CHAPTER 04

1723 Words
ZERIN P.O.V 'Anong ginawa mo naman sa kapatid mo at naka busangot nung umuwi dito Zerin?' tanong sa akin ni Mommy habang magka-video call kami. Hindi pa kasi ako nakakauwi ng bahay dahil sa dami ng trabaho dito sa kompanya. Hanggang ngayon nga ay hindi parin ako tumatayo dito sa swivel chair ko dahil sa sobrang busy. "Ang kulit kasi Mommy, ilang ulit ko nang sinabi na ihahatid ko siya hanggang dun sa lobby pero wag na daw. Ewan ko ba dun," nqiiling kong sabi. Ang tanda-tanda na pero ang tigas parin ng ulo, tsk! Hindi ko alam kung saan ba siya nag mana. 'Umuwi ka na lang muna dito at puntahan mo siya dun sa kwarto, paniguradong hindi ka nun papansinin bukas.' Sabi niya habang nakatutok dun sa kaniyang nilulutong ulam. 'Iintayin kita, dapat bago mag dinner Zerin nandito ka na.' Pumayag na lang ako sa sinabi niya at pinatay yung tawag saka nag buntong hininga ng ilang ulit. No choice, uuwi at uuwi parin ako sa bahay kahit na tambak yung trabaho ko dito. Hindi pwedeng matulog yung si Dane na may tampo sa akin... Hangga't maaari kasi, first priority ko parin siya kaysa sa kompanya. Kinuha ko yung coat na nakasabit at isinuot iyon saka lumabas nung opisina para bumaba sa lobby. Marami-rami pa naman yung mga empleyado na overtime din kaya hindi pa ganun kadilim yung bawat hall na nadadaan ko. "Good evening Sir," nakangiting bati sa akin ng matandang janitor pagbukas ko nung elevator kaya ngumiti din ako at tinulungan siyang ilabas yung mga dala niya. "Ay Sir salamat ho," nahihiya niyang sabi pero nanatili akong tahimik at pumasok ulit nung elevator saka tuluyan nang sumakay pababa sa main lobby. Pagdating ko sa parking lot, mabilis na pumasok ako sa kotse ko at isinuot ang seatbelt. Bubuhayin ko na sana yung makina ngunit bigla namang tumunog yung cellphone ko sa bulsa kaya napatigil ako. ~Secretary Calling... "Hello?" 'Good evening Sir Zerin, nakaalis na ho ba kayo ng kompanya?' magalang niyang tanong kaya napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse ko upang tanawin ang pinaka tuktok ng kompanya kung saan nandoon ang aking office. "Why?" 'Bigla ho kasing tumawag si Mr. Dilwen upang makipag-usap sayo--actually Sir nandito na ho siya ngayon,' sagot niya kaya napabuntong hininga ako. Ang tagal ko nang iniintay na makipag-usap iyang si Mr. Delwel sa akin pero ngayon lang talaga siya lumabas? Tsk. "I-abot mo sa kaniya yung telepono... Now," utos ko. Narinig ko pa sa background na kinausap muna nung sekretarya ko si Mr. Delwin bago nito tinanggap yung telepono. 'Hello? Mr. Del Costa?' sagot ng isang matandang lalaki sa kabilang linya. "Mr. Delwin... Mabuti naman at naisipan mo nang makipag-usap sa akin," pormal na sagot ko. Matagal-tagal ko na ding inirereklamo yung mga pipitsuging materyales na idini-deliver ng kaniyang mga empleyado. Like what the hell, hindi ko sinisimot yung mga perang kinikita ko para ipambayad sa kaniya, kaya dapat lang matanggap ko yung mga bagay na nararapat sa kompanya ko. 'Kaya nga nandito ako ngayon sa kompanya mo Mr. Del Costa, kailangan talaga nating mag-usap tungkol dun sa reklamo mo... Nasaan ka ba ngayon?' mahaba niyang sabi. Tumingin muna ako sa wristwatch bago ko tuluyang binuhay yung makina ng kotse at pinaandar iyon paalis. "Hindi na kailangan Mr. Delwin, I already changed my mind..." Sagot ko habang nagmamaneho gamit ang isa kong kamay papunta sa isang kilalang shop. "Hahanap ng lang ako ng bagong kliyente na deserving para sa milyong-milyong pera na ipinapasok ko sa account mo." What a waste of time... Itinigil ko yung kotse ko sa tapat nung shop saka bumaba upang bumili ng cupcake ng cupcake para sa kapatid ko. "Good evening Sir, what can I get you?" tanong sa akin ng isang matandang babae. Hmmmm, ano nga yung pangalan ng cupcake na yun? "One box of your Chocolate Ganache Mini-Cakes please," magalang na sagot ko kaya tumango siya at inilabas dun sa counter ang hanay nung cupcakes na pinili ko saka inilagay iyon sa isang magandang box. "It's 1,587. 86 pesos Sir," sabi niya sabay abot sa akin nung box kaya naglabas ako ng 2,000 bill sa wallet at ibinayad yun. "Keep the change." Lumabas ako ng shop at muling sumakay sa kotse saka mabilis na pinaharurot yun hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay namin. Late na ako sa dinner... Hindi ko na iginarahe pa yung kotse ko at basta na lang itinigil sa tapat ng gate bago ako pumasok sa loob dala yung box. Hindi kasi ako pwedeng matulog dito mamaya, pagkatapos kong makipag-usap sa kapatid ko... Babalik na din ako kaagad sa office para tapusin yung mga paper works at report na malapit na yung deadline. "Good evening ho Sir Zerin," bati sa akin ng isang katulong pero nanatili muli akong tahimik. Sanay naman sila sa akin kaya hindi na sila magtataka kung tahimik at wala akong kibo. "Nandito ka na pala? Mabuti at nakaabot ka dahil naghahain na kami ni Manang Nelly," bungad sa akin ni Mommy paglabas niya ng kusina. Lumapit ako at nagmano saka humalik sa kaniyang noo bago ko kinuha yung dala niyang mga pinggan papunta sa dining table. "Akala ko nga late na ako. Anyway, nasaan pala si Dane, Mommy?" tanong ko habang inaayos yung pagkakasalan-san ng pinggan sa lamesa katulong siya. "Nasa taas, baka nagtatahi yun nung kaniyang mga nagawang design. Mabuti pa tawagin mo na para makakain na tayo," sagot ni Mommy kaya tumango ako at hinubad yung suot kong coat saka ipinatong iyon sa upuan. Naglakad ako paakyat sa kwarto niya dala parin yung box, hanggang sa makarating ako sa tapat nung pinto kaya mahina akong kumatok doon. "Mommy? Mommy, bababa na din ako mamaya. Tatapusin ko lang ito," rinig kong sigaw niya sa loob kaya muli akong kumatok. Tss, ganito pala ang ginagawa niya sa tuwing wala ako sa bahay huh. "Just give me five minutes and I'll be there," sigaw niya ulit kaya pinihit ko na yung doorknob. Napaka kulit talaga niya. "Mommy--kuya? Ginagawa mo dito?" nakalingon sa akin na tanong niya kaya dahan-dahan kong itinago sa likod ko yung box. "Bumaba ka na daw na kakain na tayo," seryoso kong sabi. Nakita ko na nag busangot siya at umidap muna sa akin bago ito tumayo dun sa harap ng study table niya at isinuot yung tsinelas. "Susunod na lang ako sayo kaya mauna ka na kuya sa baba," tinatamad niyang sabi kaya napabuntong hininga ako at lumapit sa kaniya. "Oh," sabay labas nung box ng mga cupcakes sa likod ko at abot nun sa kaniya. "Ano yan? Bribe?" inis niyang tanong kaya medyo natawa ako. "No, it's a peace offering. Come," sabi ko kaya dahan-dahan niyang kinuha sa kamay ko yung box at sinilip yun. Hindi ko maiwasang mapangiti ng palihim nang makita ko yung mga mata niyang kumikinang sa tuwa. I knew she would love it, it's her favorite. "Yieeee! Thanks kuya," malapad yung ngiti na sabi niya sabay yakap sa bewang ko. "Tampo ka pa?" tanong ko at umiling naman siya kaya muli akong napangiti. "Mabuti pa, tara na dun sa baba dahil kanina pa tayo iniintay ni Mommy. Ilagay mo muna iyang mga yan sa loob ng fridge mo at mamaya mo na kainin," sabi ko kaya tumalikod siya at mabilis na inilagay yung box sa loob nung malaki niyang ref. Ang laki nun, laging puno ng kung ano-anong pagkain. Magkasabay kaming lumabas nung kwarto niya pababa sa kusina kaya naabutan namin sila Daddy na nagtatawanan sa gitna ng lamesa. "Dito ka maupo," sita ko kay Dane nung mauupo sana siya dun sa pinaka dulong upuan. Pinaghila ko pa siya bago ito naupo sa aking tabi at nagsimulang kumuha ng pagkain. "How's your first day of work, Dane?" biglang tanong ni Daddy habang nakatingin kay Dane na tahimik na kumakain. "It was great Daddy, kaso lang ang layo nung opisina ni Kuya sa opisina ko but all in all maayos naman ang lahat. Mababait din yung ibang employees sa akin," sagot niya kaya tumango si Daddy at sa akin naman nag baling ng tingin. "And you?" tanong kaya umayos ako ng tayo bago sumagot. "Ganun parin," simpleng sagot ko kaya ngumiti siya. Lumipas ang ilang minuto at tahimik lang ulit kaming kumain pero biglang binasag ni Mommy yung katahimikan. "Napag-usapan namin ng Daddy mo Dane, na hahayaan ka na naming gamitin ulit yung kotse mo. But--dapat mag-ingat ka parin," biglang sabat ni Mommy kaya kumunot yung noo ko. "What? No way! Bibigyan ko siya ng sariling driver!" Seryoso kong sabi habang nakatingin kay Dane na nakangisi na ngayon. "Hindi naman siya ganun kagaling mag maneho." "Stop it kuya, marunong kaya ako!" angal ni Dane kaya tinawanan ko siya ng pagak. Minsan talaga naiinis na ako sa kakulitan niya. "Marunong? Kaya pala sumabog yung isang sasakyan ni Lolo dahil binangga mo dun sa fence niya. Tell you something, marunong ka nga mag drive madam," sarkastikong sabi ko kaya narinig ko na nagtawanan sina Mommy sa tabi ko. "Tama na yan, hayaan mo na lang si bunso na magkaroon ng sariling kotse. Magiging busy kasi kami ng Daddy mo dahil inaayos namin yung resort natin. Napapabayaan na kasi," saway sa akin ni Mommy kaya napailing na lang ulit ako. "She'll be fine," sabat ni Daddy kaya napilitan akong tumango at sumang-ayon na lang din sa gusto nila. Hayst... "Kuya, pwede mo ba akong samahan sa labas? May bibilhin lang ako na materials para sa pag sketch ko mamaya," bigla niyang bulong sa akin habang kumakain. "Bakit ngayon ka lang bibili nung mga kailangan mo? Ang haba ng maghapon tapos kung kailan gabi, saka ka lalabas?" singhal ko sa kaniya pero ngumiti lang siya sa akin at hinawakan yung braso. "May trabaho kaya ako Sir," sabi niya. "Saan ka ba bibili?" tanong ko ulit habang nililigpit yung pinagkainan ko. Tapos na kasi akong kumain... "Kahit idaan mo na lang ako sa National bookstore kuya," sabi niya kaya tumayo ako at isinuot yung coat na nakasabit sa upuan. "Intayin na lang kita dun sa labas. Magpalit ka muna ng damit dun sa kwarto mo dahil ang unli niyan." Sabi ko sa kaniya bago ako lumapit sa upuan nina Daddy para magpaalam. "Aalis na ho ako Daddy, Mommy." "Sige, ingat kayong dalawa. Ihatid mo din iyang kapatid mo pauwi bago ka bumalik sa trabaho," Daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD