CHAPTER 3

1410 Words
Wesley's Point Of View Isinara ni Hanna ang pinto kung saan ginaganap ang autopsy ng victims. Nakahinga ako ng maluwag. "Ito ang official na autopsy crime center ng PCU-UCIPG. We make sure that those victims of crimes in our jurisdiction will be examined here, of course we need the consent of their relatives. Si Dr. Caroline Cruz ang nakita mo kanina, siya ang resident Pathologist natin. She's also one of us." Clueless ang mukha ko. "What do you mean about one of us?" "I am a clairvoyant, she's a clairaudience." Napabuntong-hininga si Hannah. "But this case is difficult since we can't hear a word from the spirit of the victim." Bigla kong naalala, "yeah. I saw that picture. Sa kotse siya pinatay, somewhere. Malayo sa pinagtapunan sa kanya. Most spirits hang around those areas where they were killed, right?" "Right. Some spirits remain at or near the site of their death, especially if it was sudden and unexpected. Teka, doon muna tayo sa office ko. We need to talk." Lumakad kami patungo sa building na pinanggalingan ko kanina. Wala yung kalbo sa help desk, mamaya yari siya sa akin. Dumirecho kami sa kaliwa, then Hannah opened the door at the far end ng hallway. May nakasulat na Inspector Hannah Delgado sa pinto. "This is my office." Pumasok si Hannah, sumunod naman ako. "Have a seat." Alok nito sa tapat na upuan ng table niya, saka ito naupo sa swivel chair. "Thank you." Nilinga-linga ko ang office niya. Malinis at well-maintained. Buti naman at puti ang pintura ng loob ng building. Ang creepy at baduy talaga tingnan ang labas ng building. "Gusto ko sanang malaman ang ability mo. Honestly..." tila nag-iisip si Hannah kung paano sasabihin ang gusto niyang sabihin, "no one thought that psychometry exists. Well, normal people will really think that clairvoyance, third eye, ESP and the rest do not exist, right? But psychometry is still not yet proven scientifically." Napabuga ako ng hangin. "I know. That's why I never mentioned my ability to anyone." Napakamot sa batok si Hannah. "What do you normally experience when you use your ability? Are they vivid picture, glimpse, or anything." "Like a movie playing. Kung ano ang nangyari sa paligid kung saan naroon ang bagay na hinawakan ko. I can see the history of anything." Napalingon si Hannah sa mga kamay ko, tipong duda pa rin sa kakayahan ko. "Why are you not wearing gloves, kung talagang may psychometric ability ka?" "I can control my ability. I can block it. Matagal din bago ko na-control." "Kailan mo nalaman na may ganyang kang ability?" "When my mom and younger brother died. First time kong na-experience 'yon noon, but no one believed me..." napatigil ako sa pagkukwento, baka kung saan pa makarating ang kwento ko, "anyway, I wore hand gloves from that day until I mastered my ability 3 years ago." Hannah crossed her arms. "I still want to test your ability. Are you okay with that?" Tumango ako. Hinahamon ako ng babaeng 'to. "No worries." Tumayo si Hannah, "follow me." Saka ito nagtungo sa pinto at lumabas. Sinundan ko siya kung saan man siya papunta. Dumiretso ito sa hallway at kumanan, nilakad ang mahabang hallway patungo sa hagdan sa dulo, umakyat kami sa second floor saka dumiretso sa dulong bahagi ng hallway. Inilabas ni Hannah ang susi saka binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang maraming estante na may iba't ibang bagay na nakasalansan doon. "What are these?" Inisa-isa kong tiningnan ang mga naroon. Knife, golf club, wallet, cellphone, etc, mga naka-plastic lahat, may label din lahat pero hindi ko binasa. "These are the evidences from crimes we had in the past." Lumapit si Hannah sa isa sa mga estante. Kinuha ang baril na .38 na naka-plastic. "Humahawak kami ng kasong hindi ma-resolve ng ordinary investigation, 'yong subject for reinvestigations and reopened cases. We handle all crimes din that happened in our jurisdiction and nearby areas na kailangan ng additional manpower. Mas napapadali rin ang pagresolve ng kaso under our team because of our ability. Our abilities are useful, right?" Inilabas nito mula sa plastic ang baril, saka iniabot sa akin. "Tell me the history of this gun. Iyong importante lang." I focused on the gun and closed my eyes. "Gabi, 8:00 PM na sa digital clock na nasa side table. A man in his 40's, I think, holding this gun and pointing this to a woman in her 30's. He shot her in her head," itinuro ko ang gitnang noo ko, "here. The guy's name is Philip Gomez, MD. May pangalan siya do'n sa ibabaw ng table niya. Mukhang clinic niya iyong lugar. Kumuha siya ng panyo saka pinunasan ang baril na hawak, tapos ay pinahawakan sa biktima itong baril saka siya nagmamadaling lumabas ng clinic niya. Maya-maya may dalawang lalakeng dumating, pinabuhat niya ang katawan ng biktima, isinakay sa trunk ng kotse saka dinala sa isang liblib na lugar. Itinapon siya sa kakahuyan kasama ang baril na 'to." Napanganga si Hannah sa pagkamangha sa akin. Hindi makapaniwala sa mga narinig niya. "Wow! Alam mo bang inabot kami ng dalawang linggo para lang halungkatin ang lahat ng information na sinabi mo?" "Kung anuman ang nasa paligid ng object at anyone na may direct contact dito ay makikita ko nang maliwanag, like a real movie." "You are legit!" "Teka sandali, pwede ba nating ilihim muna sa iba ang ability ko? Baka paglaruan nila ako eh. Kanina nga lang napagtripan na ako. Ikaw na ang may sabi na hindi pa proven ang psychometry," Pakiusap ko. "Ngayon lang naman. Kapag nasa official duty na ako, puwede mo nang i-divulge ang ability ko." "Sige, walang kaso. But the higher ups need to know your ability." Tumango ako. "Sige, ayos lang." "Our HQ staff most likely will ask about your ability. Ipapakilala na kita ngayon. Sasabihin kong confidential muna." "Thank you." Tumungo kami sa conference room sa third floor. Dinukot ni Hannah ang phone nito sa bulsa at may tinawagan, "Domingo, pakisabihan ang investigation team ko na dumiretso sa conference room, ngayon na." In-end nito ang call saka tumingin sa akin. "You'll be given the lowest rank for now since you're a newcomer, PO1 Wesley Gutierrez. Are you okay with that?" Tumango ako, as if may choice ako. "Sige, I can climb up the ladder in no time." Napatawa si Hanah. "That's the spirit." Bumukas ang pinto ng conference room, nagpasukan na ang staff siguro ni Hannah sa Investigation area. Huling pumasok si Donnel, 'yong isa pang pulis na nakilala ko sa site. "O, ikaw pala!" "Ssshh, bulong na saway ni Hannah. Confidential ang ability niya." Tumango naman ito. Kinawayan ko na lang siya bilang pagbati. "Ano'ng topic ngayon, Inspector?" Tanong ng babaeng 4'11 lang yata ang height, pero mukhang matalino at mautak. "Ipapakilala ko sa inyo ang bagong member ng ating team, dito siya maa-assign sa branch na 'to. Si PO1 Wesley Gutierrez." Pakilala ni Hannah sa akin. Nagpalakpakan naman ang mga nasa conference room. Wala si kalbo. Bumukas ang conference room, pumasok ang hinahanap ko at may kasunod pang side kick, nakangisi sila sa akin pareho. "Ano ang ability niya?" tanong no'ng isang lalakeng maskulado na nagpapacute at panay titig kanina pa kay Hannah, pero hindi naman papahuli ang muscles kong batak sa gym. Mas guwapo rin ako sa kanya. "It's still confidential," tipid na sagot ng cute na Inspector ko. Nagkaka-crush na yata ako sa kanya. "Aw!" "Boring!" "No way, sabihin na 'yan!" Mga nakakatawang reaksyon nila. Nakakatuwa rin na ang mga nakapaligid sa akin ngayon ay may abilities. Hindi ko kailangang itago ang kakayahan ko pero secret muna sa ngayon. Mag-iisip pa ako ng comeback sa kalbong 'to. Mukhang may lihim na galit din sa akin eh. We were having our briefing about the new victim they found earlier when Hannah received a call. She stepped out for a bit to answer it. She went back in a hurry, mukhang may urgency. "A dead body was found in a swamp nearby. Tayo lang ang pwedeng mag-asikaso. Halika na." Nagtayuan na ang mga taong hindi ko alam ang mga pangalan. Palabas na sana si Hannah nang lumingon siya sa akin. "Sumama ka. First official duty mo 'to. Sumunod ka." Wow! I can feel excitement and nervousness at the same time. My first official duty as PO1 Wesley Gutierrez. Patakbo akong humabol sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD