KABANATA 1:
AKALA ko tuloy ngayong araw na agad ako magsisimula ng aking trabaho kay Mr. Lash pero nagkamali ako. Pero tama siguro iyong desisyon niya na bukas na lang baka malay niya ba na mag-iba ang desisyon ko na hindi naman mangyayari. Hinding-hindi mag-iiba ang aking desisyon lalo na't trabaho iyon.
Sumakay na ako ng sasakyan pauwi sa bahay. Kakalabas ko lang sa Porneo Corp. dahil in-interview pa ako ng walang hiyang higad na sekretarya ni Mr. Lash.
Nevermind!
Halos kalahating oras ang naging byahe ko nang makarating ako sa bahay. Bumaba na ako at nagbayad. Naglakad na ako papasok sa bahay pero laking pagtataka ko nang makita ang mga kapit-bahay namin na nakadungaw sa may bintana at pinto ng aming bahay. Hindi ko alam ang sinisilip nila.
Nang mapansing paparating na ako ay agad na lumapit ang isa sa kanila na si Aling Magda, kumare ni mama.
"Tamina, ang iyong mama..." Nakita kong unti-unti siyang naluluha.
Ano ba kasing nangyari?
"Ano po? Ano pong nangyari kay mama, Aling Magda?!" nagdedeliryo kong tanong sa kaniya.
"Ang mama mo, w-wala na!" aniya na ikinagulat ko dahilan para mabitawan ang mga paper bag kong hawak.
Nagtatakbo ako papasok ng bahay at nahindik na lamang ako sa aking nasaksihan. Si mama, nakahiga siya sa sahig habang naliligo sa sarili niyang dugo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Halos lahat ng dugo niya ay binalot na ang sahig. Unti-unti akong lumuhod at hinawakan ang kaniyang malamig na kamay.
"M-mama..." mangiyak-ngiyak kong saad sa kaniya kahit alam ko namang hindi niya ako sasagutin.
Ilang oras lang akong nawala tapos ito na ang makikita ko sa aming bahay. Sinong hayop at walang puso ang gumawa nito sa kaniya? Sino?!
"Mama, gumising ka! Gumising ka!" Inalog-alog ko ang kaniyang katawan para gumising kahit alam ko namang hindi na mangyayari iyon sapagkat iniisip kong buhay pa siya. Buhay pa siya, Tamina!
Iyak nang iyak lamang ako hanggang sa hindi ko na namalayan na unti-unti nang nanghihina ang aking katawan. Ilang segundo pa ang nakalipas, napahiga na lamang ako sa tabi ni mama. Pero bago ako mawalan ng malay, narinig ko pa ang mga sigawan nila, ng mga taong nakapaligid sa amin.
***
NAGISING ako sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Nangunot ang noo ko saka dahan-dahang bumangon at umupo. Hindi talaga pamilyar sa akin ang kuwartong ito. Nasaan ba ako?
Huminga ako nang malalim at dahan-dahang bumaba sa aking kinalalagyan. Pero bago ko pa ilapat ang aking mga paa sa sahig, biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha.
Si Mr. Lash.
"S-sir," saad ko nang makita siya.
"Don't do that. You're not totally fine," aniya saka ipinatong sa lamesa ang supot niyang hawak.
"B-bakit po kayo naririto? Nasaan po ba ako?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Hindi ko kasi mapigilang ibukas itong aking bibig para magtanong. Hindi naman siguro masama iyon.
"Nandito ka dahil bigla ka na lang hinimatay kanina. You are in my Hospital."
Nagulat ako sa sinabi niya. Anong sabi niya, nasa Hospital niya ako? Hindi ko akalain na mayroon pa siyang establisyementong pinatatakbo kaya siguro'y napakayaman niya.
"Maraming salamat po," nakangiti kong saad.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay umupo lang at tumuon sa kaniyang cellphone. Bumalik na ako sa aking posisyon at tiningnan ang nakasaradong pinto. Kailan kaya ako makakalabas?
"Condolence, Tamina!"
Napatingin ako sa kaniya at gulat na gulat.
"Ano pong sinabi niyo?" naguguluhan kong tanong.
"Wala na ang mama mo. She was killed!"
Hindi ko alam ang aking magiging reaksyon nang marinig ang sinabi niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang lahat-lahat. Hindi. Hindi pa patay ang mama ko.
"Huwag mong sabihin iyan, Sir. Lash dahil wala kang e—"
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya, bigla niya akong niyakap. Niyakap niya ako nang mahigpit dahilan para mapahagulhol ako sa kaniyang dibdib. Sa kaniya ko nilabas ang aking pagdadalamhati sa nangyari kay mama.
"Everything will be fine, Tamina..." naring kong sabi niya na hindi ko na nagawa pang tumugon dahil labis ang aking pagdudusa.
Bakit ko pa kasi iniwan si mama ng mag-isa sa bahay?
Bakit?!
***
MAKALIPAS ang isang Linggo...
Siguro kung binilang ko kung ilang beses na akong nag-doorbell ay baka nakalima na ako. Kanina pa akong nakatayo rito pero wala man lang nagbubukas ng gate o maski silipin lang ako sa bintana.
Nandito nga pala ako sa may bahay ni Mr. Lash Porneo, ngayong araw na ako magsisimula ng pagiging isang kasambahay niya.
Nga pala, nailibing na si mama noong isang araw. Malungkot pero dapat kong kayanin ang mga pagsubok na ito at mga pagsubok pang dadating sa aking buhay. Namatay si mama dahil sa sampung saksak sa kaniyang katawan. Pinatay siya dahil pinagnakawan ang aming bahay ng araw na iyon. Nahuli na ang dalawang suspek pero para sa akin, kulang na kulang iyon. Hindi na dapat sila ikinulong, dapat ibinitay na lang siya. Dapat hinilera na lang sila sa mga death row. Pero walang ganiyong batas ngayon. Ang hinihingi ko na lang ay mabulok sila nang matagal sa kulungang kinalalagyan nila.
Hindi ko namalayan na naluha na pala ako. Pinunasan ko ang aking mga mata gamit ang laylayan ng aking t-shirt. Lumunok ako ng laway saka pinindot muli ang doorbell. Pero laking gulat ko sa aking nakita. Medyo napa-atras ako nang bahagya.
May isang lalaking nakatayo sa aking harapan at wala siyang damit. Nakatingin siya sa akin ng diretso. Sino ba siya? Driver ba siya ni Mr. Lash? Bakit ang guwapo? Bakit ang hot?
"Ilang beses mo ba iyang pipindutin?" Naramdaman kong medyo galit siya.
"S-sorry, kanina pa kasi ako rito e, hinihintay kong lumabas si Mr. Lash, nasa loob ba siya? Patawag naman," magiliw kong anas.
Bigla siyang tumawa pagkatapos kong sabihin ang lahat. Ano namang tinatawa-tawa niya? May mali ba sa sinabi ko?
"Who are you, Miss?" tanong niya.
"Ako si Tamina Lopez. Pasabi naman kay Mr. Lash na nandito na ako sa labas. Ako kasi iyong nag-apply bilang kasambahay niya. Ngayong araw na ang simula ko ng trabaho. Please?" pakiusap ko.
Nginisian niya lang ako. "Huwag mo akong inuutus-utusan. Hindi mo kilala ang nasa harapan mo!" nagngangalit niyang ani.
"Sino ka ba?" walang kaemo-emosyon kong tanong.
Hindi muna siya umimik. Inayos niya ang kaniyang basang buhok. Ang guwapo niya talaga.
"Ako lang naman si Lash Porneo. The person who owned this house where you stand! At puwede ba, umalis ka na dahil never akong nag-hire ng maid. I can live by my own without any help of others."
Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Siya raw si Mr. Lash Porneo? Kung siya talaga iyon, sino iyong nakausap ko sa office at Hospital?
"Hindi ako naniniwala. Nagka-usap pa nga kami ni Mr. Lash na kinabukasan ay magsisimula na ako sa aking trabaho. Tawagin mo na kasi siya."
"Hindi ako utusan, so don't you dare! Hindi mo alam kung sino ang sinasalitaan mo ng ganiyan. I am a heartless! Gets?"
Napatulala na lang ako. Hindi ito puwede. Kailangan ko ng trabahong ito para sa aking kapatid. Kailangang-kailangan ko ang trabahong ito!
"Kung ikaw po talaga si Mr. Lash, baka puwede niyo po akong maging kasambahay niyo kahit ilang buwan lang. Nagmamakaawa po ako sa inyo, hindi ko na po alam ang aking gagawin kung hindi ko mapasukan ang trabahong ito. Kailangan ko po ng pera para sa aking kapatid. Nagkakamaawa po ako!" Lumuhod ako sa harapan niya. Kakapalan ko na ang mukha ko para lang sa trabahong ito.
"Sino ka nga ulit?"
"T-Tamina po," tugon ko.
"Tumayo ka!" Ginawa ko ang sinabi niya. "I'll give you three months. You will work for me. After that, aalis ka na," dagdag pa niya.
Dahil sa kasiyahan ay nagawa ko pang mapatalon. Ayos na rin ito kahit papaano. Matutustusan ko na ang gastusin ng aking kapatid. Mabuti na nga lang at pinaiwan ko muna siya kay Aling Magda. Hindi pa niya naman kaya ang mag-isa.
"Maraming salamat po talaga."
"You're welcome. Pumasok ka na at umpisahan mo na ang trabaho mo ngayon," aniya saka binuksan ang gate. Umalis na rin siya at pumasok sa malaki niyang bahay. Pumasok na rin ako para sumunod.
Simula na ng aking trabaho ngayon at sana naman ay maging maayos. Kung hindi man, sunod-sunod naman yata ang malas ko!