Chapter 1: Naga Unda

2571 Words
Si Halea ay isang normal na teenager, malapit na xang magdiwang ng ika-16 na taon sa loob ng ilang buwan. She’s athletic pero mahiyain, madalas nais lang nya na mag-isa o makipaglaro sa kanyang mga alaga. Mahilig syang makinig ng musika at lumikha gamit ang kanyang mga kamay. She has the face of an angel, with deep brown eyes, long lashes and sexy slightly thick brow, she has a medium built nose faintly pointed and small cherry heart-shaped lips. Ang kanyang ama si Arthur ay isang doctor at and kanyang in ana si Elena ay isang maybahay. Na-assign si Arthur sa bayan ng Vale bilang isang Resident Doctor sa Vale Community Hospital, kaya napilitan nilang lumipat. “What does it look like Dad, ang bayan ng Vale?” tanong nya habang nageempake “Well, simpleng bayan lang sya, hindi masyadong matao at mababait ang mga taga-roon,” sabi ng Daddy nya habang binubuhat ang huling kahong ilalagay sa kotse. Nailipat na ang karamihan ng kanilang kagamitan sa gtulong ng moving company. “Si Aspin at Luna?” “Si Aspin nasa kotse na, ipinasok n ani Mommy kanina habang si Luna ay narito sa akin,” “Ready ka na?” “Opo” “Tara na!” Pitong oras ang byahe papunta sa bagong lugar, umalis na sila bago pa pumutok ang araw at inaasahang makarating pagkatapos ng pananghalian. Walang ibang ginawa si Halea sa byahe kung hindi matulog o tumanaw sa binatana. “Tired?” tanong ng Daddy nya “Hindi naman,” sagot ni Halea habang pinapakinggan ang pagkahol ni Aspin sa likod ng kotse. “Pero malamang si Aspin kaliangan ng pahinga,” “Sige, lets just find a spot para lahat tayo ay makapahinga ng sandali,” habang ang Daddy nya ay naghahanap ng mapupuntahan. “Maghanap tayo ng maliit naresturant na mag malawak na lupa,” “Ilabas mo rin si Luna, huwag mo lang kalimutang itali para hindi makawala,”sabi ng Mommy nya Pagkapark, inilabas ng Daddy nya si Aspin at itinali upang madaling ipasok sa loob ng kotse pagtapos nila. Pinakain nya ang dalawa habang ang kanyang ina ay umurder ng pag-kain, ibinilin na lamang nya na ipagtake-out sya habang pinapakain nya ang kanyang mga alaga. Matapos kumain ni Aspin, tumahol ito na tila may kailangan. “Oh come-on Aspin, magagalit sa atin si Daddy kapag pinakawalan kita,” sabi nya habang hinahaplos haplos ito. Muling tumahol ang aso na tila mo’y nakakaintindi. “You have 5 minutes, pero dito ka lang sa malapit kung ayaw mong iwanan kita dito,” sabi nya at hinayaang makawala ang aso. Ang kanyang pusa naman ay tahimik na naglilinis ng kanyang mukha matapos iting kumain. Mahaba-haba ang kanyang tali sapat upang ito ay makagalaw. Matapos itong maglinis ng balahibo bumaba ito sa puno at duon nagpalipas ng ilang sandal bago ito bumalik sa kanyang kanungan upang matulog.   Si Aspin ay masayang nagtatakbo at inaamoy amoy ang mga bagay sa paligid, sinimulan din nitong markahan ang mga puno. Matapos ang ilang pagikot sa lugar, sinipulan at tinawag na ito ni Halea upang bumalik sa loob ng kotse. “Pinakawalan mo na naman si Aspin, paano kung tumakbo yan at hindi na bumalik?” sermon ng kanyan ama. “Nope, he loves me so much kaya hindi yan lalayo,”sabi nya habang hinahaplos ang ilalim ng tenga nito at hinahalikhalikan. Matpos nuon ay inilagay nya si Luna sa luob ng kulungan ni Aspin upang mas Malaki ang magalawan ni Luna.  “Here is your burger and chicken, umorder din ako ng fries at cheese dip,” sabi ng Mommy nya, habang iniaabot ang bag ng takeaway. “Thanks, you’re the best,”sabi nya habang pumapasok sa loob ng kotse. “Nakakattuwa kung papaano dumating sa buhay natin yang si Aspin, siguro nga totoong mahal ka nya at hindi ka nya iiwan. Pero hindi mo dapat isugal sa panganib ang sitwasyon, na sa ibang lugar tayo.” Sermon ng kanyang ama “Naiintindihan ko naman,” sabi ni Halea habang nakatingin sa kanyang ina “How far are we honey?” tanong ni Elena sa kanyang ama  “Mga dalawang oras pa,” “That’s great, kala ko forever na tayo dito,” sabi nya habang nakain. Balik lansangan na sila ulit, this time mas konti ang mga sasakyan at ang tanawin ay walang katapusang bukirin at kalangitan.   Matapos ang ilang sandali narating na rin nila ang kanilang destinasyon, pumasok sila sa isang malaking bakuran na puno ng halaman at kakahuyan. May malaking bahay sa gitna nito, may kalumaan na ngunit makikita mo ang katatagan sa aura nito. Isa itong colonial country house na gawa sa bato at malalaking kahoy. Sa tingin pa lang alam mong, well maintained ang bahay at ang interior nito ay magkahalong moderno at kontenporaryo o napapanahong disenyo. “Wow, this is so big para sa ating tatlo,”banggit ni Elena, “But I love the big doors and windows ganun na rin ang sunroom,” “Huwag kang mag-alala, si Rosario at Elmo ang makaktulong mong pagdating sa pangangasiwa ng bahay,” bigkas ni Robert ang landlord habang ipinapakita sa kanila ang kabuoan ng bahay. “Magandang hapon Mr and Mrs Caelestes, ako at ang aking asawa ay matagal nang naninilbihan kay Mr. Robert bilang tagapangasiwa ng bahay na ito. Dyan kami nakatira sa maid quarters sa likod ng kusina,” pakilala ni Rosario, “Matutulungan naming kayo sa inyong mga pangangailangan dito sa bahay ganun na rin sa bayan,” “Salamat Rosario, sa iyong kabutihan,” sagot ni Elena “Arthur, ginawa ko pa lang opisina ang espasyong ito gaya ng iyong hiling. Dagdagan mon a lang ng gamit gaya ng kama ng pesyente kung kailangan mo,” sabi ni Robert na naglalakad papasok sa silid kanugnog na sala.   “Salamat Robert. Madali kaming makakapagsettle gawa ng fully furnish naman ang bahay, ang aming mga kagamitan ay mga pangpersonal na gamit lamang kaya madali lang itong ayusin,”   “Magaling, magpahinga muna kayo, bukas duon kayo mananghalian sa bahay, magpasama kayo kay Elmo. Mauuna na ako at hinihintay ako ni Misis,”sabi ni Robert habang patungo sa may pintuan, “Elmo, Rosario kayo na ang bahala sa kanila,”bigkas nya. Nasa labas na sya at kinakawayan si Halea. “Elena, aasahan ko kayo bukas,” huling bilin ni Robert habang papalabas sakay ng kanyang owner type jeep. Kumaway si Halea kay Mr. Robert, habang pinapasyal sina Aspin at Luna sa bakuran. Masaya naman ang aso na nagpagala-gala at nagpagulong-gulong sa damuhan. Si Luna naman ay nakatali pa rin at inaamoy ang paligid. Maagang dumating ang kanilang mga kagamitan na ngayon ay nasa silid tanggapan, mabusisi namang pinagmasdan ant hinanap ni Halea ang kanyang mga gamit. “Kung gaano kadali ang mag-empake ganun naman kahirap ang pag- a unpack,”sabi nya habang inaayos ang kanyang mga gamit. Tinulungan sya ng Daddy nya sa pagdadala ng kanyang mga gamit sa kanyang kwarto sa second floor. Hindi pa rin sya makapaniwala kung gaano kalaki ang bahay ganun din ang kayang silid. Ang laki nito at may sarili pa syang patio, sala at study area. Kahit ang higaan ay Malaki rin, queen size ang kanayang kama na gawa sa kahoy at may kabigatan ito. May isang malaking bintana kaharap ng kama kung saan matatanaw mo ang kakahuyan sa may kalayuan. Habang nag-aayos, inilagay nya ng higaan ni Aspin katabi ng kanyang kama gayun din ang scratch post ni Luna. Hindi gay ani Aspin, kailangan muna ni Luna na makasanayan ang lugar bago ito tuluyang pakawalan. Hindi sya maaring lumabas sa gabi at baka hindi na sya makauwi kailangan din nyang nakatali pansamanatala. Maagap nyang inayos ang kanyang mga gamit at halos hapunan na nang sya ay matapos. Bumaba sya matapos marinig ang pagtawag sa kanya ng kanyang ina. Hindi nila mapigilan ang hindi matawa sa laki ng hapag habang sila ay nakaupo sad ulo nito. “Mukha tayong mayayaman gaya ng Spanish Telenovela, tingnan mo na lang kung gaano kalaki itong lamesa habang nandito tayo sa dulo nito,” sambit ni Halea habang naghahapunan “Naienroll na pala kita, bukas simula na ng klase,” sabi ng Daddy nya “Kaagad!, I don’t even have uniform,” “It should be fine, sabi ng principal oaky lang na hindi mag-uniporme,” sabi ng kanyang Mommy “Ano para center of attension at mabansagang ‘New Girl’, “Hindi mo ba gusto iyon? You can collect friends in no time,” biro ng Daddy nya “Hindi na, salamat na lang, mas gusto ko pang maging invisible hanggat maari,” “Huwag kang mag-alala at next week nandto na ang uniporme mo, so bear with us for 1 week,” “I don’t have any choice, right?” habang pilit ang ngiti   Pagkatapos maghapunan, agad syang nagpahinga dahil na rin sa pagod sa maghapong byahe. Sa kanyang higaan tanaw nya ang mapakagandang kalangitan. Kamangha-mangha ang libi-libong bituin sa kalangitan habang ang buwan ay nagtatago sa mga ulap. Hindi ito katulad ng langit nung sya ay nasa siudad pa, bibihira mong makita ang ganito karaming tala. Nakakawala ng pagod ang pagtanaw pa lamang dito. Makalipas ang ilang sandal sumilip na ang buwan hindi gaya ng kabilugan ng buwan and nakikita mo ay ang balangkas lamang nito. “Nakakalungkot kang tingnan, buwan tia ikaw ay nagdadalamhati. Hindi bale, mas malapit na ako sayo mas makikilala na natin ang isat-isa,” sabi ni Halea ng may ngiti animo’y kausap ang buwan sa kanyang tabi. Isinara nya ang bintana ganun din ang kurtina at ang pinto. Pinakawalan na rin nya si Luna, Mabuti na lang at potty trained ang kanyang mga alaga hindi nya problema ang mga ito. Matapos ang pagliligpit, nahiga na sya at nahimbing.   Halea’s POV Naaalala ko habang minamasdan ko ang buwan at naramdaman ko ang bahagyang pag-ihip ng hangin na dumdampi  sa aking mukha habang ttinitingnan ko ang aking mga paa. Nakikita ko ang aking paglalakad patungo sa isang sapa, ang himig ng tubig ay nakapagpapagaan ng aking loob tila ba ako’y tinatawag nito na lumapit. Minasdan kong maigi ang lupa sa ilalim ng tubig bago ko tuluyang itinapak ang aking mga paa. Ang lamig ng tubig ay sadyang nakakapagpagaan ng aking kalooban. Patuloy akong naglakad sa kalaliman habang tinatanaw ko ang aking imahe na naaaninag sa tubig at duon nakita ko ang pag-ahon ng isang magandang dilag mula sa ilalim ng tubig. Nagsalita ang babae at akin naman itong naintindihan, “Dian Halea, sa wakas nakauwi ka na,” turan ng binibini. Ngumiti ako at naramdaman ko ang pagkinang ng liwanag mula sa akin. At lahat sa paligid ay napakaganda may ilang mga binibining tila humuhuni, umaawit nang hindi ibinubuka ang kanilang mga bibig at ako’y napapanatag sa kanilang himig habang ako ay naliligo kasama nila. Malumanay akong tinanggap ng ilan pang mga binibini at ako’y nakipagtampisaw sa kanila. Maya-maya pa ay lumapit ang isa pang dilag at naupo sa aking tabi habang ako’y nagpapahinga sa isang malaking bato hinahayaang dumaly ang tubig sa aking paanan. Siya ay nagwika o mas madaling sabihin na magdugtong ang aming kaisipan at dinig ko ang kanyang mga tinuran, “Gaya ng pangako ko, ako’y maghihintay sa iyong pagbabalik, at gagabayan ka naming hanggang ikaw ay makabalik sa iyong lugar sa kalangitan,” “Naga Unda, masaya akong nagkita tayong muli,” ito ang mga katagang lumabas sa aking bibig, dama ko ito habang pinagmamasdan ko ang aking sarili mula sa aking mga mata. “Magkikita tayong muli, sa ngayon hayaan mong batiin ka naming sa iyong pagbabalik,” sabi ni Naga Unda.   Pagpikit ko ng aking mga mata naramdaman ko ang pagyugyog at ang pagdampi ng magaspang na bagay sa aking mukha.  Naalimpungatan ako sa kahol ni Aspin sa kung saan, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at naramdaman ko ako’y nasa aking higaan habang akoý ginigising ni Luna gamit ang kayang dila. Naalala kong bigla simul apala ng aking klase ngayon. “Anong oras na?” Tinanaw ko ang orasan sa dingding, maaga pa, ang oras ay ika-15 minuto makalipas ang ika-6 ng umaga. Alas-otso pa naman ang simula ng klase ko, may sapat pa akong oras  para makapaghanda Salamat sa dalawang alaga ko sa kanilang sabay na pag-gising sa akin. Muling Tumahol si Aspin habang ako’y papalapit sa nakasaradong pinto, pinihit ko ito upang buksan at hinayaang makalabas si Aspin at muli ko itong isinara. “Luna dito ka lang sa loob at hintayin mo ako, Huwag ka munang lumabas baka ikaw ay maligaw,” Madalas ko silang kinakausap, feeling ko naiintindihan naman nila ang sinasabi ko. Nakaupo si Luna at nakatingin lang sa akin kumurap lang sya at nagmeow tila umaayon sa aking sinabi. “Magaling, mag-aayos lang ako at babalik din ako agad,” sabi ko kay Luna. Sumagot ito at umupo s kanyang mga kamay. Unang Araw ng Klase  "Class, I would like you to meet Halea Caelestes. Anak sya ni Doctor Arthur Caelestes. Be kind with her, if you know what I mean,” sabi ni Mrs Simian ang kanyang class teacher, “Halea, intorduce yourself,” "Hi, I'm Halea. I’m from Asticus city duon ako lumaki. Uhm, I love music and astrology,"   "That's very good Halea. You can sit next to Caleb, at magsisimula na tayo" "Thank you," Naupo sya sa upuan malapit sa bintana katabi ni Caleb. Tanaw nya ang hardin kung saan karamihan ng estudyante ay nagpapahinga. Nagsimula na ang kanilang klase ngunit kahit anong gawin ni Halea ang isip nya ay nasa malayo, naglalakbay.   Halea’s POV Inaantok pa rin ako, napagod ako pagkatapos ng aking panaginip. Ano kaya ang tawag sa lugar na iyon, it feels magical. Para akong nasa Paraiso, nagtatampisaw kasama ng magagandang babae. Feeling ko mga nimpa sila. Naga Unda ang kanyang pangalan at kinausap nya ako sa aking panaginip. Mukha silang maligayang makita ako, napakaganda nya at para bang kilala ko na sila ng matagal.   “Arg, I cannot concentrate on this, kailangan ko pa namang kopyahin ito or I will miss it,” tam ana nga ang pakikipag-usap ko sa aking sarili, tutuo kaya ang lugar sa aking panaginip.   Sinusubukan ni Haleang magfocus sa kanyang ginagawang pagkoya ng kanilang alituntunin sa board ahabang inaalala ang kanyang panaginip. Ang gulo ng kanyang sulat magkahalong doodle at at letra. Nang marinig ang boses ng kanyang katabi. “Night breeze, Ano nga ulit ang pangalan mo?” sabi ng kanyang katabi Napakunot sya ng kilay, Night Breeze? Sa lahat ng pwedeng itawag sa kanya iyon ang napili nyang itawag sa akin. Itinaasa ko ang aking mukhaat tumingin ako sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata ang huminga ng malalim at muling pinakinggan ang kanyang boses, at sa aking isip nakita ko siyang parang batang lobo, nakakapanibago sa aking imahinasyon para siyang taong lobo, kalahating lobo at kalahating tao. Nginisian ko sya at ibinigay ang aking pangalan, “I’m Halea, and you are?” “Nice name, tulad ng dyosang aking kilala, pero mas maganda ang Night Breeze (NB), it suits you. Ako nga pla si Caleb,” sabi nyang nakangiti   Ang weird naman nitong taong ito sa lahat ng pwedeng itawag sa akin gusto pa nyang ‘NB’ parang envy tuloy, “Caleb, parang maliit na aso,” ganti ko sa kanya. Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mukha bigla kong naimagine ang kanyang pag-angil na parang aso, napangiti ako I gave him his own dose of medicine, “dajil gusto mo akong tawaging NB, tatawagin kitang furball, ano sa tingin mo?” Napatawa sya ng peke, “Manggagaway ka ba or something,” Naitaas ko ang aking kilay, ngayon naman manggagaway na ako this is just something, gaya nya tumawa rin ako, “Gaya nga ng sabi mo I’m a goddess to you, not a witch,” sabi ko habang humahalakhak ng fake Binago nya ang kanyang tindig, “Sorry, mali ata ang ating simula. I’ll call you Halea tulad ng dyosa,” sabi nya sa seryoso boses. “Salamat, Caleb, I prefer to be called by my name,” binawi ko rin ang ngiti sa labi ko at sumeryoso ako ako, “so, bakit mo gusto akong tawaging ‘envy’? It sounds so bad,” napailing ako habang patuloy sa pagsusulat. “You smell like a night breeze, gaya ng bagong buwan,” sabi nya He clearly made an impression with all of this weirdness, “Ang weird mo,” sabi ko habang nakakunot ang aking nuo. “Sabi ng isa dyan na gusto akong tawaging batang aso, so bakit aso?” “Naimagine kitang parang kalahating lobo pero dahil mas bagay sayo ang maliit na aso, iyon din naman ang kahulugan ng pangalan mo. Tinitigan nya ako ng seryoso, hanggang magring ang bell. Agad kong kinuha ang aking bag at lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD