Alex POV
"Ang aga mo yata alex? San punta mo? Ang ganda ng suot mo, may date ka siguro?" sunod-sunod na tanong ni tito Jun. Ngumiti siya sa akin at naghihintay ng isasagot ko.
Hindi ko pa nasasabi kila tito na magtatrabaho na ako bilang bodyguard. Syempre dahil first day ko sa trabaho nagpaganda ako. Gusto kong mapagtanto ni Rence na maganda ako."May pupuntahan lang po akong kaibigan," sagot ko at lumabas na nang bahay.
Maaga ako dumating sa Montebuilders building. Ilang saglit pa ay nakita ko ang sasakyan ni insan kaya nagtago muna ako sa likod ng isang sasakyan. Pagpasok niya ng elevator ay nakahinga na ako ng maluwag. Mayamaya ay dumating na din ang sasakyan ni Rence.
Pagbukas pa lang niya ng pinto ay nakaabang na ako."Goodmorning boss" nakangiting bati ko.
Wala siyang reaksyon. Ang gwapo pa rin niya kahit ganun ang itsura niya. Sa gigil ko kinarut ko ang pisngi niya. Yung mga body guard na nasa gilid niya ay nagulat dahil sa ginawa ko.
"Ouch!" malakas na sabi niya sabay hawak sa pisngi.
"Sorry boss ang gwapo mo kasi," sabi ko sabay ngisi.
"Alex what are you doing?" Nakita ko agad na nagsalubong ang kilay niya kaya umayos ako ng tayo at seryoso siyang tinignan.
"First day ko ngayon bilang bodyguard mo remember?"
Napailing siya at nagpameywang. "See these bodyguards? Do you think kailangan ko pang mag-hired?" tanong niya habang nakaturo sa mga bodyguard niya.
Binilang ko lahat, nasa trenta sila medyo madami nga. Pero mukang walang balak tumupad sa usapan ang lalaking ito. "Madame sila. Pero ang usapan ay usapan!" napalakas na ang boses ko.
Ngumisi siya ng nakakaloko. "Pag na patumba mo lahat yan, kukunin kitang bodyguard. Pag hindi umuwi kana sa inyo."
Parang nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi ng hilaw na toh. Inikot ko ang ulo ko para mahimasmasan ako kahit papaano.
Lumakad na siya papunta na siya ng elevator. Pati security guard ay kinausap niya. "Wag niyo silang pakikialaman" sabi niya.
"Aba sinasagad talaga ng hilaw na toh ang pasensya ko, pasalamat ka gustong-gusto kita," sabi ko.
Pumalibot na sa akin ang mga bodyguard niya. Sabay-sabay silang sumugod sa akin. Nakaiwas ako sa mga suntok nila at tadyak nila. Mas mabilis pa ako sa mga lalaking ito. Dahil nag-uumpisa na din ang inis ko ay wala na akong pakialam kung may mabalian ng buto o may mamamatay.
Ilang minuto lang ang lumipas ay tumba na sila lahat. Pinagpag ko ang kamay ko at damit. "Hindi man lang ako pinagpawisan, yan lang ba ang kaya niyo!" sigaw ko.
Lumakad na ako papuntang elevator. Pipigilan na sana ako ng security guard ay natakot siya sa akin nang pinasadahan ko siya ng daplis na suntok. Binuksan niya ang elevator at mabilis na pinindot ang floor papuntang opisina ni Rence. Mabilis akong naglakad papuntang opisina niya. Hindi na ako kumatok. Pagpasok ko ay abala siyang nakatingin sa mga papeles.Napakunot ang noo niya nang umupo na ako.
"Hey! What are you doing here?" Kunot noong tanong niya sabay hilot ng sintido."Napatumba ko na sila, ibig sabihin bodyguard mo na ako," wika ko at ngumiti.
Umiling siya. "Okay!" Padabog niyang binagsak ang papeles sa mesa niya.
Hindi ka mananalo sa akin. Wika ko sa aking isip. "Mabuti naman boss, magkano pala ipapasahod mo sa akin?"
Napataas ang isang kilay niya. "What?!"
Mukang di niya narinig ang sinabi ko kaya unulit ko ulit. "How much is my salary?" Napa-english na ako.
Huminga siya ng malalim. "15,000 thousand per month" diretsahang sabi niya.
Nag-uumpisa na naman ang inis ko. 15k alawans ko lang yon sa isang linggo. Napahawak ako sa batok. Gusto kong habaan ang pasensya ko. "Tutal mahal naman kita magiging boyfriend naman din kita sige papayag na ako," sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko. "Anu pang hinahantay mo boss pipirma na ako ng kontrata ko" dugtong ko pa.
Napailing na lang siya at tumingin sa computer niya. "Okay, just wait," sabi niya. Habang naghihintay ay kinuha ko ang bubble gum sa bulsa ko at nginuya. Ilang minuto ang lumipas ay tapos na niya ang kontrata.
"This is your contract sign it here," sabi niya sabay turo kung saan ako pipirma.
"Hindi nakasulat ang buong pangalan ko? Okay lang ba yon boss?" tanong ko.
"No need to do that," ismid na sabi niya.
Ang sungit nitong hilaw na ito pasalamat ka gwapo ka. Isip ko. Pinirmahan ko na ang kontrata at iniabot sa kanya. Habang hindi siya nakatingin ay palihim kong dinikit ang bubblegum sa desk niya. Kala mo ang sungit mo kasi.
"See you around boss" nakangising sabi ko at lumabas ng nang opisina niya.
*********************
Rence POV
Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas na si Alexa ng opisina ko. "Ano bang nasa isip ng babaeng yon," wika ko sabay hilot sa noo.
Kahit ilang beses ko siyang ipagtabuyan ay panay pa rin ang pangungulit niya sa akin. Lalo na ngayon na malakas siya, natalo niya ang lahat ng bodyguard ko. Napailing ako, mukang wala na akong magagawa na paalisin siya lalo na ngayon na bodyguard ko na siya.
Tumayo ako at nagpalakad-lakad sa loob ng opisina ko. Nag-iisip ng ibang paraan kung paano ko mapapaalis si Alexa. "There's no way," sabi ko napaupo ako sa mesa ko.
Napangiti ako, may bigla akong naisip. "I'll make her suffer," sabi ko sabay ngiti. Pagtayo ko parang may malagkit na bagay na nakadikit banda sa slocks ko. Kinapa ko kung ano iyon. Bubble gum?!" naalala kong ngumunguya kanina si Alex.
Tinawagan ko agad ang bodyguard ko. "Buy me a pants now!" sabi ko sabay putol ng tawag. "Alex!" Halos bumakat ang ugat sa sintido ko sa sobrang inis.
*******************
Alex POV
Sa isang linggo kong pagbabantay kay rence ay nakabisado ko na ang oras ng pagpasok at pag uwi niya. At dahil nga bodyguard ko na siya ay kailangan ko din magsuot ng formal black suit. Hindi ako sanay sa damit na ito dahil mainit at masikip pa. Mas gusto ko pang mag-tshirt pero pinagbawalan ako ni boss Rence. Kasundo ko na din ang mga bodyguard niya.
"Ms. Alex may boyfriend kana?" tanong ng kasamahan namin na si Josh.
Naiirita ako sa kanya dahil panay ang dikit sa akin. Kung ano man ang naiisip niya ay wag niya nang gawin, dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko masapak ko pa siya.
"Meron na," sagot ko. Hinihintay ko ang paglabas ni Rence. Nakita ko kanina na umuwi na si insan. Lumapit sa akin si Josh at simpleng umakbay.
"Okay lang kung meron na, ang importante di ka pa kasal," nakangising sabi niya.
Naguumpisa na naman siyang mang-inis. Kinuha ko ang kamay niyang naka-akbay at pinilipit iyon sa likod niya.
"Aray! Aray!" nakangiwing sabi niya. Inawat ako ng ibang kasamahan namin.
"Tama na yan, ikaw Josh magtatanda kana. Alam mo naman mabilis kumilos itong si alex," sabi ng head namin na si kuya tonyo.
Napailing ako at binitawan si Josh. Pinagpag ko ang kamay at suit ko. "Sa susunod na ulitin mo yun pupuruhan na kita," ismid ko.
Mayamaya pa ay lumabas na si boss Rence."Lets go, lets have a dinner. Don pa rin sa dati, " nakangiting sabi niya
Napakunot ako ng noo.
"Alex pag good mood si boss nag-yayaya siyang kumain sa labas." sabi ng isa naming kasama.
Pumasok na kami sa kotse. Limang kotse ang nakasunod sa kotse si rence iba-iba ang kulay para di mahalata na bodyguard niya ang nakasunod. Pumasok kami sa isang korean restaurant. Mahilig pala si Rence sa korean food. Lalo na spicy food. Nalaman ko yon pag nagpapaorder siya ng pagkain niya at pag naglulunch siya sa labas.
Mabait si Rence, bukod don ay gentleman din. Pag nasa meeting kasi siya lalo na pagbabae ang ka meeting niya ay napaka galang niya. Di ko maiwasan na magselos. Syempre patay na patay ako sa kanya. Mahal ko na si boss Rence. Totoo yon dahil sa kanya lang ako tinamaan.
Pagpasok namin sa resto ay umupo ako sa tabi niya. Wala naman siyang reaksyon kaya tingin ko okay lang. Mahaba ang mesa namin kasya kaming trentang bodyguard niya. Nakaharap din sa amin ang isang videoke. Nag-order si boss ng maraming pagkain. Mukang kilala na siya ng mga waitress dito, kung makangiti kasi sa kanya ay wagas.
"Papacute lang kayo kay boss eh," ismid ko.
Lumingon siya sa akin. "Ano yon Alex?"
"Sabi ko boss ang gwapo mo, bingi ka lang," sabi ko sabay ngiti.
Napataas ang isang kilay niya. Lumapit ang isang matandang babae na parang intsik ang itsura. " Boss mabuti po na pumunta po ulit kayo."
Ngumiti siya. "Its always my pleasure to be here madam."
Nakamasid lang ako kay Rence. Parang natutunaw ang puso ko pag tinitignan ko siya ng matagal, lalo na pag ngumiti siya. Parang gusto ko siyang sakalin dahil sa kilig. Pati ang paghawak niya sa leeg niya parang yummy. Naakit ako sa mga kilos niya.
Pagkatapos ng usapan nila ng matandang babae ay nilingon niya ulit ako. Bumulong siya sa akin. Ramdam ko sa tenga ko yung malambot niyang lips. Hala! nakikiliti ako. Isip ko.
"Alex don't put bubble gum on my desk."
Kala ko kung ano na. "Hehe, sorry boss," sabi ko sabay layo ng mukha ko sa kanya. Panira ka ng moment eh. Isip ko.
Pagkatapos namin kumain ay umorder naman si Rence ng mga alak. Syempre ang mga kasamahan ko tuwang-tuwa. Halos ipaligo nila ang alak, pati yata bote halos kainin na din.
Malakas akong uminom pero di ko akalain na mabilis malasing si Rence. Habang nag-iinuman at panay din ang kantahan. Napansin ko na unti-unti ng nawawala sa sarili si Rence. Kinuha niya ang microphone sa isa naming kasama at kumanta siya.
Sa totoo lang mas gugustuhin ko pang tignan siya kesa marinig ang boses niyang nakakabasag ng pinggan. Humarap siya sa akin habang kumakanta.
"Honey my love so sweet," Kanta niya sabay heart signs niya. May Pagka-corny din pala siya.
Kumurap-kurap pa ako. Yung mga kasamahan ko panay na ang kantyaw sa akin. Dahil sa natutuwa ako sa itsura niya ay kinuhaan ko siya ng video. Mukang hindi na kasi mauulit ito.
Tinapos niya ang kanta. Para siyang nagco-concert. Sumenyas pa siya sa akin na ipokus ko sa kanya ang camera.Tawa ako ng tawa sa kanya. Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa pati mga kasamahan ko ay naging back up dancer niya. Mabuti na lang hindi ako nalasing. Napansin ko si kuya Tonyo na pailin- iling. Sinabihan kasi siya kanina ni Rence na wag mag-iinom dahil siya ang maghahatid kay Rence pauwi.
"Kuya tonyo hayaan mo na, minsan lang naman," sabi ko sabay tawa.
Lumipas ang tatlong oras ay walwal na ang mga kasamahan ko, pati si Rence nakahiga na sa mesa. Kanina puro pagkain ang nakalapag doon pero ngayon siya na ang nakahiga. Tinulungan ko si kuya Tonyo na buhatin si Rence. Mahirap siyang buhatin dahil sa tangkad niya. Habang buhat buhat ko ang kanang braso niya ay ramdam ko ang mga muscle niyang pumuputok na sa damit niya.
Matigas parang putok na tinapay. Isip ko sabay ngiti.
Nagtulong kami ni kuya Tonyo na buhatin ang mga binti niyang nakalaylay sa kotse. Nakahiga siya at tulog na tulog. Habang nagda-drive ay panay ang silip ko kay Rence.
"Kuya Tonyo okay lang ba na iniwan natin ang mga kasama natin doon sa resto?"
"Oo Alex, alam na nila ang gagawin nila pag ganitong nagpa-inom si boss."
Tumango tango na lang ako at sinilip ulit si Rence.
"Ganyan talaga si boss pag nalalasing kala mo may sanib," sabi ni Tonyo sabay ngiti.
"Oo nga," sabi ko. Buti na lang na-videohan ko kanina si Rence.
Huminto kami sa tapat ng malaking bahay. Mansyon at maraming security guard ang nagbabantay. Ilang saglit pa ay sinalubong kami ng mga bodyguard. Kinuha nila si Rence sa sasakyan at pinasok sa malaking bahay. Naiwan lang kami sa labas.
"Sobrang higpit ng security dito alex. Kahit ako ay di pa nakakapasok sa bahay nila."
Tumango ako. "Tingin ko nga."
Napalingon kame sa isang sasakyan. Binuksan ng mga security guard ang gate at mabilis itong pumasok. Nahagip ng mata ko ang nasa loob. Bigla akong kinabahan. Pops?!.
"Kuya Tonyo alis na po tayo," sabi ko at pumasok na sa loob ng sasakyan.
Hanggang sa pag-uwi ay nasa isip ko pa rin kung si Pops ba ang nakita ko. Mabuti na lang tulog si Roberto pagdating ko dahil kung hindi kukulitin na naman ako kung saan ako pumupunta. Pag gabi na ako nakaka-uwi ay dumadaan ako sa bintana hindi kasi ni-lolock ni Roberto ang bintana pag natutulog.
*****************