bc

MAIDly in Love

book_age18+
4.2K
FOLLOW
38.6K
READ
family
age gap
drama
comedy
bxg
humorous
witty
realistic earth
surrender
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Magentha Anjelu Inocencio Dugay. Maid for short. Isang masayahin at puno ng buhay na dalaga. Mataas ang pangarap para sa sarili at sa inang pilay na nagsusumikap siyang mapag-aral. Ngunit nang iginupo ito ng sakit ay napilitan siyang mamasukan bilang katulong sa pinakamayamang angkan sa Isla ng Tanaw. Kailangang tustusan ni Maid ang pangangailangan ng ina sa gamutan.

Magsisilbi sa umaga, mag-aaral siya sa hapon hanggang gabi. Akala niya ay ganoon lang kadali.

Ngunit isang Storm De Luca-- thirty years old at nakababatang kapatid ng kanyang amo na si Rainnah ang gugulo pala sa inakala niyang tahimik na mundo sa mansyon. Tila bagyo kasing sinalakay ni Storm hindi lamang ang buhay niya kundi, ang bata niyang puso. Pilitin man niyang iwasan ito, minahal ng labing pitong taon niyang puso ang bagyong dumating.

Kaya nga lamang, katulad din pala ng bagyo si Storm. Pagkatapos manalakay, iiwanan siyang sawi at guho ang mundo.

Makakabangon pa ba si Maid sa pagiging maidly in love? O katulad ng ibang delubyo. Pabalik-balik ang bagyo na mananamantala sa kanyang puso?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1 MAID
'Sampaguita magmumukha kayong maganda. Sampaguita, humahalimuyak sa bango. Sampaguita, fresh na fresh gaya mo. Kaya bili na kayo' Pakanta-kanta ang labing pitong taon na si Magentha Anjelu Inocencio Dugay. Maid kung siya ay tawagin habang nag-aalok ng kanyang paninda. Sumasabay siya sa mga papunta at paalis na mga tao sa malaking simbahan sa isla ng Tanaw--ang De Kristo Church. Nakatayo pa ang simbahan noong panahon ng mga kastila at pinagtibay na ng mga naganap na digmaan at kalamidad na nanalakay sa mismong Isla. Sampong taon pa lamang si Maid ay kasa-kasama na siya ng ina sa pagtitinda ng kung ano-anong bagay. Iyon ang ikinabuhay nila noong hindi pa sila umuuwing mag-ina sa isla. Sa Maynila pa sila nakatirang pamilya. Habang ang ama niya ay nagtatrabaho sa construction site, silang mag-ina naman ay nasa Quiapo church at doon naglalako ng mismong gawa ng kanyang ina. Siyempre, kapag tapos na ang kanyang klase na tumutulong siya. Gusto ng mga magulang niya na mag-aral lamang siya. Siya lamang ang mapilit tulungan ang mga ito. Sinisigurado naman niya na nag-aaral siyang mabuti. Kaya nga lagi siyang honor student. Alam niyang labis na kasiyahan ang dulot n'on sa kanyang mga magulang. Ngunit dumating ang isang delubyong naging dahilan ng pagguho ng kanilang mundo. Naghirap pa sila lalo na sa panahong iniwan na sila ng padre de pamilya. Namatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Kinasangkutan iyon pareho ng kanyang mga magulang. Sa aksidenteng iyon ay nadurog ang kanang binti ng kanyang ina dahilan upang tuluyang mapilay ito. Hindi kasi nalapatan ng nararapat na gamutan dahil na rin sa kahirapan ng buhay nila. Nakakalakad naman ang kanyang ina ngunit paika-ika na ito at hindi na makatagal sa pagtayo o paglalakad ng mahaba kaya naratay na lamang talaga ito sa loob ng bahay hanggang sa naisipan na lamang bumalik sa isla. Limang taon na rin silang naroon. Lumawak ang ngiti ni Maid nang makitang parating na ang sasakyan ng taong pinakasuki niya sa mga sampaguitang binebenta. Ang reyna ng pinakamayamang angkan sa lugar nila. Si Rainnah De Luca. Inayos ni Maid ang sarili. Hinila ang paldang bulaklakin at kupas na ang kulay. Ang buhok na humiwalay sa natirintas niyang buhok ay inayos niya rin at isinukbit iyon sa likod ng kanyang teynga. Hanggang sa makita na niyang pinagbuksan ng driver ang reyna. Naglagay na rin siya ng malawak na ngiti sa kanyang labi bilang pagbati dito. "Magandang araw po, Mam Rainnah," bati niya sa ginang. Alam niyang hindi nagkakalayo ang edad nito sa kanyang ina. Tantiya niya ay nasa forty five lamang din ang ginang. Mahinang napahalakhak ito at nilapitan siya. Nakasunod dito ang driver nito. As usual, nakasuot na naman ng sumbrero so Miss Rainnah at sunglasses na halos kalahati ang laki si mukha nito. Ipinagtataka iyon ni Maid, para kasing nagtatago si Miss Rainnah. "Maid, ilang beses ko bang sabihin na huwag mo na akong tawaging mam. Mas gusto kong tawagin mo na lamang ako sa aking pangalan," sabi nito kay Maid. Nahihiyang napayuko si Maid. Kailan man ay hindi niya magagawa iyon. Bukod sa nakakahiya, 'di hamak na mas matanda ito sa kanya. Tila walang paggalang kung tatawagin niya lamang ito sa pangalan na gaya ng gusto nito. Muling napabalik ang itim na itim at bilugan niyang mga mata sa ginang nang muli itong matawa bahagya. Ang malambing nitong tinig ay tila sa isang anghel para kay Maid. Anghel naman talaga ang ginang sa kanya simula noong makilala niya ito. "Ito na ba lahat ng paninda mo? Kakaunti yata ngayon?" tanong ni Rainnah sa kanya. Tipid na nangiti si Maid. "Medyo masama po kasi ang pakiramdam ni Inay ngayon. Kaunti lamang ang nagawa namin," sagot niyang pilit naglagay ng ngiti sa labi. Bigla kasi siyang nalungkot nang maalala ang kalagayan ng ina. Nagiging madalas ang pagiging sakitin nito. "Naiintindihan ko." Dumukot si Rainnah ng pera sa pitaka nito at iniabot sa kanya. Isang libo iyon. "Naku po. Wala akong barya para sa pera ninyo." "Kunin mo na itong buo, Maid. Umuwi ka ng maaga at bilhan mo na rin ng pangangailangan ang Inay mo," ika nitong dahilan upang mangilid ang luha ni Maid sa mga mata. Sobra-sobra ang binibigay ni Rainnah sa tuwing bibili ito sa kanya. Malimit ay tinatanggihan niya at ang tamang presyo lamang ang sinisingil niya. Alam niyang bukal sa loob ng ginang iyon pero ayaw niyang maging abuso sa kabaitan nito. Tama na sa kanya na pinapakyaw nito ang lahat ng tinda niya. Sampaguita man o basahan. "Salamat po. Dadagdagan ko na lamang ang mga sampaguita sa susunod," saad niyang kinuha ang isang libo. Tipid na nangiti si Rainnah. Gusto man niyang bigyan ng mas malaki si Maid. Alam niyang tatanggi lamang ito. Ayaw niyang tapakan ang nabuo nilang pagkakaibigan ng dalaga. Baka ang kagustuhan niyang pagtulong dito ang maging dahilan para iwasan siya. Sobrang magaan ang loob niya kay Maid at hindi niya kayang mawala ito bilang isang kaibigan. Forty six na siya at wala na ang kanyang mga magulang. Ang tanging meron siya ay ang nag-iisang kapatid na lalaki. Ngunit nagrebelde ito sa kanilang mga magulang kaya hindi na halos umuwi ito sa kanilang lugar. Minabuting malayo kaysa ang makihalubilo sa mga magulang na tila wala namang pagmamahal dito. Malungkot ang mag-isa kaya naman, nang makilala niya si Maid ay tila nabigyan siya ng pagkakataong lumigaya. Kakaiba ang hatid na saya ni Maid sa kanya. Tila ito isang kaibigan at isang anak... Anak? Nalungkot siyang bigla. Nawalan siya ng pagkakataong maging isang ina dahil sa isang pagkakamaling labis niyang pinagsisihan. At hanggang ngayon ay pinagsisisihan pa rin. Kaya para makalimutan ang nakaraang iyon ay lagi-lagi siya sa simbahan para ihingi iyon ng kapatawaran sa Diyos. "Aalis na po ako. Ibibilhan ko si Inay ng gamot." Tinig iyon ni Maid na nakapagpagising sa kanyang pagkatulala mula sa mapait na alaala. Tipid muling nangiti si Rainnah at tumango kay Maid. "Mag-iingat ka, Maid. Kung kailangan mo ng tulong ay magsabi ka." Ang tanging nagagawa ni Rainnah ay ang mag-offer kay Maid. Isatinig dito na naroon siya kapag nangailangan ito at gipit na gipit na sa buhay. Malawak na muling napangiti si Maid bago kumaway kay Rainnah. Malaki ang pasasalamat niya rito dahil sa tulong na naibigay sa kanya. Agad na tumungo si Maid sa isang drug store para bumili ng gamot para sa ubo ng kanyang ina at para sa nananakit nitong mga paa. Pagkatapos noon ay sa palengke naman siya tumungo upang bumili ng bigas at lulutuing ulam. Ipagkakasya niya ang natitirang pera para sa araw na iyon. Mabilis rin siyang umuwi sa kubong tinutuluyan nilang mag-ina. Pawid ang bubong at ang papag ay gawa sa kawayan. Marupok na nga ang iba. Kapag nagkapera siya ay una niyang ipapagawa ang tulugan nilang mag-ina. Lumangitngit ang pintong gawa rin sa kawayan nang pumasok siya. Maingat siyang naglakad at nakatingkayad pa upang hindi siya makagawa ng anumang ingay. Tahimik ang kabahayan, nang silipin niya ang kanyang inay, mahimbing itong natutulog. "Buti naman at tulog si Inay," sabi niya sa sarili. Nag-aalala siya dahil hindi ito nakatulog nang maayos kagabi. Sinalakay ng matinding ubo na siyang dahilan ng pag-aalala ni Maid. Sa kusina, inilabas niya ang 1/4 na kilo ng karne at petchay. Magsisigang siya ng baboy. Maigi siguro sa kanyang inay ang may sabaw na pagkain. Sa supot ay inilabas na rin niya ang dalawang lata ng sardinas at tatlong piraso ng itlog. Dalawang araw rin tatagal sa kanilang mag-ina ang mga iyon. Sa maitim na kaldero. Sinalin niya ang bigas doon at hinugasan. Hindi na niya nagawang hugasan ang labasan ng kaldero nila dahil wala na siyang oras. Pagkatapos niyang mahugasan ang bigas ay nagsindi na siya ng panggatong niya. Gamit nilang lutuan ay kahoy na pinupulot pa niya sa likod bahay. Habang niluluto ang bigas. Hinati na niya ang karne upang pakuluan. Naglagay na rin siya ng ibang sangkap pagkatapos mahugasan iyon. Nang maihanda na ay hinintay na lamang niyang maluto ang sinaing. Sa paghihintay, inilabas na niya ang kuwaderno at nagsimulang mag-review para sa test. Seventeen na siya ngunit nasa 4th year highschool pa rin siya. At pagka-graduate ay balak niyang magpatuloy sa kolehiyo. Igagapang niya ang sarili para doon. Matalino si Maid. Top scorer siya sa mga exam nila kahit hindi masyadong nakakapag-review dahil sa trabaho at sa nanay niyang may sakit. Ngunit, dahil sa hindi nakakapasa ng mga kaukulang proyekto, hindi naging sapat ang pagiging matalino niya para maka-top siya at makakuha ng scholarship. Isa pang dahilan ay ang ibang may kaya na kayang bayaran maging ang pakikitungo sa kanilang mga guro. Alam ni Maid na hindi maiiwasan na may mga gurong ganoon. May mga kanya-kanyang paborito. Ang masakit lamang. Ang iba ay wala talagang ibubuga ngunit nasa top 5 pa. "N-narito..." hindi naituloy ng kanyang ina ang sinasabi nang atakihin ito ng ubo. Agad siyang napatayo at lumapit sa banga at kumuha ng tubig na agad niyang iniabot sa kanyang ina gamit ang tasang alluminum. Ubo pa rin ito ng ubo kahit na matapos makainom. "Nay, mahiga na muna kayo. Tatawagin ko na lamang kayo kapag nakaluto na ako," utos niya ngunit umiling ito kaya inalalayan na lamang niya ang ina na makaupo sa ratan nilang upuan na pandalawahan. "Sumasakit lalo ang likod ko kahihiga, anak. Mabuti pang makagawa na ulit ng ibebenta mong basahan naman." Tumayo ito kaya muli niya itong inalalayan upang makapunta sa lumang patahian nito. Inalalayan niya itong makaupo roon. Basahan ang gagawin nito ngayon dahil wala silang makuhang bulaklak ng sampaguita upang gawing kuwintas na puwedeng ibenta. "Ako na ho sana, inay. Mamaya pagkatapos natin kumain," sabi niya. Ayaw niya sana itong mapagod. "Kaya ko pa naman anak. Sige na, magluto ka na at mag-review." Alanganin niyang iwan ang ina ngunit kinailangan na niyang magluto. Habang sinasalang na ang karne, hindi mapigilan ni Maid na pangilidan ng luha sa mga mata. Dahil iyon sa awa sa kanyang ina. Hindi man lamang niya magawang ipagamot ito. Hindi man lamang niya mabigyan ng kaginhawaan sa buhay gaya ng nagawa nito noon. Halos ayaw siyang madapuan ng kung ano noon. "Tay, huwag mo muna kunin si Inay sa akin ha. Siya kasi ang lakas ko para magpursige. Huwag mo rin kaming pababayaan," usap niya sa kanyang ama na tila ba naroroon lamang at nakaharap sa kanya. Malayo ang lutuan nila sa kanyang ina kaya nagawa niyang kausapin ito. Nanginginig pa ang boses niya sa pagpipigil na mapabulalas ng iyak. Muli siyang napalingon sa loob ng kanilang bahay. Pinagmasdan niya ang kanyang ina. Payat na payat na ito. Panay ang galaw ng balikat nito dahil sa walang humpay na pag-ubo. Natatakot siyang maaring may malala na itong sakit. Ngunit wala siyang magawa. Bukod sa wala silang pera, todo tanggi ang ina niyang magpatingin. Aksaya lamang daw sa oras at pera. Wala naman silang maasahan. Nilayuan na sila ng kanilang mga kamag-anak na noon naman ay malapit sa kanila. Gaya ng basahan, tila sila binasura noong mawala ang kanyang ama. Ni hindi tinanaw ang utang na loob at tulong na naibigay ng kanyang mga magulang sa kanila. Doon nagkakaroon ng sama ng loob si Maid sa mga kamag-anak nila. Na mas lalong lumalaki dahil hindi nila magawang kumustahin silang mag-ina at ang nakakaawa nilang kalagayan. Kusang umarko ang kanyang bibig para sa isang ngiti nang mapalingon ang kanyang ina sa kanya at kumaway. Kumaway rin siya sa ina. Ngunit agad na tumalikod nang muling bumulwak ng kanyang mga luha. Hinarap na lamang niya ang niluluto. Pagkatapos makapagluto ay binuhat niya ang mga kaldero at nilatag iyon sa mesang may nakapatong karton. "Kain na tayo, Nay," tawag niya sa ina habang nagsasandok ng pagkain. Nilagay niya ang pinakamalaking hiwa ng karne sa pinggan nito. Agad niyang dinaluhan ang ina sa paglalakad pagkatapos mailapag ang pinggan nito sa puwesto. "Ano ba Maid. Hindi dahil Maid ang palayaw mo, tutulungan mo na lahat. Kaya ko pang maglakad anak," sita nito ngunit sa humpak na mukha ay naroon ang mabining ngiti. "Kayo kasi, bakit Maid ang naging palayaw ko," nguso niyang ani sa ina. Ngunit gusto naman niya at nasanay na siya sa pangalan na iyon. "Ngunit sa iyo inay. Handa akong maging maid mo habang buhay. Handa kitang pagsilbihan..." hinalikan niya ang ina sa pisngi. "Salamat anak. Salamat."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook