Chapter 3

1691 Words
Chapter 3 AKO: ”Magtigil ka timang!” Halos panggigilan ko ang pagpindot sa 'send' ng phone ko. Napakagat ako sa aking ibabang labi sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Pinagpawisan pa ako ng malagkit dahil sa sumabog na yata ang dibdib ko sa kaba. Hindi pa ako nakakasakay pabalik sa bahay ay tinext ko na agad si Johann. Hindi ko maikakaila pero dumagundong ang puso ko matapos mabasa ang huling text niya. Kung dahil ba sa wala akong load o dahil sa akala niya ay sinasagot ko na siya. Ni hindi pa nga siya pormal na nagpapaalam kung manliligaw siya e. Puro pahangin lang. At isa pa, hindi ko rin siya magugustuhan dahil wala siyang normal na trabaho! Baka kapag sinagot ko siya at mapangasawa pa ay ano ang ipagmamalaki niya sa akin? Ano'ng ipangbubuhay niya sa akin? Ngayon pa lang sa nakikita ko sa kanya baka maging miserable lang ang buhay ko. Hindi pwedeng paextra-extra lang siya at hindi permanente ang pinagkakakitaan. Aanhin ko ang kagwapuhan niya kung kumakalam na ang sikmura namin. Pagpasok ko sa bahay ay nicheck ko ang phone ko kung may reply siya. Aba wala. Siguro natauhan bigla. Paupo ako sa munti naming sofa ng may biglang may umalingawngaw na boses. “Welcome home, baby labs!” Napaigtad ako sa sigaw na 'yon ni Johann. Napahawak pa ako sa dibdib ko. “Anak ka ng palaka oh! Ano ka ba, Johann! Halos mawasak ang puso ko sa'yo!” Sigaw ko sa kanya. Nagbago ang mukha niya at naging mapag-alala. Lumapit pa siya sa akin, “Naku labs kahit kailan hindi mawawasak yang puso mo kung ako mamahalin mo,” sabay kindat pa sa'kin. Hindi ko napigilan ay sinabunutan ko siya na ikinangiwi niya. “Aray baby labs ah! Sinasaktan mo ang baby labs mo!” “Ano'ng baby loves ko? Hoy! Johann De Silva for your information, Walang tayo! Kaya magtigil ka! Naubusan ako ng load kaya hindi ko nakarepaly sa'yo! 'Yun 'yon!” Imbes na mainis ay ngumisi pa siya, “Oo na, sige na ililihim na muna natin.” “Lihim na sapak gusto mo?” Iniumang ko pa ang kamao ko sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo niya. “E'to naman hindi na mabiro. Oo na gets ko na. Nagbabakasakali lang naman..” “Ano bang ginagawa mo dito? Nasa'n si Lola?” Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hawakan sa wrist ko at saka hinatak. Kinabahan ako. Ang bilis para akong nakuryenteng bigla! Hindi ko lang alam kung naramdaman niya iyon dahil hinatak na niya ako papunta sa kusina namin. “Nand'on si Lola sa kusina. Nagluluto na. Tulungan natin!”Hindi na ko nakapagsalita dahil sa naramdaman ko. Para akong napapaso sa kanya. Ang weird. “'La! Nandito na po si baby labs ko!” Pagmamalaking sigaw niya. Nang makapasok kami sa kusina ay agad kong hinatak ang kamay ko. Napatingin siya sa akin, kumunot pa ang noo niya pero inirapan ko na lang siya para mawala ang tensyon sa akin. Hindi niya inaalis ang titig niya sa akin kaya tumabi na lang ako kay Lola at tiningnan kung anong niluluto niya. “'La, manong po,” Magalang na bati sa aking Lola. “O bakit ngayon ka lang, Aaliyah? Ang tagal mo namang nagpaload..” Busy pa si Lola sa harap ng kalan at may niluluto. Sinilip ko ang ginagawa niya. “Walang pong load kay aling Tess kaya dumeretso na kong sa bayan.” Nilingon ko si Johann. Napaawang ang labi ko at tinitigan siya. He was just wearing a normal shirt and a faded pants pero..nasaan ang hustisya? Naghihiwa siya ng karne ng seryoso? Iyong muscle niya nagpe-flex sa bawat hiwa niya rito. Lalaking-lalaki at bakit ganon ang hot n'yang tingnan? Pinilig ko ang ulo ko para mabura ang mga bumubulong sa utak ko. Anong hot do'n? B'wisit! Ngunit tila magnet na bumalik ang tingin ko sa kanya. Hot Chef. Iyong pointed nose niya, malalantik na pilik mata, ang perfect curve ng jaw niya, ang malapad niyang balikat, ang matipuno n'yang mga braso, malalaki ang kamay niya, ang buhok n'yang parang sinabunutan pero bakit mas bumagay sa kanya? At kahit ang mukhang basahan na n'yang damit ay bagay na bagay sa kanya. Para siyang modelo. Binagayan niya lang ang damit n'yang luma ng walang ka-effort-effort. Gosh, ang unfair! “Uy! Aaliyah baka matunaw n'yan si Johann sa titig mo.” Literal na napaigtad ako sa biglang pagsalita ni Lola. Bumalik ang ulirat ko at parang namutok sa init ang pisngi ko sa munting tuksong iyon. Napalunok pa ko dahil sa nahuli ako ni Lola. “Staring is rude, baby labs..” Untag ni Johann. Napatingin ako sa kanya. Binigyan niya ako ng pamatay niyang ngisi. At anong sabi niya? Madiin ang English accent niya na parang sanay ang dila niya sa lengwangheng iyon. “E-Excuse me?” Matapos ngumisi ay tumawa siya. Iyung tawang nakakaasar. “Baby labs, alam kong hot ako at type mo ko pero please lang, huwag sa harap ni Lola. Nakakahiya, mamaya na lang,” sabay kindat pa niya. Dahil huli ako sa akto kaya wala akong maipangbanat sa kanya. Binayo ko na lang siya ng irap ko. “Ewan ko sa'yo timang ka!” Pagkadating ng kapatid ko galing eskwela ay nagsimula na akong maghain para sa hapunan. At dahil narito na rin si Johann ay pinasabay na rin siya ni Lola sa amin. Sakto pang may dala siya sa aming hinog na mangga, saging at pakwan. Ako ang naghugas ng pinggan kaya naiwan ako sa kusina samantalang nasa sala na sina Lola. Pero ang hinayupak na si Johann ay nagpaiwan din dito tutulungan niya raw ako. Pinupunasan niya ang mesa habang nagsasabon ako ng plato. “Salamat sa prutas, Mukhang sumeweldo ka ah!” Tudyo ko sa kanya. Tumikhim ito bago sumagot, “Wala 'yon. Maliit na bagay, labs,” “Sira ka. Baka maubos ang sweldo mo sa amin. Magtira ka ng sa'yo.” Baka mamaya n'yan kung kani-kanino pa siya umutang para lang may maibigay sa amin. Hindi agad ito nagsalita at maya maya pa'y nilapag niya ang basahan sa gilid ko. He's behind me. Biglang ginapangan ako ng kaba. Bumilis ang t***k ng puso ko. Napahinto ako ng maramdaman ko ang pagdantay ng hininga niya sa aking batok. Ang lapit niya sa'kin..sobrang lapit. “Masaya akong napapasaya kita, Aaliyah..kaya 'wag mong alalahanin iyon.” Bulong niya. Pero imbes na mairita ay parang nagustuhan ko pa ang banayad n'yang boses. Nakatapat ang bibig niya sa tainga ko. What is happening to me? I cleared my throat and tried to compose myself. Gosh, nanlamig ako doon at nanginig ang mga kamay ko. Muntik ko pang mabitiwan ang basong hawak ko. Kung nagkataon ay basag 'to. “E k-kasi b-baka maubos ang savings mo. Masyado pa namang marami 'yon..” Nagkakabuhol-buhol ang dila ko! “Wala akong pakielam kahit maubos pa ang pera ko kung para sa'yo naman Aaliyah. Magtatrabaho ako ng magtatrabaho mabigay ko lang gusto mo, tandaan mo 'yan.” Sabi niya sa mababa pero buo ang boses. Kikilibutan ba ako o kikiligin? “E kasi naman--” Muntik pa akong mapaatras ng bigla niyang hawakan ang kamay kong hawak ang baso at spongha. “Ako na d'yan at baka tuluyan mo na 'yang nahulog. Kawawa naman yung baso.” “H'wag na, ako na--” Idinikit niya ang kanyang daliri sa aking bibig na siyang kinagulat ko. Napahinto ako sa pagsasalita at napalaki ang mga mata ko. Inikot niya ako paharap sa kanya. Hinawakan ang kamay kong walang bahid ng sabon. Deretso ang tingin ko sa mukha niya na para akong tinamaan ng mahika at hindi ko ito maibaba. “Kapag naging akin ka, itong malambot mong kamay ay walang ibang hahawakan kundi ito lang..” Inilagay niya ang kamay ko kaliwang pisngi niya. “Saka ito..” Iniusod naman niya sa kanyang manipis at mapulang labi. Sa harap niya ay napalunok ako. Yung puso ko humahampas na. Ano bang nangyayari? Habang si Johann ay nakakatitig lang sa akin. Ilang segundo pa ay iniusod niya uli ang kamay ko pababa sa kanyang dibdib. Mas lalong naghumerentado ang puso ko. “At lalo na 'to..” Kusa ko ng inihinto ang kamay ko at baka kung saan pa mapunta. “Hoy! Johann ah! Loko ka na!” Ngumisi siya pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. “Alam ko ang iniisip mo, pero hindi iyon. Saka ko na ipapahawak 'pag ready ka na labs,” Nanlaki ang mga mata ko. “Johann ah!---” “Ito. Ito ang ibibigay ko at papahawakan ko sa'yo.” I was stuck for a moment. Ibinaba ko ang tingin ko sa kamay kong nakahinto sa dibdib niya. Sa tapat ng puso niya. Napasinghap ako. Tiningnan ko siya at seryoso ang mukha niya. May kakaiba ring kinang ang mga asul n'yang mata. Lumamlam ang mga ito. He was looking at me straight into my eyes like he was seducing me, at para bang ipinapakita n'yang sa'yo ito. Sa'yo lang. Ilang segundo kami sa ganoong pwesto. Nagtitigan kaming dalawa, pero ako ang naunang bumitaw. Nakakapaso kahit nakakaakit siya. Ngunit agad n'yang hinuli ang kamay ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa n'yang iyon. “Aaliyah...” Mahina n'yang tawag sa akin. Tiningnan ko siya. Nilingon ko siya at hindi ako nakahuma at sinalubong niya ako ng halik. Nanlaki ang mga mata ko pero siya ay nakapikit. Dapat ay itulak ko siya pero parang paralyzed ang kamay ko at 'di ko maigalaw. Hinawakan n'ya ako sa aking baywang. Ang gulat ko ay napalitan ng kakaibang sensasyon. Nilukob ako ng kakaibang pakiramdam at para akong inantok at kusang pumikit ang mga mata ko. Nang marelax ako ay unti-unting gumalaw ang labi niya. He started brushes his lips to my lips. Gently. Massaging. Mainit, matamis at..at..masarap! Hindi ko alam kung paano sumagot kaya ginaya ko ang ginagawa n'ya. I brushes my lips too. Maya-maya pa'y nauubusan na ako ng hangin at palalim ng palalim ang halik niya sa'kin, I'm literally running out of air! “Ate! May bisita ka! Si Kuya Tyler!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD