PANIMULA:
MASAKIT na ang paa ko kaya umupo muna ako sa bench na aking nakita. Ilang oras na ba akong naglalakad para lamang maghanap ng trabaho? Kinuha ko ang de-keypad kong cellphone para tingnan ang oras.
It's already ten in the morning.
Huminga ako nang malalim saka sumandal sa aking kinauupuan. Nag-iisip nang malalim para sa kapakanan ng pamilya ko. Hindi ako babalik sa bahay ng walang nahahanap na trabaho. Kahit ano pa iyan, papatusin ko na!
Akmang tatayo na ako nang makapa ko ang isang papel na nasa tabi ko lang. Kinuha ko iyon at tiningnan. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Nakatadhana talaga ito sa akin. Naghahanap lang ako ng trabaho kanina pero ngayon ay kaharap ko na.
Nakasulat sa papel na kailangan daw ng isang kasambahay na magsisilbi sa isang mayamang lalaki. Keri naman ito kaya wala na akong magagawa. Tutal at highschool lang ang natapos ko kaya feel ko parang deserving ako sa trabahong ito. Nasa ibaba naman ng papel ang details sa pag-a-apply. Magtatrabaho ako rito para sa aking pamilya...
***
HALOS malula ako nang makita ang napakataas na building na nasa aking harapan. Ngayon lamang ako nakakita nito at ngayon lang din ako papasok. Bumuga ako ng hangin mula sa bibig at dali-daling pumasok sa loob.
Wow! Ang ganda. Hindi ko alam kung kumpanya ba ito o mansyon. Ibang-iba talaga sa mga building na nasa pelikula. Sabi nga nila, mayaman ang may ari nito that's why pangmayaman din ang style ng building.
Naglakad na ako. Teka! Saang floor ba ako pupunta? Napailing ako ng sunod-sunod saka kinuha ang papel na nasa aking bulsa, ang papel na iyon ay ang nakuha ko roon sa bench noong isang araw. Sa 15th floor pala ako pupunta dahil nandoon ang opisina ng magiging amo ko. Oo, pupunta ako sa magiging soon-to-be my amo. Kasi noong tumawag ako ang sabi lang ay pumunta raw ako sa Porneo Corp., na akin nang inaapakan.
Pumasok na ako ng elevator at pinindot ang floor na aking pupuntahan. Sa totoo lang, may phobia ako sa ganitong sasakyan. Pakiramdam ko kasi ay parang matatanggal iyong wire sa itaas tapos lalaglag kami sa pinakangbaba tapos mamamatay kami. No, maling-mali itong iniisip ko. Kakapanood ko yata ito ng Final Destination kaya nagkakaganito ang utak at isip ko.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakalabas na rin ako sa wakas. Isang sexy-ng babae ang lumapit sa akin.
"Good morning, Ma'am. May I know why are you here?" tanong ng babae.
Grabe naman, kaya ayaw ko sa ganitong lugar dahil puro english ang mga salita. Nakakainis pero sabi ko nga, papatusin ko ang trabahong ito.
"Pupunta lang ako kay Mr. Lash Porneo, ako kasi iyong mag-a-apply bilang kasambahay niya," nakangiti kong sabi rito.
Nagulat na lamang ako nang biglang tumaas ang isa niyang kilay.
Attitude ka, girl?!
"So, you are Tamina Lopez?"
Tumango ako nang bahagya. "Oo..."
"Pakisabi nga sa sarili mo na hindi bagay maging maid ang isang katulad mo. Hindi mo alam ang ugali ni Sir. Lash. He's heartless and rugged! Not sometimes but everytime!"
Aba't anong problema ng babaeng ito sa akin? Baka gusto niyang matikman ang nakakabaliw kong suntok! Baka nga hindi pa siya makatulog sa sakit!
"Umalis ka na nga. Pati wala siya rito. He's in his home that's why wala kang makakausap. Huwag ka na ring bumalik dahil you didn't deserve the spot." Tinarayan niya ako saka umalis.
Nanggigigil na ako sa babaeng iyon. Kung hindi lang siya empleyado rito ay baka kanina ko pa siyang nasuntok sa mukha. Inis na bumalik ako sa elevator para bumalik sa ibaba. Babalik na naman ako sa pagiging mahirap, what I mean is, babalik na naman ako sa paghahanap ng trabaho. Tsk!
Mayamaya pa ay natigilan ako sa aking paglalakad nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko agad iyon at nang makitang may tumatawag, kaagad kong sinagot.
"Hello," sabi ko.
Hindi ko kilala kung sino iyon dahil numero lang ang naka-register sa contact.
"Ms. Tamina Lopez, Mr. Lash is waiting you in his office for an hour. If you want his job, go now!"
Nanlaki ang mga mata ko. Biro ba ito? Parang tanga iyong babae kanina. Papunta na ako sa opisina niya pero itong si girl ay hinarang ako. Medyo natuwa naman ako dahil hinintay pa ako ni Mr. Lash.
Muli akong bumalik sa evelator para pumunta sa 15th floor. Hinding-hindi na ako mapipigilan ng babaeng iyon. Mayamaya pa ay bumukas na ang evelator kaya lumabas na ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta sa oras na ito basta't ang nasa utak ko ay ang trabaho. Sa ilang minutong paghahanap, isang pinto ang naka-attract sa akin. Malaki iyon. May palatandaan naman siguro kung opisina ba iyon ni Mr. Lash. Tiningnan ko ang itaas ng pinto at nakita ko ngang doon ang opisina niya.
Bumuga ako ng hangin saka dahan-dahang kumatok.
"Come in..."
Isang tinig ang nanggaling sa loob. Mukhang si Mr. Lash na iyon. Muli akong bumuga ng hangin sa bibig saka dahan-dahang pumasok.
Wow! Ang ganda ng loob. Hindi siya normal na opisina. Hindi ko na pinansin ang iba pa pero ito lang ang masasabi ko, ang ganda talaga!
Nakakalaglag panty ang ganda.
"Good morning po, Mr. Lash Porneo," magaliw ma bati ko sa lalaking nakaupo sa swivel chair.
"You are Tamina Lopez, right?" tanong nito saka tumayo sa pagkaka-upo. Lumapit siya sa akin at para bang ini-imbestigahan ang hitsura ko.
Oo na, mukha na akong jejemon!
"O-opo," medyo kinakabahan kong sagot.
"You should fix yourself. At ano iyang hawak mo?" Parang diring-diri niyang tinuro ang cellphone kong hawak. Keypad lang ito pero talagang napamahal na sa akin.
"Cellphone po," magalang at nakangiti kong sagot.
Umiling siya. "Itapon mo nga iyan. Hindi bagay sa opisina ko. Go, throw that s**t in the garbage!"
Nagulat ako sa sinabi niya. Nahihibang na ba siya? Oo, mumurahin lang ito pero ano naman ang big deal doon? Hindi ko itatapon ang cellphone ko— magkamatayan man.
"Sorry po pero kapag itinapon ko po ito ay wala na po akong magagamit," sabi ko sa medyo may kalungkutang tono.
"Who told you na wala kang magagamit? By the way, you will start your work tomorrow. Gawin mo na lang ang sinabi ko sa iyo." Umalis siya sa harapan ko saka pumunta sa couch na may mga paper bag. Ano kayang mga laman noon? Nakita ko pang kinuha niya iyon at nagulat ako nang lumapit muli siya sa akin. "Here!" Inabot niya sa akin ang mga iyon kaya naman kinuha ko.
Sino naman ako para tumanggi? Medyo makapal din talaga ang face ko minsan.
"Sa akin po?" nagtataka kong tanong.
"These are for you. Huwag mong dalhin ang pagiging jejemon mo sa bahay ko, okay? Para sa iyo iyan. Puwede ka nang umalis. Remember, your work will start tomorrow. I will text you the address of my house. See you!" Nagba-bye pa siya sa akin at umupo sa kaniyang swivel chair. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko ngayon, ganito ba talaga si Mr. Lash Porneo?
Akala ko ba'y wala itong puso at masungit?
Pero bakit ganoon?
Bakit—
—kakaiba ang ugali nito?
O baka gawa-gawa lang iyon?
Huminga ako. Salamat naman at mabait ang magiging amo ko.