CHAPTER 02

1540 Words
"Bakit kuya?" Taka kong tanong pagpasok ko do'n sa office. Tumingin muna siya sa akin saka ngumiti. "Let me tell you something important about being boss or being in the business like this." Seryosong wika niya habang diretso na nakatingin sa akin. Kahit medyo naguguluhan ako kung bakit niya sinasabi 'yon ay nag-nod na lang ako tsaka nakinig sa kaniya. "Don't be too nice to my employees baby. Dahil pag masyado kang naging mabait, malaki yung posibilidad na gamitin ka lang nila. They might took you for granted." Seryoso niyang sabi sa akin. Napakunot naman ang noo ko. "Hindi naman siguro nila 'yon gagawin sa akin kuya. Dahil dito sa kompanya, empleyado mo lang din naman ako at boss kita." Pagpapaliwanag ko sa kaniya dahil totoo naman 'yon eh. "We'll never know." Seryoso pa rin niyang sabi kaya lumapit na lang ako sa kaniya tsaka yumakap. "I'll be fine kuya, don't worry,"wika ko. "You should be." Tipid na sagot niya at tuluyan na akong bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. "Anyway, ito ang magiging office mo. Pinalinis ko na ito kanina kaya ilagay mo na lang yung mga gamit mo,"wika ni Kuya. Hindi ko naman maiwasan na mapalaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahan na office ko na pala itong pinasukan namin. "And ayoko na lagi kang lumalabas dito. Dapat lagi ka lang nasa loob. Tuwing kailangan lang tsaka ka lumabas,"sabi niya habang nakatingin do'n sa buong room. Hindi na ako umangal pa at lumakad papunta du'n sa may swivel chair at naupo. "Wala bang daya 'to?"Pagbibiro na tanong ko sa kaniya habang pinapakiramdaman ang lambot ng inuupuan ko. "Don't worry dahil hindi lang naman ikaw yung may office. Pantay-pantay lang ang lahat dito."Sagot ni Kuya sa akin at lihim na naman akong napangiti. Pinag-usapan na kasi namin at sinabi ko sa kaniya na ayaw kong magkaroon ako ng special treatment kapag nagsimula na akong mag-work dito sa kompanya niya. Kung yung iba ay nagtitimpla ng sarili nilang kape... dapat ako rin. Kung wala silang office dapat wala rin ako. Nagalit pa nga sila daddy dahil du'n pero buti na lang at pumayag sila. "Thank you kuya." Masaya kong sabi sa kaniya kaya nakangiti siyang lumingon sa akin. "Your welcome. Sige na, aalis na ako. Nasa 12th floor nga pala ako mamayang lunch." Pagpapaalam niya kaya tumayo ako at humalik sa pisngi niya. "Ingat kuya!" Umalis na si kuya kaya nagsimula naman akong ayusin yung mga gamit ko. Matapos kong mag ayos ng gamit ko ay inilagay ko sa side table ang isang picture frame ng buong Del Costa family. Wala kasi akong kahit isang gamit na nakalagay sa lamesa at balak ko pa lang bumili pero buti na lang nadala ko ito. Inilabas ko na rin yung mga sketch pad ko para mag umpisang mag-drawing ng mga bagong design na naiisip ko. Isang sikat na clothing company kasi itong kompanya ni Kuya at nang maka-graduate ako ng collage bilang Designer... syempre dito ko gustong magtrabaho kaya naman ako na ngayon ang isa sa designer nila. Makalipas ang ilang oras ng pag guhit ay namalayan ko na lang na tanghalian na pala. Dadalhan ko pa pala ng pagkain si kuya. Hindi na ako bumaba para bumili ng pagkain dahil um-order na lang ako sa grab para mas mabilis. Hindi naman nagtagal ay may kumatok na sa labas ng pinto ng office ko. "Pasok po. Bukas yan!" Sigaw ko para marinig niya ako sa labas. Pumasok ang isang matandang security guard na may dala-dala na mga paperbag. "Ma'am, ito daw po yung order ninyo." Magalang niyang sabi sa akin tsaka inilapag sa lamesa ko yung paper bag. "Salamat po manong." Nakangiti kong sabi, ngumiti din siya sa akin at tumango. Lalabas na sana siya pero tinawag ko ulit siya. "Manong? Kumain na po ba kayo?" Nakangiti ko pa rin na tanong. Nagulat siguro siya dahil matagal pa bago siya nakasagot. "A-ah, eh... Hindi pa po Ma'am---" "Kung ganu'n po, kunin ninyo na po itong isang paper bag." Iniabot ko sa kaniya yung isang paper bag na may lamang pagkain. "Nako hindi na po Ma'am. Bawal po kasi yan dito--." Pinutol ko ulit yung sasabihin niya at inilagay yung paper bag sa kamay niya upang hindi na talaga siya makatanggi. "Pwede po yun sa'kin. Sige na po, kunin mo na po yan. Pag may nagtanong po kung sino ang nagbigay sa'yo niyan manong, sabihin mo ako."Nakangiti ko na sabi kaya hindi na ito nakatanggi sa akin at umalis na ng aking office na dala yung pagkain. Inayos ko muna yung pagkain bago ako tumayo at lumabas para naman pumunta sa floor kung nasaan ang office ni Kuya. Sabi niya ay nasa 12th floor siya ngayong lunch kaya sumakay na ako sa elevator. Ako lang yung nag-iisa na nakasakay do'n kaya mabilis akong nakarating sa 12th floor. Pagkarating ko doon sa area ay napansin ko kaagad na may mga empleyado na napatingin sa akin. Dahil doon kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya pero ngumiti pa rin ako ng slight tsaka lumapit doon sa isang babae na nasa counter. "Um, hi?" Nakangiti ko na bati dun sa babae kaya napatingin siya sa akin. "May I help you Ma'am?" "May I know where is Mr. Del Costa?" Tanong ko dito. "Do you have any appointment with Mr. Del Costa, Miss--- What's your name?" Nakatingin siya dun sa papel na hawak niya at hinahanap ata kung may appointment ako. "Yue Dane. I don't have any appointment but can you atleast call him? Tell him I'm outside of his office. " Nakangiti kong pakisuyo sa kaniya and this time at ibinalik na niya ang tingin niya sa akin. "I'm sorry Miss Yue Dane pero sabi po kasi ni Sir, wag na wag daw po akong magpapasok ng kahit sino sa office niya. Busy po kasi siya kaya ayaw niyang maistorbo." Nahihiya nitong paliwanag sa akin. Hayys. Sabi ko na nga ba ang sobrang busy niya eh. "It's ok, I understand. Pakibigay na lang nito sa kaniya." Nakangiti kong sabi at iniabot yun paper bag dun sa babae kaya kinuha niya ito. "Ok ma'am, ibibigay ko po ito mamaya----." "Sorry, pero pwedeng ngayon na? Lunch kasi niya yan." Nahihiya kong putol sa kaniya. "A-ah?! Sige po Miss Yue Dane."Nagpasalamat na lang ako sa kaniya at pumunta na sa elevator. Nakita ko naman kung saan siya pumasok na office kaya sigurado na doon yung office ni Kuya. Naputol lang ang pagtingin ko sa kanya nung bumukas na 'yong pinto ng elevator. Pumasok na ako doon at sasara na sana yung pinto pero may biglang pumigil dito. Nakita ko na 'yon yung babae na kausap ko kanina. "M-ma'am?!" Tiningnan ko siya nang nagtataka. "Yes?"Tanong ko. "P-pinapapunta po kasi kayo ni S-sir sa office niya." Hinihingal na sabi niya at dahil doon kaya lumabas ako nung elevator at nilapitan siya. "Are you ok?" Nag-aalala na tanong ko sa kaniya. Ang putla kasi nung muka niya. Anong nangyari dito? "S-sorry po! H-hindi ko po alam na kapatid po pala kayo ni Sir."Naiiyak na sabi niya sa akin. "Hey, it's ok. Wag ka nang umiyak. You just did your job." Nakangiti ko pa rin na sabi sa kaniya tsaka inalalayan siyang lumakad papunta dun sa lamesa niya kanina. "Sige na, diyan ka muna at magpahinga. Pupuntahan ko muna siya,"sabi ko at naglakad na papunta doon sa office ni kuya. Kumatok lang ako ng mahina tsaka dahan-dahang ipinihit yung doorknob at pumasok. Nakatalikod sa pwesto ko si kuya at nagbabasa ata ng isang article. "Kuya?" Tawag ko sa kaniya kaya humarap siya sa akin at tumayo. "Kumain ka na?" Tanong niya kaya umiling ako. Tiningnan ko si kuya... kalahating araw pa lang pero mukang pagod na pagod na kaagad siya. "12:38 na oh. Bakit hindi ka pa kumakain? Papagalitan ako nina mommy nito eh. Sumabay ka na nga sakin,"sabi niya at kinuha yung mga paper bag tsaka inilagay sa isang lamesa. Malaki ang office ni kuya, may sarili siyang mini sala set, kung saan hanggang tatlong tao ang capacity, may kwarto rin siya dito para incase na ayaw niyang umuwi ay pwede pa rin siyang makapagpahinga, may sarili rin siyang banyo sa loob no'n para hindi niya na kailangan pang lumabas, tsaka transparent wall naman yung mga window dito kaya maganda yung view. Siya yung nag intindi ng pagkain namin pero lumapit naman ako para tumulong sa kaniya lalo na at napansin ko na parang pagod talaga siya. "Kuya, ok ka lang ba? Mukhang pagod na pagod ka oh?"Hindi ko na napigilan na itanong 'yon sa kaniya. Tiningnan niya lang ako at ngumiti. "Ok lang, ikaw? Anong ginawa mo kanina? Baka naman naglaro ka lang ng cellphone mo huh?"Natatawa niyang tanong sa akin kaya napangiti pa ako bago kami tuluyang umupo para kumain. "Hindi no! Nag sketch ako kanina!"May pagmamayabang na sagot ko sa kaniya at nginisian niya lang ako tsaka tuluyan nang kumain. Nangangalahati na yung kinakain ko nang mapansin ko yung oras. Malapit ng matapos yung lunch break! "Kuya, aalis na ako huh. Kailangan ko nang bumalik dun sa baba. Ingat ka, wag magpaka pagod. Love you!"sabi ko habang dali-dali ko nang kinukuha yung mga gamit ko sa upuan tsaka agad na humalik sa pisngi niya at lumabas nung office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD