Kabanata 1

3645 Words
“Hindi ka na talaga makakasama sa Batangas?” tanong sa akin ni Tiffany habang nakatapat sa tainga niya ang kanyang cellphone. “So ako talaga ang dapat mag-adjust?!” sigaw naman nito sa kabilang linya. Kanina pa siya nakikipagtalo sa isa nilang event supplier kaya natatawa na lang kami. Sa aming magkakaibigan, siya talaga ang pinaka-busy dahil marami siyang raket bilang event coordinator. Kagagaling lang namin sa Batangas kahapon. Pinuntahan namin si Reign, asawa ni Kuya at kaibigan din namin. Dumiretso agad ako sa kanya pagkatapos kong malaman na naglahong parang bula si Kuya, nagbakasakali ako na alam niya kung saan ito pwedeng magpunta. Pero nahuli ako ng dating. Nagkasalisi kami ni Kuya at nalaman pa naming lahat na buntis si Reign. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari, sobrang bigat ng dibdib ko ngayon. Dadalawin ulit nila bukas si Reign. Nagaalala ang lahat sa lagay nito lalo na’t hindi na lang siya nag-iisa ngayon. Umiling ako bilang sagot sa tanong ni Tiffnay. “I don’t think I can. Marami akong kailangang gawin ngayon dahil nawawala pa rin si kuya…” Gusto ko rin namang kamustahin ulit si Reign pero wala akong oras sa ngayon dahil sa responsibilidad na pasan-pasan ko. At hindi ako sigurado kung narinig ba nila ang sagot ko dahil si Tiffany nag-focus na sa pakikipagtalo sa kabilang linya samantalang si MJ at Quinn naman naguusap na tungkol sa next project nila. Sila kasing tatlo ang mas madalas na magkakasama dahil kinukuha ni MJ ‘yung dalawa para sa events nila sa resort. Kapatid ni MJ si Reign at sa Batangas sila nakatira. Family business nila ang Valderrama Corporation kung saan may iba’t ibang resorts at properties silang pagmamay-ari. From time to time, kinukuha ni MJ si Quinn bilang photographer at si Tiffany naman bilang event coordinator. Kapag hindi ako busy noon sa eskwela ay sumasama rin naman ako sa kanila. They’re all doing great in their chosen paths. Sana lang lahat may choice kagaya nila. At dahil mukhang busy pa rin silang lahat, wala akong makausap tungkol sa problema ko. Inubos ko na lang ang orange juice na laman ng baso ko at tumitig sa labas ng restaurant para palipasin ang oras. Maraming tao ngayon dito sa mall kaya mabuti na lang nakapag-reserve agad si Tiffany para sa lunch date naming magkakaibigan. Nag-aya rin talaga ako ngayon dahil alam kong ayokong manatili sa bahay kasama si Mommy. Simula nang lumipat si Kuya at Reign sa sarili nilang bahay, the Savage Mansion felt so empty. Pakiramdam ko nga pinamamahayan na ito ng multo dahil kahit sobrang laki ay wala namang tao. Kung ako lang ang masusunod, matagal ko nang ipinagbili ito. Kaya lang hindi kaya ni Mommy pakawalan ang mga alaala ni Daddy… simpleng renovation nga ay tinatanggihan pa niya. “Ayos ka lang ba, Bie?” tanong ni Tiffany sa akin pero hindi na ako nakasagot dahil sa pagsingit ni Quinn. “Naku mga bakla, saan na kaya nagsuot ‘yang si Papa Daxon!” Dahil hindi ko rin naman alam kung nasaan si Kuya, I just gave a weak smile. Naninikip pa rin ang dibdib ko sa tuwing nababanggit siya. Ayokong magalit kay Kuya pero hindi ko maiwasang makaramdam ng poot sa loob ko dahil sa bigla niyang pagkawala. Oo’t may sarili naman siyang buhay. Hindi ko siya pinipigilang gumawa ng sarili niyang desisyon, but I was just hoping that as his sister, he’d consider me or at least give me a heads up. Para kasing basta na lang niya akong iniwan sa ere. I don’t want to blame Reign because she’s my friend. But somehow, I can’t help it. Hindi ko alam kung ano ang buong istorya, pero sigurado akong may kinalaman siya sa paglayo ni Kuya, kaya tinalikuran nito lahat – kasama na ako. Both of them are now struggling with their premature marriage and here I am, silently hoping and praying for things to go back to normal again. Dahil apektado ako sa away nilang dalawa. “Ano ba naman ‘yan Tiffany, kumain ka nga ng maayos,” sabi naman ni MJ sabay agaw ng phone nito. “Luh, para kang gago! May kausap ako!” Ito na naman ‘yung dalawa at parang mga batang nagiinisan sa hapagkainan. Hindi ko pa nagagawang ikwento sa kanila ang tungkol sa MA ko. Hindi ko pa rin nauungkat ang tungkol sa pagtatrabaho ko sa Savage Enterprises bilang Interim CEO simula sa susunod na lunes. Naghihintay lang sana ako ng perfect timing. Hinihintay kong matapos silang lahat sa mga kwento nila para ako naman sana ang magkwento kaya lang hindi ako makasingit. After all, I’ve always been a good listener. Ang nakakalungkot nga lang, they don’t know that I also have a story to tell. It’s actually a big deal. Sa isang iglap lang, ang gaya ko na nagbabalak maging research professor, magiging Interim CEO ng Savage Enterprises – ang pinakamalaking hotel chain sa bansa. Ibig sabihin ay ako ang mamamahala sa kumpanya ng pamilya ko hanggang sa bumalik si Kuya. Pero ano namang alam ko sa pagpapatakbo ng isang negosyo? Lalo na sa pagiging isang Savage? Next Monday will be my first day at Savage Enterprises. Pero wala pa rin akong ideya kung anong dapat kong gawin ngayong linggo bago ang araw na ‘yon. Ang sabi ni Mommy, she bought us some time to find Kuya. Isang linggo pa nilang susubukang hanapin ito. Isang linggo pa ang oras na mayroon ako para mapaghandaan ang araw na pinaka-kinatatakutan ko. Isang linggo pa akong aasa na posible pang magbago ang kapalaran ko. Bumuntong-hininga ako. Nang makitang walang nakapansin sa frustration ko ay pinuno ko ng juice ang bibig ko. Binalik ko ang tingin sa labas ng mall kung saan kitang-kita ko ang maraming tao. “Kapag pwede na mag Royal Club ulit tayo!” aya ni MJ sa tabi ko na agad sinangayunan ni Quinn sa harapan ko. Titingnan ko pa lang sana sila nang mabuga ko ang juice na laman ng bibig ko dahil sa pagkabigla. “Shuta ka girl! Ginawa mo pa akong lababo!” Panay ang ubo ko habang nakatitig sa lalaking kagabi ko pa iniisip! At nang makita kong papalayo na siya, agad akong tumayo at humabol sa kanya. “Hoy, bakla ka ng taon!” Hindi ako pwedeng magkamali ngayon dahil nakabisado ko na yata ang bawat parte ng mukha ng lalaking ‘to sa kakaisip ko sa kanya. Miguel Zaporteza. Atty. Zaporteza. Migz. Pagkatapos naming maghiwalay noong Biyernes, tyaka ko lang na-realize na wala pala akong paraan para ma-contact siya. Ni hindi ko alam kung saan siya nakatira. Kahit sa f******k hindi kami magkaibigan. Kaya rin hindi ko siya maalis-alis sa isip ko. Akala ko imposible nang magkita kami ulit. Kaya ngayong tadhana na naman ang nagdala sa kanya sa akin, hindi ko ito pwedeng palagpasin. Dahil ang haba ng biyas ni Migz, lakad-takbo na ang ginawa ko para lang maabutan siya. Nakakahabol naman ako dahil para lang siyang naglalakad sa buwan. Kaya nga lang bigla na lang siyang huminto kaya nabangga ang mukha ko sa malapad niyang likuran. “My God, aray naman!” may kaartehang reaksyon ko bago niya ako hinarap. Napahawak tuloy ako sa dibdib niya para sa balanseng kailangan ko. At nang hindi pa nakuntento’y binaba ko nang bahagya ang mga kamay ko at nahawakan ang abs niya! Parang sa tanda ko’y wala naman siyang ganito noon! Umubo siya nang ilang beses kaya agad akong umatras at tumawa nang malakas. “Annyeong, oppa!” bungad ko sabay kaway na para bang matagal na noong huli kaming nagkita. Awkward silence. Akala ko magiging magaan ang lahat if I acted like the Bobbie everyone adores. Pero mukhang pagdating kay Migz, hindi tatalab ang pagiging k-drama fan ko at pagiging masayahin. Naningkit na naman ang mga mata niya na para bang gusto niyang ma-intimidate ako. Pero mas lalo ang akong ngumiti para ipakitang hindi ako apektado. Akmang ibubuka ko pa lang ang bibig ko para magsalita nang talikuran na niya ako. Napairap tuloy ako sa kawalan. Napatingin ako sa wristwatch ko and I guess I still have time to spare. Sa totoo lang may isang linggo pa naman ako para mapapayag siya sa gusto kong mangyari. Nilunok ko ang pride ko at agad siyang sinundan papasok sa isang boutique. Puno ito ng mga damit pambabae kaya napaisip pa ako kung bakit dito siya nagpunta. Seryoso siyang tumitingin sa mga damit, pumipili na para bang napakaimportante ng kanyang ginagawa. Base sa porma niya, kahit linggo ngayon ay mukhang dumiretso siya rito galing sa trabaho. Hindi ko nga lang alam kung normal na lang sa kanya ang nakasuot ng suit kahit saan magpunta. Mabuti na lang talaga at bagay sa kanya ang suot niya kaya hindi siya mukhang out of place. “Miss, may ibang design pa ito?” tanong ni Migz sa saleslady na kanina pa gustong lumapit sa kanya.   “Ay! Yes sir. May ibang designs at kulay pa ‘yan!” masayang sagot nito at kulang na lang hilahin na si Migz sa pagmamadaling mapakita ang hinahanap nito. “Para po ba sa girlfriend mo, sir?” Habang abala si Migz sa pagpili ng damit, dito ko napagtanto ang dahilan kung bakit hindi niya pinansin ang offer ko noong nasa club kami. Inulit-ulit ko pa na gumawa kami ng baby pero ayaw niya. “Ano kayang magandang design?” Bakit nga ba hindi ko agad naisip ang posibilidad na may girlfriend na si Migz? After all these years, in-expect ko bang mananatili siyang single hanggang sa magkita ulit kami? Ano ka ba naman, Bobbie? Hindi mo hinahabol si Migz para makipagbalikan. Hinahabol mo siya para hingan ng tulong. Focus! Huminga ako nang malalim at mas lalong inangat ang magkabilang dulo ng labi ko. Nang masigurado kong handa na ako ay tyaka ko tinapik ang balikat ni Migz. “Anong oras tayo papasok next Monday?” tanong ko pero nagsimula na naman siyang maglakad kaya kinailangan ko pa siyang sundan ulit. Dahil mahilig ako sa mga damit, hindi ko maiwasang mapatingin din sa paligid. I love jackets, blazers, and coats kaya nate-tempt na tuloy akong mamili na rin para sa sarili. “We need to wear the same color. So everyone would know that we’re on the same team-” “Hindi ako pumayag sa kahit anong gusto mong mangyari.” Nanlaki ang mga mata ko at agad na humarang sa harapan niya. Nahinto rin tuloy ‘yung saleslady dahil sa bigla kong pag-eksena. “Miss, busy ako-” “So you’d rather make a baby with me?” Napatingin agad si Migz sa mga taong nakarinig sa tanong ko. Pati ‘yung saleslady nabigla sa sinabi ko. Na-heart broken yata kaya napatakbo sa storage room nila. Tiningnan ako ni Migz nang masama pero mas lalo lang akong ngumiti. “Don’t worry! Nag-research na rin naman ako kung paano gumawa ng baby-” Tinakpan ni Migz ang bibig ko at mabilis akong hinila papalabas ng boutique. Tawang-tawa naman ako nang makita kong namumula na naman ang tainga niya. “Baliw ka ba?! Wala akong oras para makipaglokohan sa ‘yo.” Nang pakawalan niya ako ay tyaka lang ako nakahinga nang maayos. Inayos ko rin ang sarili ko bago siya taas-noong hinarap. “Atty. Zaporteza, hindi ka na nga pumayag sa una kong offer, pati ba naman sa pagiging legal advisor ko hindi ka pa rin okay?” Gamit ang kanyang hintuturo ay tinulak niya ang salamin niya para maiayos ang pagkakasuot. Malamig na tingin ang pinukol niya sa akin pagkatapos. “Ms. Savage, pinalampas ko na ang ginawa mo sa club. Pati na rin ang pagpupumilit mong magpunta tayo sa motel. Sa tingin mo sasayangin ko pa ulit ang oras ko sa ‘yo?” Sa mga sinabi niya’y bumalik sa akin ang lahat ng nangyari kagabi. *** After threatening to sue me, hindi ako natakot kay Migz at mas lalo ko pang pinilit na gumawa ng baby. But he doesn’t know how to chill! Paano ba naman ay agad-agad akong hinila palabas ng club at pilit dinala sa malapit na police station. Sayang ang ganda ko para mabulok lang sa kulungan! Pero hindi ako nagmatigas dahil alam kong papunta na rin si Mommy sa club. Ayokong maabutan niya ako kaya kailangan ko talagang umalis. Pasalamat pa ako at nilayo ako ni Migz. Kaya lang akala ko noong una joke lang na ipapakulong niya ako. Pero noong tumatawag na siya ng pulis ay agad ko siyang pinigilan. Tinakpan ko ang bibig niya pero agad din niyang pinalis ang kamay ko. Pinakiusapan ko siya na palagpasin na lang ang ginawa ko sa kanya sa club at pagkatapos ng ilang minutong atras-abante, napapayag ko rin siya. Pero noong makalayo na kami sa police station, nilakasan ko ang loob ko at inulit pa ang gusto kong mangyari. “Just think about it! Wala namang mawawala sa ‘yo kung tutulungan mo ako e!” I literally begged him to have s*x with me that night. Kung ibang lalaki ang binigyan ko ng ganitong offer ay siguradong pareho na kaming walang saplot sa mga oras na ‘yon. Hindi ko alam kung paano siya magiging dehado sa gusto kong mangyari at panay ang pagtanggi niya. Hindi naman ako panget. Oo’t hindi ako kasing-sexy ni Tiffany pero may ibubuga naman ang katawan ko. Hindi naman siguro niya alam na wala pa akong experience sa balak kong gawin namin para tumanggi siya ng paulit-ulit. At dahil ayaw niyang pakinggan ang kahit anong pakiusap ko ay nagpumilit na lang akong sumakay sa kotse niya. Nagpahatid ako sa malapit na motel dahil ayokong umuwi sa amin. Ayaw pa nga sana niya kaya lang nagmatigas talaga ako kahit kulang na lang buhatin na niya ako palabas ng kotse. Nag-drama pa ako at nagiiiyak kaya sa huli’y bumigay din siya. Malapit lang naman ‘yung motel na pinagdalhan niya sa akin. At nang dapat sana’y bababa na ako ay sinubukan ko pa ulit siyang i-persuade. “You don’t have to take responsibility. I just need a baby!” “Don’t talk about responsibility as if you know it.” At dahil mukhang nakaramdam siya na hindi pa rin ako bababa ng kotse, nakita kong nagdilim ang paningin niya. Bumaba siya ng sasakyan at hinila ako papalabas. Kaya lang dahil desperada na ako, pagkababa ko, bago pa man siya makabalik sa loob ay sinarado ko na ang pinto ng kotse. Inagaw ko rin mula sa kanya ‘yung susi at nagmadaling tumakbo papasok sa motel. Wala tuloy siyang choice kung hindi sundan ako. Akala ko ako na ang nanalo noon. Kaya lang saktong may mga itim na sasakyang huminto sa harapan ng motel kung nasaan kami. Hindi pa man bumababa ang sakay nito ay nanlamig na ang buong katawan ko dahil alam ko na ako kung sino ito. Nagtago ako sa likuran ni Migz pero kinuha lang niya itong pagkakataon para agawin mula sa kamay ko ang susi niya. At alam kong dapat iiwanan na niya ako kung hindi lang namin nakitang bumaba ng kotse si Mommy. Nanginig ang buong sistema ko lalo na nang maglakad ito papalapit sa akin.   Parang nakita kong umuusok ang ilong ni Mommy nang makita ako. Nang iangat niya ang kanyang braso, nagkaroon na ako ng ideya sa sunod na mangyayari kaya pumikit ako. Nakahanda na sana akong masampal pero nagulat ako nang hindi ito natuloy. Pagtingin ko sa harapan ko ay nakita ko ang lapad ng likod ni Migz. Hinawakan nito ang braso ni Mommy kaya napigilan ang pagsampal sa akin.   “Walang dahilan para saktan mo ang anak mo.” Ramdam ko pa rin ‘yung bilis ng kabog ng dibdib ko. Bukod kay Kuya, si Migz pa lang ang nakitaan ko ng lakas ng loob ipagtanggol ako. Kaya mas lalo akong nagkaroon ng dahilan para siya ang hingan ng tulong. Lahat kasi ng kilala ko takot kay Mommy, siguradong takutin lang at abutan ng pera ay agad akong iiwan – but he’s different. “You need to come home now, Bobbie. Playtime is over.” Dahil sa sinabi ni Mommy that night, alam ko na kung ano ang kapalarang naghihintay sa akin sa mga susunod na araw. Kailangan kong ibasura lahat ng plano ko para sa pamilya at kumpanya namin. “Starting next Monday, you’ll take over your brother’s position in the company until we find him.” Kinilabutan ako sa sinabi ni Mommy lalo na sa masamang tingin niya kay Migz. Noon lang niya ito nakita pero base sa tingin niya’y hinuhusgahan na niya ito. She doesn’t like him, that’s for sure. Kaya naman kumapit ako sa braso ni Migz bago siya sinagot. “I’m willing to do whatever you want, Mommy. But Atty. Zaporteza should be my legal advisor.” *** As a Savage, we’re supposed to have our whole life all figured out. Pero dahil na kay Kuya ang atensyon ng mga magulang ko, nasanay akong nakakapagdesisyon para sa sarili ko. Nakatago ako sa likuran ni Kuya buong buhay ko kaya ngayong nawala siya bigla, pakiramdam ko sobrang vulnerable ko sa lahat ng bagay. I have no one else to protect me. Kaya kailangan ko ng tulong ni Migz. Unfortunately, kahit anong pakiusap ko, Migz doesn’t seem to care. Tiffany: Nasaan ka na ba, Bie? Nawala ka na lang bigla! Pinauna ko nang umuwi ang mga kaibigan ko dahil mukhang matatagalan pa ako rito sa mall. Actually, mukhang ang buong week na ‘to ay mapupunta lang sa paghahabol ko kay Migz. Sinundan ko ng sinundan si Migz sa bawat boutique na pinapasok niya. Hindi ko alam kung talagang wala siyang mapili sa mga damit na nakikita niya o sinasadya niyang pahirapan ako. “I will do whatever you want, just please… please help me.” I’ve suggested a lot of things: bahay, lupa, mamahaling alahas – sabi ko kahit anong gusto niya ibibigay ko pero walang epekto. May pinakitang damit ‘yung saleslady kay Migz na agad naman niyang kinuha. Pagkatapos tingnan nang maigi ay dumiretso siya sa counter para magbayad.   “Yuck. Pambata,” komento ko bago naupo sa couch ‘di kalayuan sa counter. Ang dami-dami niyang nakitang magagandang damit pero ang napili pa niya e ‘yung blouse na may unicorn sa harapan. Hindi ko alam kung anong taste ng girlfriend niya pero parang kahit highschool student hindi magugustuhan ‘yung glittery design nito. Wala na ako sa mood dahil bukod sa masakit na ang lalamunan ko kakasalita, masakit na rin ang binti ko kakalakad. Hinubad ko muna ang heels ko at nakitang nagkapaltos na pala ako kakasunod kay Migz. Kaya pala hirap na akong maglakad kanina. “Anong sinabi mo?” Nag-angat ako ng tingin at nakitang nasa harapan ko si Migz ngayon. Nabuhayan naman ako ng loob kaya sinuot ko ulit ang heels ko. Tumayo na rin ako at nagbakasakali na naman. “I just need your help until my brother comes back! I’m willing to do anything you want!” Tinapat niya sa mukha ko ‘yung panget na blouse. “Anong sinabi mo tungkol dito?” Binukas-sara ko ang mga mata ko bago ko naalala ang comment ko kanina. “Yuck, pambata?” Akala ko pa naman tinatanong na niya ako tungkol sa gusto kong mangyari. “Ano bang damit ang magandang iregalo sa babaeng hindi palalabas ng bahay?” parang pagod na pagod niyang tanong. At talagang ex-girlfriend pa niya ang tatanungin niya tungkol dito? Hindi ako sumagot sa kanya para wala nang masabi na pagsisisihan ko. Lumibot na lang ako sa boutique para maghanap ng damit na simple pero maganda. “Ilang taon na ba siya?” “Twenty-three years old.” Isang taon lang pala ang tanda ko rito. Hindi ako fashion expert pero may taste naman ako pagdating sa damit dahil hilig kong mag-dress up. Kagaya na lang ngayon, nakasuot ako ng off-shoulder knitted dress na nude color. Mas confident kasi ako kapag maganda ang suot ko. May nakita akong mini dress na puff-sleeve at may floral print. Sinilip ko ang presyo nito dahil alam kong dati pa lang ay sobrang tipid na ni Migz. Kaya lang nang makita kong may kamahalan ito, hinablot na ito ni Migz mula sa akin bago ko pa mapalitan. “Uhm, simple lang ‘yan kaya pwede niyang gamitin sa bahay o ‘pag naisipan niyang lumabas at makipag-date sa ‘yo.” Seryoso lang ang tingin niya sa akin at sa damit na hawak. Akala ko makikipagtalo pa siya kaya nag-isip na agad ako ng counterargument. Mabuti na lang dinala na niya ‘yung damit sa counter at binayaran. Nagulat pa nga ako dahil hindi siya nagpaapekto sa presyo. Pagkatapos niyang bumili ng regalo ay sumunod na ako sa kanya papalabas ng boutique. “Birthday gift ba ‘yan?” hindi ko na napigilang magtanong.  “Oo,” tipid niyang sagot. Naghintay pa ako pero wala na siyang sinabi pa. “Sure ka bang damit ang gusto niya? Ano bang hilig niya?” Hindi siya agad sumagot sa akin dahil inilabas pa niya ang phone niya. May nag-text sa kanya na sinagot niya sandal. Nakita ko tuloy na ito pa rin pala ‘yung phone na naapakan ko kagabi. Na-guilty tuloy ako dahil kasalanan ko kung bakit siya gumagamit ng sirang phone ngayon. “Photoshop editing? Animation? Iyon lang ang nakikita kong ginagawa niya madalas…” sagot niya maya-maya. “E bakit hindi na lang drawing tablet ang ibigay mo sa kanya? For sure, mas magugustuhan niya ‘yun.” Hindi niya pinansin ang sinabi ko pero nagsimula na kaming maghanap ng drawing tablet. Tuloy ay imbes na mag-focus ako sa kailangan ko sa kanya, nauwi ako sa pagtulong bumili ng regalo para sa girlfriend niya. Inikot naman namin ngayon ang lahat ng computer stores dito sa mall para lang makabili ng drawing tablet. Base sa mga sinabi ni Migz so far, pakiramdam ko may pagka-introvert ang girlriend niya. Naisip ko tuloy kung saan sila nagkakilala at gaano na sila katagal. Malaki ang pinagbago niya sa Migz na kilala ko pero hindi naalis sa kanya ‘yung ganitong side. ‘Yung tinitipid niya ‘yung sarili niya pero pagdating sa taong mahal niya handa siyang gumastos.   Napagod ako ng sobra dahil sa pagsunod-sunod kay Migz. Siguro isang oras din ang lumipas bago kami nakabili ng drawing tablet para sa girlfriend niya. Paglabas namin ng computer store, syempre napaisip na naman ako kung anong magandang sabihin kay Migz para mapapayag siya sa gusto ko. Kaya lang kahit parang kahit ano namang sabihin ko sa kanya walang epekto. Nakatitig ako sa likuran niya habang naglalakad. Huminga ulit ako nang malalim. At magsasalita na sana ako nang bigla akong natalisod! Nabangga ko ang likuran ni Migz bago ako bumagsak sa sahig kaya nakita kong naitsa niya ‘yung drawing tablet sa ere. Sa sobrang pagkabigla ko’y dapat sana’y sasaluhin ko ito. Kailangan masapo ko ito! Kaya lang napapikit ako nang mariin at pagdilat ko, nakita kong hawak na ulit ni Migz ang regalo niya. At sapong-sapo ko naman ang pwet niya! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD