Chapter two

1704 Words
My cold husband Chapter 2 (hurts) Nagmamadaling bumaba ng sasakyan si Tasha nang makita niya ang sasakyan ng binata sa parking lot nang kanilang mansyon. Excited siyang makita ito. Patakbo niyang pinasok ang gate na halos hindi na niya ininda pa ang heels niyang suot na sapatos. Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay tumambad kaagad sa paningin niya ang isang babaeng may golden hair at balingkinitan na katawan at sobrang puti na para bang namumula mula. In short mestisang babae. Laglag balikat siyang pumasok. Napansin naman kaagad siya nito "Hi! Tasha, right?" Paano niya ako nakilala? Hindi ko nga siya kilala. Sa loob looob niya. "Bakit? Paano mo ako nakilala?" I asked. Itinuro nito ang aking picture frame sa mesa na may pangalan ko nga iyon. Kaya pala niya ako nakilala. "Ah, Okay. Ikaw sino ka naman?" may pagtataray ko na tanong. Ngumiti ito ng pagkatamis tamis. "By the way i'm Althea Santos." Nakipagkamay pa ito sa akin. Tinanggap ko din naman kaagad ang kamay niya. Nagtataka pa rin ako kung bakit nasa bahay ang babaeng kaharap ko ngayon. Ang akala ko madadatnan ko ay si Kyfier pero nagkamali ako. Isang babae na hindi ko kilala ang nasa harapan ko ngayon. "Babe! Let's go!" Halos matulala sa kinatatayuan si Tasha nang marinig ang familiar na boses ng lalaki. Ang matagal niya ng pinapangarap. Nakangiting humarap siya dito sabay flip sa kanyang buhok. Pero ang akala niyang siya ang tinawag na babe ay nagkakamali pala siya. Ang tinatawag pala ng lalaki na babe ay ang kaharap niya. Ang mestisang babae. Napahiya siyang napakagat labi na kunwaring tumingin sa mga paa ng inakbayan ni Kyfier si Althea. Sumakit ang kanyang dibdib Alam niyang napansin 'yon ni Kyfier pero isnob lang siya nito. Pansin niya ang mahinang pagtawa nito ng dumaan ito sa kanyang tabi. Napakagat labi siya sa pagkapahiya. ---Tasha POV----- Wala sa sariling kumakain ako kasama si Tita Colline, si Mom and Dad at ang nag iisa kong pantasya si Kuya Kyfier bakit kailangan kasama pa ang girlfriend niya ang sakit lang na ang sweet sweet niya kay Althea pero sakin ni hi ,hello wala man lang akong marinig mula galing sa kanya. "May problema ba hija?" siguro nahahalata ni Mom na wala ako sa sariling kumakain. "Siguro may problema si baby Tasha. What is it my dear ? " "Tita, hindi na po ako baby," sabay tingin kay Kyfier na abala sa pagkain habang sinusubuan ni Althea. "Dalaga na po ako mag de -debut na nga po ako eh!" proud ko na sabi. Nilakasan ko para naman marinig ni Kyfier na hindi na ako bata at pwede na akong mag asawa. Pero sa malas ay hindi man lang siya nag atubiling tingnan ako. Maganda naman ako sexy kung ipagtatapat kami ng girlfriend niya may panlaban din naman ako. "Really, Tasha? Kailan ang birthday mo?" Wala akong paki sa 'yo hindi ikaw ang gusto kong magtanong niyan sa isipan ko. "Next week!" walang gana na sagot ko. "Advance happy birthday Tash!" nakangiting bati ni Althea para sabihin ko sa kanya hindi siya ang gusto kong magsabi niyan kundi ang katabi niya. "I'm so excited for your debut my dear. Siguro naman hija pwede hiramin ni Tasha si Kyfier for her 18th roses." baling ni Tita Colline kay Althea. Nakita kong kumunot ang noo niya pero napalitan 'yon nang plastik na ngiti. halata naman na kaplastikan lang ang pinapakita niya. "Ofcourse, no problem, Tita. Alam kong parang kapatid na rin ang turing ni Kyfier kay Tasha, right, babe? " "Yeah!" Yun lang ang sagot niya "Yeah" at anong turing niya sa 'kin parang kapatid ang unfair talaga samantalang ako turing ko sa kanya my future husband. Sayang lang ang ayos at pagpapaganda ko kung turing niya lang saakin isang kapatid. Napatingin naman silang lahat sa'kin nang bigla ako'ng tumayo .. "Tapos na po akong kumain." pansin ko ang pagkatingin sa akin ni kuya Kyfier pero tinanggal din niya agad 'yon at humarap kay Althea. Nakaingos akong umalis sa hapag kainan. Ang akala ko panaman masosolo ko si Kuya Kyfier yon pala may nakabantay hays! Ang hirap may girlfriend siya habang ako ito umaasa na mapansin niya. I hope someday mamahalin niya ako pero parang malabo nang mangyari yon. Dahil halatang mahal na mahal niya si Althea, but still hindi ako susuko what I want, I will get it. Umakyat muna ako saglit sa kwarto at bumaba din pagkatapos napadaan ako nang banyo nang may marinig ako'ng nagsasalita at hindi ako nagkakamali si Kuya Kyfier yon siya ang nasa loob nang banyo. Sandaling inayos ko ang make up sa salamin at hinintay na lumabas ang binata. Inaabangan ko talaga siya sa pinto. Laking gulat niya nang makita ako'ng nakatayo sa tapat nang pintuan nakakunot ang noo ni'ya na nakatingin sa'kin "What are you doing here? Sinisilipan mo ba ako?" Cold at walang ekspresyon ang mukha niya na humarap sa akin. Pinakita ko pa rin sa kaniya na hindi ako naaapektuhan. Ngumiti lang ako at nag-wave sa kaniya. "Hi Kuya Kyfier!" Wala pa rin siyang reactions ipinaglihi ata siya sa robot at kahit anong pa cute ko sa kanya hindi man lang niya naaapreciate. "Pwede bang tumabi ka muna, last time na nagkita tayo nakaharang ka rin sa daanan ko and now nakaharang ka pa rin!" Hindi ako magpapaapekto sa kanya. Ngumiti ulit ako. '"Anong oras na?" Napatingin siya sa suot kong relo. "Oras na para mahalin mo 'ko," diretsahan kong sagot na hindi ko nga alam kung bakit ko nasabi yon. Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "You know what! Wala akong panahon para makipaglokohan sayo, young woman!" Akmang dadaanan na ni'ya ako pero hinarangan ko ulit siya gamit ang mga kamay ko. "Para sabihin ko sa'yo hindi na ako bata!" Taas noo kong binigkas ito sa harapan niya. Nakatingala pa ako sa kanya, sa tangkad niya ay hanggang balikat lang niya ako. "Anong tingin mo sa sarili mo! Nasa katinuan ba ang magpropose sa isang lalaki. Isip bata at walang pride sa sarili. Hindi mo alam kung anong sinasabi mo! I'm telling you... wala kong time sa mga walang kwenta mong kalokohan! So, you should stop bothering me! You understand young woman ?" Naiwan akong tulala sa mga sinabi niya ang sakit niya magsalita halos hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil sa paulit-ulit na naririnig ko ang mga katagang mula galing sa kanya. I'm broken. My heart is broken. Tulala akong naglakad papasok sa silid at inayos ang sarili. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lahat nang sinabi niya. Hindi pa kami pero kung masaktan ako sobra sobra na. Pangit ba ako at hindi niya ako magustuhan? Sabagay masaya na si'ya sa feeling ni Althea hindi niya man lang naisip ang Nararamdaman ko paano nga ba ni'ya ako iisipin sa umpisa pa lang wala na si'yang pakialam sa'kin. "Tasha anong ginagawa mo diyan?" pinunasan ko na lang ang kaunting luha at humarap kay manang Delia ang pangalawang ina kong tinuturi. Siya 'yong katiwala namin sa lahat, mas close ko pa nga ata si'ya kay'sa kay mom and dad. Palaging si'ya ang kasama ko sa bahay. "Wala po Inang," Lumapit pa ito sa akin. "Wala? Bakit ka umiiyak? Ikaw na bata ka may nawala na naman bang hello kitty sa kwarto mo?" Napangiti ako sa sinabi ni Inang Delia last time kasi na nakita ni'ya akong umiiyak when I was sixteen. 'Yong nawala ang make up set kong hello kitty. "Tumatawa -tawa ka di'yan hala lakad na sa salas at kanina ka pa hinahanap nang mom mo," I nodded. Dali-dali nang pumunta ng salas nakita kong masaya silang nagkukwentuhan but hindi ko na kaya pang makita si kuya kyfier at althea na masayang nagtatawanan nasasaktan ako loka kasing puso to busted na nga nagkakagusto pa rin. - - Wala sa sariling naglalakad si Tasha patungo sa isa niyang subject. Business Management kasi ang kinuha niya dahil yon ang gusto nang mga magulang niya but hindi naman talaga 'yon ang gusto niya ang gusto niya ay maging model. "Hoy! Lutang ka na naman sis!" Hindi niya namalayan na nasa likod na pala niya sila jesica at vanesa "Mukhang busted 'yan mukha mo? Sino nagbusted sa 'yo?" Vanesa "Wala!" agad niyang sagot baka pagnalaman nang mga ito na hindi siya gusto ng lalaking pinagmamayabang niya dito ay asarin lang siya ng mga ito. "Aysus si hello kitty girl! Ayaw pang sabihin eh halata na namin noh! Hula ko si Kyfier niya 'yan " Jesica. Tama nga sila si Kyfier nga ang dahilan kung bakit ako lutang masama bang mainlove sa lalaking limang taon ang gap sa akin? For god sake! His only twenty two pero kung makapagsabi siya sakin na bata pa ako. "Hays! Pag -ibig isa lang solusyon niyan Tasha!" Inilapit pa ni Jesica ang mukha niya sa mukha ko. "Ano?" sagot kong naiirita. Ang kulit kasi nila kita nanga nag-eemot ako. "Pikutin mo!" sabay tawa ng mabaet niyang kaibigan na si Jesica "Sira ulo ka Jesica baka pag ginawa yan ni Tasha naku! Iba pa naman yan si Tasha what she wants ay dapat nakukuha niya diba Tasha?" Pangdidiin ni Vanesa naglaro sa isipan ko ang mga sinabi ni Jesica. What if? Gagawin ko nga yon? "Hi! Tasha!" Lumapit naman sa kanila si Julius kaklase niya sa subject. "Speaking of...si Julius na lang nga kasi Tasha," pangloloko ni Jesica. "Yeah, Tasha mahal kong irog ako ay pansinin mo! "ani Julius na parang nagtutula gamit ang mga kamay na itinataas sa ere. Isa sa dahilan kung bakit ayaw ko kay Julius sobrang corny niya, nagtawanan naman ang mga kaibigan kong baliw. " Tasha debut mo na pala sa sabado ano ganap?" buti naalala ni Jesica "Wala, walang ganap," walang gana kong sagot. "Tasha pwede ba akong maging isa sa eighteen roses mo?" Julius "Bahala ka kung gusto mo. Walang gana ko pa rin sagot. Kung si Kyfier sana siya magtatalon ako sa tuwa pero hindi eh. Natapos ang subject na walang napasok sa utak ko sa kakaisip ko hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi niyang bata pa ako. Kaya ba hindi niya ako pinapansin at nagugustuhan ay dahil bata pa ako sa paningin niya. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD