Chapter 1

2101 Words
HERA Nag-aayos ako ngayon sa aking sarili dahil may family dinner kami mamaya. May importanteng sasabihin daw kasi si Dad sa amin. "Iha," tawag sa akin ni Nanay Belen kaya tumayo ako at binuksan ang pintuan ng kwarto ko. "Nay pasok po kayo." Si Nanay Belen ang tumayong ina ko mula ng mamatay si mom kaya malapit talaga kami sa isa't-isa. "Hija, mag-aayos ako ng gamit mo ngayon at huwag na huwag mong babanggitin kay Ma'am Estrella na nagkita tayo ngayon, naiintindihan mo ba iha?" seryosong sabi ni nanay sa akin. Naguguluhan man ay sinunod ko pa rin ang payo ni Nanay Belen sa akin. Sa bahay na ito si Nanay at Daddy lang ang pinagkakatiwalaan ko dahil wala akong tiwala kay Tita at sa stepmother ko pati na rin si Veronica na stepsister ko. Pinagmasdan ko si nanay na nagmamadaling kinuha ang isang malaking bag ko at nilagay niya roon ang mga damit ko at mga importanteng papeles na bitbit niya kanina. "Hera makinig kang mabuti sa akin iha, ang mga documents na iyan ay sobrang importante kaya ingatan mo ito ng mabuti at may 50,000 cash dito sa loob ng bag mo." muling bilin niya sa akin. "Nay, may pupuntahan ba tayo?" Baka kasi pupunta kami sa probinsya niya at isasama niya ako roon. "Oo Hera may pupuntahan tayo. Lalabas na ako iha at huwag mong kalimutan ang mga bilin ko sa'yo." naluluhang tugon ni nanay sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "I love you Nanay Belen at salamat sa pag-aalaga sa akin." malambing kong sabi. "I love you rin anak, lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari ay huwag na huwag kang panghinaan ng loob." sabi ni Nanay sa akin bago ito lumabas ng kwarto ko. Ano kaya ang ipinapahiwatig ni Nanay Belen? Parang may mali eh, iba kasi ang kinikilos niya ngayon. Bumalik ulit ako sa harap ng salamin at muling inayos ang sarili ko. Simple lang ako mag-ayos at hindi ko gustong maraming nilalagay na kolorete sa mukha ko. Nang matapos kong mag-ayos ay pumunta ako sa gilid ng kama ko at kinuha ang isang cellphone ko at nilagay iyon sa bag na inayos ni Nanay kanina. Walang nakakaalam na may extra cellphone ako dahil hindi ko sinasabi sa kanila at dito lang sa loob ng kwarto ko iyon ginagamit. Bawat sulok ng mansion ay may CCTV na nakakabit except lang sa bawat kwarto dahil for privacy na iyon. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa isang sulok. Dali-dali kong tinago ang bag na inayos ni Nanay ng may marinig akong katok sa aking pintuan. "Pasok po kayo, hindi po 'yan naka-lock." magalang kong sabi. "Ang aking prinsesa," masuyong sabi ni Dad at hinalikan niya ang noo ko. Kahit busy si Dad sa company namin ay hindi pa rin siya nawawalan ng time sa akin at kung ituring niya ako ay parang babasaging bagay. "You look so tired Dad, are you okay?" nag-aalalang sabi ko. "I'm okay and healthy princess, kamusta naman ang maganda kong prinsesa?" tanong ni dad sa akin. "I'm good Dad," positibo kong tugon sa kanya. Nang marinig niya ang sagot ko ay tumayo na ito at nagpaalam sa akin. "Good to know anak, labas na ako. Dumaan lang talaga ako rito para kamustahin kita princess at huwag mong kakalimutan ang family dinner natin mamaya." sabi ni Dad sa akin bago ito tumalikod at umalis sa loob ng kwarto ko. "Yes Dad, hindi ko po iyon nakalimutan." pahabol na sabi ko sa kanya. Uupo na sana ulit ako ng may kumatok ulit sa aking pintuan kaya ako na mismo ang nagbukas ng pintuan. Hindi ko inaasahan ang taong nasa labas ng kwarto ko dahil never siyang pumunta sa aking kwarto, ngayon lang talaga. "Hello po Tita Estrella pasok po kayo," magalang kong bati sa kanya. Kahit naman hindi ko siya gusto para kay Dad ay ginagalang ko pa rin naman siya dahil mas matanda ito sa akin. "Hello hija, I just want to check you if you're done fixing yourself." Maaamoy mo talaga ang pagiging plastic niya sa akin. Sa tatlong taon naming pagsasama bilang stepmom ay ngayon niya lang ako binisita dito sa kwarto ko. I'm not really fond of her because she only cares Veronica, her daughter. Kapag nasa harapan namin si Dad ay saka niya lang ako inaasikaso. When she acts being Mom to me, I don't the feel sincerity in her actions. Her actions are full of plasticity and full of publicity, especially when we are in public or attending a party. She acts like a caring Mom in front of my Dad and to other people, but if Dad's not around she doesn't care me at all. Kaya hindi ko siya kayang pagkatiwalaan. I know na kaya niya pinakasalan si Dad dahil may hidden agenda ito. I can smell how gold digger she is, even though she comes from a rich family. Still, she is craving for more. "Tapos na po akong mag-ayos Tita, aalis na po ba tayo?" inosenteng tanong ko sa kanya. "Hindi pa naman, bagay sa'yo ang dress na 'yan iha." Puri niya sa akin at nilibot ang kanyang mata sa kwarto ko. Parang may hinahanap siya at ano kaya ang hinahanap niya? "Thank you Tita, ang ganda mo rin sa suot mo ngayon at mas lalo kang bumata." Plastic kong puri sa kanya at ng napansin kong hanggang ngayon ay malikot pa rin ang kanyang mata ay tinanong ko siya. "May hinahanap po ba kayo?" Agad siyang natigilan at tipid na ngumiti sa akin. "Wala hija, tinitignan ko lang kung may mga sirang gamit sa kwarto mo at papalitan natin ng bago." Akala niya siguro ay naniniwala ako sa rason niya. Parang may namumuong ideya sa aking isipan at parang alam ko na kung ano ang hinahanap niya. Ang documents na binigay sa akin ni Nanay Belen, 'yun ang totoo niyang pakay. "Wala namang sirang gamit sa kwarto ko Tita. Kung wala na po kayong sasabihin ay pwede na po kayong lumabas dahil matutulog muna ako saglit. Katukin niyo na lang po ako kapag aalis na tayo." mahabang tugon ko sa kanya. Pekeng ngumite ito sa akin at palihim niya akong inirapan. Nang makalabas siya ay ni-lock ko agad ang pintuan ng kwarto ko at nagtungo sa cabinet kung saan nakatago ang malaking bag ko doon. Kinuha ko ito dahil hindi safe na taguan ng importanteng bagay ang cabinet ko. Madali lang nila itong mahanap kung sakaling may mangahas na pumasok sa kwarto ko para hanapin ang documents na binigay ni Nanay Belen sa akin. Kaya naman tinago ko ang bag sa likod ng picture frame ni mom. Ako at si Nanay Belen lamang ang nakakaalam kung ano ang nasa likod ng picture frame na iyon. Isa itong secret cabinet kung saan pwede mong itago ang mga importanteng bagay na gusto mong itago. Para mabuksan ang cabinet na iyon ay kailangan mong ikutin ang frame at kapag inikot mo ito ay may lalabas na numbers. Kailangan mo munang i-type ang pin bago mo ito tuluyang mabuksan. Nang mabuksan ang cabinet na iyon ay agad kong inilagay ang malaking bag ko doon at binalik sa dating pwesto ang frame para maisara ang cabinet na iyon. Ano kaya ang laman ng documents na iyon? Feeling ko sobrang importante iyon dahil hindi mapakali si Tita Estrella kanina. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras, 7:30 na pala ng gabi at mamaya ay aalis na kami para sa family dinner namin. Kasama rin si Tita Felicia sa family dinner namin, ang nag-iisang kapatid ni dad. Naisipan kong sa sala na lang ako mag-aantay sa kanila kaya sinuot ko na ang 2 inch white sandal ko at lumabas ng kwarto. Habang pababa ako ng hagdan ay nakasalubong ko si Veronica kaya tumigil ako at binati siya. "Good evening," simpleng bati ko sa kanya. Kahit hindi kami magkasundo ni Veronica ay nagbabatian pa rin kami sa isa't-isa. "Same to you," tipid na tugon ni Veronica sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko na lang pinansin ang pagiging cold niya sa akin dahil sanay naman ako sa ganoong treatment niya. Nang makababa ako sa salas ay wala akong nakitang maids ni isa, kahit si Nanay Belen ay hindi ko rin nakita. Saan kaya sila nagpunta? Baka maaga silang nagpahinga dahil hindi naman kami kakain ngayon ng dinner dito sa bahay. Ilang minuto pa ang hinintay ko ng makita kong pababa na sa hagdan si Tita Estrella at Dad. Umupo agad si Tita sa harapan ko at ganun rin si Daddy. Si Veronica na lang ang hinihintay namin dahil iisang sasakyan lang ang gagamitin namin papuntang restaurant na pina-reserve ni Dad. Tumayo na kaming lahat ng makita namin si Veronica na pababa sa hagdan. "Sorry po pinaghintay ko kayo, kararating ko lang kasi galing sa photoshoot." magalang na sabi ni Veronica kay Dad. "It's okay hija, congratulations to your new billboard." Dad said and hugged Veronica. Parang totoong anak rin ang turing ni Dad kay Veronica pero hindi naman ako naiinggit dahil pantay naman ang trato niya sa aming dalawa. "So let's go hon," maarteng sabi ni Tita Estrella sa amin. Lumabas na kami ng mansion at nagtungo sa garahe kung saan naka-park ang sasakyan ni Dad. Pinagbuksan niya ng pintuan si Tita Estrella at ng matapos niyang pagbuksan ito ay pinagbuksan niya rin kami ni Veronica. My dad is indeed gentleman and a kind man. "Hon ano ba ang importanteng sasabihin mo?" curious na tanong ni Tita Estrella kay Dad. "It's a surprise announcement hon," tipid na tugon ni Dad kay Tita. After 30 minutes ng byahe ay nakarating na kami sa Don Elias Restaurant kung saan kami kakain ng dinner ngayon. Pumasok na kami sa loob ng restaurant at may isang waiter na nag-assist sa amin papuntang VIP room. Nang makita kami ni Tita Felicia ay agad itong tumayo at sinalubong kami ng malawak na ngite. "What a perfect family!" Masaya niyang bungad sa amin. "Thank you sister in law." sabi ni Tita Estrella at nag-beso sila ni Tita Felicia. Hindi ko alam na close na pala sila. Parang kailan lang nung sinusungitan ni Tita Felicia si Tita Estrella. "Nag-order na ako Kuya ng mga pagkain natin, baka may gusto kayong idagdag?" tanong niya sa amin. "I'm okay with the food you ordered Felicia." Dad said. "Me too, sister in law." ngiseng sabi ni Tita Estrella. Napatingin si Tita Felicia sa amin ni Veronica at nagtanong, "may gusto ba kayong idagdag mga iha?" "Wala po Tita," mahinhing sabi ni Veronica kay Tita Felicia. Napatingin silang lahat sa akin at hinihintay ang sagot ko kaya bagot akong nagsalita. "I'm fine with the food po." "So let's eat na," sabi ni Dad sa amin. Naninibago ako ngayon dahil hindi naman tahimik kapag kumakain kami, ngayon lang talaga. Kapag sabay kaming lahat na kumakain ay maingay talaga sa hapag, like laging nagtatanong si Tita Felicia sa amin pero ngayon ang tahimik niya. Nabasag lang ang katahimikan ng magsalita si Dad. "I said before that I have an important announcement right?" "Ano ba ang sasabihin mo hon?" nagtatakang tanong ni Tita Estrella kay Dad. Huminga muna ng malalim si Dad bago ito nagsalita. "You know naman na tumatanda na ako kaya naman habang maaga pa ay sasabihin ko na sa inyong lahat kung sino ang magmamana ng Beauty Care Productions." seryosong sabi ni Dad. Natigil naman sa pagsubo si Tita Felicia ng marinig niya ang sinabi ni Dad. Si Tita Estrella naman ay seryosong napatingin kay Daddy. Ang kaninang excited niyang awra ay napalitan ito ng seryoso. I think may alam siya kung sino ang gagawing tagapagmana ni dad dahil hindi ito nagulat bagkus ay sumeryoso ang kanyang mukha. "Ang magiging susunod na tagapagmana ng kompanya ay walang iba kundi si Hera." masayang pahayag ni Dad sa amin. "Congratulations hija," bati sa akin ni Tita Felicia at tipid na ngumite. I think hindi siya masaya sa naging desisyon ni Dad na sa akin niya ipapamana ang kompanya. Tita Felicia is the vice president of Beauty Care Productions while Dad is the CEO. And Tita Estrella is one of the board of directors in our company. "You deserve it hija," tumayo si Tita Estrella sa kanyang upuan at pumunta sa gilid ko sabay yakap sa akin. Kapag talaga nasa harapan niya si Dad ay umaakto siyang sincere sa akin, pero ang totoo naman pala ay hindi. She is really good in acting, pwedeng-pwede talaga siyang maging artista. "Thank you tita," masayang sabi ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD