SA isang tahimik na lugar mayroong ilog na payapa ang tubig. Mayroong isang batang babae ang nag ngangalang Fay Ignacio na papunta sa ilog para tumambay, pero mayroon itong napansin na isang lalaki na nag-iisang nakaupo sa tabing ilog.
Nakilala n'ya kung sino ito kaya napangiti si Fay ng makita n'ya si Hans Del Mundo. Ang kaibigan n'ya na nakatira sa hindi kalayuan sa bahay nila. Agad na lumapit si Fay papunta sa kaibigan n'ya.
"Hi!" masiglang bati ni Fay sa kaibigan n'yang si Hans.
Umupo ito sa tabi ng kaibigan.
Nabigla si Hans sa pagsulpot ni Fay kaya agad nitong pinunasan ang luha n'ya. Nawala ang ngiti ni Fay sa labi n'ya ng makita si Hans na umiiyak na naman.
"Sinasaktan ka na naman sa bahay n'yo?" malungkot na tanong ni Fay sa kaibigan n'ya.
Nakaiwas ng tingin si Hans at ayaw nitong makita s'ya ni Fay na umiiyak dahil nahihiya ito na kalalaki n'yang tao ay nakikita itong umiiyak ng isang babae.
"Bakit kasi ayaw mong isumbong sila sa pulis?" tanong ulit ni Fay kay Hans.
Napatingin si Fay sa braso ni Hans na ang daming pasa nito at ang iba ay mayroong pang sugat.
"Hans!" sigaw nito ng makita n'ya ang daming pasa ng kaibigan n'ya.
Kinuha ni Fay ang braso ni Hans para tignan ang mga pasa nito at sugat. Tinignan n'ya ang kaibigan n'ya na kanina pa tahimik.
Naawa na s'ya sa kalagayan ni Hans dahil lagi na lang itong sinasaktan sa bahay nila. Tumayo si Fay at tumakbo pauwi sa bahay nila para kumuha ng gamot saka pagkain para sa kanila ni Hans. Malapit lang ang tinitirhan ni Fay sa ilog kaya agad din itong nakabalik.
Nadatnan pa rin n'ya si Hans sa ganoong pwesto. Binaba n'ya ang dala nitong first aid kit ng mama n'ya at ang pagkain na tinakas nito sa loob ng refrigerator nila.
"Anong gagawin mo?" takang tanong ni Hans kay Fay.
"Gagamutin kita dahil wala naman gagamot ng sugat mo sa inyo," sagot ni Fay kay Hans. "Mayroon akong dalang cake."
Kinuha ni Fay ang dala nitong isang slice ng cake. Tinignan iyun ni Hans sabay lipat ng tingin kay Fay. Si Fay lang ang nag-iisa n'yang kaibigan dahil simula ng mawala ang magulang nito ay wala ng gustong makipagkaibigan sa kan'ya.
Lagi s'yang sinasaktan ng bagong asawa ng stepmother n'ya na si Wilfredo kasama ang dalawa nitong anak na si Wilson at Weeny na halos kasing edad n'ya lang.
"Alam kong birthday mo ngayon kaya tinakas ko sa bahay ang isang slice ng cake," nakangiting sabi ni Fay.
"Baka mapagalitan ka?" nag-aalala na tanong ni Hans sa kan'ya.
"Ahhh!" daing ni Hans ng mapadiin ni Fay ang pagdampi ng bulak sa sugat ni Hans.
"Ayt! sorry!" sabi ni Fay.
Nag-peace sign ito na nagpatawa kay Hans.
"Hindi ako papagalitan pagnalaman nila na sa ‘yo ko binigay," masayang sagot ni Fay sa tanong ni Hans.
Pinagpatuloy ni Fay ang paggamot nito sa sugat ni Hans sa braso nito. Napatingin si Fay sa silver na bracelet n'ya. Pagkatapos na gamutin ni Fay ang sugat ni Hans ay hinubad nito ang suot n'yang bracelet.
Muli nitong kinuha ang kamay ni Hans at sinuot ang bracelet doon.
"Anong ginagawa mo?" takang tanong ni Hans.
Tinignan n'yang bracelet na binigay ni Fay sa kan'ya. "Sa ‘yo ito kaya bakit mo sinuot sa akin?" takang tanong ulit ni Hans.
Umayos ng upo si Fay at pinagmasdan ang magagandang tanawin sa ilog. "Wala kasi akong pambili ng regalo para sa ‘yo kaya iyan na lang," sagot ni Fay sa kaibigan n'yang si Hans.
"Hindi mo naman kailangan ibigay sa akin ito," sabi pa ni Hans.
"Mahalaga ka sa akin kaya binigay ko sa ‘yo iyan, kung hindi ka mahalaga sa akin baka tinulak na kita sa ilog," biro na sabi ni Fay kay Hans.
Napangiti naman si Hans dahil sa bait ng kaibigan n'ya na kahit na wala na ang magulang n'ya na nagmamahal sa kan'ya ng totoo ay nandito pa rin si Fay para pagaanin ang loob n'ya.
"Paglaki ko at nakakuha na ako ng magandang trabaho, ibibigay ko sa ‘yo ang pinaka magandang bracelet," sabi ni Hans kay Fay.
"Tatandaan ko iyan," nakangiting tugon ni Fay.
"Nandito ka lang pala!"
Napalingon si Fay at Hans ng marinig ang malakas na sigaw na iyon. Agad na napatayo si Fay at Hans ng makita nila si Wilfredo, Wilson at Weeny na nakatayo sa likuran nila.
"T-tito?!" kinakabahan na sabi ni Hans ng makita ang galit na si Wilfredo.
Pumunta si Fay sa harapan ni Hans para itago ito sa mga taong kaharap nila.
"Wag n'yo s'yang sasaktan kung hindi isusumbong ko kayo sa pulis!" kinakabahan na banta ni Fay kila Wilfredo, pero hindi n'ya ito pinapahalata.
Tumawa lang si Wilfredo sa sinabi ng batang babae.
"May girlfriend ka na?" tanong ni Wilfredo kay Hans na nakatago sa likuran ni Fay.
Naglakad papunta kay Fay ang anak na lalaki ni Wilfredo na si Wilson at hinila ito para makita ng papa n'ya si Hans.
"Ano ba?! Bitawan mo ako!" reklamo ni Fay ng hawakan s'ya ni Wilson.
"Wag ka ng makialam kung ayaw mong isumbong kita sa tatay mo!" sabi ni Wilson kay Fay.
"Bitawan n'yo si Fay!" sigaw ni Hans.
Balak nitong puntahan si Fay para kunin kay Wilson ng humarang sa kan'ya ang anak na babae ni Wilfredo na si Weeny. Naka-cross arm ito at matalim ang tingin sa kan'ya.
"At sino ka naman para magsalita?!" mataray na tanong ni Weeny sabay tulak kay Hans dahilan para mapaupo ito sa lupa.
Napayukom ang kamao ni Hans dahil sa galit n'ya. Bigla itong tumayo at tinulak din si Weeny.
"Sira-ulo ka!" sigaw ni Wilson.
"Pa!" sumbong ni Weeny kay Wilfredo na masama na ang tingin kay Hans.
"Humanda ka sa akin!" banta ni Wilson.
Binitawan ni Wilson si Fay sa pagkakahawak n'ya rito para sugurin si Hans.
Napaatras naman si Hans sa takot na saktan na naman s'ya nito.
"Umuwi ka na Hans at humanda ka sa akin sa bahay!" matigas na banta ni Wilfredo. Naghanap ito ng kahoy para ipamalo kay Hans.
"Buti nga sa ‘yo," pang-aasar na saad ni Weeny sabay dila kay Hans.
"Wala kang karapatan hawakan ang kapatid ko!" sigaw ni Wilson.
Naglalakad na ito papunta kay Hans ng biglang hawakan ni Fay ang braso ni Wilson para pigilan ito sa paglapit sa kaibigan n'ya.
"Takbo na Hans!" sigaw ni Fay.
Napatingin si Hans kay Fay, nagdadalawang-isip ito kung iiwanan ba n'ya si Fay.
"Halika dito Hans," aya ni Wilfredo ng makakuha ito ng kahoy na ipapamalo n'ya kay Hans.
"Bitawan mo nga ang kapatid ko!" sabi ni Weeny kay Fay.
Hinila ni Weeny si Fay para bitawan ang kapatid n'yang si Wilson, pero mahigpit nitong hinahawakan si Wilson.
"Takbo na Hans!" ulit na sabi ni Fay.
Nataranta at dahil na rin sa takot ni Hans kay Wilfredo ay tumakbo ito palayo doon, pero ang iniisip n'ya si Fay.
"Bumalik ka dito, bata ka!" sigaw ni Wilfredo.
Tumakbo rin si Wilfredo para habulin si Hans.
"Ahh!" daing ni Fay ng hilahin ni Weeny ang buhok n'ya dahilan rin para mabitawan ni Fay si Wilson.
Tinulak ni Weeny si Fay dahilan ng pag-upo nito sa lupa.
"Bwisit ka!" iritang sabi ni Wilson bago ito tumakbo para sundan ang papa n'ya at si Hans na tumatakbo na palayo.
"Babalikan kita!" banta naman ni Weeny bago sumunod kay Wilson sa pagtakbo.
Patuloy sa pagtakbo si Hans hanggang sa mag-dead end na ang tinatakbuhan n'ya. Napatingin si Hans sa ilog sa likuran n'ya, hindi ito sanay lumangoy kaya hindi ito makatalon sa ilog para takasan sila Wilfredo.
Tinignan ni Hans si Wilfredo na paparating na. Dobleng kaba ang nararamdaman ni Hans dahil paniguradong sasaktan na naman ito ni Wilfredo.
Hindi pa gumagaling ang sugat na kagagawan nila kay Hans ay magkakaroon na naman ng panibago. Pagdating ni Wilfredo ay napangiti si Wilfredo ng makita ang takot sa mukha ni Hans at wala na rin itong matatalakasan pa.
"T-tito, please wag mo po akong saktan!" pagmamakaawa ni Hans kay Wilfredo.
"Kawawa ka naman, wala ka ng nanay wala ka pang tatay na kaya kang ipagtanggol," sabi ni Wilfredo.
Nakatayo ito sa harapan ni Hans na takot na takot sa kan'ya.
"Gagawin ko po lahat ng gusto n'yo, wag n'yo lang po akong saktan," pagmamakaawa ulit ni Hans kay Wilfredo.
Umiiyak na si Hans dahil sa takot n'ya kay Wilfredo at wala na itong magagawa kung hindi ang magmakaawa na lang para hindi ito saktan.
"Lumuhod ka sa harapan ko," utos ni Wilfredo kay Hans.
Hindi na nagdalawang-isip ang bata para sundin ang inutos ni Wilfredo sa kan'ya. Tumutulo ang luha nito, puno ng pasa ang katawan at balot ng pawis ang balat n'ya.
"Patawad po sa nagawa ko kay Weeny, hindi ko na po uulitin," paghihingin ng dispensa ni Hans kahit na wala itong nagawang mali sa mga Tolentino.
"Dapat lang, dahil hindi ko na hahayaan ng mangyari ulit iyon!" sigaw ni Wilfredo.
Naglakad palapit si Wilfredo papunta kay Hans. Hinawakan n'ya ang pisnge ng binata at hinarap n'ya iyon sa kan'ya.
"Gusto mo bang sumaya kasama ang pamilya mo?" tanong ni Wilfredo kay Hans.
Hindi nagsasalita si Hans, pero may idea na ito kung ano ang balak na gawin ni Wilfredo sa kan'ya. Umiling si Hans na para ipahatid na wag n'yang ituloy ang iniisip ni Wilfredo sa kan'ya.
"Maawa ka po!" saad ng binata habang umiiyak.
Natawa bigla si Wilfredo.
"Naawa ako sa ‘yo kaya magsama na kayo ng magulang mong walang kwenta!" sigaw ni Wilfredo kay Hans.
Binitawan ni Wilfredo si Hans at tumayo na. Isang kakaibang tingin ang binigay n'ya kay Hans bago ito tinulak sa malalim na ilog.
"Tulong!" sigaw ni Hans habang pinipilit na lumangoy para iligtas ang sarili, pero parang lalo lang itong hinihila palubog sa tubig.
Pinapanood lang s'ya ni Wilfredo na malunod.
"Tito— tulong..." sigaw ni Hans, pero si Wilfredo ay walang ginagawa kung hindi panoorin lang ito.
"Ayoko ng sagabal sa mga plano ko," sabi ni Wilfredo bago tuluyang lumubog si Hans sa tubig.
Ilang minuto na, pero hindi na lumilitaw si Wilfredo. Isang ngiting tagumpay ang ginawa ni Wilfredo bago s'ya tumalikod.
"Papa?!" gulat na saad ng anak na lalaki ni Wilfredo na nakita n'ya ang lahat ng ginawa ng ama nito.
Agad n'yang nilapitan si Wilson na hindi makapaniwala sa nakita nito.
"Sabihin mo na tumalon s'ya mag-isa," sabi ni Wilfredo sa anak n'yang lalaki.
Tulala at hindi pa rin makapaniwala si Wilson sa nakita kaya hinawakan ni Wilfredo ang magkabilang balikat ni Wilson para iharap sa kan'ya.
"Pwede mo ng bilin lahat ng gusto mo," masayang saad ni Wilfredo sa anak n'ya.
"Talaga pa?"
Biglang nagbago ang reaction ni Wilson, naging masigla at masaya ito sa sinabi ng kan'yang ama.
"Nasaan si Hans?!"
Sabay na napatingin ang mag-ama ng marinig ang sigaw ni Fay, kasunod ni Fay si Weeny na hingal na hingal sa pagtakbo.
"Wilson, iuwi mo na si Weeny, tatawag ako ng pulis," pagpapanggap na sabi ni Wilfredo.
"B-bakit ka tatawag ng pulis?" takang tanong ni Fay.
"Tumalon sa ilog si Hans," sagot ni Wilfredo.
Nagulat si Fay sa narinig n'ya at agad itong tumakbo papunta sa ilog para tignan ang kaibigan n'ya.
"Hindi!" sigaw ni Fay.
Hinawakan s'ya ni Wilfredo dahil baka malaglag ang dalaga sa ilog.
"Sinubukan ko s'yang pigilan," sabi ni Wilfredo kay Fay.
Umiling si Fay at agad na tumulo ang luha nito ng malaman n'ya ang nangyari sa kaibigan n'yang si Hans.
"Hindi n'ya gagawin iyon," umiiyak na sabi ni Fay.
"Hans!" sigaw ni Fay na nagbabakasakali na nagtatago lang si Hans sa paligid.
Niyakap ni Wilfredo si Fay na nagpupumilit na lumapit sa ilog. Ang nasa-isip ngayon ni Wilfredo ay makukuha na n'ya ang lahat ng yaman ng mga Del Mundo ng walang kahirap-hirap.
Nagpupumiglas Fay sa pagkakahawak ni Wilfredo. Binitawan na ni Wilfredo si Fay na umiiyak sa harapan ng ilog.
"Hans! Magpakita ka na please!"