Chapter 3

2120 Words
HERA Malalim na ang gabi at nandito ako ngayon sa terrace ng kwarto ko, nakatayo habang pinagmamasdan ang kalangitan. Mukhang uulan ngayon ng malakas dahil wala akong makitang bituin na kumikislap sa langit. Napangiti ako ng malapad ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at dinama ang ulan. I'm one of those people who love this kind of weather. Rain makes me calm at the same time it comforts me. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko ng bigla akong makadama ng lamig. Kapag umuulan laging may good news na dumadating sa akin at sa pamilya ko. That's why I really love pouring rain so much! Inaantok akong napahiga sa kama ko at natulog. 1AM na ng madaling araw ng bigla akong nagising dahil nauuhaw ako. Bumangon ako at nagtungo sa kusina namin para uminom ng tubig. Pero ihahakbang ko pa lang sana ang paa ko sa hagdan ng may maaninag akong dalawang lalaki na naka all black at may takip sa mukha. Takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon pero nagdahan-dahan akong bumaba ng hagdan para sundan ang dalawang lalaking nakaitim. Buti na lang at madilim ang kinaroroonan ko kaya hindi nila ako napansin. Hanggang ngayon ay nasa bulwagan pa rin sila at parang may hinihintay. Nang tumunog ang cellphone ng isang lalaki ay tsaka sila kumilos at nagtungo sa kusina namin. Dali-dali akong bumaba at nagtago sa malaking halaman. Kumuha sila ng kutsilyo sa cabinet kaya mas lalo akong natakot ng napagtanto kong hindi pagnanakaw ang motibo nila. Dahil kung magnanakaw sila ay dapat sa taas sila dumiretso at pumasok sa bawat kwarto para kumuha ng pera o alahas. Iba ang kutob ko sa oras na ito, parang may hindi magandang mangyayari na magaganap ngayon. Napatingin ako sa labas at hindi pa rin tumitigil ang ulan bagkus ay mas lalo pang lumakas ang buhos nito. Nagtataka ako kung bakit sila nakapasok dito sa loob ng mansion dahil mahigpit ang seguridad dito sa amin. May tatlo kaming guards na nagbabantay dito sa mansion at may dalawang guard na nagbabantay sa village na ito 24/7. Kaya nagtataka ako kung bakit sila nakapasok unless kung nagpanggap silang taga rito or may bibisitahin sila. Pero kung may bisita ka man ay tatawag ang guard sa village namin at ico-confirm kung may bisita ka bang dadating o inaasahan. Something is not right, aalis na sana ako sa pwesto ko ng makita kong papunta si Nanay Belen sa kusina. Hindi pa rin umaalis ang dalawang lalaki sa kusina kaya maingat akong naglakad at umalis sa likod ng halaman. Sinalubong ko si Nanay Belen sabay takip sa kanyang bibig. Nagtago kami ngayon sa likod ng kurtina malapit lang sa halaman na pinagtataguan ko kanina. Nagpupumiglas naman ito kaya mahina akong nagsalita. "Nanay huwag kang maingay," bulong ko sa kan'ya at tinuro ang dalawang lalaki. "Diyos ko po," 'yun lang ang nasabi ni Nanay dahil ang isang lalaki ay pumunta sa aming pinagtataguan. Mukhang naramdaman ng isang lalaki na may iba pang taong gising bukod sa kanila kaya pigil hininga ang ginawa namin ni Nanay Belen para hindi niya kami makita. "Pre ano ba ang tinitignan mo diyan?" biglang tanong ng kasamahan niya. Nakahinga kami ng maluwag ng tumigil ito at hinarap ang kanyang kasamahan. "Akala ko kasi may tao halaman lang pala." sagot ng isang lalaki sa tanong ng kanyang kasamahan. Akala ko mabibisto na kami, salamat na lang at biglang nagsalita ang isa niyang kasamahan. "Nanay ano ang gagawin natin? Nasa taas ang cellphone ko at kung tatawag tayo gamit ang telepono ay makikita nila tayo." kinakabahang tanong ko kay Nanay Belen. "Iha," mahinang bigkas niya at kinuha ang dalawa kong kamay. "Kung ano man ang mangyari ngayon ay mangako ka sa akin na susundin mo ang sasabihin ko sa'yo, maliwanag?" naluluhang sabi niya sa akin. "Ano po ang ibig niyong sabihin Nay?" naguguluhan na tanong ko sa kanya. "Hija, mukhang hindi pagnanakaw ang pakay nila dahil kung pagnanakaw man ay dapat hindi sila sa kusina dumiretso." mahinang sabi ni Nanay Belen. " 'Yun din po ang nasa isip ko ngayon Nanay dahil kanina pa sila nakatambay sa kusina at kumuha lang sila ng kutsilyo." nag-aalalang sabi ko. Naputol ang pag-uusap namin ni Nanay Belen ng may marinig kaming yapak galing sa hagdanan. Sumilip ako sa maliit na siwang kung sino ang taong pababa ngayon at laking gulat ko ng maaninagan ko ang kanyang mukha. Hindi! Hindi pwedeng pumunta ng kusina si Dad baka kung ano ang gawin ng dalawang lalaki sa kan'ya. Agad namang naalerto ang dalawang lalaki at mabilis na sinalubong si Dad. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi ko namalayan na nakikipaglaban na pala si Dad sa dalawang lalaki. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at biglang sumigaw, "Dad!" kaya napatingin ito sa akin. "Run Hera, run!" sabi niya pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "Don Alberto!" bigkas ni Nanay Belen at mabilis na binato ang babasaging plato sa isang lalaki. Naagaw ni Dad ang kutsilyo ng isang lalaki at tinanggal niya ang bonnet na suot nito. Si Nanay Belen naman ay hinahagisan niya ng plato at baso ang isa. "Hera go to your room and lock the door." Maowtoridad na utos ni dad sa akin kaya naman tumakbo ako ng mabilis at nagtungo sa kwarto ko. Pero bigla na lang akong hinablot ng isang lalaki at kitang-kita ko ngayon ang mukha niya dahil wala na itong suot na bonnet. Susuntukin na sana niya ang tiyan ko pero bago pa man niya iyon magawa ay sinipa ko na ang kanyang bayag, kaya napahiyaw ito sa sakit at nahulog sa hagdan. Nang makita kong nahihirapan itong tumayo ay mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Mabilis kong tinawagan ang numero ng pulisya at ni-report ang nangyayari ngayon. Matapos kong tawagan ang mga pulis ay lumabas ulit ako ng kwarto ko at pumunta sa baba. Nanghihinang tumakbo ako sa gawi ng aking ama ng makitang nakahandusay na ito sa sahig. "Dad please huwag mo akong iwan!" umiiyak kong sabi sa kanya. Wala na ang dalawang lalaking gumawa nito kay dad pati na rin si Nanay Belen. Sana walang nangyaring masama kay nanay at sana okay lang siya. "Hera anak 'yung binigay ni Nanay Belen mo ay last will and testament ko iyon. Sa'yo ko lahat pinamana ang mga ari-arian ko at pakiusap mahal kong anak magpakatatag ka. Mahal na mahal kita aking prinsesa." huling sabi ni Dad bago ito nalagutan ng hininga. "Dad please don't do this to me! Dad gumising ka," yugyog ko sa kan'ya at umiyak ako ng umiyak. The world is so cruel to me. "Hija," tawag sa akin ni Nanay Belen at paika-ikang lumapit sa akin. "Kunin mo 'yung gamit mo na inayos ko noong nakaraang gabi." tarantang sabi niya sa akin. Puno ng pagtataka ko siyang tinignan, "bakit po nanay?" tanong ko. "Hera wala ng maraming tanong at bilisan mong kumilos kung hindi tayong dalawa ang susunod na mamamatay." sigaw na utos sa akin ni Nanay Belen. Hinila niya ako at pumasok kami sa kwarto ko. Nagtungo siya sa cabinet ko at kumuha ng jacket, damit at pantalon ko. Binigay niya naman sa akin ang mga iyon at agad kong nakuha ang kanyang nais iparating kaya tinanggal ko na ang suot kong pantulog ngayon at sinuot ang binigay niyang damit. Sa vanity table ko ay may nakalapag na sumbrero at shades doon kaya kinuha niya ito at inabot iyon sa akin. Nang makapagpalit ako ng damit ay nagtungo ako sa picture frame at inikot iyon. Mabilis kong tinipa ang pin at agad naman itong bumukas. Kinuha agad ni Nanay Belen ang bag at binigay sa akin. Sumilip muna siya sa baba bago ito nagsalita. "Hera kailangan mo ng umalis dahil narinig ko sa dalawang lalaki na may pupunta ulit rito para patayin ka. Iwanan mo ang cellphone mong 'yan at huwag mo ng dalhin dahil baka ma-trace nila ang location mo. Pumunta ka sa Ilocos Sur at doon ka muna magtago, huwag mong gamitin ang apelyidong Valeria dahil alam kong ipapahanap ka nila." malungkot at umiiyak na sabi niya sa akin. "Nay hindi ko po kayo iiwan at si dad paano siya?" humihikbing tugon ko sa kanya. "Ako na ang bahala rito anak, huwag kang mag-alala sa akin. May kutob akong planado lahat ng ito at huwag na huwag kang magtitiwala kahit kanino, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko Hera?" sabi niya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Tumango ako at niyakap din siya ng mahigpit. Lumabas na kami ng kwarto ko at bumaba. Pababa kami ng hagdan ng may maaninag kaming tatlong lalaki na naka-bonnet na pagala-gala at parang may hinahanap. Nang makarating kami sa baba ay tinignan ko muna si dad at lalapitan ko na sana siya ng makita ako ng isang lalaki. "Ayun siya," turo niya sa akin kaya nataranta kami ni nanay. "Tumakbo ka na Hera, ako na ang bahala rito." Pagkokombinsi sa akin ni nanay pero hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko. "Please hija tumakbo ka na, save yourself at kapag umalis ka ay huwag mo ng balaking lumingon pa. Takbo Hera!" pakiusap na sigaw niya habang sinusuntok siya ng isang lalaki. Gaya ng sinabi niya ay tumakbo ako at nilisan ang mansion namin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang malakas na buhos ng ulan. Patuloy lang ako sa pagtakbo dahil hinahabol pa rin ako ng dalawang lalaki. Nang may makita akong malaking drum sa gilid ng kalsada ay agad akong pumunta sa likod nito at doon nagtago. Hinihingal akong napaupo sa semento at sinilip ang dalawang lalaking humahabol sa akin. "Nasaan na siya pre? Malilintikan tayo ngayon kay boss pag nalaman niyang hindi natin naligpit ang anak niya." problemadong sabi ng isang lalaki sa kan'yang kasamahan. "Sabihin na lang natin kay boss na nakatas siya pero maalala ang natamo niyang saksak galing sa atin." sabi ng isang lalaki at inaya na niyang bumalik ang kan'yang kasamahan sa mansion. Hindi muna ako lumabas sa pinagtataguan ko at nanatiling nakaupo sa semento. Nakayukong humagulgol ako habang dinadama ang patak ng ulan. Parang dinadamayan ako ngayon ng langit, sana okay lang si Nanay Belen at sana huwag nilang saktan o patayin siya. Pinunasan ko ang aking mukha sabay tayo at patakbong umalis sa kinaroroonan ko. Pumunta ako sa playground ng village namin at doon sumilong. Binuksan ko ang dala kong bag at kinuha ang isa kong cellphone na nakatago rito. Mabilis kong binuksan ang power button nito dahil tatawagan ko ngayon si Manong Jerry ang security guard ng kumpanya namin at isa sa pinagkakatiwalaan ng Mom ko nung siya'y nabubuhay pa. Buti na lang ay nadala ko ang maliit kong notebook dahil doon nakasulat ang cellphone number ni Manong Jerry. Nang ma-type ko ang number niya ay tinawagan ko ito. Please po, sana ay sagutin n'yo ang tawag ko, pero nanlumo ako ng hindi niya ito sinagot. Kaya naman nag-text ako sa kanya. [ Manong si Hera po ito, please po pakisagot ang tawag ko.] After sending my message to him, I dialed his number again. Nakalimang ring ito bago niya sagutin ang tawag ko. [Hello hija napatawag ka? May kailangan ka ba? At bakit gising ka pa sa ganitong oras.] inaantok na tanong ni Manong sa kabilang linya. [Manong emergency lang kailangan kita ngayon. Pumunta ka po sa labas ng village namin at hintayin mo ako doon. Huwag kang magpapakita sa mga guard at kung ako ang mauuna na dadating ay hihintayin kita sa unahan ng village namin.] nilalamig kong sabi sa kan'ya. [Sige hija papunta na ako at 'yung white na sasakyan ang gagamitin kong pangsundo sayo, 'yung bigay ng Mama mo sa akin.] Nang marinig ko ang kan'yang sinabi ay agad kong pinatay ang tawag at nilagay ang cellphone ko sa loob ng bag na dala ko. Umalis na ako sa playground at naglakad papuntang labas ng village namin. Kailangan kong umalis sa village na ito at hindi pwedeng makita ako ng dalawang guard na nagbabantay ngayon. Nang matanaw ko ang guardhouse ay sinilip ko muna kung gising silang dalawa pero laking pasasalamat ko ng makitang nakatulog silang dalawa. Tumakbo ako ng mabilis at nagtungo sa labas ng village namin. Tinignan ko ang paligid kung may puting sasakyan na naka-park sa gilid pero wala kaya naghintay pa ako ng ilang minuto. Fifteen minutes akong nag-antay kay Manong Jerry sa labas ng village namin. Nang may nakita akong puting sasakyan na paparating ay agad akong kumaway at huminto naman agad ito sa harapan ko. Nag-aalala na bumaba siya bitbit ang payong at nagtungo sa kinaroroonan ko. "Diyos ko po hija, anong nangyari sa'yo?" gulat na tanong niya at inakay ako papuntang backseat ng sasakyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD