CHAPTER 03

1252 Words
ZERIN LOE P.O.V Napangiti ako habang nakatingin do'n sa pinggan na pinagkainan ng kapatid ko. Ang tanda tanda na niya pero ang dumi pa rin kumain... walang pagbabago. Tsaka, talagang sine-seryoso niya ang pagtatrabaho dito sa kompanya kaya hindi ko maiwasan na matuwa. Nilinis ko muna yung pinagkainan namin bago ako naupo muli sa swivel chair ko at nagsimula na naman magbasa ng mga articles at daily report ng board of directors namin. Tambak na naman kasi ako nang trabaho ngayon kaya sabi ko kay daddy na siya na muna yung magsundo mamaya kay Dane pauwi. Ilang oras pa ay tumigil muna ako sa ginagawa ko tsaka kinuha ko muna yung cellphone ko mula sa bulsa at ite-text sana si Dane para tanungin kung ako ang ginagawa niya ng bigla kong mabasa yung pangalan ni Jaz sa screen na tumatawag. Bakit kaya napatawag ito? "Hello?" "Pupunta pa ba ako diyan Loe?" tanong ni Jaz kaya nagtaka ako kung bakit. "Huh? Anong gagawin mo dito?" tanong ko at naglakad papunta sa may bintana na kita ang buong city. Dapit hapon na kaya makikita mo mula dito ang mga buhay na ilaw mula sa malayo. "Akala ko ba maglalagay ako diyan ng CCTV, lalo na dun sa office nung kapatid mo? Don't tell me, nakalimutan mo?" At doon ko naalala kung bakit siya pupunta dito. "Sige, pumunta ka dito ng mga quarter to nine para sigurado na nakaalis na si Dane at yung iba pang empleyado,"sabi ko habang nakatingin pa rin sa labas. "Magdadala ako ng marami, mukhang praning ka pa rin sa nangyari dun sa kapatid mo eh." At namatay na yung tawag. Bumalik na lang ulit ako sa pagkakaupo ko at parang paulit-ulit pa rin na nag e-eco sa tenga ko yung mga sinabi ni Jaz kanina. Paano naman ako hindi mapapraning? Nasa paligid lang yung hayop na 'yon at malayang-malaya. Paano kung balikan niya yung kapatid ko? Paano kung saktan niya? Pero hindi ko na yun hahayaang mangyari. Never! May sapak ang utak ng hayop na yun at wala akong pake kung makulong ako basta mapatay ko lang siya kapag muling dumapo ang kamay niya kahit anong parte ng katawan ni Dane. Mahigpit na naitikom ko ang kamao ko pero hindi nagtagal ay napunta sa ibang bagay ang atensyon ko nang biglang tumunog na naman ang cellphone ko. Napabalik ako sa realidad ng makinig dahil doon at muling kinuha ang phone ko sa lamesa. One unread message From: Mommy Hatid mo muna yung kapatid mo mamaya sa lobby ng ground floor Zerin, hintayin mo muna na dumating si Daddy mo bago ka bumalik sa office. Nag-reply naman ako kay mommy ng 'okay' bago muling nagbasa ng mga articles. Tambak pa rin ang trabaho ko at parang hindi nababawasan. Parang lalo lang dumadami. Hayya. Kailan ba kasi ito mauubos? Tsk! Gusto ko nang maka-bonding si Dane. . . "Hindi mo naman ako kailangan na ihatid pa kuya sa lobby, kaya ko naman eh."At pilit inaagaw ni Dane yung mga dala ko na gamit niya. Ang kulit talaga nitong batang to! "Sabi ni Mommy samahan daw muna kita sa lobby hanggat hindi pa dumadating si Daddy," sabi ko at nauna nang pumasok sa loob nung elevator. "Good evening po Sir, Ma'am."Magalang na bati sa akin ng tatlong empleyado na nakasabay rin namin sa loob nitong elevator. Hindi ko sila pinansin at inalalayan yung kapatid ko na pumasok, clumsy pa naman ito. "Hindi ko naman sasabihin na hindi mo ako sinamahan sa baba."Nagpapa-awa pa rin niyang pakiusap sa'kin. "At ang dami mo pa kayang trabaho du'n sa office mo,"wika pa niya. "Wag ng makulit, sasamahan na kita."Buti na lang at nanahimik na siya hanggang sa makababa na kami sa lobby ng ground floor. Wala siyang salita habang naglalakad kami kaya mukhang alam ko na ang ibig sabihin ng pagtahimik niya. "Tampo ka?"Hindi sigurado na sabi ko sa kaniya, hindi ko nga alam kung tanong ba iyon ngunit lumipas ang ilang segundo ay wala pa rin akong nakuha miski isang sagot kaya nilingon ko ang direksyon niya. Nakatingin lang siya du'n sa cellphone niya at naglalaro. Tinusok-tusok ko pa yung braso niya ngunit hindi pa rin siya lumilingon. "Uy---" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil naglakad na siya palabas at sumakay sa isang Black Sc248 McLaren. Dumating na pala yung kotse ni Daddy. Hindi man lang talaga niya ako nilingon bago siya sumakay ah? Nagtatampo nga yan. Tsk. Tumalikod na ako at sumakay ulit sa elevator para pumunta sa taas. Tatapusin ko muna yung mga trabaho ko para makauwi naman ako sa bahay kahit ngayong gabi lang. Nagtatampo si Dane eh. Ginugulgol ko na ulit ang mga natitirang oras ko pa sa trabaho ng maya-maya pa ay biglang may kumatok sa labas ng pinto. "Come in," sabi ko at doon pa lang bumukas ng dahan-dahan ang pinyo. "Sir, si Mr. Abellana po ay nasa labas, hahayaan ko po bang pumasok siya?" tanong ng secretary ko kaya simpleng tumango na lang ako tsaka nagbasa ulit ng mga report. "Mukang ang dami mong trabaho ngayon ah?"Agad na pansin ni Janz sa akin nang pumasok na siya dito sa office ko. Binatuhan ko siya nang tingin at doon ko nakita na marami siyang dala na mga itim na bag. "Bakit nandito ka na agad? Ang aga pa ah?" Balik na tanong ko sa kaniya dahil 8:12 pa lang... ang usapan namin kanina ay quarter to nine siya pumunta dito. "Nakita ko kasi na umalis na si Dane kanina, so hindi ko na inintay pa na mag-nine bago pumunta dito. Ang tagal pa nun! Anyway, saan ba yung office nung kapatid mo at nang malagyan ko na?" Tanong niya. Tumayo naman ako at nauna nang lumabas ng office ko para samahan siya sa office ni Dane. Pumunta kami sa 8th floor at pumasok na sa office ni Dane para masimulan na niyang makabitan iyon ng mga CCTV. "Sigurado ka na ba na limang CCTV cameras LANG yung ikakabit ko? Baka nakukulangan ka pa?"Tumango ako sa sarkastiko niyang tanong bilang pagsang-ayon at itinuro yung mga lugar na lalagyan niya ng CCTV. "Parang lahat naman ata ng parte nitong office ni Dane ay gusto mong bantayan?" Patuloy pa rin siya sa pagkabit nito habang nagsasalita. "Dapat lang. Tsaka siguraduhin mo rin na hindi niya mapapansin na may ikinabit tayong mga cctv camera dito dahil magagalit yun sa'kin,"wika ko at tumango na lang si Janz sa akin at pinagpatuloy yung mga ginagawa niya. "Hindi mo naman siguro sinasakop yung privacy ni Dane dahil sa mga cctv na ito no?"Lumingon siya sa akin kaya nakita ko yung pagkakunot ng noo niya. Hays! Hanggang ngayon talaga hindi niya ako maintindihan. "Mas mabuti na ito dahil mababantayan ko ang bawat kilos ng kapatid ko at ng mga taong nakapaligid sa kaniya, dahil baka malingat lang ako sandali... ay nakapasok na naman yung hayop na iyon sa buhay ni Dane. Alam ko na alam mo Janz kung bakit ko ito ginagawa. Ayaw ko lang na makalapit ulit yung baliw na 'yon sa kapatid ko." At tinalikuran ko siya para maglakad papunta sa pintuan upang lumabas na sana pero napatigil ako sa sunod niyang sinabi. Nakakainit ng ulo at parang gusto ko na lang magwala at makapatay dahil alam ko sa sarili ko na totoo yung mga katagang binitiwan niya... pero naiinis pa rin ako dahil do'n. "Obsess yung lalaking yun sa kapatid mo Zerin,at alam ko na gagawa at gagawa siya nang paraan para muling makalapit kay Dane,"wika ni Janz at aware naman ako do'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD