Episode 1

2275 Words
Five Years Before the Wedding Sampung taon na rin pala ang nakalipas magmula nang mawala ang bestfriend kong si Agatha. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nawawala at hinding hindi siya mawawala sa puso ko. Si Agatha kasi ang isa sa mga mahahalagang parte ng buhay ko. Siya ang nagpabago ng magulo kong mundo. One thing is for sure, she is my loudest alarm who woke me up and made me me be the best version that I am today. Dahil sa kanya, nagsumikap akong mag-aral nang mabuti matapos kong makapagtapos sa Junior High School. Hindi nga naglaon ay naging isa ako sa mga nakakuha ng High Honors matapos kong makapagtapos ng Senior High School. Isa rin ako sa mga c*m Laude noong nakapagtapos naman ako ng Kolehiyo sa kursong Economics. Sa lahat ng mga naranasan ko, masasabi kong hindi madidiktahan ng pagkakamali ng kahapon mo ang magiging kapalaran mo sa hinaharap. Your future can never be defined by your past failures. Iyon ay sa dahilang ikaw lamang ang may hawak nito at hindi ang mga pagkakamaling nagawa mo. Dati, may mga patapon akong grades pero natuto akong magsumikap at dahil doon, nakuha ko kung anong nararapat sa mga paghihirap ko-- nakatapos ako ng pag-aaral. Natupad ko ang pangarap ko. Ganoon lang naman kasi 'yon. Sa buhay naman kasi, hindi ka dapat tumigil dahil alam mong hindi mo kaya. Dapat, h'wag kang tumigil hanggang sa makaya mo na ang hindi mo kaya. Hindi dahil nadapa ka, tatamarin ka nang bumangon kasi nasaktan ka. Kasi may galos ka. Dapat, mas lalo kang maging matapang sa kabila ng hapdi ng mga sugat mo. Dapat, mas lalo mong pagsikapang makatayo para hindi na lumala pa ang matatamo mong pinsala. Ganoon lang dapat. Kapag nadapa ka, bumangon ka agad. Kapag nabigo ka, bumawi ka agad. Life is all about the bounce back. And that bounce back made me be the person I want to be as of today. Ngayon ay isa na akong Project Development Associate ng isa sa mga malalaking Real Estate Companies dito sa Pilipinas-- ang Sy Land Corporation. It was a dream come true for me. It was all credits to the second chance I gave to myself. And it was all because of my greatest bounce back. "Cath!" Napatigil ako sa malalim kong iniisip nang marinig ko ang sigaw ng isang babae. Agad kong ibinaling ang tingin sa direksyon niya. And there I saw an elegant lady wearing a fitted pastel pink dress that's exposing her long legs. With her straight hair waving as the wind collides with her. It's Stephanie Vidallion. My bestfriend. Yes, it was the craziest event of my life. Stephanie used to be on the top of my list noong JHS pa lang kami kung pagiging b***h lang din naman ang pag-uusapan. I used to hate her. We used to banter at each other. Us, being best friends is one of the wildest ideas that actually came true for me. But, I am thankful for that. Naging magkaklase kami ni Steph sa buong dalawang taon ng Senior High School pero naghiwalay din kami ng Unibersidad noong nasa Kolehiyo na kami. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin nagbago ang pagkakaibigan namin kahit noong grumaduate at nagkatrabaho na kami. "Late ka na naman. Kailan ka ba magbabago?" Natatawa kong tanong sa kanya dahil mahigit kalahating oras ko na yata siyang hinihintay. Nandito kami ngayon sa park kung saan kami laging pumupunta kapag gusto naming magbonding. Maganda kasi dito dahil hindi mo aakalaing nasa Pilipinas ka kapag nandito ka. Marami kasi itong mga puno na may iba't ibang kulay na makikita mo lang sa mga movies ng Disneyland. Surreal is an understatement to describe this place. "Hindi ka na nasanay sa akin, sorry na!" Pinulupot na niya ang braso niya sa katawan ko. Lagi siyang ganito kapag nahuhuli siya sa pinag-usapan naming oras. Kumbaga, lambing ang paraan niya ng paghingi ng sorry sa akin. "Oo na, ano pa nga bang magagawa ko? Best friend kita, eh." Natatawa kong sagot sa kanya habang kumakawala sa yakap niya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Para kasi siyang bata na nawalan ng ina kung makayakap sa akin. Kumawala din naman siya matapos niyang maramdaman na pinagtitinginan na nga kami ng mga taong dumadaan. "Ready ka na ba?" Ngiting-ngiti niyang tanong habang naka-beautiful eyes pa. Bagay na nakapagpakaba sa akin. Jusko, may plilano na naman siguro siyang hindi na naman kinonsulta sa akin! "Don't tell me, blind date na naman 'yan ah?" Sagot ko sa kanya habang naka-facepalm. Please, don't. I am done dating with guys! Most especially, with a god damn stranger! "Exactly!" Inakbayan niya ako bago ngumiti nang mas malapad, "I'm calling this day--" she raised her hands and gestured it as if quoting, "Operation: Hanapan ng first boyfriend ang bestfriend ko." My jaw almost hit the ground. Shit, here we go again. "I already told you, blind dates aren't my thing." I wince. "Ano ka ba, twenty six years old ka na pero wala ka pa ring nagiging boyfriend." Hinampas niya ako sa balikat, "Girl, mahirap mapag-iwanan ng panahon! Sinasabi ko talaga sa 'yo!" Ngising ngisi naman siya habang parang may ibang ibig sabihin ang sinabi niya. Magmula kasi noong grumaduate na kami ay hindi na siya tumigil sa kakaset-up ng blind date sa akin. Dahil katulad nga ng sinabi niya kanina, ayaw niyang mapag-iwanan ako ng panahon. Pero para naman kasi sa akin, kaya kong mapag-iwanan ng panahon basta dumating ang taong mamahalin ako nang totoo sa tamang panahon. Dahil alam kong hindi siya titigil ay um-oo na lamang ako. Hindi ko din naman kasi papatulan ang makikilala ko mamaya dahil hindi ko naman gusto ang ganoong uri ng pakikipagkilala. Para sa akin, ang blind date ay isang uri ng pakikipagkilala na para bang ipinagbibili mo ang relationship status mo sa kung sino lang at 'yon ang pinaka-ayoko dahil cliche as may it sounds, but I still believe with the old saying that "We should not find love, we should let love find us." Hindi din kasi ako 'yung tipo ng tao na sabik magkaroon ng partner sa buhay kasi nakaya ko naman nang ako lang mag-isa, eh. Ngayon pa ba na nasanay na akong kaibigan lang ang pinaglalaanan ko ng oras? Makalipas ang ilang saglit, matapos niyang mag-retouch ay dumiretso na kami doon sa coffee shop kung nasaan ang makaka-blind date namin. Nagtaka pa nga ako dahil ang alam ko, may boyfriend itong si Stephanie. Laking gulat ko na lang talaga noong sabihin niyang wala na sila! Seriously? Wala pa yatang dalawang linggo magmula nang maging sila? Kabaliktaran ko talaga 'tong bestfriend ko dahil kung ako ay tamad na tamad magka-boyfriend, siya naman ay sipag na sipag na magkaroon. Nang makarating na kami doon sa coffee shop ay natanaw ko ang dalawang matipunong lalaki mula sa glass wall. Sa pagoobserba ko'y mukha naman silang matino dahil sa kasuotan nila. Naaalala ko sa kanila ang dati kong kaibigan noong Junior High School dahil sa itsura nilang mukhang Koreano. "Sino sa kanila ang sa 'yo?" Awat ko kay Stephanie bago niya buksan ang pinto ng coffee shop. "Akin 'yung pointed chin, sa 'yo 'yung maputla." Napabungisngis ako sa pagkakadescribe niya sa kanila dahil ganoon na ganoon talaga ang itsura nila! Pero kahit na ganoon naman ay may makisig pa rin silang itsura na talagang ipagmamalaki mo sa ibang babae. Agad na kaming pumasok ng coffee shop. Namangha ako sa ambiance nito dahil parang sa Korean Drama ko lang nakikita ang ganitong klase ng coffee shop. Hindi ko alam na may ganito pala malapit doon sa park. Dumiretso na kami doon sa dalawang lalaki na sa wari ko'y kanina pa naghihintay dito dahil malamang. Katulad noong pinag-usapan naming oras ni Stephanie ang sinabi niya sa kanila. Siguro, mahigit isang oras na silang naghihintay dito. "Na-late ba kami? Sorry talaga." Malawak na ngiti naman sa kanila ng bestfriend ko habang hinahawi ang buhok niya na natakpan ang mukha niya. Jusko, Steph. Hindi bagay sa 'yo ang magpabebe! "Don't worry, I am willing to wait." Sagot naman noong lalaki na makakapareha niya. Sa tono niya ay parang ilang dekada na niyang kilala si Stephanie at naghintay siya nang matagal upang makita niyang muli ang bestfriend ko. Which is weird for me to assume. Tumayo na silang dalawa upang i-atras ang upuan namin nang sa ganoon ay makaupo na kami. Nang makaupo na kami sa harap ng makakapareha namin ay sinimulan na naming kilalanin ang isa't isa. "I'm Kellan Del Pillar nga pala." Unang nagsalita ang makakapareha ni Stephanie.  Sa itsura ni Kellan, siya 'yung tipo ng lalaki na dapat maging boyfriend ng isang matinong babae dahil mayroon siyang vibe ng isang knight in shining armor. Kumbaga, kapag siya ang pinili mo, makakasigurado kang hindi ka niya poprotektahan ka niya. Kumpara sa kasama niya, mas mukha siyang friendly at approachable dahil mukhang suplado itong nakapareho ko! "I'm Stephanie naman." Hindi pa rin nawawala ang malawak na ngiti ng bestfriend ko dahil siguro'y naiisip niya rin ang naiiisip ko. Bago pa sila mawala sa mundo namin dahil sa lagkit ng pagtititigan nila, biglang umubo nang sadya ang kasama ni Kellan na nakapagpatawa naman sa akin nang patago. Nakalimutan yata ng dalawang ito na double blind date ang pinuntahan nila. "A-Ah and sitting beside me is my bestfriend-- Blake." Napapakamot sa batok na biglang tugon naman ni Kellan sa reaksyon ni Blake. "Hi, I'm Blake Fernando and you can call me Blakey." I blink as I see him smile. Ang seryoso niyang mukha kanina ay napalitan ng matamis na ngiti na nakapagpapula naman sa mga pisngi ko. Ilang segundo pa muna akong napatitig sa mukha niya bago ako matauhan. Teka nga, ba't ako namumula?! "I-I'm Cath Martinez." Tipid at medyo awkward akong nakangiti habang nakikipagkamay sa kanya. Medyo na-cringe kasi ako sa reaksyon ko noong nakita ko ang ngiti niya. Ten years na rin yata ang nakalipas magmula noong makaramdam ako ng kilig na dulot lang ng isang simpleng ngiti lang!  Si Blake Fernando naman ay may vibe ng lalaking gusto mong maging bestfriend kasi siya 'yung tipo na sasamahan ka sa lahat ng kalokohan mo. 'Yung kapag naging jowa mo, lowkey lang ang magiging relationship niyo dahil sasabayan ka niya sa trip mo. Sa dalawang ito, mukhang mahirap pumili kasi pareho silang boyfriend material, eh. Ang isa ay knight in shining armor at ang isa naman ay pang-bestfriend ang appeal. Siguro kung malalagay ako sa ganitong sitwasyon na kailangan kong pumili sa pagitan nilang dalawa, hinding hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. *** Lumipas ang ilang oras ay napagpasyahan na rin naming umuwi. Nakipagkamay pa muna uli kami kina Kellan at Blake bago kami tuluyang maglakad patungo sa park. "Oh, baka mapunit ang labi sa kakangiti." Sundot ko sa tagiliran ni Stephanie na ngayon ay sobrang lawak ng ngiti. Natamaan yata agad itong bestfriend ko kay Kellan! Pero hindi ko naman siya masisisi dahil iba nga talaga ang appeal ng lalaking 'yon kumpara sa ibang lalaki. Para siyang matured na matured-- 'yung tipong matagal na siyang nabuhay kaya't sobrang dami na niyang nalalaman sa mundo. "Siya na kaya si the right one, Cath?" Napapatalon pa siya sa kilig matapos niyang magsalita. "Lahat naman ay the right one, it will just all boil down to the right one who will stay with you despite of whatever demeanor you have. For me, that right one will embrace you with your flaws and will love you at you worst." Umakbay na ako sa kanya habang naglalakad kami. "Agree, pero sana siya na talaga." Humarap siya sa akin. And she gave me an emotion I never see from her before. It's a genuine hoping look. That's the point where I realized, wala na ang isang 'to. Tinamaan na agad. "First time ko 'tong ma-feel sa isang lalaki kasi you know me naman 'diba? Medyo immature pa ako pagdating sa love. Siguro kapag naging kami, hanggang happy ending na 'yon." "Actually, nakakatuwa silang dalawa. Si Kellan ay 'yung tipo ng lalaki na manly samantalang si Blakey naman ay 'yung tipo na feminine. Naalala ko tuloy sa kanila si--" Napatigil ako sa sasabihin ko nang biglang sumabat si Stephanie. "Sina Lucas at Luigi. Actually, ganoon din ang naiisip ko kanina." Tumigil muna siya sa paglalakad bago muling tumingin sa mukha ko. "Kamusta na kaya 'yung dalawang 'yon?" "Siguro successful na sila sa pinili nilang career." "Hindi naman 'yon nakakapagtaka dahil mayaman naman sila. Pero, kilala pa kaya nila tayo?" "Ewan, baka hindi na? Ilang taon na rin kasi ang nakalipas. Wala manlang nga silang accounts sa social media kaya hindi ko din talaga alam kung kamusta na ba sila. Siguro sa sobrang busy nila sa sarili nilang careers, nakalimutan na nilang may internet pa pala." Napahampas pa muna siya sa akin at saka kami sabay na tumawa. Kasi naman, sila lang yatang dalawa ang taong walang account ni isa sa social media. Pero, baka nga busy lang talaga sila at walang panahon para sa ibang bagay? Still, it's kinda weird. "Pero hindi ba pareho silang may gusto sa 'yo noon?" Napatingin na lamang ako sa kanya habang naka-poker face. "Saan mo naman nakuha 'yan?" "Baliw ka, halatang halata kaya. Ikaw lang 'tong manhid kaya hindi mo ma-feel." "Ewan ko sa 'yo." Tumawa na lamang ako na para bang biro ang sinabi niya. "Pero paano kaya kung dumating silang pareho sa buhay mo ngayon tapos ligawan ka nila, sino kaya ang pipiliin mo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD