Episode 1

1188 Words
CHAPTER 1 DANICA Habang nakaupo ako sa bus papuntang pier ng Mindoro, pinag-untug-untog ko ang sarili ko sa upuan. ''Bakit ba ang tanga-tanga mo, Danica? Umuwi ka lang talaga sa Capiz para ihatid ang sarili mo sa isang nilalang na hindi mo alam kung tao o halimaw. Paano kung kapre pala ang nakavir... aaaeehh...'' Sabay padyak ko ng paa. Saka ko naman na-realize na may katabi pala ako sa upuan at tumingin ito sa akin. Isang matandang babae. ''Nababaliw ka ba, Nene? Bakit parang pinoposes ka riyan sa upuan mo? Baliw ka ba?'' taas kilay pang tanong sa akin ng matanda. Napakagat ako ng aking labi dahil sa inis ko sa aking sarili at pumadyak-padyak ng aking paa. ''Ayy..eyhhhh.. Lola, malapit na talaga akong mabaliw. Bakit sa dinami ng lugar bakit doon pa?'' mahinang bulong ko sabay sabunot sa aking sarili. ''Ayy! Baliw ka na nga siguro. Anong lugar ba iyang pinoproblema mo, hija?'' usisa naman sa akin ng matanda. ''Sa lugar ng mga badjang {taro} bakit doon pa? Ang cheap mo talaga, Danica!'' sermon ko pa sa sarili ko. ''Eh, ano ba ang mayro'n sa kabadjangan, ha? Parang hindi mo yata makalimutan ang lugar na 'yon? Aba'y nagdala ka sana ng mga badjang at ibinta mo sa Maynila. Ang mahal kaya ng halamang iyon,'' sabi pa ng matanda at tinuruan pa talaga ako magbinta ng badjang na 'yon. ''Hay, nako! Ayaw ko na maalala ang badjang na iyon. Dahil ayaw ko maalala ang nangyari at ayaw ko alalahanin!'' maktol ko na sabi habang nakatingin lang sa akin ang matanda na napa-isip. ''Humm.. Siguro roon kayo nagloving-loving ng boyfriend mo ano? Nako, mga kabataan nga naman sa panahon ngayon, kung saan abutan ng kalibugan ay kahit saan na lang. Mabuti Nene hindi kumati ang Velat mo,'' sabay kibot pa ng labi ng matanda. Hayy!!! Pinasosyal pa talaga ang pagkabigkas ng velat sa halip na B ang simula ay ginawa niyang pang V. Walanghiya rin ang matandang 'to. Manghuhula ba ito? Napatakip na lang ako ng labi at nanlaki ang mga mata ko nang binigkas niya iyon. ''Lola, grabe ka naman! Saka hindi ko 'yon boyfriend. Hindi ko nga alam kung sino ang nag-target sa akin. Hayop kasi ang ispirito ng alak na iyan. Puwede niya pa lang pasukin ang utak mo para makalimutan mo kung ano ang nangyari sa 'yo,'' daldal ko naman sa matanda. ''Ay, ibang klase ka rin, Nhe. Ibig sabihihin nakipag-iyo...'' Naputol ang malaswang sasabihin nito sa akin nang takpan ko ang bunganga niya. ''Lola, ang laswa naman ng bibig mo! Mamaya kung ano ang isipin ng mga makarinig sa 'yo,'' bulong ko sa kaniya. Tinanggal niya naman ang kamay ko sa labi niya. At lumapit pa ang mukha nito sa akin. ''Nakipag-iyotan ka sa kabadjangan?'' deretsong tanong niya pa sa akin. Napakagat labi na lang ako sa matandang 'to. Sinabi pa talaga, eh. Sana pinasoyal niya man lang ang pagbigkas tulad ng velat. ''Lola, ang bunganga mo. Iyotan talaga? Hindi ba puwedeng jugjogan para hindi malaswa pakinggan?'' bulong ko naman sa kaniya. ''Mas malaswa ang ginawa mo. Ang tindi mong bata ka. Abay kung ako ang mga magulang mo kukurutin ko 'yang tinggil sa velat mo. Ang ganda mo pa naman tapos nakipag-iyothan ka lang sa kabadjangan. Abay baka ginawa mo pang sapin ang dahon no'n,'' mahina namang sabi ng matanda sa akin na nanggigil ang mukha. ''Malay ko ba? Lasing ako, noh! Saka hindi ko nga alam kung sino ang naka-virgin sa akin dahil nakita ko na lang ang hubad kong katawan sa gitna ng mga taro,'' sabi ko naman sa matanda na akala mo ay kilala ko. Hindi ko alam kung bakit nakikipag-usap ako sa matandang 'to. Hindi ko naman ito kilala pero nagkagaanan kami agad ng loob. ''Ibig sabihin virgin ka pa noong dinala ka sa mga badjang?'' mangha pang tanong sa akin ng matanda. Syempre tumango naman ako dahil doon nga ako na virgin sa masukal na mga badjang na iyon. ''Bakit hindi mo itanong sa mga badjang kung sino ang tumusok sa velat mo?'' bulong pa niya sa akin na lumalaki ang mata. Kung hindi lang talaga ito matanda kanina ko pa nasampal ang bunganga nito, eh. "Ilang taon ka na ba?'' agad naman nitong tanong sa akin. ''35 Lola. Sa loob ng 35 years iningatan ko ang puri ko pero wala na! Paano kapag natagpuan ko na ang first charming ko? Tapos ano na lang ang maipagmamalaki ko sa kaniya?'' malungot ko namang tanong ngunit iwan ko ba hindi naman talaga gan'on ka lungkot. ''Eh, matanda ka na pala, eh. Ayos lang 'yon at pinatuhog mo na ang velat mo. Pero paano pala kung hindi lang isa ang tumuhog sa velat mo? Paano kung marami pala?'' sabi pa ng matanda at lumaki pa ang mga mata nito. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Paano nga pala kung hindi lang isa ang naka-virgin sa akin? Tapos pangit pa at mukhang kuhol. Napasabunot ulit ako sa buhok ko. "Ehhhyy.... Paano na 'yan, Lola? Ano ang gagawin ko?'' nag-aalala kong tanong, sabay padyak-padyak ng aking mga paa, at parang maiiyak na ako dahil sa pagkainis ko sa aking sarili. ''Eh, bakit ako ang tanungin mo? Naroon ba ako no'ng natuhog ang velat mo?'' sagot n'ya at inisnab pa ako ng matandang 'to. ''Hmmp! By the way, saan ka pupunta sa Maynila, Lola?'' tanong ko. ''Eh, pupunta ako sa Maynila at dumating na ang inaalagaan ko. Sa Las Piñas ako nakatira, doon sa condo ng alaga ko," sagot naman nito. ''Gano'n po ba? Ako, isang casher sa malaking grocery store,'' sabi ko naman. ''Eh, ano ngayon kung casher ka? Pero hanga talaga ako sa 'yo, Nhe, sa susunod na malasing ka e-try mo naman sa ilalim ng tulay,'' ngiti pa nitong sabi sa akin. Napataas tuloy ako ng kilay sa kaniya. ''Hayzz!!! Grabe ka talagang matanda ka. Hindi na ako iinom ng alak, noh?'' wika ko naman at inayos ko na lang ang pag-upo ko at tumingin sa labas ng bintana ng bus. Kinabukasan na nang makarating ang sinasakyan ko sa Alabang, kaya pagdating ko sa terminal ng bus bumaba na ako at nag-taxi. Nagpahatid ako sa BF Home sa apartment na tinutuluyan namin ni Julie Ann. Ang matalik kong kaibigan na tulad ko ay wala rin balak mag-asawa. Sabagay ako lagpas na sa kalendaryo habang si Julie Ann ay nasa edad 29 pa lang, kaya ilang taon pa para lumampas siya sa kalendaryo. Pagdating ko sa apartment namin ni Julie Ann, na sagot rin ni Mrs. Damerkan ang upa nito ay pumasok agad ako. Dalawa lang kami ni Julie Ann sa maliit na apartment na ito dahil ang ibang trabahador sa grocery ay uwian naman. Dalawa kaming casher ni Julie Ann at parehong mula probinsya. Ang bruha hindi man lang naglinis bago pumasok. Nakakalat pa ang mga pinagkainan niya sa lababo. Pati sa sala ay naroon pa ang mga balat ng chitchiria na nakapatong sa lamiseta. Malamang nanunood na naman iyon kagabi ng k-drama niya. Inihagis ko sa sofa ang bag ko at pabagsak na naupo. Sumandal muna ako saglit at mamaya ko na ligpitin ang mga kalat ng babaeng iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD