahat ng plano ko ay umaayon talaga sa akin. Oras na lang ang bibilangin ko at tuluyan ng mabubura sa mundong ito si Don Alberto. Parang hindi niya pa naibigay kay Hera ang last will and testament niya kaya hindi ko na iyon pagtutuunan pa ng pansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD