Chapter 2.2

1501 Words
Kate's Pov Biglang nalaglag sa ibaba ang hawak kong portfolio nang ipakita sa akin ang taong VIP na kailangan kong bantayan at ipagtanggol. Ito ay walang iba kundi ang lalaking bastos na nakasalamuha ko noong nagpunta kaming tatlo nina Faith at Karen sa isang disco bar. Akala ko na hindi na kami muling magkikita pa ng lalaking ito ngunit nagkamali ako. Higit pala sa pagkikita ang mangyayari. Dahil simula bukas ay magiging bodyguard niya pala ako. Ayon sa nabasa ko ay ilang beses na itong nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay nito ngunit pinagsasawalang-bahala lamang ni Clayn ang mga iyon. Inisip nitong hindi seryoso ang nagpapadala ng mga death threat at nagti-trip lamang sa kanya. Naisip din nito na baka isa sa mga bashers nito ang nagpapadala ng mga pagbabanta sa kanyang buhay dahil hindi na niya mabilang sa kanyang mga kamay kung ilang bashers na ba niya ang nagpadala sa kanya ng mga mensaheng nagbabanta. Ngunit lately, ang mga mensaheng natatanggap nito ay nagiging brutal. Minsan ay pinapadalhan ang binata ng regalo na ang laman ay pusa o di kaya'y daga na walang ulo at puno ng dugo. Minsan naman ay pulang rosas na naliligo sa dugo at kung ano-ano pang pagbabanta na nakakakilabot. At noong gabi na nakasalamuha ko siya ay pinasabog pala ng kung sino mang taong iyon ang kanyang kotse. Mabuti na lamang at hindi pa ito nakakasakay sa kotse kasama ang mga kaibigan kung kaya't walang namatay o nasaktan sa kanilang lahat. Ang mga ginagawang ito ng taong iyon ay nagpapatunay kung gaano katindi ang galit nito kay Clayn. "What's wrong, Kate?" nagtatakang tanong sa akin ng aking superior na si Deputy Agnes Tanada; asawa ng kasalukuyang Chief of Police ng PNP o Philippine National Police. Ito kasi ang napili ng presidente na siyang mamuno sa female police form na itinatag ng presidente. "N-Nothing, Ma'am," sagot ko sa kanya. Hindi ako maaaring tumanggi sa misyong ito dahil istrikto si Ma'am Tanada. Sa unang araw pa lamang ng aming extra training bilang members ng female police force ay sinabi na niya sa amin na bawal tumanggi o pumili sa misyong ibibigay sa amin. Magkasabay kaming napatingin sa pintuan nang may kumatok pagkatapos ay bumukas iyon at pumasok ang isang babaeng sa tantiya ko ay nasa mid-forties pa lamang ang edad. Ngumiti ito nang makita ako sa loob ng opisina ni Ma'am Tanada. "Good morning," nakangiting bati ng bagong dating sa aking superior pagkatapos ay nagtatanong ang mga mata na binalingan ako ng tingin. "Siya na ba si Kate Lacsamana?" "Yes, Lucy," nakangiting sagot ng aking superior. "I would like you to personally meet Kate Lacsamana. She's one of my best female police member. At siya ang napili ko para maging bodyguard ni Clayn." So, manager pala ng Clayn na iyon ang babaeng nasa harapan ko ngayon, sabi ko sa aking isip habang tinitingnan ko ang manager ni Clayn na kahit may edad na ay maganda pa rin. "It's nice to meet you, Ma'am Lucy," nakangiting kausap ko sa kanya ngunit pilit lamang. Balak ko pa namang subukang makiusap kay Ma'am Tanada na baka puwedeng sa ibang FPF members na lang ibigay ang misyon. Ngunit hindi ko na magagawa iyon dahil nandito sa harapan namin ang manager ni Clayn at ipinakilala na ako ng aking superior sa kanya bilang magiging bodyguard ni kanyang anak-anakan sa showbiz. "Malapit kong kaibigan si Lucy kaya ikaw ang inirekomenda ko sa kanya para maging bodyguard ni Clayn. Ayoko kasing mapahiya sa kaibigan ko," kausap sa akin ni Ma'am Tanada na bagama't nakangiti ay alam kong nais niyang iparating sa akin na pagbutihan ko ang aking magiging trabaho. Akala ko ay hindi ako makakahanap ng alibi para tanggihan ang trabahong ito ngunit biglang pumasok sa aking isip ang una naming pagtatagpo ni Clayn. Mabuti na lamang at hindi maganda ang first meeting namin kaya ito ang gagamitin kong dahilan para tanggihan ang tranahong ito. Dahil ayojong maging bodyguard ng lalaking playboy na siyang pinaka-hate kong tao sa balat ng lupa. "Eh, Ma'am. I think hindi ko po matatanggap ang trabahong ito," tanggi ko sa dalawang babaeng nasa harapan ko. Nag-iba ang timplada ng mukha ni Ma'am Tanada nang marinig ang aking sinabi ngunit bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya ng aking paliwanag kung bakit hindi ko matatanggap ang trabahong ito. "Kasi po ang totoo ay nagkita at nagkausap na kami ni Mr. Clayn Ibannez sa disco bar ilang araw na ang nakalilipas. At hindi maganda ang nangyari sa aming pagkikita. Nabastusan ako sa kanya kaya hindi ko napigilan ang aking sarili at nasaktan ko siya. Sorry po sa nangyari. At saka hindi ko naman po alam na isa pala siyang artista. Matagal na kasi akong hindi nakakapanuod ng mga palabas sa tv kaya," mahabang paliwanag ko sa kanila. Dasal ko na sana ay hindi na nga ajo ang kuhanin para maging bodyguard ng playboy na iyon. Ayos lang sa akin na pagalitan ako ni Ma'am Tanada at Ma'am Lucy basta hindi lang ako maging bodyguard ni Clayn. Ngunit sa halip na magalit sa akin ang manager ni Clayn ay tumawa pa ito ng malakas na tila tuwang-tuwa sa kuwentong narinig mula sa akin. "It's my first time to hear and to know na may tao palang hindi nakakakilala sa aking anak-anakan at higit sa lahat ay may babae palang hindi apektado sa kanyang hitsura. Ikaw nga ang perfect para maging bodyguard niya," ani Ma'am Lucy na napapitik pa sa hangin ang mga daliri na tila nakakita ng ginto sa basura. Mukhang amazed na amazed pa siya sa ginawa ko. Nalintikan na. "Ma'am, Lucy. Hindi po kayo galit sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya? Hindi ba kayo nag-aalala na baka kapag bodyguard na niya ako ay muli ko siyang masaktan kapag hindi ko ulit nagustuhan ang ginawa niya?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Itinago ko ang malaking disappointment na nararamdaman ko. Akala ko naman ay makakalusot ako sa alibi kong iyon. Hindi pala. At mukhang mas nakatulong pa iyon para mapunta sa akin ang trabahong ito. "Of course not, Kate. Natutuwa nga ako sa ginawa mo. Hindi ka katulad ng ibang babae na nakahandang sambahin ang aking anak-anakan makuha lamang ang kanyang atensiyon," natutuwang sabi niya sa akin. "At ngayon palang ay sinasabi ko na sa'yo, Kate. Ibinibigay ko sa'yo ang aking approval. Saktan mo siya basta huwag lang life threatening at gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. Kahit huwag mo siyang ituring na amo ay okay lang basta siguraduhin mo lamang ang kanyang kaligtasan." Tuluyan nang nalaglag ang aking balikat nang marinig ko ang mga sinabi ng manager ni Clayn. Mukhang wala na akong kawala pa ngayon. Mahahalata na ni Ma'am Tanada na ayoko talagang maging bodyguard ni Clayn kapag ipinagpilitan ko pa ang gusto ko. "Eh, Ma'am Lucy, matanong ko lang po kung okay lang sa inyo. Sa tingin mo ay ano ang motibo ng taong nagtatangka sa buhay ni Clayn?" curious kong tanong. Ganitong wala na akong lusot ay kailangan ko na lamang alamin ang ilang mga bagay tungkol sa aking babantayan. "Pera. Kayamanan. Iyan ang hula ko kung bakit nais siyang patayin ng kung sino mang taong iyon," seryoso ang mukha na sagot sa akin ni Ma'am Lucy. "Hindi man halata ay ngunit isang bilyonaryo si Clayn, Kate. Ipinamana sa kanya ng kanyang Spanish na ama ang lahat ng mga ari-ariang namana naman nito sa bilyonaryo nitong ama. Ang Lolo kasi ni Clayn ay isa sa mga bilyonaryo sa England. Masuwerte nga ang ina ni Clayn na isang sikat na artista rin noong kabataan niya dahil inibig siya ng tapat nang ama ni Clayn," mahabang paliwanag ni Ma'am Lucy tungkol sa pinanggalingan ng yaman ni Clayn. "So parang hobby lamang ni Clayn ang pagiging artista? Katulad nang kung paano niya naging hobby ang pangungulekta ng mga kababaihan?" hindi napigilang sabi ko sa kanya. "Yes, Kate. Hobby lamang niya ang pagiging artista. At tungkol naman sa pagiging playboy niya ay malalaman mo rin ang dahilan kapag nakilala mo na siya ng lubusan," ani Ma'am Lucy sa tila misteryosong tono. "By the way, bago ko makalimutan ay gusto kong sabihin sa'yo na maging alerto ka kapag nasa paligid ang mga kamag-anak ni Clayn. Hindi natin alam kung baka isa sa kanila ang nagtatangkang magpapatay sa kanya dahil sa oras na mawala ang aking anak-anakan ay mapupunta sa kanila ang maiiwang yaman ni Clayn," babala sa akin ni Ma'am Lucy. Mabuti nga at nabanggit niya ito dahil kahit paano ay may ideya ako sa mga taong maaaring mastermind sa pagbabanta sa buhay ni Clayn. Makakapag-ingat ako sa kanila. "So ano, Kate? Siguro naman ay wala nang problema at tatanggapin mo na ang trabaho bilang bodyguard ni Clayn Ibannez?" naniniguradong tanong sa akin ng aking superior. Makakatanggi pa ba ako? sagot ko sa aking isip. Akmang ibubuka ko ang aking bibig para sabihing tinatanggap ko na ang trabahong ito ngunit naunahan ako ng pagkatok sa pintuan at ang pagpasok ng taong pinag-uusapan namin. Clayn Ibannez!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD