A/N:‼️Rated 18+/Steamy Story‼️
Akala ni Vionne Evangelista ay naka-jackpot na siya at swerte sa napangasawa. Matipunong katawan, gwapo, matangkad, mayaman at higit sa lahat, may mabait na biyenan. Masugid siyang niligawan ng asawang si Alex Mondragon nang halos dalawang taon. Nirerespeto siya nito at kailanman ay hindi nagtangkang galawin siya. Ngunit sa araw ng kanilang pulotgata ay nalaman niyang sa kabila ng perpektong katangian ng lalaki ay may lihim itong itinatago. Si Alex ay isang impotent o walang kakayahang magpaligaya sa natural na paraan. Pinatunayan ni Vionne na mahal niya ang asawa sa kabila ng kapansanan nito. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang kapatid nitong lalaki na matagal nang hindi nagpapakita at sa unang araw pa lamang ay nagpakita na ito ng interes sa kanya. Mapigilan kaya ni Vionne ang sarili na isakatuparan ang mga pantasya niya na kahit kailan ay hindi niya naranasan sa asawa kung may isang Aldrin na
handang pawiin ang kayang uhaw?
Date Published: December 13, 2021