Episode 2

1537 Words
CHAPTER 2 DANICA Katatapos ko lang maglipit sa kalat ng bruha kong kaibigan. Nahiga ako sa kama ko at tiningnan ko ang f******k ko. Nag-chat naman ako kay Ella na sabihin kay Inang at Itay na nakarating na ako sa Maynila. Okay lang ang sagot ng kapatid ko. Sabay hingi ng allowance nito. Hay nako ang kapatid ko talagang ito, mukhang pera. ''Ate, sa sunod na linggo padalhan mo ako ng allowance ko, ha? Kulang 'yong binigay mo sa akin kahapon,'' malambing na sabi nito sabay pa-cute. Nag-video call kasi kami. ''Oo na. Basta mag-aral ka ng mabuti, ha? At huwag ka muna mag-boyfriend hangga't hindi ka makapagtapos sa pag-aaral,'' payo ko pa sa kapatid ko. ''Opo, Ate. Sige na Ate at may gagawin pa ako,'' paalam naman niya sa akin. ''Sige, mag-aral kang mabuti. I love you, bunso. Bye,'' aniya ko sabay flying kiss sa kaniya at pinatay ang cellphone. Maya-maya pa ay narinig ko na may nagbukas ng pintuan sa labas. Alam kong si Julie na iyon dahil may duplicate naman siya ng susi sa apartment. Kaya bumangon ako at lumabas sa silid ko upang salubungin siya. Pagbukas ko ng pinto, tuwang-tuwa ito nang makita ako "Bakla, your back!'' msayang bati ni Julie sabay halik nito sa pisngi ko pero may dala-dala ito sa dalawa niyang kamay. Napatigil naman ako at parang nanayo lahat ng balahibo ko nang makita ang dala n'ya. ''B-bakit may dala-dala ka niyan?'' tanong ko sabay turo sa dala niya. ''Ay, binili ko ito kanina sa naglalako ng mga halaman. Alam mo bang nakuha ko lang ito ng 200? Saka Dan, trending kaya ito ngayon. Badang yata ang tawag dito, eh. Kaya ilalagay ko iyan rito sa gilid ng sofa para ang ganda tingnan 'di ba?'' sabay inilagay nito ang badjang sa gilid ng sofa. Hanggang dito ba naman ay sinusundan ako ng badjang na 'yan!? ''Badjang ang tawag niyan o taro, tanga!'' sabay upo ko sa isahang sofa. ''Aba, makatanga naman ito. Oo, nga pala kamusta ang bakasyon mo? Nag-enjoy ka ba sa probensiya? Ano, nakita mo na ba ang prince charming mo?'' nanunuksong tanong at tinu-tusok pa nito sa tagiliran ko. ''Hay, nako! Tumigil ka nga riyan at ilabas mo nga ang halamang iyan! Ang pangit tingnan dito sa loob. Maliit na nga ang apartment na ito tapos dagdagan mo pa!'' Inirapan ko siya at binuksan ang tv. ''Anong pangit ka riyan? Hindi mo ba alam na umaabot sa 2000 ang presyo niyan? Kung malaki ay umaabot ng 20k. Kaya ilipat ko 'yan sa malaking paso para lumaki, at ibinta ko kay Mrs. Damerkan dahil alam ko na mahilig iyon sa halaman.'' Wala namang tigil nitong daldal sa akin. ''Bakit sa dami ng halaman 'yan pa talaga ang binili mo? Mayro'n namang money tree or 'yong snake plant. Bakit 'yang badajang na 'yan pa talaga, ha?'' taas kilay ko naman tanong sa kaniya. ''Eh, gusto ko nito at trending 'to, noh? Kung alam ko lang na mahal ito sana nagpadala ako sa 'yo. 'Di ba marami 'yan sa probinsya?'' tanong pa nito at naupo sa mahabang sofa at isinandal ang likuran. ''Hay, nako! H'wag mo akong tanungin sa badjang na 'yan. Wala akong pakialam kung trending 'yan kaya h'wag mo ng ilagay 'yan dito sa loob ng bahay. Kung hindi buhusan ko 'yan ng muriatic,'' banta ko naman sa kaniya. ''Hay, nako! Ang hirap talaga kapag matandang dalaga at hindi pa natusok dahil laging mainitin ang ulo,'' panunukso pa nito sa akin. Sinamaan ko naman ito ng tingin. Hindi ko alam pero napa-praning ako kapag nakita ko ang badjang na 'yan. Saka gusto ko sana sabihin kay Julie pero naunahan ako ng bruhang ito. At tiyak hindi niya ako titigilan sa panunukso kapag nalaman niya. Kaya minabuti ko na lang na h'wag magsalita. ''Ay oo nga pala! Alam mo bang dumating na ang anak ni Mrs. Damerkan? Alam mo bakla ang guwapo ng anak ni Mrs. Damerkan kaso mukhang babaero. Pumunta kanina sa grocery. Akala ko nga costumer pero anak pala ni Mrs. Damerkan,'' kilig pang kuwento ni Julie sa akin. ''Hay, nako! Edi, sana niligawan mo. Hindi 'yong hanggang pantasya ka na lang,'' wika ko at binukasan ang chicharon na binili ko kanina sa bus. ''Wala pa sa isip ko ang lumandi at hinihintay ko pang dumating ang ideal man ko. Parang ikaw, gurang na kakahintay sa prince charming mo,'' tugon n'ya sabay tawa ng gaga. "Batuhin kaya kita ng remote? Makagurang ka riyan sa akin wagas. Hmmmpp maka-tooth brush na nga at makaligo para makatulog ako ng maaga. Bukas ayaw ko makita ang halaman na 'yan dito sa loob, ha?'' banta ko sabay turo sa halaman nang makatayo ako para magtungo sa banyo. ''Hmmmpp... Inaano ka ba ng halaman na 'yan at pinag-iinitan mo?'' pahabol pang tanong ni Julie. ''Ah, basta! Itapon mo 'yan.'' Saka isinara ko ng malakas ang pinto ng banyo. Grrr... Hanggang dito ba naman sinusundan ako ng halaman na 'yon? Naalala ko tuloy ang katangahan ko sa probinsya. Nag-tooth brush na lang ako at naligo. Hindi ko talaga lubos maisip na nakuha ang p********e ko, sa gitna pa ng mga badyang at higit sa lahat hindi ko alam kung sino ang dumali sa akin. Kinabukasan naman ay maaga kaming nagising ni Julie at pumasok sa grocery. Isa-isa ko naman ibinigay ang pasalubong ko sa lima naming kasamahan na sina Joel na bagger namin. Si Anne, Lyka, at Joan, na tagaayos ng mga paninda at minsan ay taga- assist ng mga costumer. At si Andrew na masugid kong manliligaw. Tuwang-tuwa naman ang mga ito sa pasalubong kong bande at piyaya. May pasalubong rin akong dala kay Mrs. Helen, ang may-ari ng grocery. Piyaya rin at lansones ang dala ko para sa kaniya. Habang wala pang bumibili ay lumapit naman sa akin si Andrew. ''Lalo ka yatang gumaganda ngayon, my love,'' sabay ngisi pa nito. ''Sipain kaya kita riyan para malaman mo iyang my love, my love, mong sinasabi!'' inis kong wika sa kaniya. Matanda naman si Andrew sa akin ng tatlong taon. Pero hindi ko siya type dahil nayayabangan ako sa kaniya. Isa pa parang easy go lucky lang siya at hindi tatagal sa isang relasyon. ''Ang sungit naman nito. Kailan mo kaya ako sagutin, my love? May naipon na akong pera dahil kapag sinagot mo ako ay papakasalan agad kita,'' tanong nito at kumindat pa ito sa akin. ''Puro ka kalukohan! Bumalik ka nga sa trabaho mo! Tulungan mo na lang roon si Joel mag-display ng mga paninda. Ang aga-aga binu-bwisit mo ako.'' inis kong taboy sa kaniya at humarap sa kaha. ''Mahirap talaga kapag matandang dalaga. Ang sungit!'' padabog na bulong nito at tumalima. Aba lokong 'to! Matanda na ba ako para sabihin niya iyon? Saka mukha pa naman akong bata at minsan napagkakamalan pa akong nasa 20's pa lang. Nagsalita naman si Julie sa kabilang kahera na nakangiti at kanina pa pala nakatingin sa akin. ''Bakit hindi mo na lang sagutin si Andrew, Bakla? Total matagal na 'yon nagpapahiwatig ng pagmamahal sa 'yo,'' tudyo pa ni Julie Ann sa akin habang nagbubukas ng mga barya para panukli sa mga bibili mamaya. '' 'Di bali na lang tumanda akong dalaga kaysa maging boyfriend ko 'yon. Kung gusto mo siya sa 'yo na lang total bagay naman kayo,'' sabi ko pa kay Julie Ann. ''Alam mo bakla? Ang ideal man mo ay hindi pa nag-eexist sa mundo. Kaya tatanda ka ka-imagine sa ideal mo na mahirap hanapin! Sa telenovela lang 'yan matatagpuan. Sa panahon ngayon saan ka makakahanap ng guwapo, mabait na asawa, matangkad at matangos ang ilong? Kayumanggi ang balat mayaman at higit sa lahat malaki ang hinaharap at mahaba? Aba saan mo naman hanapin 'yan?'' mahaba pang sabi ng bruha kong kaibigan na laging tagabara ng mga pangarap ko para sa ideal man ko. ''Saka saan mo hahanapin na ang edad ay nasa 40 na at binata pa? Haler!!! Gumising ka nga bakla sa reyalidad sa mundo. Una para sabihin ko sa 'yo na wala ng guwapo ngayon na perpekto! Dahil tiyak lalaki ang gusto no'n dahil nagkalat ang virus ng mga bakla sa mundo natin,'' patuloy pang daldal ng kaibigan ko na walang preno ang bunganga kapag nagsalita. ''Pangalawa, kapag ang napangasawa mo ang guwapo tiyak na hindi mabait iyon at siguradong babaero. Palagay na natin na matangos ang ilong at matangkad at kayumanggi ang balata. Ang tanong sigurado ka bang mayaman? O baka holdaper pa nga dahil mga pogi na ngayon ang holdaper. At 'yong malaki ang hinaharap, ibang lahi na 'yon, bakla, tiyak na mawasak ang puday mo kapag ipinasok niya ang kaniyang sandata sa 'yo. Baka mapapakanta ka na lang ng aray ang sakit naman ng pagpasok mo...'' saka kinanta niya pa talaga. Sa inis ko, naibato ko sa kaniya ang tinapay na baon ko. ''Bulgar na bulgar talaga 'yang bunganga mo! Aminin mo nga sa akin! Na virgin ka na ba?'' tinaas ko pa ang kilay ko sa kaniya. ''Pagpapa-virgin pa lang sa anak ni Mrs. Damerkan, hahahaha..'' Kinilig pa ang bruha habang tumatawa. ''Hayaan mo at sabihin ko kay Mrs. Damerkan mamaya na type mo ang anak niya,'' sabi ko pa. Natahimik na lang kami ni Julie nang may ilan-ilang pumasok na costumer sa grocery.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD