Prologue
Huminga muna ako nang malalim bago tumitig sa nakasaradong pinto ng simbahan. Sa likod ng pintuang ito . . . dito gaganapin ang pinakamahalagang pangyayari ng buhay ko.
I took a few more steps. Bawat paghinga ko'y ganoon din kabilis ang pagtibok ng puso ko. Na dinudulot ng pinaghalong kaba at saya. Because I never knew this day would come for me too. I never knew love could be this surreal that all I feel right now is bliss.
Nang bumukas na ang pinto ay nagsimula na ring tumugtog ang kantang Tagpuan by Moira Dela Torre. Na paboritong paborito ko. Iyon ay sa dahilang akmang akma ang love story namin ng mapapangasawa ko sa kantang 'to.
"'Di, 'di ko inakalang darating din sa akin. Nung ako'y nanalangin kay Bathala, naubusan ng bakit."
"I am so happy for you." Yakap sa akin ng kaibigan kong si Stephanie na ngayo'y dire-diretso nang umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Niyakap ko naman siya pabalik habang namumugto na rin ang aking mata dahil sa luhang nagbabadya nang umagos.
Bwisit naman! Wala pa nga, pinapaiyak na agad ako!
"Bakit umalis nang walang sabi? Bakit 'di siya lumaban kahit konti? Bakit 'di maitama ang tadhana?"
Ilang segundo pa kaming nagyakapan ni Steph bago kami tuluyang lumakad papunta sa dulo ng altar. Ang lugar kung saan nag-aabang ang mapapangasawa ko na ngayo'y tanaw na tanaw kong nagpupunas ng luha.
"At nakita kita sa tagpuan ni Bathala. May kinang sa mata na 'di maintindihan."
Automatically, I smiled like a teenager who's admiring his crush.
Matagal ko na itong hinihintay at sobrang saya ko dahil sa tamang tao ko ilalaan ang buhay ko. Hindi ko na kailangang mangamba pa dahil nahanap ko na ang the right one ko.
The right one is that person who will never get tired of loving you despite of all the circumtances that became the barriers to your love story. For me, the right one will always find a way to elude those walls that distort your view to your true love.
That guy at the end of the altar, eyeing me as if I am his wildest dream come true, is my right one.
He's my final right one and my handsome end game.
"Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan."
Bawat hakbang ko papunta sa kanya ay nanunumbalik ang mga mga masasaya at malulungkot na alaala na sabay naming hinarap. Mga alaalang nakapagpalapit pa sa amin lalo. Mga ala-alang nagpatatag sa aming dalawa.
Mga ala-alang naging dahilan kung bakit nandito kami ngayon.
"At tumigil ang mundo nung ako'y ituro mo."
Nagsimula nang mas bumilis pa ang t***k ng puso ko habang papalapit ako nang papalapit sa kanya. Ganoon na rin ang luhang kanina ko pa pinipigilan nang makita ko siyang nakangiti habang dire-diretsong umaagos ang luha sa mga mata niya. Hindi na niya ito sinubukang punasan pa. Wala din naman kasing iyong hinto kahit punasan niya pa.
"Siya ang panalangin ko."
Nang makalapit na kami sa kanya ay iniabot na ni Stephanie ang kamay ko sa kamay niya. And as I stare at his teary eyes, I knew from that moment that God already answered my prayers.